“Sami! Let’s take a picture together.” excited na sabi ni Arissa nang tumakbo siya papunta sa akin pagtapos niyang magpa-picture kasama ang pamilya niya at si Andrew. “Ako muna,” ani Ridge nang lumapit din siya sa akin kahit hindi pa siya nakakapagpa-papicture kasama ang uncle niya. “What the? Ako ang unang best friend kaya ako muna!” singhal ni Arissa. “Ako muna, naiirita na ako sa toga ko.” Pilyong nilayo ni Ridge si Arissa sa akin kaya naman nag-umpisa na naman silang magtalo. We already graduated by they’re still like Tom and Jerry. Ngumiti ako at umiling bago awatin ang dalawa at hilahin sila para tumabi sa magkabilang gilid ko. “Andrew, kuhaan mo kami ng picture.” sabi ko at agad naman siyang lumapit sa amin. Kasabay noon ay ang pag-akbay ko sa dalawang kaibigan kahit pa hirap a

