Chapter 9

2033 Words
Shira’s POV Nagpatuloy na lang akong kumain mag-isa rito sa dalampasigan. Kitang-kita ko naman sa harap ko ang naglalampungan na si South at Lin. Napangisi naman ako. Kunwari’y aayaw-ayaw pa ngunit sigurado akong tuwang-tuwa naman siya habang sinusulyapan ang mala-coke na katawan ng dalaga. Nilabas ko naman ang yogu ko mula sa maliit na bag na dala. Hindi naman kasi ako sigurado kung may yogu ba sina senyora. Uminom lang ako at iniwas na ang tingin sa banda nila. Nakangisi lang ako habang nakatingin sa paligid. Mabuti nang libangin ko na lang ang sarili rito kaysa ang manood ng love birds na talagang hindi nahihiyang maglampungan.  Si Lin ay may pahimas-himas pa kay South. Napangisi naman ako roon. Pagkakaalam ko ay mas matanda si Lin ng dalawang taon. Hindi malabong magustuhan siya ni South dahil ang alam ko'y madalas na nagiging nobya nito’y mas matanda sa kanya o ‘di naman kaya’y halos kaedad niya lang.  Naglakad patungo sa may batuhan dala dala ang ilang pagkain. Nakakasuyang manood kina South. Panguya-nguya pa ako ng sandwich habang naglalakad. Nagulat naman ako ng makita si Art na siyang nasa tabi ko na. “Ano? Bakit umalis ka roon? Bakit iniwanan ka ni Kuya?" sunod-sunod na tanong nito. “Ano ba ‘yan? Para ka namang reporter kung magtanong,” natatawa at naiiling kong saad sa kanya. “Hayaan mo na, nag-eenjoy naman," natatawa kong saad. “Sus, kung ako ang may fiance. Siguradong hindi ko ‘yon hahayaang sumama sa iba." “Pwes, ibahin mo ako, Art. Hindi ako ganoon. Keribels lang. Hindi kp pa naman siya gusto,” natatawa kong sambit at naupo sa medyo malilim na parte. Napakibit naman siya ng balikat sa akin dahil dito. “If I was your fiance, I’ll be probably mad at you,” natatawa niyang saad. “Sad to say you’re not my fiance,” natatawa kong saad at sumimsim na sa aking yogu. “Let’s take a photo. Dali!”cnatatawa kong saad at nilabas pa ang phone ko. Ngumiti ako roon at nagpeace sign. Ngumiti naman din si Art kahit nabibigla sa biglaan kong pagkuha ng litrato. Napangisi naman akong sinend ‘yon sa gc naming tatlo nina Ley at Rest. Shira: Ano, Ley? Pasok ba? Rest: Omg, he’s handsome, ha. Ley: Keribels na. Hindi ba ‘yan purita, Sissy? Napatawa nanan ako sa tanong nito. Tinawagan ko ang mga ito. Agad din naman nilang sinagot. Nakahiga si Rest sa kama niya habang si Ley ay mukhang nasa café ngayon. “Art! Say hi to my friends!” natatawa kong saad at pinakita si Art. Natawa naman siya sa akin. Wala namang reaksiyon sina Ley at Rest, para bang normal lang ang mukha nito. Mas natuon pa ang atensiyon nila sa likod ni Art kung nasaan ang fiance ko. “Omg! Why naman ganyan? He’s so landi naman!” sambit ni Rest. Tinawanan ko lang naman ‘yon. “Don’t mind him, Rest. Ano pasok na ba sa standard mo si Art, Ley?” tanong ko kay Ley na siyang may kausap mula sa kabilang. Lumingon naman siya kaya pinakita ko si Art na nakasulyap lang din sa phone ko. “Boba ka talaga. Kung sino-sinong nirereto mo. Ako ang hahanap!” natatawa niyang saad kaya napatawa rin ako. “Ano ba? 18 lang ‘yang si Art. Magkasing edad lang kayo!” natatawa kong saad. “Art, say hi!” utos ko kay Art. Naiiling na lang naman ‘tong bumati kay Ley. Si Rest naman ay natatawa lang sa pinaggagawa ko at mukhang abala rin naman ‘to sa pagdo-drawing. “You should go here next time! Inggitin ko kayo sa view niyan!” natatawa kong sambit sa kanila. “Yeah, we should. Look at your view on the other side. Wow, you’ll really let him landi to someone else, Sis?” tanong ni Rest na pinagtaasan ako ng kilay. Natawa naman ako roon. Kung sa akin kasi’y ayos lang, paniguradong padating sa mga ito hindi maganda. “Huwag na sabing pansinin. Bye na! Enjoy your weekdays, Mga Sis!” sambit ko at tinapos na rin naman ang tawag kalaunan. “Ano? Pasado ba?” natatawa kong tanong kay Art. Natawa naman siya sa akin dahil dito. “Yeah, but she’s not interested so I guess you should stop shipping me with your friend,” sambit niya na naiiling. Napakibit naman ako ng balikat. Kung ayaw edi don't. Nang tuluyan na akong matapos kumain, nagpaalam muna ako kay Art na dadalhin sa taas ang ilang gamit.  Tumango lang naman ito. Abala rin kasi sa pagpipinta. Hindi ko rin naman gustong istorbohin. Sumulyap pa ako sandali kina South. He's now enjoying surfing. Si Lin naman ay humahagikhik lang habang nakatingin kay South. Napakibit ako ng balikat at nagtungo sa mansiyon. Napatingin naman ako sa isang babaeng seryoso lang ang mga mata at bakas ang iritasiyon habang pinapanood ang nasa baba. “Wow! Frida!” nakangisi kong bati rito. Ang pagkakaalam ko’y anak rin siya ni Mayor. Nilingon niya ako at pinagkunutan ng noo. “Who are you? Bagong katulong nina Senyora?” tanong niya na tila gusto talaga akong laitin ngunit hindi naman ako madaling mapikon pagdating sa ganitong bagay. “Nah. Tagalinis lang ng bakuran,” natatawa kong saad. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay. Mukha rin naman palang hindi naniniwala pero patanong-tanong pa. “Sad girl ka, Sissy? Your Ate’s having fun with your ex fiance,” sambit ko na natatawa. “Shut the f**k up!” iritado niyang saad. Natatawa naman akong lumayo. Gusto ko lang namang mang-asar ngunit wala akong balak mag-uwi ng latay. Iniwan ko na rin naman siya pagkatapos kong asarin. “Oh! Good morning, Mayor! Revera iboto sa balota!” sambit ko ng makasalubong si Mayor.  Parang gusto ko na lang tuloy takpan ang bunganga ko dahil sa mga pinagsasabi. Saka lang ako nakaramdam ng hiya nang masabi ko na ‘yon. Napatawa naman ng mahina si Senyora na kausap pala si Mayor. Napakagat naman ako sa aking labi at nahihiyang yumuko na lang para tuluyang pumasok sa mansiyon. “What do you need, Hija? Ibigay mo na lang ‘yan sa mga katulong,” sabi ni Senyora. “Ayos lang po, Senyora. Ako na po,” sabi ko at nginitian siya. “Nasaan si South at bakit hindi ka samahan?” tanong niya. “Ayos lang po, Senyora. Keribels ko naman na po ito,” sabi ko kaya napangiti siya. “Alright. Huwag kang mahihiyang sabihin kung anong kailangan mo,” sabi niya at ngumiti pa sa akin. Tumango naman ako roon. Minsan gusto ko na lang talagang palitan ang bunganga ko sa sobrang daming pinagsasabi. Nakangiti pa ako habang pabalik sa dalampasigan. Napanguso naman ako nang makita si South na papasok sa bahay ngunit para siyang walang nakita at nilagpasan lang ako. “Sungit,” natatawa kong saad at dumeretso na sa pwesto ni Art kanina. Hanggang ngayon ay nagpipinta pa rin ito kaya naupo ako sa tabi niya. “What about me? Kaya mo ba akong ipinta?” tanong ko sa kanya. “It will take time. Hindi ako ganoon karunong. Ask Kuya South to paint you. Marunong ‘yon,” sabi niya at nginisian ako. “Paano kong kauusapin? Hindi nga ako pinapansin," natatawa kong saad at nagkibit ng balikat. Napatango naman siya sa akin at ngumisi. “Ininis mo kasi,” sabi niya at nagpatuloy. Wow. Bakit parang kasalanan kong pikon ito? Nakipagkwentuhan lang naman ako kay Art buong umaga at sabay din kaming nagtungo sa mansiyon nang sabihin ng isa sa mga kasama nila sa bahay na kakain na raw. “Nandiyan pa rin ata hanggang ngayon sina Mayor,” pabulong na saad ni Art. “Bakit ba nandito sila?” hindi ko maiwasang itanong. “May project ata na ginagawa sa kabilang isla,” sabi niya. “Oh? Why here naman?” tanong ko. “Magkaibigan si Mayor at Lola,” sabi niya kaya nagkibit ako ng balikat. Hindi naman malabo ‘yon dahil makapangyarihang tao rin si Senyora.  Agad namang ngumiti sa akin si Senyora nang makita ako. “Halina muna kayo’t kumain. Nasaan pala si South? Mukhang hindi na ata bumaba mula sa kanyang kwarto?” tanong ni Senyora. Sa akin ito nakatingin kaya hindi ko alam kung ano isasagot. “Hindi ko po alam, Senyora,” sabi ko at napakamot pa sa batok. Nakita ko namang pababa na mula sa hagdan si South na medyo basa pa ang buhok dahil nga naligo rin sila sa dagat kanina. Nakita ko naman si Lin na nakangiti agad na nagtungo kay South. “I’ve enjoyed our session. Next time ulit!” sabi nito at lumingkis pa kay South. Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko. Si Art naman na nasa tabi ko’y halos mabuga na ang iniinom na yogu na hiningi niya sa akin kanina. “What?!” kunot noong tanong ni Frida. Mukhang galit na galit sa Ate niyang nakangisi lang naman sa kanya ngayon. Napangisi naman ako roon. Napatingin tuloy sa akin si Senyora habang nauupo kami sa kanya-kanyang pwesto. Nginitian ko lang naman ito. Wala siyang dapat na ikabahala dahil wala naman akong balak na baliin ang engagement. “Session amp,” bulong ni Art sa tabi ko. Napatawa naman ako sa bulong niya. Naupo na rin si Mayor. Katulad ni Senyora ay hindi ako tinatantanan nito ng tingin. Siguro’y nagtataka kung sino nga ba ako. “This is Shira Fajardo. My grandson’s fiancee,” sabi ni Senyora. “Wow, congrats, Art. You already have yourself a very good looking fiancee,” sabi Mayor. Halos mapahagalpak ako ng tawa roon. Napakunot nga lang ako ng noo ng marinig ang malakas na galabog mula sa pwesto ni South. “She’s my fiancee,” suplado ang tinig nito. Nagulat naman si Mayor doon at maski na rin si Frida na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Si Art naman ay alanganing ngumiti kay Mayor. “Ohh... you get it wrong, Senyor. South gets himself a beautiful wife,” sambit ni Senyora. “Enebe, hende nemen pe, hehehe,” sambit ko at nilagay ang takas na buhok.  Napatawa naman ang katabi kong si Art kaya natatawa ko lang din siyang tinignan.  “Oh...” Napatango naman si Mayor at sinulyapan ang dalawa niyang anak na nakasimangot ngayon. Paano ba ang pagpili ng mapapangasawa sa kanila? Bato-bato pick? Or gustong maghati? Napatawa naman ako sa naisip ko. Kahit kailan ay nakakainis ang utak na mayroon ako. Hindi magawang magseryoso kahit seryoso na ang lahat.  Nagpatuloy sa pag-uusap si Mayor at Senyora habang nakikita ko naman sa gilid ng mata ko ang paghaharutan ni Lin at South kaya busangot na busangot ang mukha ni Frida. Napakibit na lang ako ng balikat at inabala ang sarili sa pagkain. Napapansin ko naman ang pagsulyap sa akin ni Senyora, mukhang tinitimbang ang itsura ko. “Are you enjoying your stay here, Shira?” tanong niya sa akin kaya nilunok ko muna ang chinichibog bago ko siya sagutin. “Yes naman po, Senyora. The view’s nice! And I’m enjoying Art’s company!” nakangiti kong saad. Halos masamid naman si Art sa tinuran ko. “Really? How about South? Bakit hindi mo siya samahan, Apo?” tanong niya kay South na matalim lang ang tingin sa pagkain na para bang may ginawa itong mali sa kanya. “It’s fine, Senyora, he’s helping Ate Lin?” Hindi ko siguradong sagot. Wow, Ate. But yes, she’s already 23. "And I'm really fine with all of his girls. Hindi ko naman po siya gusto," natatawa kong saad. Natahimik sa tabel kaya awkward pa akong tumawa.  “Oh... ganoon ba?” tanong ni Senyora na matagal akong tinignan tila ba nanantiya bago ngumiti. Napatikhim naman ako roon at binalik ang ngiti sa kanya. Nang sulyapan ko si South, kahit minsan hindi ako binalingan ng tingin nito. Tipid itong ngumingiti at sinasagot ang mga tanong ni Lin sa kanya.  Napanguso naman ako dahil sa ngayon wala namang dumadapong iritasiyon sa akin sapagkat kahit gusto ko siya alam ko pa ang limitasiyon ko. I just like him physically but I already know na isang hakbang lang palapit dito’y sigurado na akong hulog na agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD