CHAPTER 4

1507 Words
Chapter 4 Avoiding "AYAW mo ba siyang papasukin, sir?" Naibaling niya ang tingin niya sa empleyado nilang si Yannyvie. Umiling siya at marahas na sinabunutan niya ang kanyang buhok. He's frustrated, naiinis siya sa sarili niya. Dahil imbis na makaramdam siya ng sama ng loob sa asawa niya ay bakit iba ang nararamdaman niya ngayon? Bakit nang mga oras na nakita niya ito ay tila may nag-uudyok sa kanya na yakapin ito ng sobrang higpit at halikan ito ng paulit-ulit? Ah, hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya. Namimis niya ito kaya nagkakaganoon na lamang siya. Pero dapat niyang pigilan ang sarili niya na huwag maging marupok sa asawa-- or rather, ex-wife? Ngunit bakit gusto nitong makausap siya at nagmamakaawa ito sa kanya? Mas lalo lang siyang naguguluhan at sumasakit lamang ang kanyang ulo. Maya-maya lang ay hindi na niya naririnig ang boses nito at hindi na nangulit na pagbuksan niya ito ng pintuan at baka nga gawin niya iyon. "Umalis na po yata, sir. Lalabas na po ako," magalang na sambit ng chambermaid at tinanguan niya lamang ito. *** NASA Black Restaurant si Elysian at sa hindi kalayuang mesa ay nakikita niyang nandoon ang kanyang asawa. Naikuyom pa niya ang kanyang kamay dahil kasama nito ang mga kaibigan nito. Isa-isa niyang nilapitan ang mga ito pero ni hindi man lang siyang hinarap at mas pinagtabuyan pa siya. Nasa bandang kanan siyang pumuwesto para makakain ng agahan niya at nasa kaliwang banda naman ito ng restaurant. Ngunit hindi naman niya ginagalaw ang agahan niya. Nakatutok lang siya sa kanyang asawa at gusto na niya talagang lapitan ito. Kanina nga ay hindi pa sana siya aalis pero kinausap siya ng isang chambermaid kanina. Tumahimik lang siya sa labas. At nagulat pa nga ito nang makita siyang nandoon pa. Bigyan niya raw muna ito ng sapat na oras para lumamig ang init ng ulo nito. Putang inang oras na 'yan! Two years na ang sapat na oras at kating-kati na ang dila ko na tanungin siya kung bakit bigla siyang naglaho! At sa mga nakikita niya kay Jaydel ay parang maayos lang ito. Parang walang pamilyang iniwanan at base na rin sa mga nakikita niya ay nagagawa pa nitong magsaya kasama ang mga kaibigan nito na walang ibang ginawa kundi ang mangolekta ng mga babae. At ramdam niya ang galit nito. May nagawa kaya siyang mali at dahilan na nagalit ito sa kanya? Pero wala siyang ideya. "Miss, you don't want the food? May hindi ka ba nagustuhan sa luto ng mga chef namin?" Napakislot siya ng may babaeng lumapit sa kanya at naibaling niya ang tingin niya rito. Isang babaeng nakangiti at maganda. Unang tingin pa lang niya rito ay alam niyang mabait ito at magiliw kausap. Nakasuot lang ito ng light brown long sleeve and white slack and pair of white shoes na walang takong. Naka-pony tail ang mahaba nitong buhok at simpleng make-up sa mukha. Kung tutuusin ay hindi na sana ito nag-effort pa sa paglalagay ng kolorete dahil natural na may beauty ito. "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Breakfast time sana ngayon," she added at tipid na nginitian niya lamang ito. "Uh, sorry." Napayuko siya at wala na talaga siyang ganang kumain ng agahan niya. Madalas na kape na lamang sa umaga ang iniinum niya. Minsan pa'y nalilipasan din siya ng oras sa pagkain at in the end ay nakakatulog na lang siya at walang laman ang sikmura. Kaya alam niyang pumayat nga siya. "I am Primie Chaney Valenciano, manager ako rito sa BR. Tawagin mo na lang akong Primie," nakangiting pagpapakilala nito and she can't help herself to smile at her. "Elysian D. Carter," sambit naman niya sa pangalan niya at nilahad dito ang kanang kamay niya. Dagli rin namang dinaop nito ang pakikipagkamay niya. "Are you related with the Carter?" tanong nito at tinuro ang nasa kabilang table kung saan nakapuwesto ang asawa niya. "Jaydel?" Primie asked her. "He's my husband," sagot niya at napasinghap pa ang dalaga. "You've got to kidding me!" manghang saad nito at bigla itong napaupo sa isang upuang kaharap niya. "I'm not," simpleng sabi niya. "Hindi ka naman siguro kasali sa mga obsessed na babaeng pinaglalaruan ng mga iyon, 'di ba? Hindi ko pa naman nakikitaang naglalaro 'yang boss namin sa babae at workaholic siya." Tila nabuhayan ang dugo niya nang marinig niya iyon mula sa manager ng restaurant. At least hindi siya niloko ng asawa niya. At least hindi ito naghanap ng ibang babae. "Why?" takang tanong naman niya dahil sa sinabi nito. "Na you are into his?" "I am. I came here to talk to him sana. Alam mo ba ang feelings na isang buwan lang kayong mag-asawa at bigla-biglang maglalaho ang asawa mo?" seryosong sabi niya at kumunot ang noo nito. "Para kang sinasakal sa leeg." *** "HINDI mo ba haharapin ang asawa mo, dude?" tanong ni Zuresh kay Jaydel. Nasa cottage sila at kumakain ng snack. Katatapos lang nilang naligo sa dagat. Nagpapahinga lang silang magkakaibigan. Nasa kabilang cottage si Elysian at paminsan-minsan ay nahuhuli niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pero siya na ang unang nagbabawi nang tingin. Tatlong araw na niyang iniiwasan ito at wala na siyang balak na kausapin pa ito. Dahil nasasaktan lamang siya kung nakikita ito. "Ex-wife," mariing sambit niya at napatawa pa ito. "Sigurado ka talagang hiwalay na kayo ng asawa mo, Jaydel?" nakangising sabi naman ni Oriphyn. "I signed the divorce paper at siguro naman ay nagawan na iyon ng paraan ni Cleneghan," sagot niya at sumimsim ng cocktail sa baso. "Dude, look. One month pa lang ang kasal ninyo noon at hindi iyon ma-aapprove kaagad ng judge," komento naman ni Bunker. "Walang mahirap kay Cleneghan. Kilala ninyo naman ang kaibigan natin," labas sa ilong na sabi niya rito. "At paano ka nakakasiguro? Malay mo ay hindi naman pumirma ang asawa mo?" makahulugang saad ni Wooben at sinang-ayunan pa ito ng iba. "Two years ago, pumunta sa opisina ko ang asawa mo at hinahanap ka," ani Ladonio. "Same as mine," Recinos added. "Walang duda at lahat ng kaibigan mo ay pinuntahan niya, Jaydel." He frowned. Ano ang ibig sahihin ng mga ito na pinuntahan sila ni Elysian para hanapin siya? 'Di ba dapat ay maging masaya na ito dahil pinalaya na niya ang asawa niya? "At walang dudang hindi siya tumigil sa paghahanap sa iyo. Dahil nandiyan na siya." "Hindi mo ba napansin ang malaking pagbabago niya, Jaydel?" Bunker asked him. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil ang mga mata nito ay nasa ibang cottage. At na-curious naman siya at tiningnan ang tinitigan nito. Mas lumalim lang ang gatla sa noo niya. May kung anong kutsilyo ang sumaksak sa puso niya nang makitang may lalaking kausap ang asawa niya. Gumalaw ang panga niya at pakiwari niya ay nag-aalab ng apoy ang dugo niya. "Nice." "Ikaw rin, dude. Baka maunahan ka na." Tumayo siya at naglakad palabas ng cottage. Ang akala ng mga kaibigan niya ay pupuntahan niya ang asawa niya dahil napahiyaw pa ang mga ito. Pero hindi, ibang direksyon ang tinatahak niya at iyon ay papasok sa loob ng hotel. Wala siyang pakialam kung may kausap itong ibang lalaki. Wala siyang pakialam kung naunahan na siya. Pero bakit nagseselos siya? Bakit nararamdaman niya iyon? "s**t," mahinang mura niya at mariin na pinindot ang button ng elevator saka siya pumasok. Bago pa sumara ang elevator ay may kamay na pumigil dito. At ng tingnan niya ang may-ari ng kamay na iyon ay bumilis na naman ang puso niya. "Please honey, stop avoiding me. Kausapin mo na ako," malungkot na sabi nito at ngayon lang niya natitigan nang husto ang hitsura nito. Tama ang mga kaibigan niya na malaki na ang pinagbago nito. Malaki ang pangangayat nito at marahil ay nabawasan ang timbang nito. May itim sa gilid ng mga mata nito. Parang madalas itong nagpupuyat at wala ng buhay ang aura nito. "Wala tayong pag-uusapan," mariing sabi niya. "Meron! Mag-usap naman tayo please. M-Marami akong katanungan at kailangan kong sagutin mo iyon lahat, Jaydel. Bakit bigla kang nawala?" Bago pa madala si Jaydel sa drama nito ay marahas na tinulak niya ito palabas ng elevator at wala na itong nagawa nang tuluyan ng sumara ang elevator. Pero nasaksihan pa niya ang mga luhang nahulog mula sa mga mata nito. *** "HANGGANG kailan kang ganito, Elysian? Hanggang kailan kang maghahabol sa asawa mo? Hanggang kailan?" paulit-ulit na tanong niya sa kanyang sarili at napasandal siya sa nakasarang elevator. Tatlong araw na, tatlong araw na siyang nanatili sa islang ito para makausap ang asawa niya. At tatlong araw na siyang iniiwasan nito at ni hindi niya malaman na kung bakit malaki ang galit nito sa kanya? Pero hindi siya susuko at pipilitin pa rin niya itong kausapin. Nandito na siya at nahanap na niya ang asawa niya at ngayon pa ba siya susuko? Ngayon pa ba na abot kamay na niya ito? Hindi kita susukuan, Jaydel. Dalawang taon din kitang hinanap at hindi ko iyon basta-bastang itatapon dahil lang sa galit ka sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD