Chapter 8

2251 Words
Shira’s POV    “Good morning, Ma’am. Ayos lang po ba kayo rito?” tanong ng isang matandang ginang sa akin. Agad naman akong ngumiti sa kanya.    “Good morning, Manang!” masigla kong saad.    “Bagay na bagay nga kayo ni Sir, Ma’am. Pareho maligalig,” nakangiting saad ng matanda. Nanlaki naman ang mata ko at umaktong nagulat.    “Shira na lang po, Manang. Nesfruta po ba? Bakit parang hindi naman po! Lagi kayang nakabusangot ‘yang alaga niyo,” bulong ko sa kanya.     “Anong nesfruta, Hija?” tanong niya na naguguluhan.    “Real na real po!” natatawa kong saad. Halos araw-araw ko na atang ginagamit ang salitang ‘yon dahil kay Ley. Napatawa rin naman si Manang sa akin.    “Yes, Ma’am. Noong una’y akala ko masungit ‘yang si Sir South dahil nga kakatapak lang sa Isla Soledad,” sambit niya.     “Pero sobrang bait po talaga. Hindi ko nga alam kung anong dahilan kung bakit ‘yan pinatapon dito sa Isla,” natatawa niyang saad. Medyo nagulat naman ako sa sinabi nito.    “Po? Pinatapon?” kunot noo kong tanong. Nanlaki naman ang mata ni Manang tila may nasabing hindi maganda.    “Pasensiya na po, Ma’am. Hindi ko rin po alam. Teka lang po, tawagin ko na si Senyora,” sabi nito na akala ata’y matatakot ako kung sakaling nalaman kong pinatapon nga lang si South dito.     Napakibit na lang ako ng balikat at dahil hindi rin naman ako ganoon kausisera.     Hindi ko naman gustong manatili lang sa iisang lugar. Lumabas ako ng mansiyon para tignan ang paligid. Sa baba nito ang mangasulngasul na dagat. Hindi ko maipagkakailang sobrang ganda talaga ng lugar na ito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan din ang berdeng mga puno na pumapalibot rito sa mansiyon.    Malawak ang mansiyon kaya naman pala maski ang mga kilalang tao sa Manila’y talaga namang nagtutungo rito para bisitahin si Senyora Trinidad. Hindi ko nga alam kung bakit pa sina Mama pa ang kinausap nila para sa kasal. Well, pakinabang na rin naman siguro sa isa’t isa. Ang airline na mayroon sina Papa ay pamana pa nina Lola sa kanila hanggang ngayon, buhay na buhay pa. Ang tiwalang mayroon ang nga tao’y hindi no’n mapapantayan habang ang pamilyang Chavez naman ay ang bagong airline na pausbong pa lang ngayon.    Marami pang business ang pamilya nina Senyora at hanggang ngayon ay pinapalago pa rin nila. Ang alam ko’y dalawa lang ang anak ni Senyora. Isang babae at isang lalaki. Sayang naman ang kayamanan nito kung wala siyang pamamanahan. Siguro’y apo ni Senyora si South sa kanyang anak na babae dahil hindi naman sila magkapareho ng apelyido. Kaya nga hindi ko rin naisip na si South ang fiance ko.    Babalik na rin sana ako mansiyon dahil nakakahiya naman na pakalat-kalat lang ako rito nang lumapit sa akin ang isang kasambahay.     “Ma’am! Hala! Akala nila senyorito’y nawawala ka na!” saad nito.     “Don’t worry, Sisteret. I’ll come back naman na,” sabi ko at nginitian siya. Mukhang bata pa lang naman ang kasama nila rito. Tumango naman siya ngunit medyo kinakabahan.    “Where do you think you are, Kiddo? Kung saan-saan ka nagpupunta,” ani South sa akin. Salubong din ang kilay nito kaya nginitian ko siya.    “Pasensiya na, Ssob. Naglakad lakad lang. Ang ganda naman kasi ng view!” saad ko sa kanya.     “Then you should just wait for me,” sambit niya na inirapan pa ako. Napanguso naman ako.    “Ang sungit mo naman, Daddy!” natatawa kong saad at hinaplos pa ang biceps nito.    “Wow, gasmati.” Napatawa pa ako ng sumimangot ito at lumayo sa akin.    “Stop doing something stupid, Dolores,” seryosong saad niya kaya agad akong napangiwi rito.    “Yuckers ka talaga! Wa epek ba talaga ang beauty ko sa ‘yo, Daddy?” tanong ko sa kanya.     “Have you eaten?” tanong niya sa akin salubong pa rin ang kilay. Hindi pinapansin ang pangbubwisit ko sa kanya. Napatawa naman ako nang mahina dahil sa reaksiyon nito.    “Kainin kita?” tanong ko. Para itong mawawalan na ng pasensiya sa nga pinagsasabi ko kaya napahagalpak ako nang tawa.    “I’m serious here, Dolores,” sabi niya kaya ngumiwi ako.    “Ewwers ka!” sabi ko na inirapan siya at binangga pa ang braso na naunang maglakad. Rinig ko naman ang pagtawa niya habang nakasunod sa akin ngayon.    “Where do you want to eat? Pupuwede sa dalampasigan. We can also take a dip if you want,” sambit niya na tinuro ang isang lamesa malapait do’n. Nasa ilalim naman ng puno kaya ayos lang.    “Nesfruta?” tanong ko, medyo naexcite pa dahil ang ganda ng pwesto sa banda roon.    “Tang lang po ang mayroon kami, Miss,” sambit ng kasama nila sa bahay na nakasunod sa amin. Mukhang hindi na napigilang magsalita. Napatawa naman ako roon. Nagtataka namang nakatingin sa akin ang babae habang si South ay natawa na rin. Mukhang alam naman ang pinagsasabi ko.    “I mean real na real ba?” natatawa kong saad.     “Ah, akala ko po gusto niyo ng juice,” sabi niya at napatango-tango. Napangisi nanan ako sa kanya.     Bumalik na muna kami sa mansiyon dahil hindi ko naman nakita si Senyora kanina.    “Magandang buhay, Senyora!” nakangiti kong bati rito. Napatawa naman siya nang makita ako.    “Magandang umaga rin, Hija. Mas lalo kang gumaganda.” Itong si Senyora may pagkabolera rin talaga.    “Enebe, senyere? Selemet pe.” Kumindat pa ako at tinago sa tenga ang takas sa buhok. Napatawa nanan siya sa akin dahil dito. Ang ilang nanonood sa amin ay tawa rin nang tawa. Medyo gulat pa ang iba. Ngayon lang ata nakakita ng maganda.    “Bakit hindi ko naman namalayan na dumating ka na pala? Sana ay tinext mo ako,” sabi pa niya. Aba mayroon din pa lang selpon ang Senyora. Napangiti naman ako sa kaniya.     “Sige, Senyora, gusto niyo po textmate tayo?” tanong ko sa kanya kaya tinawanan niya ako. Ang mga nanonood ay natatawa na lang din sa pinagsasabi ko.     Nang tignan ko si South ay tumatawa rin ito at kusa na lang napapailing sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.    “Luh, tawang-tawa. Gusto nang mag-asawa? Ano gusto mo na ba akong asawahin, Daddy?” pabulong na saad ko sa kanya. Napailing na lang siya sa mga sinasabi ko kaya kusa na lang akong natawa.    “How about you, South? Kinuha mo na ba ang numero ng fiance mo?” tanong ng senyora sa kanya.    “Opo, Senyora, textmate na nga po kami,” sabi ko at ngumiti nang malapad. Natawa naman si Senyora akala ata’y nagbibiro ako.    “Saan mo nga pala nakuha ang number ko?” pabulong na tanong ko kay South.    “Neon.”sambit niya na nagkibit ng balikat.    “Buti binigay? Crush ako no’n,” natatawa kong biro. Sinamaan niya naman ako ng tingin.    “Lumayo ka na kung ganoon,” sabi niya naman na nakasimangot.    “Sus, bakit ko lalayuan? Crush lang naman ako,” natatawa kong saad. Galit niya naman akong tinignan.     “And bakit naman ako ang mag-aadjust? Kasalanan ko bang maganda ako?” Nagmake face lang ako sa kanya.    “Right…” Hindi ko naman mapigilan ang pagnguso nang sumang-ayon ito.     “Ma’am, sunod na lang po namin ang pagkain niyo roon,” sabi sa akin ng matanda.    “Tulungan ko na po kayo, Manang!” nakangiti kong saad at pumasok pa sa loob. Napailing na lang si South at hinayaan ako sa gustong gawin. Inirapan ko naman siya at sumunod kina Manang.    “Hija, just tell me if you need anything, ha? Sa katabing kwarto na lang ni South ko ilalagay ang mga gamit mo,” sabi ni Senyora sa akin.    “Po?” naguguluhan kong tanong dahil ang mga gamit na dala ko’y pang ngayong araw lang naman.    “Nagpadala pa ng ilang gamit ang Mama mo. Dito ka na raw matulog tutal ay wala ka namang pasok bukas at sa susunod na araw,” sabi nito sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil ang sabi nila’y isang araw lang ako rito sa La Trinidad. Pinagkakaisahan talaga ako kahit kailan.    “Oh... sure po, Senyora,” nakangisi kong saad dahil wala namang problema sa akin ‘yon. Kaya ko namang libangin ang sarili ko kahit na saan ako.     “Senyora!” tawag ko ng papasok na sana siya sa study room nila.    “Yes, Hija?” tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Kung hindi ko lang ‘to nakitang tumawa, paniguradong matatakot ako rito.    “May surfing board po ba kayo? I want to learn po,” nakangiti kong saad.    “Itanong mo na lang kina South, Hija. Sila ang mahilig diyan,” sabi nito at nginitian ako. Napatango naman ako sa kanya at ngumiti rin pabalik.     “Ako na po, Manang. Salamat. Chillax lang po kayo riyan,” sabi ko kay Manang at binuhat na ang ilang pagkain. Malapad naman ang ngiti ko habang palabas ng mansiyon.    “Hey, good morning, Shira,” bati sa akin ni Art na mukhang kagigising lang. Pababa ito ng hagdan. Agad ko siyang nginitian dahil hindi magawang kumaway dahil may buhat buhat pa ako.    “Magandang buhay, Art!” bati ko rito. Natawa naman siya sa akin at binuhat ang ilang dala ko.    “Ako ng bahala. Sa baba ba?” tanong niya, nakangiti naman akong tumango..    “Ano? Tinext mo na ba ang numerong binigay ko sa ’yo?” nakangisi kong saad sa kanya.    “Not yet,” naiiling niyang saad.    “Hala! Bakit hindi?! Dapat tinext mo na! Chikababes ‘yon. You’re really half bobo,” sabi ko na inirapan siya. Napatawa naman siya sa tinuran ko.     “Fine, I’ll text her later. But you didn’t even let me see her face first!” reklamo niya naman na patawa-tawa pa sa akin.     “’Yan. Ganiyan kayo! Kapag maganda g lang,” ani ko na inirapan siya. Napanguso naman siya roon.     “Guilty,” aniya na tumawa pa nang mahina.     “Papakita ko sa ‘yo mamaya, baka madedu ka naman bigla,” sambit ko. Napailing na lang siya at tinawanan ako.     Agad napakunot ang noo ko nang makita si South na nakikipagtawanan sa isang sexy’ng babae sa gilid.    “Oh... that’s Lin, mukhang nandiyan na naman sina Mayor,” sabi sa akin ni Art.    “Oh? ‘Yan ‘yong fiancée niya?” tanong ko.    “Nah, nandito fiancée niya,” sabi niya na tinuro ako.    “I mean ‘yong anak ni Mayor!” sambit ko na napairap pa.    “Wow, init na agad ng ulo, ha?” natatawa niyang saad kaya agad akong napanguso.    “Hindi naman, ikaw kasi, nagtatanong ako ng maayos!”sambit ko.    “Sinasagot ko rin naman ng maayos?”natatawa niya ring tanong sa akin.     “Pero hindi ‘yan. Kapatid niyan,” sabi niya kaya napakibit ako ng balikat. Habang papalapit kami’y kumunot naman ang noo ni South. Tipid niyang nginitian ang kausap bago siya nagtungo sa gawi namin.    “Oh! Tapos ka nang makipaglandian?” natatawa kong tanong ng makalapit siya. Maski ako’y nairita sa sarili kong tanong.    “Baka mamaya ay umabot na naman kayo sa laplapan—“ Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko’y nahila na ako nito at sinamaan ng tingin. Agad naman napatikom ang bibig ko lalo na’t ng mapagtanto na kasama pala namin si Art.    “Hehe, thank you, Art! Fafa mo lalo kapag bagong gising.” Napahagikhik pa ako habang nakatingin sa kanya. Napatawa naman siya ng mahina at may ngising mapang-asar habang nakatingin kay South na kung nakakapatay lang ang tingin siguradong pinaglalamayan na ako ngayon.    “What the heck are you trying to do, Kiddo?” nakasimangot niyang tanong.    “What? Just enjoy your time with your flavor for today,” natatawa kong sambit.    “I’ll f*****g make that mouth shut, Dolores,” seryosong pagbabanta niya. Hindi naman mabiro kahit na medyo true.    “Fine, mananahimik na,” natatawa kong saad at naupo na. Paupo na rin sana siya kaya lang ay lumapit ‘yong kapatid ng fiance niya dati.    “South...” mahinhing saad nito. Hindi ko naman maiwasang mapangisi, sa pagtawag pa lang niya ng pangalan nito’y ramdam ko na ang namumuong bagyo. Napatawa naman ako sa sarili kong naisip.     “Can you teach me how to surf? I really want to learn, eh,” malambing na saad nito.    “I can’t—“ Hindi pa natatapos ni South ang sasabihin ay nagsalita na ako.    “He’ll help you, Sissy. Kaya kung puwede lumayo-layo na kayo rito’t ng makalafang na ako,” sambit ko nang nakangisi. Nlingon naman ako ni South.    “Stop being annoying, Kiddo,” bulong niya sa akin.    “Sino ka ba?” tanong no’ng babae habang kunot noong nakatingin pa sa akin.    “She’s my fiancee,” sambit ni South dito. Gulat namang napatingin sa akin ang babae. Napaawang pa ang labi nito kaya agad akong ngumisi.    “Don’t worry. Hindi ko naman kayo pipigilan. It’s fine with me. Hindi naman ako possessive fiance. I’m not selosa rin. Take him if you want. I don’t really care if you kiss him, f**k with him or do anything you want. Wala akong paki, Sismars,” seryoso kong sambit. Mas lalo namang nalukot ang mukha ni South at iritadong sumunod sa babae dahil hila-hila na siya nito.    Siya pa ‘tong pabebe, siya na nga itong pinagbibigyan ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD