chapter 9 job hunting

2139 Words
Montessa's POV Sobrang saya ng celebration namin dahil narin sa kaming tatlong magkakapatid ay honor student at sobrang tuwang tuwa ako lalo na sila ni tatay dahil Valedictorian ulit ako at dahil sa nanalo ako sa singing contest kaya ang dami naming handa. imbitado ang mga kaibigan ko syempre pati mga kaibigan ng mga kapatid ko at kapitbahay namin. dahil graduate na ako kailangan ko ng maghanap ng sideline para sa sunod na pasukan may mapagkukunan ako. hindi na biro mag aral ng college kailangan na talaga kasi hindi pwedeng aasa lang ako sa kanila ni tatay dahil kasya lang pambayad sa mga bayarin sa bahay lalo na at may mga kapatid din akong nag aaral sa high school. nakakahiya na rin kasi kay tita at sagot na nga nya ang tuition fee namin kaya ayokong iasa ang pang araw araw na gastusin. Darating din ang panahon tay, nay matutulungan ko kayo, pangako yan, sa ngayon side line side line lang muna pero pangako tutulong ako at iaahon ko kayo sa kahirapan. bibigyan ko kayo ng magandang bahay at hanapbuhay. kailangan makausap ko si Carla at gagawa na rin ako ng resume baka may alam syang mapapasukan habang bakasyon pa.' i text ko kaya sya para hindi na ako pupunta sa kanila?' [beshy, gud pm, muzta kana? busy kaba ngaun?] ilang minuto lang ay nagreply na ito [ok lng beshy. hindi naman ako busy, bakit?] ano kayang ginagawa nito? [itatanong ko lang sana kung may alam kang mapapasukan habang wala pa tayong pasok] sana meron please [cge magtanong2 ako bukas, tatanungin ko rin c clent] [tnx beshy, gudnyt] [welcome gudnyt.mwuah] pagkabasa ko ng reply ni carla ay ibinaba ko na ang phone sa side table. maliligo muna ako bago matulog. hinubad ko ang mga saplot ko at nagtungo sa banyo. maalinsangan ngayon dahil tag init kaya masarap magbababad sa banyo. pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. nagsuot lang ko ng short at spaghetti strap sando. habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang twalya ay umupo ako malapit sa bintana at nagpapahangin habang nagsusuklay ay nakatanaw sa bituin sa langit. ang sarap mag star gazing lalo na siguro kong kasama mo ang love of your life sa ilalim ng bwan. haist ano b itong naisip ko?. naisip ko bigla kong sakaling mapera lang kami malamang hindi kakapusin sa budget at hindi laging namomroblema sila nanay sa gastusin. pero masaya ako sapagkat kapos man kami sa salapi, mayaman naman sa pagmamahal. kumusta na kaya ang totoo kong ama? buhay pa kaya sya? may pamilya na kaya sya? mayaman din kaya sya o mahirap lang katulad ko? habang nakatingin ako sa mga bituin hinanap ko ang pinakamakinang at pinakamaganda. ang ganda nyang tingnan, iyang bituin na yan ay ako. umulan man o umaraw mananatili pa rin syang makinang at kakaiba sa lahat. alam ko pagsubok lang ang lahat ng ito. ni minsan hindi nagkulang si tatay sa pagmamahal. tunuturing nya akong totoong anak at special. ang totoo ko kayang ama naiisip rin kaya nya ako? ang sabi ni nanay noon, buntis sya ng 1 month noong naghiwalay sila. pumunta ang ama ko dito sa pilipinas at hinanap nya daw si nanay kaya lang ay hindi nagpakita si nanay. magaling magtago si nanay at nagpalit ng pangalan dahil s sama ng loob at nalaman nyang may iba ng babae. nakakalungkot naman. sana kahit one time lang ay makilala ko sya. sana pagka nagka asawa ako mamahalin ako ng tapat at hindi na maghahanap pa ng iba tulad ng ginawa ng totoong ama ko. medyo tuyo na ang buhok ko sa kasusuklay ko kaya nagpasya na akong pumunta sa kama at humiga. tiningnan ko muna ang phone ko baka may nagtext. meron nga at si clent ang nagtext. magrereply na sana ako ng biglng tumawag ito kaya sinagot ko na. "hello" sabi ko "hello my love, good evening" "good evening, napatawag ka clent?" "miss lang kita" napangiti ako sa sinabi nya. namiss ko rin ang kakulitan nito. "miss u too" "kinikilig na ako my love" at tumawa ito kaya tumawa din ako sa kakornehan nito. "tumawag pala ako, nagtext kasi si carla kailangan mo daw ng mapapasukan. ayaw mo ba sa kompanya namin?" "hindi pwede clent kakahiya naman part time lang kasi gusto ko, kasi dba may pasok na tayo after bakasyon, yong iba nalang baka meron pa" "ah sige itatanong ko sa pinsan ko kong may bakante pa doon sa restobar nya. pinsan ko ang may ari" "sige clent, salamat ah, sana meron" "walang anuman my love basta para sa my love ko gagawin ko lahat" at tumawa ito ng mahina "hmmp kakahiya naman sayo naabala pa tuloy kita" "ano ka ba? dba sabi ko basta para sayo?" "oo na at salamat ulit ah," "no probs, kumain ka na ba? tanong nito "yup, tapos na, ikaw?" "tapos na rin nagpapahangin lang ako dito sa labas, namiss kasi kita" he chuckled again pero halata abg lungkot nito pagkasabi nya "magkikita pa naman tayo, ano ka ba?, anong gagawin mo nitong bakasyon?" magbabakasyon kami sa palawan for 1 week tapos pagkauwi namin baka isasama ako ni Dad sa kompanya namin para i train sa pamamalakad lam mo na panganay eh hehe" "good to hear that clent, at least secure na ang future mo kays dapat galingan mo ah" "sana doon ka nalang para magkasama tayo lagi" hayy naku clent konti nalang talaga pipiktusan na kita sa pagiging sweet mo. ayokong masanay no. "hindi pwede no, ok na ako sa restobar". ayoko talaga kasing abusuhin ang kabaitan ng pamilya nila ni clent dahil alam kong mababait ang parents nya, ayokong magkaroon ng utang na loob. mas gusto ko pinaghirapan ko ang kinikita ko kaysa papasok ako sa kompanya nila dahil sa kakilala ko lang si clent tapos hindi pa fulltime ang trabaho ko syempre at nakahiya yon pagmay pasok na ako matitigil din ako sa trabaho ko. " bibisitahin nalang kita sa magiging work mo, hindi na kasi tayo madalas magkikita nyan magkaiba na tayo ng course." sumamo nito sabay tawa. "bahala ka, at tsaka magkikita naman tayo kahit papano sa School kahit magkaiba tayo ng Course" katwiran ko naman dito "pero hindi na katulad ng dati" saad din niya kung hindi lang kita bestfriend matagal na talaga kitang dinedma. konti nalng Clent madadala na ako sa pagiging sweet mo. marami pa kaming pinag uusapan hangang sa dinalaw na ako ng antok kaya nagpaalm na ako para matulog. 'tomorrow is another day na naman' kinabukasan ay nagulat ako sa katok ni nanay. napatingin ako sa orasan, alas 8 ng umaga na pala. dali dali akong naghilamos at nag toothbrush at pagkatapos kong punasan ang mukha ko ng twalya ay bumaba na ako. "good morning nay" bati ko kay nanay at humalik sa pisngi nito "goodmorning anak, maupo kana pababa na rin yong mga kapatid mo" sabi ni nanay "si Papa po nay, pumasok na po ba?" tanong ko kay nanay sabay higop sa hot choco ko. maswerte talaga kami kasi mura lang ang tabliya dito sa cebu dahil mayaman sa cacao ang bisayas kaya lagi kaming may choco, kung sa maynila lang ito malamang mahal na ang isang order. "kanina pa pumasok anak, 7am ang pasok nya kay hindi kona kayo ginising" sabi ni nanay. swerte ko talaga kay nanay sobrang maasikaso. "nay mamaya po ako na ang maglalaba, bakasyon naman po" sabi ko kay nanay at ngumiti sabay humalik naman ang mga kapatid ko na kabababa lang. "sigurado kaba anak?, marami pa naman yon" halatang nagulat si nanay hindi siguro akalain ni nanay sa itsura kong ito hindi ako tutulong. napangiti nalang ako "oo naman nay no, ako pa!" pagmamayabang ko "oh sya sige, tutulungan nalang kita pagka wala na akong gagawin, kayo namang mga barako kayo tumulong din kayo walisan mo yung likod at sa harap Bryan at ikaw naman Kyle tulungan mo si Ate mo mag banlaw at magsampay ha. "eh Nay, pupunta ako court magbabasketball kami ng mga kaibigan ko, papawis ba" tanggi ni Kyle "may iba pang araw para sa laro, ang unahin mo ay tulungan mo si ate mo" "pero nay-" "wala ng pero pero baka gusto mong grounded ka sa cellphone" nakataas pang kilay na sermon ni nanay sa kapatid ko. "ako po nay pwede po ba akong pumunta sa kaklase ko kasama mga kaibigan ko pagkatapos kong magwalis? paalam ni Bryan kay nanay "pwede naman kaya lang anong gagawin nyo sa doon. masakit na sa balat ang sinag ng araw ngayon dahil summer na" tanong ni nanay na nakapameywang "doon lang po kami sa bahay nila nay dadalhin ko ang guitara ko hindi naman kami gagala kwentuhan lang" paliwanag ni Bryan " okay, basta bago magtanghali umuwi ka ha? sabi ni nanay kaya napangiti si Bryan at napa yes pa! nakasimangot naman si Kyle dahil pinayagan si Bryan "nay palit nalang kaya kami ni Bryan ako na magwalis" sabi ni kyle at umalma naman si Bryan halatang hindi ito papayag "hindi pwede kung gusto mong payagan kitang magbasketball mamaya ng hapon pagkatapos mong tulungan si ate mo para makapagpahinga kapa" naiiling na paliwanag ni nanay. nakasimangot na kumakain nalang si Kyle. hindi talga sila mananalo kay nanay. ako naman ay nanonood lang sa kanilang diskusyon. napapangiti nalang ako sa mga kapatid ko. mababait ang mga kapatid ko minsan nga lsng may pagka pilyo at tamad pero kapag tumaas na ang boses ni nanay bahag na ang mga buntot nila. pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit at inumpisahan ng maglaba. grabe, ang daming labahin pang one week yata namin ito buti nalang may washing machine kami at dryer pero dahil tag init ngayon kaya hindi kona ida dryer. "Ate alin dito ang babanlawan ko?" tanong ni Kyle "sipag naman ng bro ko, ito munang mg puti unahin mo para masalang kona sa washing tapos itong mga de color na damit tsaka mo isunod ung mga short at pajama, ihuli mo nalang yung mga pantalon. yung mga underwears itabi mo dahil kukusutin ko lang yan para hindi masira ang garter" paliwanag ko kay Kyle "okay ate, ang dami pala, bak sumakit balakang ko nito ate" reklamo nito "asus nagrereklamo kapa eh mas marami kapang mruruming damit dyan dahil panay palit mo at palgi kang nagbabasketball" asar ko naman dito "si ate talaga para kang si nanay, napahinga na nga ang tenga ko kay nanay, ikaw naman ng pumalit" reklamo ulit nito sabay iling. "alam mo kaysa magreklamo ka dyan bilis bilisan mo na para maaga tayong matapo- aww! kyle ano ba? nanay oh si kyle" inis kong sigaw. nagulat kasi ako dahil sinabuyan ako ng tubig habang nakatalikod ako s kanya. pinupuno ko kasi ng tubig ang washing machine. tuwang tuwa namn ng loko at pinagtawanan ako. buti nalang natapos namin ng mabilis, tinulungan ko nalang kasi magbanlaw si kyle. kasalukuyan akong nakahiga sa sofa dahil sa pagod ng paglalaba namin ng may tumawag sa phone ko. si Kyle naman ay nasa paanan ko at hinihilot ang paa ko habang nanonood kami ng tv sa sala. sinagot ko kaagad ang tawag ng makita ko na si Clent ang tumawag. "hello Clent" sagot ko "hi My love, may good news ako para sayo" sabi ni clent halatang excited pa ito "ano good news mo?" tanong ko naman. "may work kana" "talaga?" "yup" "anong work ko?" "singer" "singer ang trabaho ko?" sa sobrang gulat ko napataas ang boses ko na ikinagulat ni Kyle halata sa mukha nito ang nagtatanong "yes singer, umalis na kasi ang lead singer ng banda nila nag ngpeperform sa bar and restaurant ng pinsan ko dahil buntis at bawal magpuyat at mapagod. ano payag kaba?" tanong ni Clent " oo naman kaya lang anong oras ang pasok hindi kaya ako mahihirapan pagdating ng pasukan?" tanong ko naman dito "ang oras mo ay 8pm to 1am. s ngyon dahil walang pasok kaya everyday ka may pasok. dahil sa kilala na ang restaurant ni insan kaya dapat hindi nawawalan ng singer, pgdating naman ng pasukan friday to sunday naman. ano game ka? para masabi ko kay insan" saad ni Clent "sige, sige payag ako, kailangan pa ba ng resume? tanong ko dito "hindi na, alam ko namang mabait ka hehe" tssk tumawa pa ang loko "sinabi ko kasi kay insan na magaling ka na singer at hindi sya mapapahiya" "wow! thank you ah, binuild up pa talaga, pero super thank you talaga Clent." "wala yon diba sabi ko basta para sayo" "kilan ako mag uumpisa" tanong ko dito "sa friday punta ka mga 6 para makapagrehearse kapa last day din kasi yon ng papalitan mo." "okay, sige salamat ulit" "your welcome my love, sige na bye bye" at nagpaalam na ito. napangiti naman ako kay kyle ng malawak at niyakap ko ito sa tuwa kahit nagtataka ito a pinag uusapan namin sabay hinanap ko si nanay para ibalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD