Shira’s POV
“Happy birthday to you~” Nagsimula pa itong kumanta kaya hindi ko mapigilang mapahagikhik. Ang gandang bungad naman nito sa umaga.
“Thanks, Daddy!” natatawa kong saad. Agad niya naman akong inirapan.
“Sige na, pagbigyan. Birthday mo naman,” sabi niya kaya napatawa ako ng malakas.
“Birthday wish,” sambit niya. I don’t know what should I wish for. Kuntento naman na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Saka lagi ko namang hinihiling ang good health ng pamilya. Hinipan ko ang kandila na ganoon ang hiling. I wish that everything should always be alright.
“Oks na. Pupuwede ka ng magluto at pakipunasan na rin ang panis mong laway, Dolo,” aniya kaya agad akong napairap at sinamaan siya ng tingin.
“Ang kapal muks! Hindi ako naglalaway!” sambit ko at inirapan siya, natawa naman siya sa akin. Mukhang fresh na fresh na nga ‘tong si South. Nagtungo na lang muna ako sa banyo para mag-ayos bago magluto.
Marami kaming natirang kanin kagabi kaya sinangag ko na lang ‘yon. Mabuti rin at maraming stock sa ref.
“Ano na namang ginagawa mo rito?” tanong ko at pinagtaasan ng kilay si South nang nanonood nanaman siya sa pagluluto ko.
“I’ll watch you cook. Baka mamaya ay lagyan mo ng gayuma,” natatawang saad niya.
“You’re so feelingero! Kapal muks, Bhie,” inis kong saad na tinawanan niya lang naman.
Nang matapos ay sa labas din kami kumain habang pinagmamasdan ang karagatan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang paligid. Waking up this early morning with this view seems surreal. Ang sarap sa pakiramdam.
“Huwag kang gaanong masanay, baka you’ll miss me that much,” natatawa kong pang-aasar kay South na siyang inirapan lang naman ako.
“Amfee,” sabi niya ng natatawa.
“Hoy! I’m not mafeeling no! Ikaw kaya ang feeling diyan,” sabi ko at inirapan siya.
Nang matapos kaming kumain, siya ang naghugas ng pinggan kaya nagtungo ako sa may lilim ng puno, malapit sa dalampasigan. Nililibang ko lang ang sarili sa panonood ng alon sa karagatan.
Nang magsawa ay nagtungo ako sa malapit sa dalampasigan para tignan ang mga seashell. Sinubukan ko pang kunin ang ilan saka ko nilagay sa isang botelya. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita si South na nasa likuran ko.
“Ano ba?! Pupwede ka namang magsalita nang hindi nanggugulat, ha?” inis kong sambit sa kanya. Natawa lang naman siya sa reaksiyon ko bago niya ako tinabihan.
“What do you want for a birthday gift today?” tanong niya sa akin.
“Why? You’ll buy me a gift? Hindi ko alam na ang bait mo naman pa lang fiancé,” natatawa kong saad sa kanya. Inirapan niya ako.
“Teach me how to surf na lang!” nakangiti kong saad dahil nay nakita akong surfing board noong unang araw namin dito. Nilingon niya naman ako at siyang pagkibit niya ng balikat.
“Alright,” saad niya’t inalalayan pa akong makatayo.
“Wait! I’ll change my clothes first,” sabi ko at patakbong nagtungo sa may kwarto para magpalit ng damit. I just wore a one piece bikini. Nakita ko namang dala-dala niya na ang surfing board malapit sa dalampasigan.
Nakangisi namam akong nagtungo roon.
“Oh, bawal maglaway,” nakangisi kong sambit sa kaniya. Napatikhim naman siya roon bago iniwas ang mga mata sa akin.
Inalis niya lang ang t-shirt niya bago ako tinawag at tinuruan. It was really hard at first ngunit nang masanay ay talaga namang makakadama ka ng excitement. Tuwang-tuwa pa ako dahil palaki na nan palaki ang alon.
Imbis na masaktan kapag bumabagsak sa tubig, hindi ko maiwasang malibang dahil masarap ang lamig ng tubig na tumatama sa aking katawan. Ni hindi ko na namalayan ang oras dahil libang na libang ako sa ginagawa.
Nang magsawa ay nagbabad lang kami sa dagat, sa parteng walang gaanong alon, sa may batuhan. Napakunot naman ako ng noo nang hindi ko na makita si South.
“Shet! Mama!” malakas kong sigaw nang may humawak sa paanan ko.
“You’re half stupid and half papapansin talaga, South! Kainis!” sambit ko kay South at napairap na lang sa kanya. Malakas naman siyang tumawa. Nakakairita.
Ang lakas nitong mang-asar samantalang mas pikon naman siya sa akin kapag ako na ang gumawa.
Nanahimik naman siya nang makitang halos saktan ko na siya. Pinigilan niya pa ang matawa nang naupo sa tabi ko.
“Ipinta mo na kasi ako. Ang sabi ni Art ay marunong ka!” pangungulit ko kay South nang pareho na kaming walang magawa.
“Fine, ano pang sinabi?” tanong niya.
“Ni Art?” tanong ko.
“Wala! Ano pa bang dapat sabihin?” tanong ko’t inirapan ulit siya.
“Siguro pinasabi mo lang, ‘no? Bayad si Art!” ani ko kaya natawa siya nang mahina bago napailing sa akin.
“Dali na! Siguro pangit ka magpaint, ‘no?” tanong ko pa.
“Oo na,” sabi niya’t napairap. Hindi ko alam kung napipilitan ba ito o ano. Nagtungo naman kami sa may batuhan. Kumpletong-kumpleto ang ilang gamit nila rito. Mukhang naka-ready na talaga para gamitin. Mukha rin naman kasing madalas siya rito sa private island nila.
“You should smile,” sabi niya sa akin habang nakaupo sa gilid.
“Pupwede namang kuhanan mo ako ng litrato, hindi ‘yong kailangan ko pang manatili rito. I’ll be statue ba?” tanong ko’t inirapan siya.
“Nako, dami namang sinasay,” pang-aasar niya sa akin kaya kusa na lang akong napairap.
“Smile, Kiddo,” sambit niya.
“I’m not a kiddo no! I’m already 18! Pupuwede na akong magkaboyfriend nang marami,” inis kong sambit sa kanya.
Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin dahil do’n.
“Still a Kid, Dolo. Inom ka muna gatas,” pang-iinis niya kaya binato ko siya ng shell na napulot lang. Imbis na mainis ay natawa lang ito. Halatang tuwang-tuwa na naasar niya ako.
“Huwag kang gagalaw,” sabi niya pa. Hindi ko alam kung pinagti-trip-an ba ako nito o ano ngunit mukha naman siyang seryoso sa ginagawa.
“Kunin mo ‘yong mango shake,” utos niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natatawa niya naman akong pinagtaasan ng tingin dahil alam niyang susundin ko siya.
Kinuha ko na lang ‘yon at hahawakan na sana para magpost ngunit sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Kinuha niya ang mango shake sa kamay ko ay sinimsiman.
“Pupuwede ka ng bumalik,” sabi niya bago ngumiti. Talagang iniinis ako. Tawang-tawa naman ito dahil napikon niya ako.
“Kainis!”