Chapter 16

2158 Words
Shira’s POV  “You’re still mad at me?” natatawang tanong sa akin ni South nang makasakay na kami ng bangka pabalik sa mansiyon nila.  Hindi ko siya pinansin at nagkunwari lang na nakatingin sa paligid. Paano’y nakakainis naman talaga ito. Ang tagal kong nangalay dahil akala ko’y dino-drawing ako nito ngunit nang ipakita niya’y stickman lang ‘yon. Hindi pa maayos ang buhok. Nakakainis dahil nagpauto pa ako sa tukmol na ito.  Kusa na lang akong napairap nang makita ang tingin niya sa akin.  “Sorry na, don’t be mad na.” Maski ang paghingi niya ng tawad ay nakakaasar. Tila gusto lang talaga akong pikunin. Hindi ko siya pinansin kaya napatingin sa amin ang bangkero.  “Lq pa rin po kayo?” tanong niya sa amin.  “Wala pong lq dahil hindi po kami lovers. Ang shongit shongit niyan,” sambit ko ag napairap pa. Natawa naman si South sa sagot ko.  Halos ilang oras din kaya akong naka-steady lang doon, saka ko malaman na pinagtitrip-an lang ako nito. Yari rin ‘yang Art na ‘yan sa akin. Magsama sila nitong pinsan niyang tukmol.  Badtrip naman akong bumaba sa bangka nang makarating kami sa mansiyon ni Senyora. Patawa-tawa akong sinusundan ni South.  “Don’t you dare touch me, susuntukin ko ‘yang panga mo,” pagbabanta ko sa kanya. Inis na inis akong naglalakad ngunit agad natigilan nang makita ang paligid. Nawala ang kunot ng noo ko nang makita si Mama na siyang may hawak ng cake at sina Rest na pakaway-kaway lang sa gilid. Mayroon pa akong nakitang ilang close friend ko.  Hindi ko naman na namamalayan ang pagngiti lalo na’t ng makalapit sa kanila.  “Happy birthday to you~” pagkanta nila. Napatingin pa ako sa paligid. Lahat sila’y tuwang-tuwa habang nakatingin sa akin.  “Ma, I thought I won’t celebrate my birthday today?” tanong ko nang matapos ‘yon.  “Puwede ba namang hindi? It’s your 18th birthday kaya? We’ll celebrate that again, next week,” sabi ni Mama.  “My daughter’s now on legal age. Happy birthday, Nak,” sambit ni Mama at hinalikan ako sa noo. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.  Napasulyap naman ako kay Papa na hindi lang basta isang rose ang hawak, isang bouquet ‘yon. Nakangiti naman ‘tong lumapit sa akin kasabay nang malakas na tugtog. Kusa na lang dumapo ang ngiti sa aking mga labi habang inaabot niya ang bulaklak sa akin at sinayaw ako.  “Happy birthday, Nak. Dalaga ka na," sabi niya sa akin.  “Matagal naman na akong dalaga, Pa!” natatawa kong saad sa kanya.  “Wala muna boyfriend, ha?” tanong niya kaya napatawa ako.  “Charotero ka rin pala talaga, Pa, walang mag-bo-boyfriend gayong may fiancé na ako!” natatawa kong sambit kaya natawa na lang din siya.  “Always remember that Papa’s always here for you. Kahit anong mangyari, sasamahan kita sa lahat ng laban mo. I love you, Sweetie,” sambit niya. Hindi naman na mawala wala ang ngiti sa mga labi ko bago ko niya ako binitawan. Nakakainis naman may pasayaw-sayaw pang ganito habang ang damit ko’y isang mahabang maxi dress na puti lang. Hindi sila nang-inform.  Pinagtaasan ko naman ng kilay si Art nang siya ang sumunod.  “Happy birthday, Shi,” bati niya ngunit agad ko siyang inirapan nang maalala ang pinta ni South.  “Luh, bakit ang sungit?” natatawa niyang saad bago inabot ang bulaklak sa akin.  “Sinungaling ka!” inis kong sambit kaya napakunot ang noo niya.  “What did I do?” natatawa niyang tanong.  “Aba’t ang sabi mo’y marunong magpinta si South! Ni stickman nga’y hindi niya magawa ng maayos!” iritado kong saad kaya napahagalpak ng tawa si Art. Akala mo naman ay nakikipagbiruan ako sa kanya. Hindi siya nagsalita at tawa lang nang tawa sa akin habang panay naman ang reklamo ko dahil sa iritasiyon.  Sumunod naman ang ilang kasama nila sa bahay dahil kulang din ang mga lalaki. Napatawa naman ako nang makitang sumunod sina Rest at may hawak ding bulaklak.  “Happy birthday, Sissy! I love you forevs,” sambit ni Rest at nakipagbeso pa sa akin. Kusa na lang akong napangiti.  “You didn’t even check your phone, maybe you’re busy having lambingan with your fiancé,” natatawang saad niya.  “Sus, lambingan his face.” Napatawa pa siya dahil sa pag-irap ko. Sumunod naman si Ley matapos naming magchikahan ni Rest.  “Ano, Sissy, kamusta ang loving loving?” tanong niya. Agad ko naman siyang nginiwian.  “Kadiri ka, Ley!” sambit ko’t napairap sa kanya. Natawa naman ito at inasar pa ako lalo. Libang na libang sa pang-iinis.  “Hey, Dani Girl!” nakangisi kong bati kay Dani nang lumapit siya. Agad niya akong hinalikan sa pisngi bago niyakap.  “Happy birthday, Sismars. Pakurot nga sa singit, hayop ka. You didn’t even tell me na fiancé mo ang ultimate crush ko!” pabulong na saad niya. Napahagikhik naman ako sa kaniya.  “Sis, nako, hindi mo alam kung gaano kasama ang ugali. Pipiliin mong huwag na lang,” natatawa kong saad.  “Sus, bait kaya niyan. Fafa pa! Smungit lang noong naging frennywaps tayo,” sambit niya.  “Pero keribels lang lalo na’t ang hot fafa naman niyan, Sissy. Chibog-chibog ka talaga,” natatawa niyang saad kaya agad akong napairap.  “Ewan ko sa ’yo, Sissy!” naiiling kong sambit.  “Times up,” sambit nang tinig mula sa likod. Akala ko’y si Dani na ang last. Agad naman akong napairap dahil kilalang-kilala na ang tinig nito.  “Yes—fa—pare.” Napatawa naman ako nang malakas dahil kay Dani.  “Gago,” natatawa at naiiling kong sambit. Napatawa naman niya akong binitawan at binigay dito kay South. Agad akong napasimangot nang makita si South na nakaharap sa akin ngayon.  “Sus, panget naman ng crush mo,” sambit niya. Sinong nagtanong?  “So pangit ka?” tanong ko sa kanya. Well, siya naman talaga ang crush ko as of now pero baka mapalitan na lang nang inis soon.  “Oh, huwag kang masiyadong kiligin,” sambit ko sa kanya kaya napatawa siya ng mahina. Hindi ko naman maiwasang mapasimangot gayong naririnig ko na naman ang tawa nito.  “Galit pa rin?” tanong niya at napanguso habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin. Obvious na nga tinatanong pa.  “Sungit naman,” natatawa niyang saad. The whole time na nagsasayaw kami’y nakasimangot lang ako sa kanya dahil inis na inis pa rin ako sa ideyang nauto ako nito.  Nang matapos ang sayawan ay nagsimula na rin namang kumain. Ang ganda pa ng view dahil sa madilim na dagat na ang buwan lang ang nagpapaliwanag. Nakangisi naman akong naupo sa table ng mga kaibigan ko.  “Saya-saya, Koya Wel!” natatawang saad ni Ley nang makitang nakangiti ako.  “Shut up, Ley,” natatawa akong napailing dahil sa nga pinagsasabi nito.  “Tignan mo ‘to, Sissy. Ganda ng kuha namin!” pang-iinggit niya pa sa akin habang pinapakita ang litrato nila gamit ang cellphone ni Rest. Kuha nila ‘yon ngayon lang. Mukhang kanina pa rin sila rito. Imbes na mainggit ay napatawa lang ako dahil noong nakaraan ako ang panay ang send ng kuha sa private island nina Senyora.  Talagang iniinggit ko sila lalo na si Ley ang mahilig sa mga adventurous na lugar at natural lang ang ganda.  Habang si Rest naman ‘yong taong depende sa kasama kung malilibang ba siya o hindi but she’s more on shopping malls at mas gusto rin sa ibang bansa.  “Hindi ‘yan maiinggit, Sissy. Tignan mo nga ‘yang balat niyan! Dalawang araw lang na kasama si South talagang mamula-mula na maski ang pisngi!” sabi ni Dani habang tinitignan ako. Napanguso naman ako dahil dalawang araw kaya akong nakabanad sa arawan. Well, I just want to enjoy the place.  “Maybe she really enjoy her day kasama her fiancé,” natatawang saad ni Rest na siyang inirapan ko lang.  “Hay nako, Sismars. Guard your heart, ha? Baka mamaya’y mahulog ka riyan. You know how much South loves to play with girls,” sabi ni Rest sa akin.  “And you’re too much for him,” sambit naman ni Ley.  “Alam niyo ang nenega niyo! Hay nako, Sissy. Enjoy the moment ka na lang tutal ay doon ka naman magaling!” sabi sa akin ni Dani. Natawa na lang ako sa kanilang tatlo.  “Alam niyo? Dami niyong knows! I know to guard my heart, 'no!” natatawa akong napailing at sumimsim na lang sa yogu ko na halos hindi ko natikman ng dalawang araw.  Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang nililibang ko rin naman ang ilang close friend na nandito. I’m really blessed. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong hilingin. Kuntento na ako sa mga bagay na mayroon ako.  “Are you enjoying your party, Hija?” tanong ni Senyora sa akin.  “Opo naman po, Senyora. Salamat po,” sambit ko.  Dito na rin naman kami sa bahay ni Senyora matutulog. Malawak at malaki naman kasi. Pakiramdam ko nga'y kahit isang tao'y magkakasiya sa mansiyon niya.  Nagkukwentuhan pa rin si Senyora at si Mama hanggang ngayon. Nakakatakot din kapag ang dalawang ‘yon ang nag-uusap, pakiramdam ko’y laging may pinaplanong masama.  Kwentuhan, kuhanan ng litrato, at kung ano-ano lang ang ginawa namin. Kaunting inuman dahil nga legal na ako. Sa aming tatlo nina Ley at Rest, ako ang pinakabata kaya ngayon lang talaga kami uminom. Kaunti lang naman dahil hindi gusto ng panlasa ko ang alak.  Napatawa naman ako nang pagewang-gewang na si Ley habang pinapasok namin ni Rest sa mansiyon. Wala pa naman ding alas dose natapos dahil maaga namang nagsimula ang party.  “Wasted,” napapailing na saad ni Rest habang tinitignan namin si Ley. We brush her teeth dahil ‘yon ang gusto niya at pinalitan na rin naman namin ng damit. Naiintindihan naman namin ‘tong si Ley dahil sobrang dami nitong pinagdadaanan sa buhay.  “I’ll take a bath na rin and I sleep, I’m so sleepy na rin!” sambit niya. Tumango naman ako at hinayaan na siya. Lumabas ulit ako ng mansiyon para silipin ang ilang kaibigan.  “Uuwi ka pa talaga, Dani? You can just sleep here,” sambit ko sa kanya.  “Hindi na, Bebs. I need to go home today, may mga aasikasuhin pa ako sa café. You know businessman,” natatawa niyang saad.  “You’re not drunk naman, ‘di ba? Mag-ingat ka, ha?” sambit ko.  “Yes po,” sabi niya at nginitian ako.  “Happy birthday ulit, Bebs," sabi niya bago nakipagbeso sa akin.  “Ingat ka!” sabi ko nang ihatid siya sa may sasakyan niya.  “Yes, I will,” natatawa niyang saad at tumango pa. Napangiti na lang akong pinagmasdan siya.  “Wow, girlfriend’s duty, huh?” nakangising saad ni South na nasa gilid ko lang pala.  “Don’t talk to me as if we’re close, chupi nga,” sambit ko at tinulak pa siya. Baka nanakalimutan niya na iritado ako sa kanya. Natawa naman siyang napasunod sa akin. Tinignan ko muna ang ilang kaibigan kung ayos na bago ako pumasok sa loob ng mansiyon. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa pumasok na ako sa kwarto namin nina Ley. Si Rest ay nag-is-skin care pa.  “I’ll take a bath na,” sabi ko sa kanya. Tinanguan naman niya ako habang abala pa rin sa ginagawa. Nang matapos ako’y lumabas na rin naman ako ng cr. Mabuti’t pinagdala rin naman ako nina Mama ng damit.  Speaking of Mama, hanggang ngayon ay kausap pa rin niya si Senyora. Hindi na nagsawang mag-usap tungkol sa business na ‘yan.  Nagsimula na rin naman akong maglagay ng abubot sa mukha habang si Rest ay nakatulog na rin dahil sa pagod. Pahiga na rin sana ako nang may kumatok sa pinto. Para naman akong bangkay na naglakad patungo sa pintuan.   Agad akong napairap nang makitang si South nanaman ‘yon.  “Don’t be mad na, Kiddo,” malambing ang tinig niyang saad bago inabot ang isang wall art canvas painting. Napaawang naman ang mga labi ko dahil do’n at nilingon siya. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata dahil pakiramdam ko hindi siya ang may gawa nito. It was me, sipping on my yogu.  “What? Ayaw mo ba?” natatawa niyang tanong at babawiin na sana ang painting ngunit agad kong tinago.  “It’s mine kaya! You already gave it to me!” inis kong sambit sa kanya. Natatawa naman niya akong tinignan.  “Are you sure ikaw ang nagpaint nito? Parang hindi,” saad ko sa kanya.  “Luh. A thank you will do, Kiddo,” sabi niya nang nakangiti. Kaya naman pala nitong mag-paint! Talagang gusto niya lang akong asarin kanina. Inirapan ko siya bago ko nilingon ang painting. Kusa na lang akong napangiti.  “Thank you...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD