CHAPTER 5

1752 Words
Chapter 5 Campaign "MAY kasama akong bagong kaibigan." Sabay-sabay na napaangat nang tingin ang mga lalaki kay Primie. Kasama nito si Elysian at Saritah Sally Lamord, ang hotel clerk. Napaismid si Zuresh at napangisi naman ang iba. Walang emosyon na tumingin lang sa ibang direksyon si Jaydel. "Tutal naman ay kilala na ninyo sila, right boys?" "Yeah," parang balewalang sagot naman ng mga ito. Maliban na lang kay Jaydel. Pero ramdam pa rin ni Jaydel ang mga matang nakamasid sa kanya at naiilang siya. Pakiwari niya ay matutunaw siya sa paraan nang pagtitig nito at hindi na nga niya napigilang mapatingin sa may-ari ng mga matang nakatitig sa kanya. Bahagya pa siyang napakislot ng masalubong niya ang tingin ni Elysian. At hindi nga ito nag-iwas nang tingin sa kanya. Bagkus ay lumaban pa ito sa pakikipag-eye to eye contact niya rito. *** HINDI alam ni Elysian kung ilang minuto ba silang nagtititigan ni Jaydel at parehas lang silang nag-iwas nang tingin ng sitahin sila ni Primie. "Grabeng eye to eye contact na 'yan, guys. May chemistry pa at feeling ko ay maglalabas kayo ng powers," walang kaabog-abog na sambit ni Primie. "Oo nga," nakangising segunda ni Saritah Sally. Ang bagong kaibigan na nakilala niya lang kanina. Kaibigan ito ni Primie at katulad ng first impression niya kay Primie ay ganoon din naman ang naramdaman niya para kay Saritah. Nga lang ay parang medyo tahimik ito at seryoso. Hindi katulad ni Primie ay medyo playful ito. Pero magaan namang kausap. Nagulat nga siya nang bigla siyang hilahin nito papunta sa cottage nina Jaydel at wala rin naman siyang choice kundi magpatianod na lang. Isa pa, malaking bagay ito sa kanya dahil malalapitan niya ang kanyang asawa. Kahit malamig ang pakikitungo nito. Well, hindi naman siya kinakausap nito at ipinagtatabuyan lamang siya. "Ano'ng mayroon sa inyo, guys?" tila inosenteng tanong ng kaibigan ng asawa niya na si Bunker. Medyo palabiro ito at kung umakto ay parang inosente talaga kahit may alam naman ito. "Ang ganda ng atmosphere, right?" simpatikong saad naman ni Wooben. Nakatutok lang ito sa cellphone nito at may pinipindot-pindot. "Puro kayo kalokohan, boys. Babalik na si Elysian sa Manila. So, we decided a campaign bonding. Do you want to join with us, boys?" tanong ni Primie at ikinagulat niya ang pagsabi nitong babalik na siya sa Manila. Tiningnan niya ang bago niyang kaibigan at kumindat lang ang dalaga sa kanya. Para bang sinasabi nitong sakyan mo na lang ako. Kaya hinayaan na lamang niya ito sa gusto nito. "Kung babalik na siya sa Manila ay bakit hindi na lang ngayon? Bakit kailangan pa niyong mag-campaigne?" walang gatol na tanong ni Jaydel at tumulin ang t***k ng puso niya. Maya-maya lang ay may kung ano'ng kumurot sa puso niya. Ganoon na ba kaatat ang asawa niya na gusto na nitong umalis na siya sa isla? Bakit ba ang laki ng galit nito sa kanya? Gayong sa pagkaka-alala niya ay wala naman siyang nagawang kasalanan para magalit ito sa kanya. "Ganoon ka na ba kaatat para umalis na ako rito sa isla mo? Ano ba ang mayroon dito at nagtatago ka?" biglang sabi niya at hindi na napigilan ang pag-init ang ulo niya rito. "Excuse me? Hindi ako nagtatago," sagot nito at gumalaw-galaw ang panga nito, senyales na galit na galit ito sa kanya. Kaya simpatikong natawa siya. Naiinis siya sa ugali ngayon ng asawa niya. Hindi ito ang Jaydel na kilala niya. Ibang tao ito para sa kanya. "Eh, ano ba ang tawag mo sa pag-iwan ng pamilya mo? Kung hindi ka nagtatago rito ay bakit hindi ka namin mahanap-hanap sa kasulok-sulukan ng mundo?" aniya at nawala na ang emosyon ang mukha niya. Kung galit ito sa kanya ay mas malaki na ang galit niya rito. Pagod na talaga siyang intindihin ito. "Ano 'yon? Nagbakasyon ka lang dito ng dalawang taon at uuwi ka lang sa amin kung kailan ay nagkakawatak-watak na ang pamilya natin?" mariin ang bawat katagang lumalabas sa bibig ni Elysian at kumukulo na talaga ang dugo niya rito. Napatayo si Jaydel at tinapunan siya nito nang masamang tingin at matapang na sinalubong naman niya ito. Hindi siya takot dito. Dahil mas nangingibabaw na ang pagkainis niya sa ugali nito. "You're such a childish. Ano'ng akala mo sa kasal natin ay isang laruan lang? Na puwede kang umalis ng hindi nagpapa-alam sa akin?!" There, napataas na ang boses niya at wala na siyang pakialam sa mga kaibigan nitong tahimik lang na nanonood sa kanila. Humakbang palapit sa kanya si Jaydel pero bago pa ito makalapit sa kanya ay nahila na ito nina Ladonio at Oriphyn. "Masyado kayong hot," ani Oriphyn. "Game kami sa bonding niyo, girls. Primie, ano'ng oras?" Ladonio asked Primie. "Mamayang 5 pm ng hapon tayo. Ako na ang bahalang maghanda para sa kakailangan natin." "Let me help you," pagboboluntaryo ni Recinos at tumayo ito. Napasinghap naman ang iba at lalong nagulat si Primie. Parang may something kasi sa dalawang ito at hindi iyon matukoy-tukoy ni Elysian. At nawala na rin ang tense sa pagitan nila ni Jaydel. Nabawasan naman ang pag-iinit ng ulo niya at tinapunan pa niya nang tingin si Jaydel na ngayon ay inakay na ng mga kaibigan itong umalis. "Come on, El. Sumama ka na lang sa akin." Hinila na siya ni Sally at napabuntong-hininga na lamang siya. *** KUMAGAT na ang dilim sa kalangitan. Tahimik at payapa ang lugar. Nasa kagubatan sila ng Black Island. Hindi ito kalayuan sa hotel at may tatlongput minutong paglalakad ay makakarating na sila pabalik sa hotel. Walang ilaw pero nagsindi sila ng apoy at ginawang bonfire. Nakaupo sila ng pabilog. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan nila at kasalukuyan na silang nagkukuwentuhan habang umiinum ng iba't-ibang alak at may barbeque pa. Magkatabing nakaupo sina Elysian na pinapagitnaan siya nina Primie at Sally. Tatlo lang sana silang babae pero nadagdagan pa ito ng tatlo. Magkatabing nakaupo si Jaydel at ang kasama nitong babae. Ang dalawang babae naman ay girlfriend iyon nina Bunker At Zuresh. Hindi niya mapigilan ang pasadahan nang tingin ang babaeng kaakbay ng kanyang asawa at kanina pa ito naglalampungan. Ngali-ngali niyang hilahin ang mahaba nitong buhok at itulak ito palayo kay Jaydel. Pero pinigilan niya ang sarili niya at ang alak na lang ang pinagdiskitahan niya. Panay ang inom niya sa alak at kahit nakailang beses na siyang umiinum no'n ay hindi man lang siya nalalasing. Mataas ang tolerance niya sa alak at hindi na talaga siya tinatablan ng alak. Ni hindi man lang siya nahihilo basta mainit lang na tila nag-aapoy ang katawan niya. Magsasalin pa sana siya ng alak sa baso pero may kamay na kumuha no'n sa kanya at ito na ang umubos ng laman ng alak. "El, alcoholic ka rin?" tanong ni Sally sa kanya at tiningnan niya ang dalaga. Namumula na ang pisngi nito at mukhang marami na rin ang nainum nito. "Mga babae talaga, ang lakas niyong uminum ng alak," komento ni Recinos na matamang nakatingin kay Primie. Napaismid si Primie sa sinabi nito at inalok naman nito ang baso kay Bunker. "Isa pa nga, Bunker." "Sure beautiful," nakangising sabi ni Bunker at ang hudyo ay sinalinan nito ng alak ang baso ni Primie. "That's enough!" ani Recinos at inagaw nito ang baso ni Primie at nilapag sa damuhan pero kinuha naman iyon ni Ladonio. "Pasimple ka pa, Recinos. Halatang may care ka naman kay manager Primie," Ladonio said and he grinned. "Yeah right," labas sa ilong na saad ni Recinos. Napakislot si Elysian ng may sumipa sa paa niya at ng mapagsino ang pangahas na sumipa sa kanya ay napairap siya rito. Ang babae lang naman ng asawa niya. "Gotchelle Ramirez ang pangalan ko. Kaibigan ko ang mga lalaking kasama natin," nakangiting sabi nito at bakit ba siya kinakausap nito? "Kaibigan lang ba?" nakataas na kilay na tanong niya rito at napatawa ito sa reaksyon niya. "Yeah," dagling sagot nito saka sumimsim ng alak sa baso nito. "What about you, Bunker? Bagong girlfriend mo ba 'yan?" udyok na tanong naman ni Primier kay Bunker. "Hell no! Hindi ko siya boyfriend ah!" defensive na sigaw ng babaeng katabi ni Bunker at tinanggal pa nito ang brasong naka-akbay sa dalaga. "Cool!" sabay-sabay na sigaw ng mga kasama nila. "Sobra ka naman sa akin, babe eh. Masyado kang defensive tapos parang nandidiri ka pa sa akin," ani Bunker na tila nalulungkot pa. Siniko nito ng katabing babae. "Hindi naman talaga, kanina lang tayong nagkakilalang p*****t ka," nakataas na kilay na sambit nito. "Nice, may bagong pangalan ka na, Bunker," nakangising komento ni Ladonio at tinaas lang nito ang middle finger nito. "Ano ba ang ginawa sa 'yo ng kaibigan namin, miss?" tanong ni Wooben at nasa pang-ibabang labi nito ang mga daliri. "Kinunan niya ako ng litrato ng naka-underwear lang!" sagot nito at may bahid na pagkainis pa. "Oy! Hindi porket nakunan kita ng litratong naka-ganoon ay p*****t na ako! Babe, professional photographer ako at na-aappreciate ko lang ang magandang view. At sa mga oras na iyon ay ikaw ang pinakamagandang view na nakita ko," nakangiting depensang saad ni Bunker. Pero may pilyo sa mga labi nito. "Whatever," sabi na lang ito at inirapan pa ang binata. Natatawa si Elysian sa kakulitan ng dalawa at parang may love story ang magaganap sa mga ito. "Palencia, right?" Sally asked the girl. "Yeah." "Ano'ng ginagawa mo sa kagubatan ng isla?" "Exploring," maiksing sagot nito. "At that time, nag-self bonding naman si Bunker," segunda ni Ladonio. "Yeah," sabay na sagot ng dalawa at natigilan pa ang mga ito. "Nice." "Let's have a game!" Napatingin naman sila sa katabi ni Zuresh. Si Eberjey Lucas. Kaibigan din nila ito. "What's game?" bored na tanong ni Jaydel. Parang ngayon lang ito na nagsalita. "Spin the bottle," nakangiting sagot nito. "That's common," magkasabay na komento nina Oriphyn at Recinos. "Yeah," pagsesegunda naman nina Sally at Zuresh. "No! Maganda ito promise!" sabi ni Eberjey at tinaas pa nito ang kanang kamay na tila nangangako sa kanila. "Luma na ang larong 'yan, ano'ng maganda roon?" masungit na tanong ni Primie at umirap lang ito na ginantihan naman ni Primie. "I agree the game," Gotchelle commented. "Hindi ito truth or dare. It's sad or happiness. I-spin lang ang bottle at pipili ka lang ng sad or truth. Magkukuwento ka tungkol sa buhay mo, either sad or happiness. At kung hindi ka magkukuwento ay may punishment. Dare naman iyon," pagpapaliwanag ni Eberjey at napapalakpak si Sally. "Bet ko na 'yan!" masayang bulalas nito. "Mukhang exciting," komento ni Bunker. "So, let's start!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD