Chapter 12

2115 Words
Chapter 10  Shira’s POV  “I didn’t take a photo of you. Assumer ka!” malakas kong sigaw sa kanya at binaba ang phone ko. Napangisi naman siya dahil do’n.  “Did I say something ba?” he mocked.  Kusa naman akong napairap dahil do’n. Mas lalo naman siyang napangisi nang mapatingin sa phone ko. Napasilip din tuloy ako. Agad akong nataranta nang makitang nakikita niya ang mukha sa phone ko.  “Alam ko namang crush mo ako. Huwag mo namang masiyadong ipahalata,” sabi niya at ngumisi. Pinamulahan ako ng mukha ngunit malambing din akong ngumiti sa kanya pabalik.  “Yeah. Ngayon mo lang nalaman?” tanong ko sa kanya na talagang tinignan pa siya sa kanyang mga mata. Kusa naman ‘tong napasimangot dahil do’n at inirapan ako.  “Luh, choosy ka pa! Sinabi ko na ngang crush kita!” natatawa kong saad at tinabi na ang aking phone. Sinilip ko muna saglit ang mukha niya roon.  “Paasa ka,” sabi niya at nag-iwas ng tingin. Napahagalpak naman ako ng tawa. Ako pa itong paasa ngayon? He was the one who told me to try him pero biglang hindi mamamansin nang one month? Wow!  Hindi na niya ako pinansin pa pagkatapos no’n. Bumaba na rin naman kami sa bangka nang makarating sa private island nila.  “Wowers, ha! Ang pretty naman pala!” natutuwa kong saad habang nakatingin sa paligid.  Mayroong isang maliit bahay sa gitna. Ang bahay ay gawa sa kahoy tila ba talagang ginagamit lang para pahingaan. Makikita naman ang mga berdeng puno mula sa likod kung susubukang maglakad nang ilang hakbang.  Pinagmasdan ko pa ang maliliit na lamesa mula sa harapan at mayroon din doong beach chair.  Sinulyapan ko pa ang maliit na duyan mula sa likod. Mukhang masarap magpahinga roon. Napangisi naman ako dahil sobrang ganda ng private island nila.  Kung lilingunin mo naman mula rito ang karagatan, talaga namang mamangha ka sa ganda. Ang mangasul-ngasul at pinaghalong berdeng tubig na siyang mas lalo pang nagpapaganda rito. Idagdag mo pa ang masayang kalangitan.  “Can I go inside?” tanong ko sa kanya.  “Ano pa nga bang gagawin mo?” tanong niya naman at nagkibit ng balikat.  “Duh! Kaya nga hinihingi your opinion, eh!” I said before I rolled my eyes. Pumasok naman ako sa loob never minding his presence. Napailing na lang siya’t sumunod din naman sa akin.  Kung nakakamangha sa labas ng mini house na ito, maski sa loob ay ganoon din. Pagkapasok pa lang ay makikita na ang mga gawa sa kahoy na upuan at mayroong fireplace sa gilid. Kung lalakarin mo pa’y makikita mo naman ang ilang kwarto at kaunting kembot pa’y magagawi na ang kusina. Lumabas na rin naman ako pagkatapos kong silipin ang loob. Sinubukan ko namang buhatin ang isang beach chair kaso hindi ko naman alam na mabigat pala.  “Hey! I need a hand here, Mr. Arceo! Yuhoo!” sigaw ko kay South na siyang pinapanood lang ako at mukhang wala pang balak tumulong kung hindi ko pa tinawag. Kusa ko na lang siyang inirapan. Kalaunan ay binuhat niya rin naman ‘yon.  “Saan mo gusto?” tanong niya. Tinuro ko lang sa may lilim dahil wala naman talaga akong balak magbilad sa araw. I already like my skin. “Hehe, thankie, Daddy!” nakangisi kong saad.  “Shut up, Kiddo,” sambit niya na umirap pa sa akin. Nakita ko siyang pumwesto sa may duyan. Hindi na rin kami nagpansinan pa.  Inalis ko na ang suot kong t-shirt at maski rin ang pangbabang short dahil nakabikini naman ako. Wala akong coca cola’ng katawan ngunit may maipagmamalaki rin naman.  Kumuha lang ako ng litrato kung saan-saan. Napanguso naman ako nang subukang kumuha ng whole body na litrato ngunit dumudulas lang sa buhanginan.  “Hey, Daddy! Favor!” tawag ko kay South habang papalapit dito. Nakapikit lang ito. He was trying to meditate ata.  “What is it, Kiddo?” kunot noong tanong niya. Nang imulat ang mga mata’y naging maamo rin naman nang sulyapan ako.  “Ano? Baka crush mo na ako bigla, ha?” natatawa kong biro sa akin na siya inirapan niya lang.  “What is it?” tanong niya.  “Picture-an mo ako!” sabi ko at nginitian siya. Tatayo na sana ito nang magsalita ulit ako.  “Sesend ko lang sa boyfriend ko, hehe,” pagbibiro ko. Hindi na ito tumuloy pa. Nanatili lang itong nakahiga.  “Hey, take a picture of me!” pangungulit ko sa kanya dahil ayaw niyang tumayo.  “Fine! Then don’t if you don’t want to. Akala mo naman ay ikamamatay ko! Don’t ever talk to me! Ngetpa mo!” iritado kong saad sa kanya. Parang wala lang itong narinig at pinikit lang ang mga mata. Kusa na lang akong napairap.  Hinanap ko naman si Manong bangkero na kasama namin kanina kaya lang ay wala na ang bangka niya rito. Napasimangot naman ako dahil sinubukan kong itayo ang phone ko sa buhangin but I ended up looking ugly.  Busangot na akong bumalik ulit sa pwesto ni South na siyang nakangisi ngayon dahil narinig ata ang pag-iinarte ko. Kusa na lang akong napasimangot doon. Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit.  “Hey, Daddy. Take a photo of me,” malambing kong saad at hinawakan pa ang biceps nito. Agad siyang nagmulat at sinamaan ako ng tingin.  “What do you need? I thought you don’t want to talk to me, Kiddo?” nakangising tanong niya. Pinigil ko naman ang inis at malambing siyang nginitian.  “Kuhanan mo na ako ng litrato, Daddy.” Napairap na lang siya at inis na tumayo. Ngiting tagumpay naman akong nagtungo sa kung saan ko gusto. Nakasunod lang naman ito ngunit tila labag sa kanyang loob. Nginiwian ko lang siya at nag-post ako sa harapan nito.  “Tsk,” sambit niya at inabot na ang phone ko matapos ang isang litrato.  “Boba ka!” inis kong sambit nang makita ang litrato ko. Blurred iyon at halos ang dagat lang talaga ang kita. Napatawa naman siya nang mahina tila sinadya talaga ‘yon. Inis kong binato sa kanya ang shell na nandito.  “You’re half stupid. Half papansin talaga!” sambit ko pa ngunit natawa lang naman siyang tumalikod sa akin tila balak lang talaga ako nitong asarin.  “Crush mo siguro talaga ako!” sambit ko sa kanya. Tinawanan niya lang ulit ako, mas lalo naman akong nainis dahil sa paraan nang pagtawa nito. Talagang nang-iinsulto.  “Bobo! Don’t ever talk to me, ha?!” inis kong sigaw. Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko’t umalis lang sa harapan ko. Bumalik sa pwesto niya. Kusa na lang akong napairap. Imbis na kumuha pa ng litrato ay inis na inis na lang akong nagbabad para lumamig naman kahit paano ang ulo ko dahil sa bwisit na South na ito.  Nalibang naman ako roon at sinubukan kong magtungo sa kabilang bahagi dahil nakita ko ang ilang shells do’n. Nalibang naman ako sa pagsiswimming pati na rin sa pag-kocollect ng iba’t ibang shell. Pumwesto ako sa side kung saan may malalaking bato at sumandal ako sa isa para lumilim. Nalilibang ako habang pinagmamasdan ang payapang paligid. Sinasabayan nang malamig na hangin ang lamig ng tubig ngunit dahil nga nakababad ako, masarap ‘yon sa pakiramdam.  Pinikit ko lang ang aking mga mata habang nakikiisa sa kapaligiran kaya lang ay agad akong napatili nang may humawak sa paanan ko.  “What the f**k?! Ermat ko!” malakas kong sigaw. Napamulat naman ako nang makarinig nang mahinang pagtawa.  “Half papansin, half stupid!” inis kong sambit at pinaghahampas si South na napatawa dahil sa naging reaksiyon ko.  “Nandito ka lang pala. I tried to shake some watermelon, baka gusto mo,” sambit niya na may mapaglarong ngisi sa mga labi.  “Luh, sino kayang kausap nito?” tanong ko’t umakto pang hindi siya nakikita.  “Probably the ghost besides you?” tanong niya kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.  “As if I’m takot!” sabi ko’t inirapan siya. Napakibit naman ‘to ng balikat at palangoy na umalis sa tapat ko. Napatikhim naman ako sa takot na baka may humawak na naman sa paa ko at this time hindi na si South. Halos kilabutan ako kaya naglakad na ako kasunod niya.  “I thought you’re not takot?” pang-aasar niya nang makitang nakasunod ako. Mayroong ngisi sa labi nito. Napangiwi naman ako at kusa na lang napairap.  Nauna akong naglakad at binangga pa siya bago nagtungo sa table kung saan naroon ang watermelon na shinake niya. Natawa naman siya dahil sa reaksiyon ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ‘to. Kung hindi namamansin, ang lakas naman ng trip manira ng araw.  Pinagtaasan ko lang siya ng kilay nang makitang umupo na rin siya sa tapat ng upuang kinauupuan ko. Nginiwian ko siya’t kinuha ko na ang phone ko.  Shira: Guess where I am.  Ailey: Sus, mang-iinggit na naman!  Everest: Omg! Send us some pictures!  Kumuha naman ako ng litrato ng lugar at sinend sa mga kaibigan ko.  Everest: You’re in the private island ng mga Chavez??  Shira: You guessed it, right, Sismars.  Everest: Omg! Let’s video call!  Napatawa naman ako nang mahina doon. Tumaas naman ang kilay ng katapat kong si South habang sumisimsim sa kanyang inumin, pinagmamasdan ang reaksiyon ko ngayon. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.  “Does your boyfriend even know that you’ll be marrying someone?” tanong niya sa akin. Hindi ko pinansin dahil wala naman talaga akong boyfriend. Umakto akong parang hindi siya naririnig.  Mayamaya lang ay tumawag na sina Everest. Naka-video call kaya agad akong kumaway-kaway sa kanila habang bumabati.  “Tsk,” sambit ni South at inirapan pa ako. Hindi siya umalis sa tapat ko. Nanatili lang na pinapanood ang galaw ko.  “Don’t look at me nga! You’re so chaka!” inis kong sambit sa kanya.  “Who are you even fighting with, Hon?” Napasulyap naman ako nang makita si Dani mula sa account ni Ley.  “Dani! Omg! I miss you so much!” sabi ko at kumaway-kaway pa. Iritado namang tumayo si South at umalis dito sa table para magtungo sa tapat ng dagat. Kusa na lang akong napairap.  Tinapat ko naman kay South ang camera. Natawa naman si Everest at ganoon din si Ley na katabi ni Dani, bahagya pa itong nagulat doon.  “Omg! Is that my crush, Sissy?!” malakas niyang tanong kaya napahagalpak ako ng tawa.  “That’s her fiancé now, Sis,” sabi ni Rest sa kanya.  “O to the M to the f*****g G! Traydor ka! Akala ko ba crush lang natin?! Hindi ko akalaing aahasin mo siya sa akin!” sigaw niya kaya mas lalo akong napahagalpak ng tawa. Hindi ko kasi nasabi sa kanya na fiancé ko si South. Siya ‘tong may crush doon noong una. Sali-sali lang talaga ako.  “Pero fafa naman, Sismars!” natutuwa niyang saad. Natatawa ko namang hinarap ang camera sa akin.  “Oh, tama na, baka malusaw,” sambit ko.  “Napakadaya mo! Send-an mo ako ng litrato!” turan niya kaya napatawa na lang kaming tatlo habang ang katabi niyang si Ley ay nakikipagtalo na sa kanya at sinasabihan na itong maharot. Panay lang ang tawa namin ni Rest dahil aso’t pusa pa rin talaga kahit kailan.  “Let’s call each other na lang later! Babush!” paalam ko nang magtagal ang usapan namin. Kumaway-kaway lang din ang mga ito.  Nilibang ko naman na ang sarili sa ilang oras. Pinagtaasan ko ng kilay si South nang magkasalubong kami ngunit inirapan niya lang ako.  “What should we eat, Daddy?” malambing kong tanong at nginitian ‘to nang malapad.  “Tigil-tigilan mo ako, Dolores. I’m not in the mood to joke with you,” masungit na saad niya ngunit mas lalo lang akong natawa at kumapit pa sa kanya.  “Ang sungit naman,” natatawa kong saad. Agad naman niya akong nilayo sa kanya at sinamaan ng tingin. Ang lakas mang-asar, isa rin namang pikon.  “Where na si Manong bangkero? Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ko sa kanya.  “Yeah, I’ll call Lola,” sambit niya kaya nagkibit ako ng balikat at tumango. Umupo lang ako sa duyan habang hinihintay siyang tinatawagan ang Lola niya.  “The heck?!” Napalingon ako kay South nang bigla na lang itong sumisigaw sa gilid. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.  “Why?” tanong ko.  “Lola said hindi makakabalik ang bangkero ngayong araw,” sambit niya na mukhang pikon. Kinuha ko naman ang phone niya para masigurado ‘yon.  Lola:  Hijo, ndi makakabalik ang bangkero ngayong araw. Hehehe. Enjoy ^_^ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD