Chapter 10

2096 Words
Shira’s POV “Don’t talk to me. You’re half bobo ba?” I asked. Napatawa naman sa akin si Dino na akala mo’y nakikipagbiruan ako sa kanya. “Why are you mad? I was just talking to you,” sambit niya sa akin. “Do I look like I’m talking to you?” kunot noong tanong ko. So epal. I’m not even looking at him. I'm busy with my own things. “Just say yes, Shira. Sandali lang naman ‘yon. Hindi naman tayo magtatagal sa bahay,” sambit niya. Kusa na lang akong napairap. “Can’t you see I don’t want to make usap with you? Don’t even talk to me as if we’re close. Go away,” inis kong sambit at napairap pa sa kanya. Ang kulit. Ilang araw na akong kinukulit na bumisita sa bahay nila. Ayaw akong lubayan. Nakakayomot.  “Promise after dinner. Ihahatid na rin kita sa inyo,” sambit niya naman. Mas lalo naman akong nainis dahil hindi ata nakakaintindi itong kups na ito. “I already told you  I already have my fiancé,” gigil kong sambit. I don’t even want to brag about my fiancé card but I just can’t help it. This guy just keeps on pushing my button. Hindi hihinto hanggang hindi 'yon naririnig.  “We already know that you don’t have any, Shira. Siguradong tinatakot lang ako ng Daddy mo, edi sana kalat na,” sambit niya. Napangiwi naman ako roon. Hindi naman kasi nila alam kung sino. “Fine, kailan ba ‘yang pesteng dinner na ‘yan. Titigilan mo na ako pagkatapos nito,” mariing saad ko na may pagbabanta sa tinig. “Yes!” nakangising saad niya at tumalon pa na para bang sinasagot ko na siya.  Agad naman akong napairap dahil may iilang napatingin sa gawi namin. Halos mag-iisang buwan na rin kasi ako nitong gustong dalhin sa dinner ng pamilya nila. Nakakainis dahil sa lahat ng manliligaw ko, siya ang pinakamakulit. He’s fine to be with kaya lang ay akala mo boyfriend ko kung magselos. Maski nga manliligaw ay hindi ko ito tinuturing bilang isa. “Ano sinagot ka na ba ni Shira?” tanong ni Ley na kakarating lang. Pagod itong naupo sa tapat na upuan. “Asa. Araw-araw naman ay basted ako riyan,” natatawang saad ni Dino at napailing. “Tangina, nakakaramdam ka rin pala?!” Napatawa pa ako nang magkunwaring nagulat si Ley sa sinabi nito. Napakamot naman sa ulo si Dino. “Hanggang wala pa, maghihintay ako,” sabi niya kay Ley at sinulyapan pa ako. “Huwag ka ng maghintay. Wala kang pag-asa sa akin. Wa epek ‘yang kakisigan mo, Ssob. Pang mga lower grade lang,” sabi ko at napailing pa sa kanya. Ang totoo’y may itsura naman si Dino kaya lang ay hindi ko ito gusto. “And Dino got rejected again,” natatawang saad naman ng kararating lang na si Rest. Mukhang kakatapos lang din ng klase. “Sus! Hindi pa naman, ah! Habang may buhay, may pag-asa! See you later! Susunduin kita sa classroom niyo!” nakangiti niyang saad na tumayo na. “I’ll go now, you already have your friends here,” sabi niya sa akin. Tinaboy ko lang siya. Tinawanan niya lang naman ‘yon at umalis na rin. Napatingin naman ako kay South na siyang kadaraan lang sa table namin. Para itong walang nakita kaya kusa na lang akong napanguso. Starting that day when I told him na I don’t really care kung sino pa ang samahan niyang babae, hindi na ako pinansin nito. Maski nga ang ngitian o kaya sungitan lang ay wala. Kapag magkakasalubong kami’y parang hangin lang ako. Hindi pa rin naman kasi sila pumupunta sa bahay at hindi pa rin ako bumabalik sa La Trinidad. “Sungit talaga ng fiancé mo, ha?” tanong sa akin ni Ley. Napakibit naman ako ng balikat. Sinulyapan ko ulit si South. Halos araw-araw ata’y hindi na nawawala sa akin na tignan ito. Hindi ko alam kung natuluyan na ako. Napanguso ako nang makitang may bago na naman siyang babae. Panay chikababes pa naman din ang babae nito. Nakita ko ang paghaplos ng babae sa braso nito habang tumatawa naman si South at mukhang nagawa pang magbiro sa kanyang mga kaibigan. “You’re not talking pa rin?” tanong saad ni Rest nang mapansin ang pagsulyap ko sa gawi nina South. Iniwas ko naman na ang tingin do’n at ngumisi. “Why naman kami magtatalkie talkie, Girl? Hindi pa naman kami ikakasal at wala naman sina senyora rito,” natatawa kong saad. Tinignan lang muna ako ni Rest bago siya nagkibit ng balikat. “I’ll get going now. Magstart na ang klase namin,” sabi ko habang inaalis ang plastik ng straw para itusok sa yogu ko. Magkakaiba rin kasi kami ng schedule lalo na’t prof ang amin ngayon. Kaunti lang ang oras para magpahinga. “Alright, see you later, Sissy,” sambit ni Rest. Tumango naman ako bago sumimsim sa aking yogu. Maglalakad na sana ako palabas nang makita kong papalapit sa akin si South. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Gusto ko na lang tuktukan ang sarili nang magtuloy tuloy ito at tila walang nakita. Kusa na lang akong napairap. Ano bang in-expect mo, Shira? Matapos ang hapon na ‘yon, sinundo nga ako ni Dino sa classroom namin. Mapairap na lang ako ng malapad ang ngiti nito.  “Let’s go, Shi!” sambit niya. “Oo, don’t touch me. I can lakad naman with my own feet. Tabi nga,” turan ko at naunang naglakad sa kanya. Napatawa naman siya habang sumusunod sa akin. “Aren’t you excited?” tanong niya pa. “Why would I naman? You’re not even my shota,” sabi ko at inirapan siya. “Sige, oks lang. Basta ako excited. Hehe.” Hindi ko alam kung maiirita ako rito o matatawa. “Last na ‘to, susuntukin ko ‘yang mukha mo,” sambit ko. I already talk to my mom na I’ll have dinner with my friends. “Oh, meet the parents na ba?” natatawang tanong ni Ley nang makita kaming padaan sa room niya. Nginiwian ko siya’t inirapan. “Yeah, my mom wants to see her,” sabi naman nitong si Dino. “You know what? You’re so pabibo. Don’t talk like it’s my first meeting with your mom. Duh!” Inirapan ko pa siya dahil hindi naman talaga ito ang unang beses. Noong una’y kasama naman ang ilang kaibigan namin kaya lang ay ako lang ang kinakausap nang kinakausap ng Mommy niya.  “You don’t even have hiya, 'no?” Tinawanan niya lang ‘yon at sinabayan ako sa paglalakad. Sumakay na rin naman ako sa kotse niya. Napasulyap naman ako sa gilid nang makita si South na mukhang may hinihintay rin. Hindi ko na lang pinansin. Habang nakasakay sa kotse ni Dino, nagkukwento lang ito ng kung ano. Tiwala rin naman ako kahit paano rito dahil naging kaibigan ko na rin naman siya. ‘Yon nga lang ay hindi ko talaga maibabalik ang nararamdaman niya sa akin. “Sino ba kasi ‘yong fiancé mo? Bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakilala? Niloloko mo lang ata ako!” sambit niya. Napairap na lang ako. “You’re so stupid talaga. Ilang beses nang sinabi sa ’yo. Hindi ka rin naman naniniwala so why are you even asking?” tanong ko. Nahihilo na ang eyeballs ko kakaikot.  Nang makarating naman kami sa bahay nila’y pinagbuksan lang ako nito ng pinto at nginitian.  “Shira!” nakangiting bati sa akin ng Mommy ni Dino pagkapasok namin, mukhang inaasahan na ang pagdating ko. “Magandang buhay, Tita!” natatawa kong bati at nakipagbeso pa rito. Mabait ang Mommy ni Dino kaya wala akong masasabi pagdating do’n. “You look gorgeous, Hija! Paganda na talaga nang paganda! Tumangkad ka rin!” sabi niya at nginitian pa ako. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ro’n. “Ako lang 'to, Tita," Napatawa naman si Tita sa akin.  “Hali kayo’t pumasok,” anyaya niya. Pumasok din naman kami. “Ang tagal mo ng hindi nakakapunta rito! Hindi ka na bumalik pa,” sabi niya sa akin na tila nagtatampo pa.  “Oh, Shira! Nandito ka pala, ano? Kayo na ba?” natatawang tanong ng Kuya niya na kababa lang. “Basted pa rin, Kuys,” natatawang saad ni Dino tila sanay na sanay ng sabihin ‘yon. Mukhang alam din naman nila kaya tinawanan nila ito. “Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin gusto ang kapatid ko, Shi?” tanong ng Kuya niya. “Hindi ko siya type, Kuys,” seryoso kong saad kaya nagtawanan ang ilang Kuya niya samantalang napatingin naman si Tita sa akin. “Why naman, Hija? Handsome naman ang anak ko, mabait din, may respeto sa nakakatanda, may respeto sa mga babae at mahal ka niyan. Hindi ka na lugi!” sambit ng Mommy niya habang nakatingin sa akin. “Are you trying to reto po ba your son to me, Tita? We’re just friends po. Sorry,” sabi ko at nginitian siya. Napanguso naman si Tita roon. “’Yan rejected na naman,” natatawang saad ni Dino. Napairap na lang ako sa kanya. Mabait pa rin naman si Tita sa akin. May pinagmanahan din si Dino. Kaya lang ay hindi mga katulad niya ang tipo ko.  Nang magsimula kaming kumain, natutuwa naman akong kakwentuhan ang mga ito dahil welcome talaga ako sa bahay nila ngunit paminsan-minsan ay naiirita sapagkat walang katapusang sinasabing bagay raw kami ni Dino. “Luh, last time I check tao po ako. I just don’t know with Dino,” sabi ko at nagkibit ng balikat. Nagtawanan naman ang mga kapatid niya. Naiiling na lang ang mga ito sa akin habang si Dino ay patawa-tawa na lang. “Kita mo na? Paano ako titigil manligaw rito? Wala naman na akong mahahanap na Shira Fajardo na ganito,” sabi ni Dino na napapailing pa sa kanyang mga Kuya. “Sus, patay na patay talaga. Kami na magrereto sa kapatid namin, Shi,” natatawa nilang saad. Napailing na lang ako dahil ilang beses ko na ‘yang narinig. Hanggang sa matapos ang pagkain ay inaasar lang nila ako sa kapatid. "Naghuhugas po ba 'yan ng plato?" tanong ko. "'Yon lang!" nagtawanan pa ang mga ito.  Mayamaya lang ay natapos din naman ang dinner namin kaya nagpaalam na rin ako.  “Thanks for today, Shira, give it to your Mom,” sambit ni Tita at nagbigay ng isang paper bag na may lamang pagkain. “Thank you po, Tita,” sabi ko at ngumiti. “Come back again. Ingat kayo!” sabi niya sa akin at bumeso pa. Tumango na lang ako kahit hindi naman ako sigurado roon. Maski ang mga kapatid niya’y nagpaalam na rin sa akin. Nang makaalis kami’y nagkukwentuhan lang kaming dalawa ni Dino. Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kami sa tapat ng bahay. “Thanks!” sabi niya na malapad ang ngiti. “'Yong usapan natin, ha? Tigil-tigilan mo ako kung ayaw mong makatanggap ng half suntok at half sampal,” sambit ko jaya napatawa siya. Akala ata’y nagbibiro lang ako. Umalis na rin naman siya pagkatapos. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa cellphone nang makita ang ilang tawag mula kay Mama. Nakapatay kasi ito dahil galing akong school. ahindi ko rin naman din na-open pa. Binasa ko na lang ang text mula roon. Mama: Senyora is here. Cancel your dinner with your friends. Napatikhim naman ako roon at medyo kinabahan dahil paniguradong masesermonan nanaman ako ng magulang ko. Papasok na sana ako sa loob kaya lang ay nagulat na lang ako nang makita si South mula sa labas ng bahay namin. He was holding a piece of yosi. Napangiwi ako roon ngunit imbis na punahin ay dire-diretso na lang ako sa paglalakad papasok dahil hindi rin naman ako nito papansinin. Hindi ko na rin babatiin dahil baka isnabin niya lang ang bati ko. Parang wala lang din akong nakita. “Did you enjoy your family dinner with your boy toy for today?” nakangising tanong niya ngunit ang mga mata’y mapanganib.  Iniwas niya rin ang tingin pagkatapos. Medyo nataranta pa ako dahil pinansin ako nito ngunit pinanatili ko ang sariling kalmado. Wow, Dolo, para kang pinansin ng crush mo riyan sa kaba mo, ha?  Well, 5 months din akong hindi pinansin nito kaya medyo nakakagulat. “Hmm, medj!” natatawa kong saad at nginitian siya bago ako kumaway papasok sa bahay. Ni hindi ko na nga pinansin ang boy toy for today kemerut niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD