Montessa's POV
Mabilis lumipas ang araw at naka 2 months na ako sa work ko. nakiusap naman ako kay Sir na tuwing weekends lang ako papasok dahil mag uumpisa na ang pasukan sa eskwela. pinayagan naman ako ni Sir kaya kumuha sila ng ibang singer na tutogtog kapag week days.
malaki narin naman ang naipon ko pambili ng School supplies namin ng mga kapatid ko. pagdating naman sa uniform ko ay sa school ako bibili non. shoes nalang at bag ang bibilhin ko sa mall. Tourism ang kinuha ko dahil plano kong mag stewardess para makarating ako sa iba't ibang bansa. my biggest dream ang makapagtravel sa buong mundo kasama ang buong pamilya.
Isinama ko sila lahat ni nanay sa mall para bumili ng kakailanganin sa School namin ng mga kapatid ko at para na rin kumain at makapamasyal kami dahil hindi na kami madalas nakakalabas para magbonding. super happy naman ang mga kapatid ko dahil bago na ang mga shoes at bag nila. hindi na kasi kami nakakatikim ng bago dahil nga laging kapos sa budget. laging pinaglumaan ang gamit namin galing sa mga kumare ni nanay na may kaya at DH sa ibang bansa at pinagsawaan na ng mga anak nila. sayang naman kasi kong bibili pa. pagdating sa Uniform naman ay ako lang ang bago dahil College na ako at pang stewardess ang Uniform ko. next year pa naman gagraduate si kyle.
Ang gaan sa feeling na unti unti ko ng natutupad ang mga pangarap ko at napapasaya ko sila ni nanay. mabuti nalang at may work ako every weekends. wala akong ibang hinihiling kundi ang mapasaya lang sila nanay ta mga kapatid ko. ganon ko sila kamahal
Simula ng mag umpisa ang klase ay bihira na kaming magkita ni Clent at mga kaibigan ko. tuwing weekend nalang kasi kami nagkikita ni clent sa work ko at sya pa rin ang naghahatid sundo sakin. iwan ko ba sa isang ito hindi nagsasawa na samahan ako sa Gig ko.
Napapansin ko naman ang kapalitan ko na singer na halatang masungit. magmula kasi ng hindi na ako kumakanta sa weekdays ay humina na ang kita ni Sir kaya nagbibigay na sila ng promo para lang dumami ulit ang customers. sa ibang bars kasi pumupunta ang ibang customers at dahil maraming kakompitensya bumaba ang sales ng restobar pero kapag weekends bumabawi naman sa dami ng customers dahil siguro walang mga pasok sa trabaho. ipinagsawalang bahala ko nalang ang katarayan nya. minsan ko lang naman sya nakita dahil may dinaanan lang ako sa Bar kaya nagkita kami. weekends naman ang trabaho ko kya hindi kami magkikita.
Mabilis lumipas ang panahon kahit papaano nakapag adjust ako. time management ika ng nila ang kailangan dahil working student ako. para sa family ko kakayanin ko.
Naghahanda naman ako sa sasalihan ko na singing contest dito sa bayan namin sa Talisay nitong darating na October 15 at malaki daw ang pa premyo sabagay next month pa naman yon kaya makakapaghanda pa ako. sasali ulit ako pero singing na, dati kasi ang sinalihan ko ay beauty pageant.
Dahil friday ngayon kaya may GIG ako ngayong gabi. nagsuot ako ng black rip jeans at white fitted blouse at boots. pinatungan ko nalang ito ng jacket na black at medyo malamig na sa gabi dahil ber season na. nakapony tail ako kaya kita ang batok ko para maiba naman ang ayos ko. naglagay lang ako ng lip gloss at polbo. natural na kasing mapula ang labi ko kaya hindi ko na kailangan ng lipstick.
"wow astig ng my love ko ah, lalong gumaganda talaga ang my love ko kaso marami naman akong karibal" ani nito at sumimangot. hayy naku Clent wala ka pa ring pagbabago
" heto na naman tayo, ang dakilang seloso" sabi ko sabay irap
"kainis kasi my love dami mo ng tagahanga ikaw laging pinupuntahan ng mga halang ang bituka sa bar pero pag wala ka sa ibang bar sila pumupunta" anas ni clent
"ganun talaga ang negosyo, wala naman tayong magagawa dyan marami tayong kakompitensya."sabi ko naman. may inabot nman ito sakin ng paper bag
"ano to Clent?" tanong ko sa kanya na nagtataka
"yong promise ko kay nay Luisa, binilhan ka ni mommy ng pang videoke para may mapag praktisan ka, nakwento ko rin sa kanya na nagtatrabho ka kay insan" sabi ni clent. ikinagulat ko naman lalo dahil ang mahal nito
"pero Clent ang mahal nito. Magic sing pa pinili ng mommy mo, kakahiya naman" sabi ko at napanguso
"sarap mo talagang kurutin sa pisngi. tigil tigilan moko sa kakanguso mo baka halikan kita dyan eh" napaayos naman ako, ayoko kaya mahalikan
"kaso ang mahal nito pag iipunan ko naman ito eh total may sahod naman ako" sabi ko
"wagmona intindihin yon, masaya lang si mommy at masipag ka, para daw hindi ka makatanggi sa birthday nya, tagal kana kyang imbitado hindi ka naman pumupunta. mamaya ipapakabit natin kay tatay mo or kay kyle" ani ni clent sabay kindat
"kayo talaga, sige na nga pupunta ako. para personal akong makapagpasalamat sa mommy mo." sabi ko
"parang hindi ka yata masaya, akin na nga babawiin ko na" sabi nito parang nag gagalit galitan
"hindi ah, nahihiya lang ako pero masaya ako at may videoke na kami. mahilig din kasi sila ni nanay at tatay kumanta" sabi ko at ngumiti
"akala ko ayaw mo eh, dapat ganyan laging nakasmile para nakikita ko lagi yang dalawang dimple mong cute" ssabi nito sabay pisil sa pisngi ko.
"ang hilig mong mangurot ng pisngi, tara na nga baka malate pa ako sa work, wait lang paalam lang ako kay nanay at maibigay ko itong dala mo" sabi ko sabay talikod.
Nang makapagpaalam na kami ay umalis na kami kaagad lulan ng sasakyan ni Clent. as usual ang dami na namang customer ngayon at nagkakaubusan na ng upuan pati sa labas. puno na rin. ang mga VIP room sa taas ay puno na rin. open ang pwesto kaya kahit nasa labas nakaupo ang iba ay kita pa rin.
"iba ka talaga my love dinadayo ka tingnan mo oh hindi na magkamayaw ang mga waiter pati si insan nahihilo na yata onaabangan yata ang pagkanta mo" sabi Ni clent at tinawag ang insan nya at natuwa naman ito ng makita ako at limapit samin.
"sa susunod na bwan bibili ulit ako ng panibagong mesa at upuan, sayang kasi yong ibang customers wala ng maupuan nasa buhangin nalang nakaupo. kakahiya naman" sabi ni Sir Alfred
"iba ka talaga Montessa tingnan mo kanina kapa daw hinihintay nilang kumanta, kapag weekdays nilalangaw kami" sabi ni Sir Jared na Manager namin
"di bale po magreretouch lang po ako 20 minutes nalang din namn mg i start na kami" sabi ko at ngumiti
"maghanda kana sa mga request my love, sigurado akong marami na naman magrerequest pero kaya mo yan, ang galing mo kaya" sabi nito at umakbay pa
"ay naku insan hangang akbay ka lang at pa cute hindi ka pa rin makakapoints kay montessa" sabi ni Sir Alfred at inakbayan din si Clent
"puro ka porma dimo naman alam pano mapasagot" pang aasar pa nito
"alam mo insan wala pa sa plano ni my love ko yan, kaya nga ako nghihintay. kaya kung ako sayo tigil tigilan mo ko baka sikuhin ko tyan mo" sabi ni Clent na ikinatawa namin lahat. ibang klase ring mg asaran itong dalawang ito.
Natapos ang week na masaya at masaya ako sa work ko. nakasanayan ko na kasi ang kumanta sa harap ng maraming tao dahil sa halos gabi gabi kong trabaho.
Sumapit ang birthday ng Mommy ni Clent kaya excited ako na kinakabahan. first time ko kasi ma meet ang family nya. dati kasi nong maliliit paa kami ay sa resort lang nila clent kami naglalaro. kaya hindi ko sila na meet. nong birthday ng daddy nya kasi hindi ako pumunta. nagsuot lang ako ng dark blue maong na dress hangang tuhod with belt kaya kita ang maputi kong binti, hapit na hapit sa katawan ko kahit maong sya at snickers na white naman ang kapares. hindi naman daw kadi ganun kabongga kaya hindi na kailangan nakaformal. pagkapasok namin sa gate ay bumaba na ako ng sasakyan ni Clent pagkatapos nya akong pagbuksan.
"kinakabahan kaba my love?" tanong bi clent at hinapit nya ang bewang ko
"syempre naman, first time ko kaya makrating dito. ang laki ng bahay nyo Clent Mansion na to ah" sabi ko sabay tingin sa paligid ng bahay. habang lumi linga linga ako sa paligid ay napapansin ko na marami ng bisita na halatang mayayaman. mga kasamahan siguro sa negosyo ng pamilya nya at kamag anak. bigla namang may lumapit na magandang babae at makisig na lalaki at tinawag si Clent, mga nasa mid 40's ito halatang mayaman sa bihis pa lang nila pero mukhang mabait ito at nakangiti pa. kinakabahan naman ako habang palapit sila.
" hi mom, hi dad" bati ni clent sa ginang at sa lalaki at humalik ito sa mommy nya..magulang nya pala ito. ngumiti namn ito ng malapad pagkaharap nya sakin "mom, dad si Montessa nga po pala, alam nyo na" sabi ni clent na tila nahihiya pa at kumamot sa ulo nya.
"oh, wow! im so happy..at last na meet na din kita" humawak ito sa kamay ko at yumakap. naiilang naman ako. pagkabitaw nya sakin ay binati ko sya.
"hello po mam Happy Birthday nga po pala, gift ko po para inyo." bati ko dito at inabot ang regalo ko na dala. binati ko rin ang daddy ni Clent at bumeso
"oh, thank you..just call me tita Moly. you know your so beautiful pala talaga, no wonder kaya pala nababaliw ang anak ko sayo." sabi nito na ikinapula ng mukha ko
"thank you po t-tita" nahihiya kong sagot
"Mom naman!" kakamot kamot ito sa ulo nya at nahihiya
"ay naku Clent, tumigil ka. ngayon kapa nahihiya sa dami ng dinidate mo dati?"
"ang astig mo at kabi kabila ang chicks mo dati anak bakit ang hina mo ngayon?" pambubuska ng daddy nya
"mom, dad nagugutom na si my love ko"
"kuh! my love my love ka pa dyan na nalalaman eh torpe ka naman" irap nito sa anak nya at hinila ako sa lamesa na puno ng ibat ibang pagkain. natatawa nalang ang daddy nya. nkasunod naman samin si Clent.
nahiya naman ako dahil nagtinginan ang mga bisita ni tita Moly. malamang mga kapamilya nya ito lahat at ka business partner. naiilang ako sa mga mapanuring mata nila. may nagagalak at meron ring nakataas ang kilay. hindi nalang ako tumingin at nagpatangay nalang ako sa paghila kay tita kong saan nya ako dadalhin. pamilya Montenegro at Zamora kasi, tinitingala ng halos lahat ng nakakakilala at sampid lang ako' napaismid naman ako sa iniisip ko.
"Iha, kumain ka ha, magpakabusog ka, wagka mahihiya" sabi nito sakin na nakangiti "Clent i assist mo si Montessa at hanapan mo ng maupuan ha. may mga kakausapin lang ako" sabi ni tita at hinawakan nya ang mukha ko at nagpaalam na. pinagsilbihan naman ako ni Clent at sya na ang humawak ng mga pagkain at juice ko. habang naglalakad kami ay hindi ako tumitingin sa mga bisita baka madapa ako dahil sa sulok ng aking mga mata alam kong nakatingin sila samin. may nahanap naman kaming upuan ng may tumawag sa amin at kinawayan kami.
"beshy, dito na kayo" nagulat namn ako at nagpapasalamat at hindi ako mapapanisan ng laway dito. lumapit naman kami ni clent
"hello besh," bumeso ako at bumati sa kanila ni vince, carla at Emil mga high School friends ko. umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi nman si Clent sakin
"na mis na kita beshy, sayang kasi hindi tayo magkaparehas ng course" nakanguso nitong saad
"ok lang yan, magka chat naman tayo lagi" ang saya ng feeLing ko at nakasama ko ulit sila. nakakamis ang samahan naMin nong high school pa kami.
"kumusta ang bago mong work Montessa, balita ko Kumakanta ka pag week end sa Restobar ng pinsan ni Clent. may nagsbi kasi sa amin kaklase ko sa Engineering department" sabi ni emil
"okay naman, masaya naman kahit papaano, puyat nga lang" sabi ko
"huwag masyado magpakasipag, baka magkasakit ka nyan besh, balita ko dinadagsa ang ang Bar na yon kapag nandon ka. kaso kahit sa work mo nakabakod tong body guard mo. pano ka makapag boyfriend nyan" sabi ni Carla kaya nagtawanan ang mga kaibigan ko. sinamaan naman ng tingin ni clent ito.
"kain kana my love, ahh tikman mo to masarap to" isinubo naman nito ang chicken fillet kaya kinain ko nalang, "kumain naba kayo?" tanong nito sa mga friends ko
"sweet talaga ni Zamora" sabi ni Clara
"yup, dami ko nga nakain eh" sabi ni vince
"ito pa magpapahuli, eh ang takaw kaya nito" sabi ni Emil na nakaturo kay vince binatukan naman ito ni vince kaya nagtawanan kami lahat
"clent balita ko nandito daw si Vlad, bakit diko nakita? gusto ko syang ma meet sige na please pa autograph ako" sabi ni carla na ikinagulat ko. ibig sabihin makikita kona ang ultimate crush ko na kilalang womanizer daw. parang ayoko pa syang ma meet kaya sana wala sya.
"hindi ko alam kong nakabalik na sya eh, hindi ko pa nakita mula kanina kasi umalis yon bago ko sunduin si my love ko at may pupuntahan daw sya" sabi ni clent.
"kainis naman, akala ko makikita na namin ni montessa sya" nguso nitong saad
"dinamay mopa ang my love ko, hindi yan mahilig manlalaki no" irap nito kay clara. nagtawanan nalang kami.
" gusto mo ng mango graham cake for dessert my love at fruit salad? tanong ni clent sakin. tumango naman ako
"kami rin clent" sabi ni vince
"loko kayo, kumuha kayo!" pambubuska ni Clent
"kuh! talaga itong mokong na to pag si montessa ang bait mo kapag kami salbahe ka" sabi ni vince
"ikaw ba si my love ko? may paa ka diba, batukan kita dyan eh" irap nito kay Vince
at tumalikod. nagtawanan nalang ulit kami. panay kantyawan at kwentuhan lang namin at hindi namin namalayan ang oras ng magha hating gabi na pala.
" Clent CR lang ako bago kami umuwi saan pwede mag CR?" tanong ko kay Clent
" ah sige samahan na kita" ani ni clent at iginaya ako patayo.
"mauna na rin kami beshy kay vince nalang ako sasabay" ani ni carla
"sige ingat kayo ah" bumeso ko sa kanila at tumalikod na ako. hinawakan naman nya ako sa beywang palabas ng garden kung saan ginanap ang handaan..pumasok naman kami sa loob ng bahay nila dahil doon ang CR.
Nang lumabas ako ng CR ay nabungaran ko si clent na naghihintay. sa living room na kami dumaan at nakita ko naman doon si tita at isa nyang kapatid na babae na super ganda at ang daddy nya kaya nagpaalam na ako.
"uwi na po kami tita, tito, salamat po sa masarap na handa"
"walang anuman iha sana lagi kang dadalaw dito, " at yumakap sakin
"nag enjoy kaba iha?" saad ng daddy nya
"opo, nabusog din po ako, salamat nga po pala sa binigay nyo po na pang videoke set tita," ani ko
"wala yon iha, nabalitaan ko kasi mahilig kang sumali sa contest at kumakanta ka rin sa restobar ng pamangkin ko kaya nong sinabi ni Clent na wala kang sariling videoke, binilhan kita agad" ani ni tita at humawak sa kamay ko
"nakakahiya naman po pero salamat po ng marami, tuwang tuwa nga po sila ni tatay nong nakita nila" sabi ko kay tita.
"buti naman nagustuhan nyo, basta kong may kailangan ka huwag ka mahiya magsabi kay Clent para matulungan kita, huwag kana mahiya samin dahil welcome ka sa family namin." sobrang pula na yata ng mukha ko sa hiya at nagagalak namn ang puso ko dahil itinuring nila akong kapamilya. masarap silang kausap dahil sobrang bait nila ni tito at tita pati mgakapatid ni Clent dahil hindi sila matapobre.
Paglabas namin ng bahay ay dumiritso nakami sa sasakyan dahil ihahatid ako ni clent. pagkapasok ko ng sasakyan ay ikinabit ko ang seatbelt ko at tumingin sa labas.
Nagulat naman ako nang may nakita akong bulto ng lalaki nakatayo malapit sa paradahan ng sasakyan, natatakpan ito ng matataas na halaman. Nakapamulsa ito at parang nagmamasid lang samin. hindi ko makita ang mukha dahil medyo madilim sa parteng iyon. pero halatang maganda ang pangangatawan nito kahit naka jacket at matangkad din ito. biglang tumibok ang puso ko para akong kinakabahan. ipinilig ko ang ulo ko at dumiritso nalng ng tingin habang nag uusap kami ni Clent.