Samirah’s POV “Samiii! I will miss you!” Mahigpit akong niyakap ni Arissa nang mahatid na niya kami sa airport. “Siya lang? What about me?” ani Ridge na ngayon ay bitbit pati ang mga gamit ko. Sabi ko ay tutulungan ko siya pero mapilit siya, kahit na isang bag ay ayaw niya akong pagdalahin. Hindi pa naman ganoon kalaki ang tiyan ko. Ngayon pa lang ay inii-spoil na niya ako masyado. Paano na lang kapag may baby bump na ako? Baka tuluyan ko na siyang maging alipin. “Pag-iisipan ko pa.” Biro ni Arissa bago matawa at yakapin na rin si Ridge. “Take care of Sami, okay? Take care of her baby.” “I will, don’t worry. Hindi ko sila pababayaan.” Ngumiti ako nang tipid sa dalawa at hindi maiwasang sumagi sa isip ko si Nigel. I didn’t even see him before I go, and maybe that’s for the better. Baka

