“Come on, Ridge. ‘Wag ka nang magalit. You know Arissa didn’t say that to stress me out, she just want to make sure that I know what’s going on since I’m involved.” Kumbinsi ko nang makauwi na kami sa bahay. Hindi na kasi siya nagsalita habang nasa byahe kami. Ugali niya talaga ang manahimik kapag alam niyang hindi niya makokontrol ang emosyon niya. Minsan ay pinapalayo niya pa ako sa kanya pero kapag kalmado na siya ay kakausapin na niya ako. Ayaw na ayaw niyang makipag-deal sa akin kapag emosyonal siya dahil ayaw niyang may masabi siyang makakasakit sa akin, and I really appreciate that. “I know, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mainis.” aniya pagkalapag niya ng mga pinamili namin sa couch at maupo roon. Naalala ko tuloy kung paano niyang biglang i-end ang video call kanina kahit na m

