Shira’s POV
“I can just call her again. Don’t worry,” sambit ni South na mukhang natataranta na rin sa gagawin dahil sa pagsigaw ko.
“’Yong yogu ko! Nasa bangka!” inis kong sambit at napakamot sa ulo. Halos malaglag naman ang panga ni South habang nakatingin sa akin.
“’Yon lang ang inaalala mo? Hindi ka ba nag-aalala na hindi ka makakauwi ngayon?” tanong niya sa akin.
Wala naman akong pakialam kung manatili man kami rito dahil ayos lang naman sa akin. Minsan naiisip kong wala akong talent but the truth is maski ako’y nabibilib sa sarili dahil nakakahanap talaga ako ng mapaglilibangan kahit saang lugar ako.
“Why would I? Maganda naman dito!” nakangisi kong saad.
“Bakit ka nag-aalala? Iniisip mo bang may gagawin akong masama sa ’yo. Rawr!” natatawa kong pang-aasar at napailing pang sinuot ang t-shirt ko. Nakatingin lang naman ito sa akin habang salubong ang kilay. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa reaksiyon niya o ano.
“Your Lola probably plan this. Ask her if we have clothes here. Kung wala’y magpadala na lang at samahan pa ng yogu,” sabi ko sa kanya. Hindi naman ako ganoon kabobo. Pakiramdam ko ay si Mama ang may pakana nito. I know my Mom’s galawan. ‘Yon nga lang ay hindi ko nahahalata ang mga ‘yon. Saka ko lang nalalaman kapag nandoon na ako sa sitwasyon.
Bakit hindi nga ba ako naghinala kanina? Well, masiyado rin naman kasi akong nalilibang habang tinitignan ang paligid.
Before he can even ask her grandma kung mayroon bang mga damit ay tumawag na ito. Ni-loud speaker niya para marinig ko naman.
“Hello, Apo?” bakas ang saya sa tinig ni Senyora. Napailing na lang kaming dalawa ni South dahil dito.
“Shira, Hija, nandiyan ka ba?” tanong nito.
“Yes, Senyora. Dito po me,” sabi ko. Iniabot naman sa akin ni South ang cellphone.
“Hehe, pasensiya na, Hija. May inaasikaso kasi ang bangkero. Hindi makakabalik ngayon diyan. Baka bukas o ‘di kaya’y sa makalawa pa ang balik nito,” sabi ng matanda. Hindi ko naman maiwasang matawa sa sinasabi nito. Nang magkatinginan kami ni South ay naiiling na lang din ito habang nakangisi. Mukhang alam na rin talaga na planado ng Lola niya ang lahat.
“Ayos lang naman po, Senyora, kaya lang ang problema po’y walang Yogu rito,” sambit ko.
“’Yon lang pala! Sige’t magpapadala ako diya—“ Hindi niya nasabi ang sasabihin. Nagkatinginan naman kami ni Southt at parehas napangisi dahil sa pagkakadulas ng Lola niya. Gusto ko na lang humagalpak ng tawa dahil mukhang bigla itong nataranta. Tumikhim muna ito bago nagsalita.
“Ehem. Hija, don’t worry pagbalik niyo’y sigurado akong maraming yogu rito sa bahay,” sabi niya kaya hindi ko na maiwasang matawa. Mukhang kabado na rin kasi ang tinig nito.
“O siya sige na. May mga damit daw riyan sa mga kwarto, gamitin niyo na lang! Ang sabi naman ng Mama mo’y marunong kang magluto, Hija, tama ba?” tanong niya. Napatingin ako kay South at mas lalo lang naming nasigurado na planado nga nilang dalawa ni Mama. Buti naman ay may pag-aalala pa rin sila kahit paano.
“Yes, Lola, I know how to cook po,” sambit ko. Kaya naman pala maski ang caretaker nitong private island ay bigla na lang nawala na parang bula.
“That’s good! Call us if there’s an emergency! Enjoy hehe!” sabi ni Senyora bago pinatay ang tawag. Napailing na lang ako habang binabalik kay South ang cellphone.
“Let’s check our things first,” sambit ni South. Napatango naman ako at naglakad na papasok sa loob ng bahay. Pinasok namin ang ilang kwarto. Nakita ko naman ang ilang gamit na pambabae sa isang kwarto.
“I think this is my kwarto,” sambit ko at nginitian siya. Napatango naman siya, mukhang katabi lang ng akin ang kanya dahil isang bukas niya lang ay hindi na siya umalis pa.
Tinignan ko naman na ang ilang gamit na nandito. Maaayos naman ‘yon, mga kadalasang sinusuot ko. Napangisi ako dahil mas lalo ko lang napagtanto na talagang simula pa lang ay inuuto na nga ako ng ina ko. Kaya pala hindi rin sumama si Art, ang gagaling.
Kumuha lang ako ng ilang pamalit dahil hanggang ngayon ay basa pa rin ako. Balak kong magluto kung hindi’y pareho kaming magugutom ni South. May iisang cr lang dito sa bahay. Bago ako tuluyang magtungo roon ay sinilip ko muna si South, nakita ko namang abala ito sa pagtitiklop ng ilang damit niya.
“I’ll goli muna,” paalam ko. Matagal niya akong tinignan bago tuluyang tumango. Hindi ko alam kung na-gets ba ang sinabi ko ngunit hindi ko na inalala pa ‘yon.
Nang matapos akong maligo’y nagtungo rin agad ako sa loob.
“I’m done! You can use the bath na!” sambit ko sa kanya.
“Yeah,” sambit niya’t napakibit ng balikat. Sinuklay ko naman ang buhok gamit ang comb na iniabot niya.
Sinilip ko naman ang laman ng ref na nandito. Agad naman akong napangisi nang makitang punong-puno ‘yon. Hindi ko alam kung dahil ba sa plano nila o talagang lagi lang puno ang ref nila rito. Naghanap na lang ako ng putaheng pupuwede kong iluto.
I know how to cook dahil ‘yon talaga ang inaral ko when I was young. Mahilig kasi talaga akong kumain.
Nagsisimula na akong magluto nang makita ko si South na siyang papasok na dito sa kusina. Naupo naman siya sa upuan na nasa tapat ko lang. Nangalumbaba ito kaya tinignan ko siya.
“Anong ginagawa mo rito? Close ba tayo?” tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay. Tumawa naman siya at tinignan lang ako. Inirapan ko siya at nagsimula nang maghiwa ng mga gulay na ilalagay sa lulutuin.
“You really know how to cook, hmm?” sambit niya kaya nilingon ko siya.
“Hindi halata,” natatawa niyang saad. Kusa na lang akong napairap sa kanya.
“Hindi kasi ako pabigat tulad mo! Your Lola said you can’t even cook your own food. Paano na lang kung magiging asawa kita? Edi isa ka pang palamunin,” sabi ko at inirapan siya. Agad naman dumapo ang ngisi mula sa mga labi nito.
“So you’re planning to marry me,” sambit niya na nakangisi. Agad ko siyang pinagkunutan ng noo at inirapan.
“Paano nga, ‘di ba? Duh! As if I’ll marry someone who doesn’t even know how to wash the dishes,” turan ko kaya natawa siya.
“Paano ba ‘yan? I already know how to do that," sambit niya kaya inirapan ko siya.
“Asa ka pa!” natatawa kong saad at nagpatuloy na sa pag-luluto. Hindi naman siya umalis at pinanood lang ako.
“It’s already your birthday tomorrow. What’s your plan?” Natigilan naman ako roon dahil ngayon ko lang din naalala na birthday ko na nga rin pala bukas. Teka, paano niya nalaman?
"Hindi ko alam na interesado ka pala sa akin, ah?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Napatikhim naman siya roon.
“Well, Mama said na i-move na lang daw ang birthday ko next week tutal ay sembreak naman at sabay na rin daw ng engagement party natin,” sabi ko at nagkibit ng balikat. Mukhang napag-usapan na rin kasi ‘yon ni Mama at ni Senyora. Ayos lang naman sa akin ‘yon dahil hindi naman ako ganoon ka-excited sa debut ko.
Ang balak ko nga lang ay i-celebrate lang ‘yon with Ley and Rest, kasama ang ilang close friends saka family. I already have the things that I want kaya masaya na ako.
“I already know that but I thought it’s just a normal engagement party? Hindi ko alam na isasabay na ang birthday mo roon,” sabi niya na nakakunot ang noo.
“Why? Are you scared ba na someone will know na you have a fiancée na? Don’t worry habang wala pa ay pupuwede ka pang lumandi,” natatawa kong saad sa kanya kaya agad ako nitong pinagkunutan ng noo.
“Why? Is that what you wanted to do?” tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.
"What?"
“Alam ba ng boyfriend mo na may fiancé ka na?” tanong niya pa. Natatawa naman akong umiling.
“Cheater,” bulong niya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko roon.
“Wow! The audacity! Nakita nga kita na kalaplapan ‘yong si Teresa ata ‘yon habang girlfriend mo pa si Sally!” sambit ko.
"What? We're not together. I'm already engage to someone," aniya na nilingon pa ako kaya napatitig ako sa kaniya. Napatikhim naman ako roon dahil para akong malulunod sa kaniyang mga mata.
“Saka how would I cheat kung wala naman talaga akong boyfriend,” turan ko sa kanya. Napataas naman ang kilay nito sa akin.
"Really?" Humalukipkip pa ito habang nakatingin sa akin.
“I thought Dani’s your boyfriend?” kunot noong tanong niya.
“Dani’s just a friend,” sambit ko dahil hindi ko naman pupuwedeng ipagkalat na bakla si Dani gayong kami-kami lang naman ang nakakaalam tungkol doon.
“How about Dino?” tanong niya na akala mo’y nag-iimbistiga.
“He’s a friend, I think?” natatawa kong saad, hindi talaga sigurado.
“Really, hmm? What about the family dinner?” tanong niya pa sa akin.
"That's nothing! Pinagbigyan ko lang dahil ayaw akong tigilan," ani ko.
Hindi ko tuloy alam kung naniniwala ba ito o ano. Well, I don’t really care kung ayaw niyang maniwala. Hindi naman ako namimilit. Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto habang nakamasid lang naman siya sa akin.
"Now, you don't have to do that," aniya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Taste this,” sambit ko na lang para iwasan ang usapan. Imbes na hawakan niya ang kutsarang hawak ay nagpasubo pa. Tinikman niya naman ‘yon.
“Pwede na...” sabi niya’t nagkibit ng balikat. Kusa na lang akong napairap sa kanya.
“Aasawahin,” natatawang saad niya tila ba tinatanong ko ito kung ‘totropahin o jojowain’. Natatawa naman akong napairap.
“Ano ba? Ako lang 'to," sambit ko kaya napahaglpak siya ng tawa at napailing. Maayos ko naman siyang nakausap habang nagluluto ako. Matino rin naman pala kahit minsan lang.
“Let’s eat na!” nakangiti kong saad sa kanya. Inayos niya na ang lamesa mula sa labas kaya nakangisi ko namang dinala ang niluto habang buhat-buhat niya naman ang sinaing.
Agad akong naupo. Inayos niya lang ang iba pang dala bago ako tinabihan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil ang ganda ng dagat pagmasdan dito. Sa totoo lang ay maraming dagat sa Isla Soledad kaya lang sa lugar namin ay walang gaano, mas marami ang waterfalls at ilog.
Ngayon lang din halos ako nakapunta sa La Trinidad kahit medyo malapit lang sa amin. More on malls and out of the country trip kasi kami nina Mama, nalilibang din naman ako roon kaya ayos lang din sa akin.
Ngunit ngayon kasi’y talagang nakakaakit, kung papipiliin ako’y mas gusto ko ang ganitong lugar kaysa sa mga matataas na buildings at kung saan pa. Although mayroon naman advantage ‘yon, halos nabibili ko lahat ng gusto dahil hinahayaan nila akong waldasin ang kanilang pera.
“Hindi naman halata na gustong-gusto mo ang luto ko,” mapang-asar kong saad kay South na mukhang ayaw lang aminin na masarap akong magluto.
“Where did you learn how to cook?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Hindi pinansin ang pang-aasar ko.
“Hmm, I was always left in our house kaya ‘yon, to my boredom I decided to cook,” sabi ko at nagkibit ng balikat.
“Yeah, you should, mukhang paborito mo pa naman ang pagkain,” sambit niya at tumingin sa katawan ko na para bang sinasabihan ako nitong mataba kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Epal ka!” inis kong sambit at hinila ang ulam.
“Huwag kang kukuha rito!” iritado kong sambit ngunit tinawanan niya lang ako.
“Ikaw naman, wala naman akong sinasabing ganoon. Ang sabi ko lang mukhang paborito mo ang kumain,” sabi niya na nag-eenjoy habang tinitignan ako.
“Ang sexy mo kaya,” pang-uuto niya pa sa akin kaya mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin.
“Sabihin mo muna, please, master,” natatawa kong saad sa kanya. Napatawa naman siya roon bago ako tinignan at nagsalita.
“Please, Master,” natatawa at namumula ang mukha niya habang sinasabi ‘yon. Napahagalpak naman ako ng tawa at nilagay na ulit sa gitna ang ulam.
"Oh, baka hanap-hanapin mo luto ko niyan," nakangisi kong sambit.
“Tsk. Gutom lang,” sambit niya kaya napatawa ako ng malakas. Ayaw pang aminin.
He was actually fun to be with. Ngayon ko lang siya nakausap ng matino dahil madalas akong sungitan nito noon.