chapter 10 First day

2387 Words
Nagmamadali akong magbihis pagkatapos kong maligo. pang gabi ang work ko at ngayon ang first day of training ko. kailangan 6pm ay nandon na ako mabuti nalang at susunduin ako ni Clent para ipakilala sa pinsan nya na May ari ng Resto bar. nagsuot ako ng formal floral blouse with the touch of blue na hangang siko ang mangas and a fitted pants na black at flat shoes naman na black. ayokong mag heels at baka lagi akong nakatayo doon mahihirapan pa akong kumilos at since matangkad na ako kaya hindi na kailangan ng heels. ilulugay ko nalang ang buhok ko at ipit sa kabilng side. simple lang ang ayos ko pero pakiramdam ko ang ganda kong tingnan. mas gusto ko kasi na simple lang but presentable tamang tama isusuot ko din ang wrist watch na bigay ni tita. kasalukuyan akong nagsusuklay ng may bumusina sa labas ng bahay namin. alam na nya kung sino ito. "anak nandyan na si Clent" sabi ni nanay sa labas ng pinto "okey po nay, palabas na po" isinukbet ko na ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto at nakita ko si Nanay sa sala kasama si Clent. nakatulala naman si Clent paglabas ko. "ganda naman my love ko" hangang saad nya Clent "bolero ka talaga, Nay aalis na po kami" paalam ko kay nanay at humalik "mag iingat kayo ha, goodluck anak ingat ka sa pag uwi mamaya" bilin ni nanay "opo nay" at lumabas na kami. pinagbuksan naman ako ni Clent ng pinto at pagkatapos ay umikot ito sa kabila at sumakay na rin ito. "bakit lalong gumaganda ang my love ko?" ngiting saad ni Clent "ikaw talaga, akala mo naman naka gown na ang ayos ko" saad ko. "bihira lang kasi kita nakikita nakabihis" "well, ngayon, araw araw mo na akong makikita" saad kong nakangiti at umiiling iling Pagkarating namin sa restobar ay pinakilala nya ako sa Pinsan nya na may ari at pati sa Banda na tumutogtog doon at pati na rin sa papalitan ko na singer. sobrang kinabahan ako dahil First time ko magtrabaho sa ganitong larangan. siguro sa umpisa lang ito dahil hindi pa ako sanay. paano kaya kung may magwala na lasing at bastusin ako? hindi naman siguro, mukhang safe naman tanong ko sa isip ko at lumilinga linga sa paligid. Magand ang place at nasa tabing dagat pa kami kaya medyo malamig at mahangin. pero tamang tama lang dahil summer ngayon. malaki ang pwesto ng resto bar dahil bukod sa malawak ito ay may pwesto din sa second floor paikot ito para sa mga VIP pero napapansin ko wala silang mga babae na pwedeng itable although maraming mga babae na seksi at mayaman para maggenjoy at uminom lang dito. "huwag ka mag alala my love, alam ko na yang iniisip mo. safe dito may mga bouncer dito at pinakaayaw ng pinsan ko ang magulo. kilala ang pinsan ko dahil nagtatrabaho sya sa airforce. Officer sa Philippine Air force kaya kinatatakutan sya dito. subukan lang nila itatapon sila ng pinsan ko sa labas" saad nito at tumawa. marami silang tinuro sa akin at dahil first day ko kaya nag oobserve pa ako. " how do i call you Ms. Santillan?" tanong ni Sir Alfred na pinsan ni Clent. "Montessa nalang po" sagot ko dito "alright, mag uumpisa ang session ng 8 hangang 1AM pero may pahinga naman every 1 hour. huwag kang mag alala my Guide ka naman sa mga kakantahin mo lalo na pag may ngrerequest ng songs." paliwanag nito "pagdating naman sa sahod galante ako lalo na kung maganda ang performance at malaki ang kita ng Bar, nag bibigay ako ng komisyon, sa ibang bar magkasama ang talent fee ng singer at ng member pero sa akin hinihiwalay ko 1500 ang bayad kung per night sa singer plus komisyon" paliwanag nito at ngumiti. napawow naman ako sa laki ng bayad nya sakin siguradong makakaipon ako nito. pero dapat bibili muna ako ng mga damit na susuutin ko pang pasok araw araw kasi konti lang pang alis ko na damit. mabait pala siya yon nga lang nakakaintimidate tingnan, nakakatakot dahil nga siguro sa klase ng trabaho nya at malaki pa ang katawan. siguro nasa 40 plus na ito. "huwag po kayong mag alala gagalingan ko po, dipo kayo magsisisi na ako ang kinuha nyo po" sagot ko at ngumiti "mabait to pinsan at magaling din kumanta" pagmamalaki naman ni Clent at umakbay sakin "no doubt naman ako dyan at tsaka npanood ko ang videos nya kaya nga siguro nagkagusto ang pinsan ko sayo eh ?" nabigla ako sa sinabi Ni sir alfred na ikinapula ng mukha ko. tumawa naman si Clent. "ano pong Video?" tanong ko dito "vinideohan kc kita my love nung kumanta ka sa mall diba naalala mo? pati nong sumali ka sa singing contest sa Conception" paliwanag ni Clent "oh Okay, kakahiya naman bakit ginawa mo yon" sagot ko "bakit ka mAhihiya may maipagmamalaki ka naman" sabi ni clent "Oo nga kaya nga nanalo ka sa mga Contest, wagmo ikahiya ang talent mo, Use it as your stepping stone to reach your dream" nakangiting saad ni Sir Alfred "Salamat po" sagot ko naman at ngumiti ulit Pagkatapos naming magkwentuhan ay ipinakilala naman ako sa Manager ng Restobar at marami pang itinuro sakin. nakipagkwentuhan naman ako sa mga kabanda ko. ipinakilala ako ni Ate Valen, ang papalitan ko na Lead singer sa mga ka member. alam kong hindi ako mahihirapan pakisamahan sila dahil mababait sila lahat. "alam mo matagal na kami naghahanap ng pwedeng kumanta sa banda namin kapalit ni Val kaya lang wala kami mahanap na magaling kumanta. kaya nong sinabi ni sir na may nirecommend ang insan nya, go kaagad kami. "Sa wakas may kasama na kaming artistahin na pang modelo pa sa ganda na singer, nauumay na kasi sa isa dyan" saad ng Lead guitarist namin na si miko kaya nagtawanan ang lahat. binatukan naman ito ni Ate Valen "siraulo ka, pagkatapos nyo pakinabangan ang boses ko sasabihin mo parang nagsisi at nagsasawa kapa kumag ka" sabi ni Ate Val at pinukpok ulit ng Guitara "oy! tama na, huwag naman yang guitara ko baka mawalan ko ng hanapbuhay nyan wala pa ako pamalit" sabi ni miko at hinablot ang guitara " Ayan! ginalit mo kasi si buntis. malas mo Val kapag naging kamukha ni miko yan" sabi nito at tumawa "ay hindi ako papayag maging kamukha nya, ipaparetoke ko paglaki nito, ayaw ko maging mukhang unggoy anak ko" saad bi Val "grabe k naman Val, pogi ko kaya dimo na kilangan ipaayos ang mukha ni baby" pagtatangol ni miko sa sarili nya. ang kukulit talaga nila, masarap sila kasama. my new friends. Noong mag umpisa na sila, pinaupo nila ako sa harap para manood ng session nila mga bandang 11pm medyo inaantok na ako at hikab na ako ng hikab. hindi talaga ako sanay sa puyatan, maaga kasi ako natutulog. "inaantok ka n ba my love?" tanong ni Clent "medyo, ikaw umuwi kana. huwag mo na ako antayin" saad ko "hihintayin kita, huwag moko isipin first day mo tapos iiwanan kita? wala pa naman akong gagawin bukas sa Monday pa naman ang alis namin papuntang Palawan." sagot ni Clent "kakahiya naman sayo napuyat kapa dahil sakin" saad ko "ok lang basta para sayo at tsaka nag e enjoy naman ako dito" turan nito at ngumiti sakin habang nagauusap kami no Clent ay bigla akong tinawag ni Ate Val na nasa harap at kasalukuyan nagpeperform " please come on stage Ms. Montessa" saad bi Ate Val. na ikinagulat ako hindi pa yata ako handa pero kahit kinakabahan ako pumunta na rin ako. kailangan kong sanayin ng sarili ko dahil ito na ang magiging trabaho ko ang pasayahin ang mga customers habang umiinom " this is my last night here dahil gusto ko lang muna magpahinga for personal reason. But may papalit po sakin at sigurado ako mageenjoy kayo lahat at sigurado akong babalik balikan nyo ang place na ito while chilling and enjoying your drinks.... umaasa ako na pakikisamahan nyo po syang mabuti at im sure na mas mag eenjoy kayo dahil magaling po syang kumanta. Let me introduce to you Ladies and Gentlemen, This is Ms. Montessa. maganda sya diba?" tanong ni Ate Val sabay tapat ng mic sa mga nanunood at ikinapula yata ng pisngi ko pakiramdam ko kasi biglang uminit ang mukha ko. naghiyawan namn ang mga tao. binigay naman sakin ni Ate Valen ang mic para magpakilala sa mga customers. "hello po sa inyong lahat, sana'y nag enjoy po kayo. ako po ang bago ninyong makakasama every night starting tomorrow night. "excited naba kayo?" sigaw ni ate val "yesss!" sabay sabay nilang sigaw "gusto nyo ba ng sample?" tanong ni ate Val sa mga nanood " yes!! sample!, sample!, sample!" sabay sabay na sigaw ng mga customers habang umiinom sa kanya kanyang lamesa. marami rami na rin umiinom dahil halos okupado na lahat ang mesa sa loob. meron din namang lamesa sa labas pero dito sila sa loob para malapit sa stage. "Paano ba yan baby girl, gusto nila ng sample, patikim naman dyan.. pangungumbinse ni ate val sabay tawa nakita ko naman ang mga customers na excited na naghihintay na kumanta ako. binulungan naman ako ni Ate Valen kong anong kanta ang kakantahin ko at sinabi nya sa kamember namin at nag start ng magpiano ang pyanistang si Drake at nagstrum ng guitars naman si Miko. kinakabahan ako parang nasa contest na naman kasi ako. nakita ko si Clent at Sir Alfred na ngumiti at kumaway sila at mga kasama nito na hindi kakilala, malamang ay mga kaibigan ni Sir Alfred. napabuga ako ng malalim na hininga para mawala ang kaba ko at nag start ng kumanta na pinasikat ni katrina Velarde ang "Lason mong halik" Minsang natikman ang init ng iyong halik Akala ko, narating ko na ang ulap sa langit Sa aking pagpikit, ang tanging naisip Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig Na ang akala ko ay langit Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip Sa yakap mo ay nagayuma Pag-iwas ay 'di ko na kaya Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin Ang lason mong halik Naghiyawan at pumalakpak ang mga customers, nagthumbs up naman sila ni Clent at Sir Alfred. pumalakpak ang mga katabi nila. nakakataba naman ng puso at nagustuhan nila. kahit kinakabahan ako ay hindi ko pa rin pinapahalata sa boses ko at natapos namam ng maayos. Nagpalakpakan ulit ang nasa paligid ko pagkatapos kong magthank you at yumuko. " wow, what an impressive performance Ms. Montessa, nagustuhan nyo ba?! sigaw na tanong ni ste val sa mga customers "yes!" "ang galing nya" "babalik balik talaga kami dito gabi gabi". iba iba nilang komento at nginitian ko silang lahat. "isa pa, isa pa! isa pa!" sabay sabay nilang sigaw "isa pa daw girl, okay lang ba sayo?" tanong ni ate Val, tumango naman ako buti nalang nakapag practice ako ng tatlong kanta kanina sa bahay na pang videoke sa youtube. nang mag intro na ako sinundan naman ni Drake ng tugtog sa piano. And when I hold you in my arms I promise you You're gonna feel a love that's beautiful and new This time I'll love you even better than I ever did before And you'll be in my heart forevermore We were just too young to know We fell in love and let it go So easy to say the words goodbye So hard to let the feeling die I know how much I need you now The time is turning back somehow As soon as our hearts and souls unite I know for sure we'll get the feeling right And now we're starting over again It's not the easiest thing to do I'm feeling inside again 'Cause every time I look at you I know we're starting over again This time we'll love all the pain away Welcome home, my lover and friend We are starting over, over again Nang matapos akong kumanta ay bumaba na ako ng stage at pumunta sa mesa nila ni Clent at Sir Alfred. binati naman ako ng mga customers na nadadaanan ko kaya ginantihan ko naman sila ng ngiti. nakangiti naman sila ni Sir habang paparating ako. umupo ako sa tabi ni Clent at pinakilala naman ni Sir isa isa si Josh, Bhogs at Gavin ang katropa nya at isa isa ko itong kinamayan "wow, ang galing mo pala talagang kumanta Ms. Montessa, napahanga moko, sigurado akong lalaki ang kita ng restobar ko nito" saad ni Sir "salamat po. Montessa nalang po Sir" sagot ko at tumango naman ito "im sure bro babalik balikan kona tong restobar mo bro, pupunta na kami dito lagi" saad nong katabi ni sir "hindi lang lagi gabi gabi pa marinig ko lang ang boses Montessa" saad naman ni Bhogs "umayos kayo mga babaero kayo, nandito ang pinsan ko, nakita nyo ba ito?" saad ni sir sabay pakita ng muscle nya na nakakatakot, bato bato kasi ito. "iinom lang kami bro, ito naman, masarap kaya uminom habang may magandang angel sa harap na kumakanta" saad naman ni Wil " kayo talagang mga Montenegro masyado talaga kayong possessive" saad ni wil sabay tawa tahimik lang naman si Clent at nakikitawa lang pero halatang nagseselos na naman ito. "i just want to warn you, kilala ko na ang mga halang nyong bituka" saad ni Sir "hindi pa nga naka first move basted na kaagad" himutok naman Gavin sabay kamot sa ulo "f**k you, drama mo, nasan na yong kasama mo kagabi?" tanong ni Sir "bro naman, friend ko lang yon" sagot naman nito sabay kamot sa ulo "lahat naman ng mga nakakasama mo dito friends lang, with benefits nga lang" iiling iling na saad ni sir sabay ngiti "wala na, sira na talaga ako kay Montessa" iiling nitong saad. tumawa nalang kami lahat maliban kay Clent. Pagkatapos ng trabaho ko ay hinatid naman ako ni Clent pauwi. di na rin nya nabangit ang tungkol sa mga kasama ni Sir Alfred dahil alam nyang magagalit ako pagnagseselos na naman sya at tsaka kasama sa trabaho namn yon. kailangan kong makisama. hindi nga ako masyadong lumalapit sa mga customers dahil ipinag babwal ni Sir at baka mahamak ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD