Chapter 11

2218 Words
Shira’s POV    “Good evening, Ma, Pa!” Pinili kong pasiglahin ang tinig ko kahit na halos magwala ang puso ko sa kaba dahil sa talim ng mga mata ng mga ito.    “Anong good sa evening, Dolo?” mariin ngunit pabulong lang na saad ni Mama. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa roon o ano.     “Good evening, Senyora,” bati ko naman kay Senyora at nakipagbeso pa. Ngumiti naman ito sa akin.    “Mukhang na-late ka ata sa pag-uwi, Hija?” tanong niya sa akin na may ngiti sa labi ngunit maamoy ang panganib sa tinig.    “Hmm, I had dinner with a friend, Senyora. Dehins ko po knows na you’ll have your dinner here. Sana po’y tinext niyo ako,” sabi ko sa kanya.     “Dehins?” tanong niya na naguguluhan.    “Hindi ko po knows. Hehe,” sambit ko at ngumiti sa kanya.    “Ganoon ba? Akala ko’y tinext ka ni South. Ang sabi mo’y textmate kayo,” sabi niya sa akin kaya halos masamid ako roon. Tinignan naman ako nina Mama at pinagtaasan ng kilay.     “Hehe.” Hindi ko alam kung paano ako sasagot dahil paniguradong palalayasin na ako ni Rowena at ni Dante kung sakali. Charot.     Gustong-gusto kasi nina Mama at Papa na pakasalan ko ‘yang si South dahil wala naman magmamana ng airline kung hindi ako. Hindi rin naman nila ako mapigilan sa mga gusto kong gawin kaya ang sabi’y ipakakasal na lang ako. Ayaw kong manahin ang airline dahil alam kong hindi ko maeenjoy ang sarili kung sakali. Saka alam ng magulang ko na wala akong pakialam pagdating sa business na ‘yan.    “Tapos na po kayong lumafang?” tanong ko kaya napakunot ang noo ni Senyora sa akin habang si Mama’y gustong-gusto na akong kurutin.    “Kumain po,” sabi ko at ngumiti. Her mouth formed “O” bago siya ngumiti at tumango.    “Yes, hija, but not my grandson. Baka gusto mong sabayan. Hindi kami nakadalaw nitong mga nakaraang buwan dahil masiyado akong naging abala,” sabi niya sa akin at binigyan ako ng makahulugang tingin. Tumawa naman si Mama at bahagya pang pumalakpak.    “Oo nga naman, Anak. Tawagin mo si South o ‘di kaya’y ipapahanda ko na lang ang pagkain do’n sa labas,” sabi ni Mama na bahagya pa akong tinulak. Palihim naman akong napairap doon.     I already eat! Kainis.     Well, paniguradong masarap naman ang pagkain dahil nandito sina senyora kaya ayos lang.    Nag-utos naman na si Mama sa katulong namin bago niya at sinenyasan na tumungo sa labas.    “I’ll change my clothes first, Ma,” sambit ko dahil nakasuot pa rin ako ng uniform. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.    “Fine, dalian mo,” pabulong na saad niya.    “Chillax ka lang, Ma. Pinabibigay nga pala ni Mommy ni Dani,” sabi ko at iniabot ang baunan. Napataas naman ang kilay ni Senyora habang si Mama naman ay palihim akong sinesenyasan na huwag ng magsalita. Napairap na lang ako at nagkibit ng balikat.    Nang pumasok sa kwarto, ang tagal ko pa dahil kung ano-ano pang pinaggagawa ko kaya naman nang bumaba ako’y agad akong pinandilatan ni Mama. Nagtungo na ako sa labas para puntahan si South.     He’s now leaning on our gate habang nakatingin lang sa kalangitan.    “Hey, My mom said that I should join you eat your dinner,” sabi ko sa kanya. Tinignan niya naman ako. Agad tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.    “I thought you already ate?” tanong niya. Kusa na lang akong napairap.    “Yeah, bakit ba kasi hindi ka pa sumabay? So arte, ha?” sambit ko, nakatingin lang naman ito habang nakangisi.    “I won’t eat, tell your Mom,” sambit niya.    “Why don’t you tell her, Duh? I’m not tsimay po,” sabi ko at inirapan siya. Hindi naman siya nagsalita.    “Oh, hijo, sasabayan ka na raw ni Shira’ng kumain. Enjoy!” sabi ni Senyora na siyang nasa hamba ng pintuan. Lumabas naman ang ilang kasama namin sa bahay at nilapag ang mga pagkain sa maliit na lamesa rito. Binuksan pa nila ang ilaw kaya nagmukhang romantic ang dinner namin.     Nagkibit na lang ako ng balikat at napatingin sa mga putahe.     “Thanks, Manang!” sambit ko at ngumiti. Nginitian lang naman ako pabalik nito.     Wala ring nagawa si South kung hindi ang umupo sa tapat ko dahil ‘yon ang gusto ng Lola niya.    “Wait, I’ll be back in a minute,” sabi ko ng may makalimutan. Nang pumasok ako’y parang gusto na akong kurutin ni Mama sa singit.    “Kukuha lang akong yogu, Ma,” sabi ko at patakbo ng nagtungo sa kusina at kumuha ng dalawang yogu. Nang makabalik ay agad akong tinignan ni South at pinagtaasan pa ng kilay. Napatikhim naman ako at nilapag ang yogu sa harap ko.    “You won’t even give me some?” tanong niya.    “Ay, gusto mo rin ba?” tanong ko na napakamot sa ulo.    “Tsk,” sambit niya na sinungitan ako. Inirapan ko na lang din siya at napangusong iniabot ang isang yogu.    “Sige, sa ’yo na,” sambit ko.     “Napilitan?” tanong niya na may ngisi sa labi ngunit seryoso ang mga mata.    “Why are you even asking about that? Alam na nga lang,” iritado kong saad. Napatawa naman siya ng mahina roon at nagkibit ng balikat.     Halos hindi rin kami nag-usap no’ng gabing ‘yon dahil ang sungit ng Lolo niyo! Sa akin lang naman siya ganoon! Pinaglihi ata ng sama ng loob pagdating sa akin.    “You should be nice to your fiancé, Dolo. Huwag kang gumawa nang kahihiyan namin ng Papa mo roon,” sabi ni Mama habang binibigay ang ilang gamit ko. Napairap na lang ako dahil ilang beses na ata nilang sinabi ito.    “Yes, Ma, unli ka po?” tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Tutungo kasi ulit ako sa La trinidad dahil gusto raw akong dumalaw doon ni Senyora.     Last na dalaw ko roon, hindi na ako bumalik.    Paano pa ako babalik? Hindi nga kami magkasundo ng apo niya. Nakakabadtrip din naman kasi ang lalaking ‘yon para bang laging may menstruation sa kasungitan.     Katulad dati’y 3 days ulit ako sa La Trinidad. Dalawang oras ang biyahe patungo roon kaya nga may bahay pa sila rito sa bayan kung saan tumutuloy si South at Art kapag may pasok.    Lulan-lulan ng SUV namin nang magtungo kami sa La trinidad. Inaantok pa ako nang makarating kami roon, Huwag daw sayangin ang oras. Sus, baka huwag sayangin ang pera.    Agad akong sinalubong ng kasama nila sa bahay na si Javi, siya ang pinakabatang kasama nila sa rito. Agad ko siyang nginitian.    “Good morning, Javi! How’s life?” nakangiti kong tanong. Kinuha naman na ng iba ang bag ko at dadalhin sa kwartong pagtutuluyan ko.    “Ito, Ma’am, buhay pa rin naman po. Kayo po?” tanong niya kahit na mas matanda naman siya sa akin.    “Ano ba ‘yan, Javi? I told you to call me Shira na lang. So baduy mo naman uy!” natatawa kong saad sa kanya.    Napalingon naman ako sa gilid nang makita kong nagjojogging si South. Hindi ko alam kung alam ba nito na darating ako ngayon. Well, ano naman kung alam niya, Dolo? Anong pakialam nito?    “Tawagin ko ba si Sir, Miss?” tanong ni Javi sa akin kaya agad akong umiling.    “Hayaan mo siya, ‘di kami close,” natatawa kong saad at sumunod sa may mansiyon. Agad kong nakita si Senyora na nagpapahangin sa labas.    “Good morning, Hija,” nakangiti nitong saad kaya ngumiti ako pabalik.    “Good morning, Senyora!” maligalig kong saad sa kanya.    “Sabayan mo muna akong magbreakfast. Ang sabi ng Mama mo’y hindi ka pa kumakain,” sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang ako at tumango.     “Magandang umaga, Sir!” bati nila kay South na papalapit dito. Malapad ang ngiti niya habang patungo dito.    “Kasing ganda mo ba?” nakangisi niyang tanong ngunit agad napawi ang ngisi nang makita ako. Agad tumaas ang kilay niya nang makitang nakaupo ako sa tapat ng Lola niya. Hindi ko naman siya binati. Umakto lang akong parang walang nakita dahil do’n din naman talaga siya magaling.     “Morning...” mahinang bati niya sa akin. Sus, sipsip talaga sa Lola niya.    “Oh, good morning, Daddy!” bati ko kaya bahagyang tumaas ang kilay ni Senyora habang si South naman ay sinamaan ako ng tingin. Napatawa na lang ako ng mahina.    Tumabi naman sa akin si South. Hindi ko maiwasang maamoy ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kanya. Nagpatuloy naman na kami sa pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naririnig ang pagtama ng alon sa dalampasigan. Ang sarap nitong pakinggan.    “Kumusta naman ang pag-aaral, hija?” tanong sa akin ni Senyora.    “Keribels naman po, Senyora,” sambit ko at nginitian siya. Napatango naman siya sa sagot ko, mukhang kahit paano’y gets din naman. Magsasalita pa sana ito ng lumabas si Art mula sa bahay. Mukhang kagigising lang. Agad akong kumaway nang makita ito.     “Good morning. Art!” bati ko sa kanya. Napatikhim naman siya at napatingin sa katabi ko.     “Excited, hmm?” tanong ni South mula sa gilid. Pinagtaasan ko lang din siya ng kilay at hindi na pinansin.     “Morning, Shi,” medyo nag-aalinlangan nitong saad at naupo sa tabi ng lola niyang nakangisi nang malapad ngayon.    “Mukhang nagkakapalagayan kayo ng loob ni Art, Hija,” sambit nito.    “Keriboom boom naman po kasi ‘yang ugali ni Art. Hindi tulad no’ng kilala ko na kauusapin ako ngayon then after 1 month ay bigla na lang para akong multong hindi na nagparamdam,” natatawa kong saad. Tumikhim pa ako bago ngumisi.    “Well, hindi ko naman po sinasabing nandito ‘yon ngayon. I just know him lang talaga,” sabi ko at ngumisi.    “I didn’t know you want me to greet you everytime I see you, hmm?” sambit ni South. Nang lingunin ko siya’y may ngisi rin sa mga labi nito.    “Luh, Did I say that it’s you?! Ang sabi ko’y kakilala ko! Duh! Assumer ka,” sambit ko at inirapan siya. Medyo nahiya naman ako nang makitang nakatingin sina Senyora sa amin.    “Hehe, pasensiya na po, Senyora,” sambit ko na medyo nahiya dahil inaway ko ang apo niya. Parehas naman silang nakangisi ni Art sa hindi ko malamang dahilan.    “Kapag katapos mong kumain, South, samahan mo si Shira sa ating private island,” sabi ni Senyora. Nanlaki naman ang mga mata ko ro’n at nakaramdam nang excitement.     “Talaga po, Senyora?” Hindi ko maiwasang mapangisi dahil ang bali-balita’y malaki rin ang private island nina Senyora at may malaking bahay din sila roon.    “Oo, hija. I hope you enjoy your days here,” natatawa niyang saad. Napatango naman ako at masayang kumain.     Nang matapos ay halos pagtulakan ko si South na dalian niya dahil gusto ko nang magtungo roon. Naghintay lang naman ako na matapos ito.    “Ang tagal!” reklamo ko nang makitang sinasadya niya atang bagalan para lang inisin ako.     “Tsk,” sambit niya naman na sinungitan din ako.    “How about you, Art? Hindi ka ba sasama?” tanong ko kay Art. Natatawa lang naman siyang umiling.    “I’m really busy with my studies right now. Maybe next time,” sambit niya sa akin.    “Hmm, okay! Bye!” turan ko at kumaway pa sa kanya.     “Enjoy, Hija,” sambit ni Senyora sa akin. Malapad naman ang ngiti ko at parang batang tumango sa kaniya.     Sumakay na rin kami sa bangka habang pakaway-kaway kina Senyora.     “Ayos lang naman kung hindi mo ako gustong samahan, kaya ko naman ang mag-isa. Baka may hinihintay ka,” makahulugan kong saad bago tuluyang maupo sa bangka. Kumunot naman ang noo nito at nginiwian ako.    “I’m already here. Sana sinabi mo ‘yan kaninang nagbebreakfast, hindi ‘yong saka mo sasabihin kung kailang nakasakay na,” masungit na saad niya. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?    “Ang sungit mo naman! You can nicely say na hindi mo gusto. Duh! I’m not even forcing you,” sambit ko at umirap. Naiinis na talaga sa kanya.     “You were the one who keeps on telling me what to do, Kiddo. Ikaw pa ang galit,” nakasimangot na saad niya bago ako inalalayan. Inalis ko naman ang kamay niya kaya pagewang-gewang ang bangka.    “Tigas ng head,” sabi niya bago nailing at binitawan ako nang makaupo na. Halatang nang-aasar.     Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinaling na lang ang atensiyon sa ibang lugar.     Hindi naman ako nagkamali dahil napakalma naman ako ng kapaligiran kahit paano. Nilabas ko naman ang cellphone ko at ngumiti sa camera. Tinapat ko naman sa gilid ni South ang phone dahil do’n ang magandang view.     Noong una’y ang view lang talaga ang gusto kong picture-an kaya lang ay nakakaagaw naman kasi ng atensiyon ‘tong lalaking nasa tapat ko ngayon.     Kunot ang noo habang nakatingin sa gilid niya. Nakataas din ang shades na suot nito na mas lalo pang nakakadagdag atraksiyon sa kanya.     Halos malaglag ko ang phone ko nang bigla itong lumingon at ngumisi sa aking gawi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD