CHAPTER 6

1048 Words
Chapter 6 Emotions SINIMULAN ni Eberjey na paikutin ang bottle ng alak at kay Bunker ito unang tumutok. Mahinang napamura pa ang binata at tawang-tawa naman ang katabi nitong si Palencia. "Buti nga sa 'yo." "So, Bunker. Sad or happiness?" excited na tanong ni Eberjey at mabilis na sinagot nito ng sad. "Really? May sad story ka?" mapanghusgang tanong ni Palencia kay Bunker at ngumisi lang ito. Humugot ng buntong-hininga si Elysian dahil nakakaramdam na siya ng antok pero gusto pa niyang sumali sa laro ng mga ito. Well, kasama naman siya at hindi naman siya kill joy. Magpapaalam na lang siya kung hindi na niya mapigilan ang antok niya at may tent naman sila para makapagpahinga. "May sad story is, hindi ako naka-score kay babe," nakangusong pagkukuwento ni Bunker at nasapok ito nina Wooben at Recinos. Tumayo pa talaga si Recinos para mabatukan nito si Bunker sa ulo. Mas humaba pa ang nguso ng binata at natawa na roon si Elysian. Nag-e-enjoy siyang panoorin ang mga ito. Hindi niya akalain na may pagkasaltik at childish ang mga kaibigan ng asawa niya. Puro professional ang mga ito at seryoso sa buhay. Nga lang mga playboy ito. Wala pang babaeng nakapagpatino sa mga ito. Ngunit alam niyang darating din ang araw na 'yon. Mararanasan din naman ng mga ito kung paano ang magmahal. Natigil lang ang pagtawa niya ng mapatingin siya kay Jaydel na mataman itong nakatitig sa kanya. Tila nakaramdam siya ng hiya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya. Napayuko siya at napakurap-kurap pa siya. "Where is the sad of that, Bunker?" Primie asked Bunker at natatawa pa ito. "Sad, nalungkot ako roon kasi hindi ko nakuha ang gusto ko eh." Binato naman ni Oriphyn si Bunker ng paa ng manok at tumama ito sa matangos na ilong ng binata. Kaya halos lahat sila ay napatawa na maliban na lamang sa kanya na ngumiti na lang. Parang nahihiya na kasi siyang tumawa gayong madalas na ang pagtitig sa kanya ni Jaydel. Feeling nga niya ay crush niya ito at nahihiya siya. Naiilang din siya sa presensya nito. "p*****t!" Nagsimula ulit ang laro nila, inikot ni Bunker at tumutok ito kay Sally. Umikot naman ito kay Gotchelle, Zuresh, Oriphyn, Wooben, Primie, Ladonio, Eberjey, Recinos at kay Jaydel. Si Jaydel naman ang tatanungin ng sad or happiness. At tanging siya na lamang ang hindi pa natutukan ng bote. "Sad or happiness?" tanong ni Recinos at may pilyong ngiti pa ito. "Happiness," dagling sagot nito at inisang lagok ang bote ng alak. "Go on," Eberjey. "I lived here for almost two years and I can say," saglit na huminto ito at sinulyapan pa siya, "I'm happy for choosing to leave my miserable life in Manila. End," he added. Lumukot ang katamtamang makapal na kilay ni Elysian at nainis siya sa sinabi nito. Tila pinapahiwatig nito na may nangyaring hindi maganda sa kanila. Miserable life? Really? "Saan doon ang miserable mong buhay?" lakas loob na tanong niya kay Jaydel at tumaas ang kilay nito. Hindi siya nagpatinag sa malamig na mga mata nito. "Being married with you was a mistake," walang gatol na sagot nito at sumukip ang dibdib niya. Parang wala lang dito ang sabihin ang mga iyon. Eh, siya nga halos kapusan ng hangin dahil sa pagsikip ng dibdib niya. Walang buhay na napatawa siya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. Mistake pa ang maikasal ito sa kanya? At naging miserable pa ang buhay nito? Gayong siya ang nakaranas na miserableng buhay at halos mabaliw-baliw siya sa paghahanap dito? Hindi ba nito alam na noong nawala ito ay parang kalahati ng buhay niya ay namatay? Araw-araw at gabi-gabi niyang tinatanong sa kanyang sarili kung bakit umalis ang asawa niya? Bakit siya nito iniwan? Bakit ito naglaho na parang bula at hindi nila mahanap-hanap? Hindi ba nito alam ang daming hirap ang pinagdaanan niya para mabuhay siya na wala ito? Hindi ba nito alam ang kalagayan niya ng pinagbubuntis pa niya ang anak nila? Ang panganganak niya na hindi niya kasama ito para pawiin ang hirap at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon? O bigyan man lang siya ng lakas? Hindi ba nito alam ang lahat-lahat ng nangyari sa kanila? "Tutal ako na lang ang hindi pa natutukan ng bote ay turn ko na ngayon. Sad," walang buhay na sambit niya. Nakiramdam ang ibang kasama nila at tahimik lang din ang mga ito. Naghihintay sa ano mang sasabihin niya. "Alam niyo ba ang pakiramdam ng nag-iisa?" pagsisimula niya at hindi niya binawi ang tingin niya kay Jaydel. Malamig na malamig ang mga matang nakatitig sa kanya. "Iyong pakiramdam na halos ipasan sa iyo ang problema ng buong mundo? Ang hinanakit at hirap? Alam niyo ba ang pakiramdam ng bigla-biglang iiwanan ka ng taong mahal mo? Na mawawala na lang na parang bula. Ni hindi man lang nagpaalam? Alam niyo ba ang pakiramdam na halos buong buhay mo ay lumaban ka para sa digmaan na alam mong ikaw lang at sarili mo lang ang makakaligtas sa kapahamakan?" mahabang litanya niya at dining na dinig niya ang sunud-sunod na pagbuntong-hininga ng kasamahan nila. "Iyong kasangga mo sana sa buhay ay hindi ka sinamahan sa paghihirap mo. Iyong mag-isa mong hinarap ang mabibigat na suliranin na sana ay kasama mo siya pero hindi. Napaka-makasarili niya at ni hindi man lang inaalala ang mangyayari sa iniwanan niya. Iyon ang nararamdaman ko. Iyong wala akong kasangga para lumaban sa gitna ng buhay at kamatayan," aniya at dumausdos ang mga luha niya na kanina pang gustong bumuhos. Ramdam niya ang pagbabago ng atmosphere sa pagitan nilang lahat at matapang lang ang mga tingin kay Jaydel. Nagtatagis ang bagang nito at unti-unting nababasa niya ang dalawang emosyon sa mga mata nito. Pagsisisi at sakit. "Ano'ng gusto mong palabasin? At bakit mukhang ako pa ang may kasalanan?" tanong ni Jaydel sa kanya at kung ano man ang emosyong nababasa niya kanina ay bigla rin itong naglaho. Napatayo si Elysian, ang akala ng kasamahan niya ay susugurin niya si Jaydel. Lalo pa na nakakuyom lamang ang kamao niya. "Pagod na ako, gusto ko ng matulog," walang emosyong pagpaaalam niya at hindi niya pinasagot ang iba dahil dagli naman siyang naglakad palayo sa mga ito. Doon sa loob ng tent nila ay umiyak lang siya nang umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD