Chapter 14

1114 Words
Shira’s POV    I was already done taking a half bath nang lumabas ako ng banyo para sagutin ang tawag ni Mama.    “Hello, Ma? Enjoying what you’ve done?” nakangisi kong bungad habang ginagawa ang evening routine ko. Mabuti’t hindi nakalimutan ni Mama na ilagay ang mga skin care product ko.     “Huh? Anong pinagsasabi mo riyan, Dolores?” Maang-naangan pa ang tono nito. Napatawa naman ako nang mahina dahil hindi talaga ito marunong umarte.    “Eww, Ma!” sigaw ko at napairap dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.    “Eww ka riyan! Multuhin ka sana ni Mama,”   sabi niya dahil sa Mama niya nakuha ang Dolores sa pangalan ko. Napairap na lang ako roon.    “Why did you call me po ba? Don’t tell me you’re worried about me ‘cause hindi po ‘yan uubra. I know you planned this!” sambit ko habang abala sa ginagawa.     “What? Huwag mo akong mapagbintang bintangan diyan, Dolo! Alam mo kung gaano kita kamahal,” sabi niya kaya napatawa ako nang mahina.    “Awwe, how sweet of you, Ma,” natatawa kong saad. Natawa na lang din siya dahil alam niyang hindi tatalab sa akin ‘yon.    “Basta call me if something bad happened,” sambit niya.    “Yeah, Mama, I’ll call you po,”csabi ko bago niya pa maibaba ay nagsalita pa ako.    “Ma! I have a problem!” sambit ko.     “Ano?”    “Walang yogu rito! How can I sleep without it?” tanong ko nang nakasimangot.    “Gatas, Dolo. Mayroon daw riyan sabi ni Senyora,” sambit niya naman.    “Good night, Anak. Sweet dreams,” malambing na saad niya.     “Good night, Ma. I love you,”vbalik na saad ko at kusa na lang akong napangisi after our call. I just love my mom kahit na sobrang dami niyang scheme na pakulo.     Nilapag ko naman na ang phone ko sa sidetable at lumabas ng kwarto. Sinilip ko naman ang kabilang room ngunit mukhang wala roon si South. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas.     Nang matapos akong makapagtimpla ay lumabas ako ng house just to look at the sea. Gusto ko lang silipin kung maganda ba ito sa gabi. Hindi naman ako nagkamali dahil talagang nakakamangha nga ito. Ang buwan na tila naging dalawa dahil sa repleksiyon sa dagat. Agad akong niyakap ng malamig na simoy nang makalabas. Ang lagapak ng alon mula sa dalampasigan, napakasarap sa pandinig.     Napangiti na lang ako habang nakatingin doon. I was supposed to go back when I heard South’s voice, mukhang may kausap mula sa telepono.    “I’m fine nga po...” Narinig ko pa ang pagtawa niya nang mahina.    “Yeah, I miss and love you too. Mwaps!” sambit niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong natawa o mairita dahil do’n. Sobrang lambing ng tinig nito habang kausap ang tao sa kabilang linya.    Napansin niya naman ang presensiya ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. Natapos na rin naman ang tawag nila pagkatapos no’n.    “Wow, lover boy,” mapang-asar kong saad sa kanya. May ngisi pa ngayon sa mga labi.     “That’s my mom,” sambit niya.     “Ah,” sabi ko at napatango.    “Hindi mang-aasar? You won’t tell me I’m Mama’s boy?” tanong niya dahil sumimsim lang ako sa gatas na iniinom bago umupo sa duyan na siyang malapit lang sa kanya. Naamoy ko na agad ang mabangong halimuyak nito, mukhang kakatapos lang din maghalf bath.     “Why would I?” tanong ko naman at napatitig lang sa kalangitan. Nagkibit naman siya ng balikat. I actually like someone who are good to their moms and people around them.    “Ano ba?! Susuntukin kita! Ang laki-laki mo!” sambit ko sa kanya at tinulak pa siya ngunit natatawa niya lang pinagsiksikan ang sarili.    Tahimik lang kaming dalawa habang nakatitig lang sa dalampasigan. Nabasag lang ‘yon ng magvibrate ang phone niya. Wala siyang pag-aalinlangan na binuksan ‘yon sa tabi ko. Malapit lang talaga kami sa isa’t isa kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa phone niya.    Mom ^_^    Hindi ko naman na mapigilan pa ang tsimosa self ko at talagang nakibasa pa ako sa message nito.    Mom:    Don’t forget to brush your teeth! Saka huwag kang natutulog ng basa ang buhok. I love you! Panget mo!    Hindi ko naman maiwasang mapangiti. He was really Mama’s boy. Hindi nga siya nagsinungaling nang sabihin niyang ang Mommy niya ‘yon.    “Tsismosa ka,” natatawang saad niya kahit hindi naman ako nililingon. Napanguso naman ako. Nakibasa pa ng reply niya sa Mommy niya.    South:    Yes, Mom. Opo. Naka-unli ka, My? Luh, ako nga ang pinakapaborito at pinakagwapo mong anak. Haha. I love you too, Mommy.    Nang sulyapan ko ang mukha nito’y malapad ang ngiti niya, mas lalo lang lumapad ang ngiti sa mga labi ko. He really loves her Mom. I think a man who know how to respect her mom can respect others. Para sa akin, hindi nakakababa ng p*********i ang pagmamahal sa ina.     “Where’s your Mom?” hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Hindi ko pa kasi nakita ang Mommy niya. Ang Mommy lang nila Art ang nakita ko na.    Nasa Manila pala ang mga ito. Malayo-layo rin pala ito. Kaya pala base sa mga litrato na nakita ko sa account nito, maraming hindi pamilyar na tao.    “I was the only one who lives herr,” sambit nito. Napatango naman ako. Hindi niya rin naman sinabi kung bakit.    “Do you miss your Mom?” tanong ko sa kanya.    “Always,” natatawa niyang saad tila hindi niya ‘yon kinahihiya. Kusa na lang din akong napangiti.    “Hindi ba sila umuuwi rito?” tanong ko pa sa kanya.    “Wala naman silang uuwian dito. Doon ang bahay namin. While Lola likes it here. Mas gusto niya ang payapang lugar na ito,” sambit niya kaya napatango ako.     Alam ko rin naman kasi na maraming properties si Senyora sa kahit na saang lugar. Napatango na lang ako.    Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mapagpasiyahan na rin naming pumasok dahil medyo malamig na. Ubos ko na rin naman ang gatas na iniinom kaya nagtungo na rin naman ako sa kwarto.    Payapa naman akong nakatulog nang gabing ‘yon. Masiyado pa ngang napasarap dahil late na nang bumangon.     “Good morning, Kiddo, Happy birthday!” Nagulat ako sa presensiya ni South na kanina pa ata naghihintay sa labas ng kwarto ko. Agad din kasi itong napatayo nang makita ako. Nataranta pa nang sinindian ang nakatusok na kandila sa isang cupcake na mukhang kinuha niya sa ref.    Wow. What a great morning to start my day. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD