“Hey! Sami to earth!” Sunod-sunod akong kumurap nang pumalakpak sa sa mismong mukha ko si Arissa. “Are you sure you don’t want to go home? You’re spacing out.” tanong niya bago balatan ang saging na kinuha niya sa pinggan ko. Masyadong naging okupado ang isip ko dahil sa pag-iisip ko sa mga nangyari sa nakaraan. I don’t even know why I’m having those flashbacks. And now that I think about it, ang laki na nang ipinagbago ko. “Okay na ako, nakainom naman na ako ng gamot. Sapat na rin ‘yong pagpapahinga ko sa infirmary.” sagot ko bago kuhain ang saging na inabot niya sa akin. “Thank you.” Napasandal ako sa inuupuan at hindi maiwasang isipin pa rin ang nangyari kanina sa infirmary. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit ganoon ang naging kilos ni Nigel. Ayaw nga niyang hinahali

