Chapter 3
Found you
TANAW ni Elysian ang magandang mala-asul na karagatan. Ang maulap at asul na langit at ang malamig na simoy ng hangin.
Naririnig pa niya ang malalakas na paghampas ng dagat at masarap iyon sa kanyang pandinig.
Papunta na siya sa Black Island, kung saan nananatili ang asawa niya roon. Ginalugad na niya ang ka-Maynilaan at pati ang mga ibang bansa na maaaring puntahan nito, ngunit hindi nila nakita maski ang anino ni Jaydel ay hindi maapuhap. Ganoon katalino magtago ang kanyang asawa.
Talagang pinagtataguan siya nito at akalain mo nga naman. Dito lang pala sa islang itong nagtatago ang asawa niya. Nasa Pilipinas pa naman sila at baka nga ito na ang pinakamalayong islang napuntahan niya sa buong buhay niya. Talaga namang mahirap hanapin ito. Tila isang sekretong isla na wala sa mapa.
Nagpapasalamat siya kay Cleneghan pero may galit din siya dahil pinahirapan pa siya nito. Kung sana ay sinabi nito ang eksaktong lugar dati ay baka hindi umabot ng dalawang taon ang paghahanap at paghihintay niya kay Jaydel. Pero sadyang pinaglalaruan lang siya nito.
Ilang minuto lang ang nakalipas at dumaop na ang yateng sinakyan niya. Alas kuwatro na ng hapon at talagang sumugod siya kaagad. Kahit na nasa hospital pa ang anak nila ni Jaydel. Pero nakausap naman niya ang anak niya at sinabi niyang pupuntahan niya ang Daddy nito.
Sa una ay gusto nitong sumama para makita na raw nito ang daddy nito pero hindi siya sumang-ayon. Dahil kailangan pa itong obserbahan ng mga doktor pero hindi siya nangako na uuwi siya kasama si Jaydel. Malay ba niya na hindi sasama si Jaydel sa pag-uwi niya. Ah, bahala na.
Pagkababa pa lang niya mula sa yateng pagmamay-ari niya ay kaagad din niyang tinungo ang information desk para makapag-check in siya sa hotel. Dahil feel niya naubos ang enerhiya niya dahil sa pagod ay planong ipagbukas na lamang niya ang paghahanap sa runaway husband niya.
At ng makaupa na ng kuwarto ay mabilis din siyang ginupo ng antok. Bukas na niya kakausapin ang asawa niya at sa malamang magkikita na ulit sila ay pumintig nang mabilis ang puso niya.
Kinaumagahan ay nagising si Elysian sa hindi pamilyar na silid. Napatingala siya sa puting kisame at inilibot ang paningin niya.
Black, white and light cream ang kulay ng wall ang makikita niya sa loob. Medyo may kalakihan, malinis at mapayapang tingnan.
Kumunot ang noo niya at pilit na inalala kung nasaan ba siya at dagli rin naman niyang naalala.
"Ah, nasa isang isla pala ako. Kung saan ang lungga ng runaway husband, ko," wala sa sariling sabi niya at bumangon na siya sa pagkakahiga niya.
Malambot ang kama at malaki ito, may bintana pa na salamin at nakataklop ito ng puting kurtina na may mga bulaklak.
Nasa left side ito at sa bandang kanan naman ng kuwarto ay may closet. Nasa left side ang bathroom kung hindi siya nagkakamali.
Nakasuot pa siya ng business suit at talagang napagod siya kahapon kaya maski ang dinner niya sana ay nakalimutan na niya.
Bumaba siya mula sa kama at dahan-dahang naglakad patungo sa bintana at nilihis ang puting kurtina. Saka niya binuksan ang bintana.
Napapikit siya nang sumalubong sa kanya ang sinag ng araw at kagigising pa niya kaya nasilawan pa siya. Tila sumasayaw ang buhok niya buhat ng malamig na simoy ng hangin.
Napangiti siya at nagmulat ng mga mata. Parang ngayon lang siya nakaramdam ng kaginhawaan sa umaga at sa loob ng dalawang taon ay ngayon din gumanda ang gising niya.
Ang sarap naman talaga sa pakiramdam ang magising sa umaga na ganito ang bubungad sa iyo at mas dumoble rin ng tuluyan niyang masilayan ang magandang karagatan.
"Ah, kaya pala hindi na siya umuuwi dahil sa gandang tanawin na 'to," sambit niya at sa mga sinabi niya ay pakiwari niya ay may tinik ng isda ang naiwan sa lalamunan niya. Sumikip ang dibdib niya.
She stepped back and she took a deep breath. Saka siya nagpasyang pumasok sa banyo at naligo na.
She decided to wear a yellow summer dress and a pair of yellow sandal. Hinayaan niya lang nakalugay ang ga-baywang niyang buhok at hindi inabala ang sarili na maglagay pa ng mga kolorete sa mukha.
Natural na pinkiss ang mga labi niya at mamula-mula rin ang pisngi niya. Hindi na niya kailangang mag-effort na magpa-ganda pa, dahil natural beauty naman siya. Hindi sa pagmamayabang iyon.
Hindi man malalantik ang pilik mata niya pero mahaba naman ito at kulay tsokolate ang mga mata niya. Ang matangos na ilong niya at makinis na pisngi.
Pansin niya na malaki pala ang hotel sa isla at maganda ang structure nito. May elevator pa at kung hindi siya nagkakamali ay sampung palapag ang hotel.
Hindi pa siya pamilyar sa lugar na ito. Sumakay siya ng elevator at nasa 3rd floor siya at tama nga ang hinala niya. 10th floor ito at iyon ang rooftop.
Sa nabasa niyang impormasyon tungkol sa asawa niya ay nasa 9th floor ito. At iyon nga ang pinindot niya.
Hindi pa man siya nakakarating sa 9th floor ay nagkakarerahan na ang kabayong nasa loob ng dibdib niya at kinakabahan na rin siya.
"Relax, self. Relax. Walang mawawala sa iyo at kakausapin mo lang naman siya and for God's sake Elysian, asawa mo 'yon!" pangangaral niya sa sarili niya and she heard the ping of elevator at mas dumoble pa yata ang kaba niya.
Pero buo na ang desisyon niya. Kakausapin niya ang asawa niya. It's now or never.
Sa pagkakaalam din niya ay mga penthouses ang nandirito sa 9th floor pero alam naman niya ang eksaktong kuwarto ni Jaydel.
May pangalan daw ito at nasa dulo.
"Jay Carter," basa niya sa placard na nasa pintuan at humugot na muna siya nang malalim na hininga bago niya diniinan ang button ng doorbell nito.
Pero bago pa niya maipindot ang doorbell ay bumukas na iyon at mukha ng magandang babae ang nabungaran niya.
Pinasadahan niya ito nang tingin at natitiyak niyang isang chambermaid ito ng hotel. Simple lang ang dalaga pero maganda at mukhang kagalang-galang naman at mabait.
"Hi," bati niya sa dalaga at matamis na nginitian niya ito na siyang busilak na gumanti naman ito.
"Hello po, how may I help you ma'am?" magalang na tanong nito at hindi pa rin ito lumalabas sa kuwarto.
"Nandiyan ba si Jaydel?" tanong niya rito at bahagyang sinilip ang nakabukas na pintuan.
"Opo, ma'am. Sino po sila?" tanong nito pabalik at sasagot na sana siya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki. Ang boses na matagal na niyang gustong marinig at ang boses na iyon ay mas nagpa-miss sa kanya.
"Sinong kausap mo, Yan?" he asked and her heart skips a beat.
Sumilip din ito sa pintuan at natigilan nang makita siya. Tila nasurpresa ito. Nakangiti lang ito kanina ngunit dagli ring naglaho at napalitan ng seryosong mukha.
Hayon na naman ang pakiramdam, ang pakiramdam na para bang hahatulan siya ng kamatayan dahil nahihirapan siyang huminga at unti-unti niyang nararamdaman ang mga karayom na tumutusok sa puso niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" walang emosyon, malamig at mariin ang bawat na salitang binibigkas nito.
Nagulat siya, nagulat siya sa malamig na pakikitungo nito at parang hindi na niya nakilala ang asawa niya.
Hindi kaagad siya nakasagot dahil nilabanan niya ang malalamig at nakakatusok na mga titig nito. Pinilit niya ang sarili niya at tinago ang totoong emosyon na naramdaman niya nang makita na niya ang guwapong mukha ng kanyang asawa.
Nakipagbuno siya sa puso niya na huwag itong dambahin nang yakap at halikan ng mariin sa labi. Oo, sabik na sabik na siya at kung hindi niya nilabanan ang sarili niya ay baka maiyak na siya sa labis-labis na kagalakan na sa wakas ay nakita na niya ito matapos ang dalawang taong pagkawala nito.
"Let's talk," malamig ding sabi niya at hindi siya kumurap.
"Wala tayong pag-uusapan," anito at hinila papasok ang dalaga.
Malakas na sinara nito ang pintuan sa mukha niya at napapikit pa siya.
"Jaydel, open the door." Kinatok niya ang pintuan nito pero hindi naman siya pinansin.
"Jaydel, mag-usap tayo please. I want to talk to you. Jaydel!" Hindi na niya napigilan ang mga luha niya at naglandas na lamang ito sa kanyang pisngi.
***
"OPEN the door, please. Let's talk, honey..."
Mariin na pinikit ni Jaydel ang mga mata niya at kinagat niya ang pang-ibabang labi niya.
Bumibilis ang t***k ng puso niya at kinontrol ang sarili na huwag bumitaw. Huwag siyang bumitaw sa lubid na ginawa niya at huwag siyang mahuhulog.
"Honey, buksan mo 'to. Kausapin mo ako. K-kausapin mo ako, Jaydel."
"Damn," mahinang mura niya.
Nagulat siya nang makita ito at hindi niya pinaghandaan iyon dahil naisip niyang imposible ng mag-cross pa ang mga landas nila.
Talagang nagulat siya at nalilito dahil paano nito nalaman ang islang ito. Bakit siya nito nahanap? At ang tanong, bakit nandito ito? Bakit gusto siyang kausapin? Bakit inaabala siya nito?
Ah, maraming katanungan ngunit wala na siyang pakialam na malaman ang kasagutan na iyon.
"I missed you, honey..."
Hindi nito alam kung anong klaseng lubid ang tinali niya sa kanyang sarili para hindi ito sunggaban ng halik at yakap.
Malaking pagpipigil ang ginawa niya at bakit ngayon? Bakit nararamdaman pa niya ang pitak nito sa puso niya? Na nandoon pa rin ito at nararamdaman pa niya ang pagmamahal niya kay Elysian?
Bakit sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay mahal pa rin niya ito? At inaamin niyang miss na miss na rin niya ito.