chapter 12 Secret admirer

2115 Words
Montessa's POV Antok na antok pa ako kinabukasan pagkagising ko almost 1Am na kasi ako nakatulog. Pero kailangan kong pumasok sa School ngayon at mamayang gabi may GIG pa kami. kahit inaantok ay bumangon na ako at naligo. ilang minuto lang ay nakabihis na ako at nagsuklay sa harap ng salamin. natigilan naman ako sa ginagawa ko dahil bigla kong naalala yong lalaki kagabi. namamalikmata ba ako o kami talaga ang minamanmanan nya? pero bakit? wala naman akong alam na kaaway para sundan kami. sumakit ang ulo ko kakaisip at inaantok pa ako pero kailangan kong pumasok sa school at may long quiz kami ngayon. isantabi ko muna yong nakita ko kagabi baka hindi kami ang sadya nya. what we did at school earlier was very brain draining. pagkauwi ko sa bahay galing sa School ay nagpalit lang ako ng pang alis para pumasok sa work ko. nagtext naman si Clent na papunta na sya. nagsuot lang ako ng fitted blue rip jeans at color red na crop top off shoulder garterize ito sa balikat, sa laylayan na hangang ibabaw ng pusod at mangas. mas lalong na emphasize ang hugis ng katawan ko sa suot ko. pinartneran ko naman ito ng boots at fitted jacket. nasanay na ako sa OOTD ko araw araw para kahit papano maganda sa mata ng mga customers, hindi naman sa nang aakit pero dahil kailangan dahil ayaw naman malamang ng mga customers na mukhang manang ang kumakanta not so revealing but presentable pa rin naman. astig nga lang. napapangiti ako sa sarili. Pagkarating ko sa restobar ay punuan na lahat ng mesa sabi nga ni Sir Alfred ay bumili na sya ng panibagong set ng table sa labas pero puno pa rin. 45 minutes na lang mag uumpisa na kami kaya nagpaalam na ako kay Clent na pupuntahan ko ang ka band member ko para mapag usapan ang set ng kanta na kakantahin namin at marehearse na. As usual marami na namang song na request pero pinag bibigyan ko pa rin, old song man o bago. malaking pasasalamat ko at may Youtube. Sa dami ng kinanta ko naiinitin na ako kaya hinubad ko ang jacket ko dahil pinagpawisan na ako. itinali ko ang mahaba kong buhok. hinayaan ko lang na nakahantad ang balikat ko pero ok lang naman kasi hindi naman ganun ka sexy. this is what we called "fashion" you know. napapangiti na lang ako. inabot ko naman kay kuya Drake ang Jacket ko dahil wala akong mapaglagyan at uminom ng tubig bago kantahin ang huling request. Na bother naman ako sa nakasulat, nakalagay kasi dito "hiling" by Jayr Siaboc from secret admirer. kinabahan ako na hindi ko mintindihan. first time ko ito na kinabahan ako sa request lalo na at secret admirer ko pa. sino kaya dito sa mga customers ko? at pasekreto kong inikot ang tingin ko. sa dami nila napaka imposible na makilala sya. panlalaki pa kito at medyo malungkot. pero dahil alam ko ang kanta kaya kakantahin ko ito ng girl version. nilingon ko ang mga kasama ko para ibulong ang kanta. nang mag intro na si kuya lester, ang piyanista ay kumanta na ko. "this is my last song na kakantahin ko before we take a break..nag enjoy ba kayo?" at narinig ko ang sigawan "alright, mukhang nag enjoy kayo, just enjoy the night while chilling, ako ang bahala sa kanta" nag ngitian naman ang mga customers at pumalakpak. " ths song request is from my secret admirer daw..ehemm"... "pwede bang malaman kong sino po kayo para makilala ko? just raise your hand"..pero walang nagtaas "malamang hindi sya magpapakilala secret nga diba? hindi na secret yon kung magpapakita sya" sabi ko at tumawa ng mahina para mawala ang aking kaba "well, whoever you are this song is for you" nakita ko naman si clent na kumunot ang noo at luminga linga. napasinghap naman ang mga customers. Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo San ka man sana'y maalala mo Kailan man asahan di mag kalayo Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw Malayo ka man sana'y maalala mo Kailan man pangako di mag kalayo Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik San ka man sana'y maalala mo Kailan man 'sahan di mag kalayo Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik Tanging ikaw lamang ang aking iibigin Nagpalakpakan ulit ang mga customers at nagpaalam na ako to take a break. may one last set pa bago matapos ang shift ko pero marami pa ring tao. mukhang walang planong umuwi. "Montessa, can i talk to you?" sabi ni Sir Alfred ng lingunin ko ito. "ahh yes sir, ano po yon?" tanong ko namn sa kanya "pwede bang mag extend ka kahit hangang 3AM. marami pa kasing customers sayang kasi kong isasarado natin. kong bukas naman ang bar at walang singer malamang magsiuwian din sila. don't worry dadagdagan ko ang bayad ko sa inyo?" napaisip ako at lumingon sa mga kasama ko, tumngo baman sila kaya sumang ayon na rin ako kasi sayang nga naman. malaki na rin kasi ang naitulong sakin itong trabaho ko. ngumiti naman si sir at nagpasalamat bago lumabas "pano yan baby girl extend daw tayo" sabi ni kuya Lester "ok lang may dagdag naman si boss malaki matatangap namin dahil sayo Montessa, ang galing mo kasi" sabi kuya mike ang drummer namin "hindi lang naman ako ang nagpeperform ah. pati din kayo kasi magaling kayong tumogtog"sabi ko naman "bakit kapag si Michelle ang nandito nilalangaw tayo mainit tuloy ang ulo ni Sir. diligan mona kasi miko nang magkabwenas naman tayo at para gumanda ang boses" sabi ni Lester. ngtawanan naMin kami. "hoy, wagkayo masyadong bulgar may inosenteng bata pa dito oh! saway naman ni kuya drake. "araw araw nga may dilig yon baka nalunod na nga siguro nasobrahan yata sa dilig" biro nito pabalik. puro tawanan lang kami dito sa likod habang nagpapahinga kahit wala akong naiintindihan sa mga jokes nila nakikitawa lang ako. after 30 minutes ay nagpasya akong puntahan si Clent s labas. kawawa naman yon paunahin ko nalangna umuwi dahil mamaya pa ako makakauwi. nakita ko naman ito kaagad kasama na pala nila si vince at Emil nandito pala sila? " hey guys" bati ko sa kanila at bumeso "wow, napanood kita kanina, ibang level kana talaga Montessa" sabi ni Vince "and look at you, lalo kang gumanda at sumeksi parang hindi na ikaw yong mahinhin na baby girl namin" sabi ni Emil "hey tigil tigilan nyo na yan, dati ng magaling ang my love ko, proven na yan diba? sabi ni Clent at umakbay sakin "kung wala lang tong mokong na to matagal na kitang niligawan kaya magpapaubaya nalang ako."sabi ni Emil kaya nagtawanan kami. "kahit ligawan mo ang my love ko hindi ka pa rin sasagutin nito. sabay higpit ng hapit nito sa leeg ko. hindi pa rin tinatanggal ang pagkakaakbay nito. possessive talaga. kita ko kong gaano kasama ang mukha kanina nong marinig nya na may secret admirer ako. "teka, diba may secret admirer ka daw ibig sabihin nadito sya, pano ya Clent may karibal ka na" sulsol pa ni vince hindi naman ito sumagot at ibinaba ang kamay mula sa balikat ko. nakakuyom ang kamao nito at nakatingin sa kawalan. napailing iling nalang ang dalawa. ako naman ay nagmamasid lang at nakikitawa pagod kasi ako at puyat pa dahil kunti lang ang tulog ko nong nakaraan. Natapos ang Gig ko pat parang lanta na ang katawan ko. buti nalang at hinatid ako ni Clent kaya pagdating sa bahay ay naghilamos lang ako at nagbihis ng pantulog at diritso hilata sa kama kaya nakatulog ako kaagad. Pagpasok ko kinabukasan sa work ay nag request ulit yong secret admirer ko daw. pero hindi sya nagpapakita kahit nong dumating ang lingo na last day ng work ko bago papasok ulit sa School. nagrequest ulit sya. nako-curious talaga ako sa kanya kong sino sya. Nong sumunod na mga Lingo ay hindi na sya nagparamdam. napanatag naman aNg loob ko dahil hindi na ako kakabahan at magiisip kung sino sya. Dumating ang araw ng Fiesta sa aming Bayan dito sa Talisay Cebu bilang alay sa mahal na Patron na si sta. threresa de Avila. dito ay dalawa ang Fiesta na sini celebrate dito ang Halad Festival na may street dancing parade at pacontest ng looks like sinulog dance at Inasal Festival na parada ng mga lechon kaya naging kilala ang cebu sa masarap na lechon. marami pa silang palaro at kainan sa mg bahay bahay. naghanda rin kami ng konti dahil binigyan ko si nanay panghanda. malakas kasi ang kita ko sa raket ko. Nakapag rehearse na rin ako kanina ng kakantahin ko ngayon sa singing contest. sarado ang restobar ngayon dahil hiniram ang ka banda ko ng orgaizers event para sa mga kakanta. hindi kasi sila gagamit ng minus one na kanta kundi live band talaga ang gagamitin ng mga contestant. kasalukuyan kaming nandito sa back stage at nagbibihis. pinahiram ulit ako ni mamo ng dress na isusuot ko. sleeveless lavender color na A-line soop cocktail dress, knee lenght ito at medyo mahaba sa likod na may 3D embroidery flowers at rhinestones mula sa balikat hangang bewang pinaresan ko naman ng 3 inches silver stelitto. nasa 7 kami na contestant at pang huli ako. "wow girl lalong lumutang ang kulay mo sa damit mo para kang princess talaga. kung titingnan ka sa malayo parang wala kang suot na damit dahil para kakulay lang sya ng balat mo pag natatamaan ng ilaw" nagsuot din alo ng silver long chain drop dangling na hikaw na parang buhok lang syang tingnan pero kumikinang at necklace, pinahiram lahat ito ni mamo. nakaterentas sa magkabilang gilid ang buhok ko at ipinusod kaya kita ang balikat at batok ko. nilagyan din ako ng iilang hibla para sa bangs at medyo mahahaba na iilang hibla rin sa gilid. "ang ganda ng mata mo girl parang contact lens, pwede ba akin na lang" napangiti nalang ako. ang daldal kasi ng make up artist ko. "anak, lagi kong sinasabi sayo na huwag kang kakabahan. ganyan ang trabaho mo kaya alam ko sanay kana" nakangiting saad ni mamo "opo mamo, para sa future, promise po kapag nanalo ako dito ilelebre ko po kayong dalawa "yeeyy..promise yan ganda ha" sabi ng taga make up "oo naman promise" sabi ko "alam mo anak may artista na judges ngayon kaya galingan mo" sabi ni mamo "talaga po? sino?" curious kong tanong "si Vlademier Montenegro" sabi ni mamo para namang ng e echo sa tinga ko ang pangalan nya. hindi ako kinakabahan sa kanta dahil alam kong kaya ko dahil ilang beses kona itong kinanta, kundi mas kinabahan ako na makiita sya sa personal. OMG. bakit ngayon pa? makikita kona talaga sya. ako lang yata ang may crush sa artista na ayaw makita ang iniidolo. Buong oras yata tulala na ako dahil okupado ng isip ko si Vlad. ano kaya ang itsura nya sa malapitan at ano kaya ang magiging reaksyon ko pag nakita sya? shit! napamura ako ng wala sa oras. Ngayon ko lang napansin na kasama pala si Michelle sa contest at nakalagay sa number sa dibdib nya ay 5. syempre kasama ito dahil guitarist namin ang boyfriend nya. lumingon ito sakin at nakataas ang kilay. Nang magpaalam si mamo ay lumapit si Michelle sakin. hindi namaan ako na bother dahil alam kon ang ugali nito at ayokong patulan. "so..nandito kana naman feeling magaling" sabi ni michelle na nakataas ang kilay at ngumisi "syempre nandito ka eh" sagot ko naman at nakatigin sa salamin kita ko naman sya sa gilid ko nakatayo "sa tingin mo mananalo ka? in your dreams b***h" saad nito "pano mo nalaman? bakit may gagawin kang hindi maganda? tanong ko naman dito na nakataas ang kilay "we'll see.."at pinalandas ang hintuturo nito sa pisngi ko hangang balikat "lumaban ka ng patas Michelle dahil kahit anong ang gawin mo hindi nananalo ang masama sa mabuti" sabi ko at humalakhak ito pero pinapakita ko na kalmado lang ako, hindi ako nagpadaig, pero deep inside nagdududa ako sa mga sinabi nya. "girls get ready, mag uumpisa na tayo, number 1 halika na dito" sabi ng Organizer ng Event at tumalikod na ito " tantananan!..." nagulat ako sa ngsabi non at nakita ko si Michelle na nakangiti at nakatitig sakin. tinaasan ko lang sya ng kilay at hindi na pinansin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD