Natapos ang unang dalawang klase ng wala ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Nigel kagabi, although wala namang pinagbago sa relasyon namin. Masaya pa rin ako knowing that we did it while he’s sober, ibig sabihin ay nasa tama siyang pag-iisip nang gawin namin ‘yon. Usually kasi ay kapag lasing lang siya may nangyayari sa amin. “Girl, may hangover ka pa ba?” tanong ni Arissa habang binubuksan ko ang locker ko. Sobrang blooming at fresh niya ngayon na para bang hindi siya wasted kagabi. “Wala na. Hindi naman ako gaano nalasing dahil napawisan ako.” “Napawisan? Bakit ka mapapawisan? Wait! Don’t tell me nakipag-one-night stㅡ” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya para hindi na niya masabi ang kung ano mang kalokohang pumasok sa isip ni

