Shira’s POV
“Hey, I’m outside,” sabi ni Dino sa akin. Kusa na lang akong napairap dahil hindi pa rin ito nagsasawa sa kasusundo.
“Ano? Nandiyan manliligaw mo, Dolo?” tanong ni Ley sa akin. Napatawa pa siya habang tinitignan ang reaksiyon ko.
“Ano ba nga ba? Halika na. Sabay ka na,” sabi ko sa kanya.
“Hindi na mag-ji-jeep na lang ako, Sissy,” sabi niya sa akin at umiling. Napakibit na lang ako ng balikat dahil kahit ano pang gawin ko hindi ko pinipilit ‘yang si Ley kapag buo na ang desisyon niya.
Pagkalabas ko’y agad kong nakita si Dino na siyang malapad ang ngiti habang pakaway-kaway pa sa akin. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.
“Ano na naman bang ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ko sa kanya.
“Siyempre sinusundo ka!” natatawa niyang saad. Wala pa rin itong kadala-dala kahit ilang beses ng sinabi ni Papa na tigilan na ako.
“Let’s go,” sabi niya ngunit bago pa ako tuluyang makapasok napaawang ang labi naming pareho ni Dino dahil sa taong kalalabas lang sa kanyang kotse. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang si South ‘yon.
“Manliligaw mo rin ba ‘yan, Shi?” tanong ni Dino na siyang kilalang-kilala rin naman si South.
“Nah. She’s my fiancée,” sabi ni South na nakangisi pang inakbayan ako. Nang tignan ko si Dino, nanlalaki na ang mga mata nito.
“So it’s really true?” gulat na tanong niya at hindi makapaniwala.
“If you may excuse us, Pre. Ihahatid ko na fiancée ko,” seryosong saad ni South ngunit pansin sa kaniyang tono ang pagyayabang. Agad ko naman siyang siniko dahil ayaw niyang alisin ang pagkakaakbay sa akin.
“What are you doing here ba?” inis kong sambit sa kanya.
“Marking my territory,” nakangisi niyang saad.
“Huwag ka ngang feeling diyan! Ni wala naman kayong house dito,” sabi ko’t inirapan siya. Tinignan niya naman ako ng matagal bago siya napakunot ng noo. Naiiling na lang siyang natawa.
Ni hindi pa ako nakakapagpaalam nang maayos kay Dino ay pinasok na ako nito sa kotse niya.
“You know what? Daddy can actually drop me off. So epal ka, 'no?” sambit ko bago siya inirapan.
“So epal ka, 'no?” panggagaya niya para lang asarin ako. Nagtatalo lang kaming dalawa sa sasakyan dahil ang lakas talagang mang-asar. Minsan lang talaga ito mabait.
“Dito na ako,” sambit ko at tinuro ang gate. Hindi niya naman ako pinansin at dire-diretso lang siya sa pagpasok para tumungo sa parking. Kusa na lang akong napairap dahil walang pinapakinggan ang mokong.
Nagmadali naman na akong lumabas dahil wala namang nakakaalam na fiancé ko ang kupal na ito.
I don’t really care about what people say pero ayaw ko lang. Ayaw ko lang ma-label as babae ni South although ang pretty ng line up. Choosy. Akala mo naman yummy.
And South actually have many girls in our school. Baka hindi lang isa ang sumugod sa akin. Medyo ayos pa kung paisa-isa lang. Ang mga babae pa naman niya’y brutal. Naalala ko ‘yong isa niyang ex na nagngangalang Nica. Sinugod ‘yong latest niya pero iba naman na pala ang dine-date. Walang sineseryoso.
Minsan nga’y nakakatakot pang makipag-usap sa lalaking ‘yan dahil makita ka lang nilang kasama siya, automatic na na babae ka na nito.
Nagtungo naman na ako sa classroom kahit naririnig ko pa ang tawag ni South na kups. Napailing na lang ako sa kanya at napasimangot. Sinamaan ko siya ng tingin nang makitang nakasunod pa rin siya. Good thing ay hindi naman na ito sumunod pa sa akin nang makapasok ako sa classroom.
Nakaupo na ako sa upuan ko nang maka-receive nang tawag mula sa kanya. Nagsalubong na agad ang kilay ko dahil do’n.
“Hello?” kunot noo kong tanong.
“Wow, sungit naman," natatawa niyang saad.
“Ano? Wala akong oras para makipagbiruan sa ’yo, Arceo,” pabulong na saad ko ngunit bakas ang iritasiyon doon.
“Sige, ayos lang naman kung ayaw mo. But your bag full of yogu is here with me. Bye!” sambit niya at pinatayan ako ng tawag. Nanlalaki naman ang mata kong napatayo.
“What the heck?!” inis kong sigaw. Sakto pa namang pagkapasok ng guro namin kaya agad nagsalubong ang kilay nito habang nasa akin na ang mata. .
“What are you shouting for, Ms. Fajardo?” tanong niya sa akin.
“In my office after class,” seryoso at inis niyang saad. Napasimangot ako bago napatango na lang at hindi na nagsalita pa.
“What’s wrong?” tanong ng ilang kaibigan ko sa room ngunit inilingan ko lang. Nanahimik na lang ako hanggang sa matapos ang klase.
Katulad ng sabi ng guro, sumunod lang ako sa kanya pagkatapos ng klase. Sinermonan lang ako nito.
Napabuntonghininga na lang ako nang makalabas sa office. Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinadtad ng text si South.
Ako:
Where are you?
Ako:
Give me back my yogu!!
Ako:
Sapakan kapag nagkita us.
Ako:
Bobo ka, dami niyan!
Inis na inis ako habang nagtitipa. Maliban sa napagalitan ako, para pa akong nanghihina kapag hindi nakakainom ng yogu. Punong-puno ang bag ko no’n. Sayang naman!
Naglakad na lang ako patungo sa college department para hanapin si South. Pagkakaalam ko’y business management ang course nito kaya roon ako nagtungo.
Iritado naman ako habang hinahanap ko siya ngunit bago pa ako tuluyang makaalis sa isang lugar, nakita ko na ang ilang babae habang nakatingin sa akin. May isang lumapit na sa akin habang salubong ang kilay. Nilingon ko naman ito at pinagkunutan ng noo dahil sa biglaang pagtulak niya. Gaga 'to?
“Ang bata-bata mo pa lang, ang landi mo na,” galit niyang sambit. Napangisi naman ako roon. Akala ko’y Kapag college student wala nang mga immature na tao.
Hindi naman ako natakot na makipag-eye to eye sa kanya.
“Aba ang tapang mo, ha!” nanggigil na saad niya bago ako itulak ulit.
“So, what’s your problem, Manang?” natatawa kong saad at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napairap na lang ako nang marining ang “Whoo” ng ilang nanonood. Mga sulsulero’t sulsulerang palaka na ang gusto lang makita’y ang pagtatalo ng mga tao rito. Ginawa pa kaming television para sa ikatutuwa nila.
“Anong sabi mo?!” inis niyang sigaw na itutulak pa ulit sana ako ngunit agad akong nakailag.
“Woah, easy-han niyo lang,” natatawa kong saad. Wrong decision at na nagtungo ako rito. Ano bang problema nito? Ni wala pa nga akong ginagawa.
"Ano bang problema mo?" tanong ko.
"Huwag kang mag-maang-maangan dito. Alam nating dalawa kung ano ba talaga ang problema! You're the third party kaya kami naghiwalay ni South!" galit niyang sigaw. Napaawang naman ang labi ko roon. Bakit ba kasi ang harot ni South?
“Jenifer, huwag ka namang masiyadong hot. Bata lang ‘yang pinapatulan mo,” sabi ng isang lalaki. Napangisi na lang ako sa kanila. I know Jenifer is just a year older than me. Hindi pa ata nagma-mature ang utak.
“Anong bata-bata? Ang landi-landi nito! Talagang nagtungo pa rito para lang lumanda! Kung hindi ba naman p****k!” galit na sambit niya. Napakunot naman ako ng noo. Hindi na gusto ang sinasabi nito.
“Manang, you can’t make landi ba kaya you’re so inggit? You can go rin naman sa senior high if you want some bagets to be your babi,” sambit ko sa kanya.
“May mali ba? Utak mo may cough. Pokers my a*s,” turan ko na kusa na lang napairap. Mas lalo naman kumunot ang noo nito. Inis na inis niya akong hinarap at sasampalin na sana kaya lang ay may humawak na sa kanyang kamay.
“That’s my fiancée you’re trying to slap, Miss,” sambit sa kanya ni South at inalis ang isa niyang kamay na nakahawak sa aking balikat. Halos mamula naman ang mukha ko. Hindi dahil sa kilig kung hindi sa inis. Nakakairita!
Gulat na gulat naman ang ilang nakarinig habang ang ilan ay namamangha habang nakatingin kay South. Ang mga kababaihan naman ay tila inis na inis na sa akin ngayon at kaunti na lang gusto na akong tirisin ng mga ito.
“Don’t touch me,” inis kong sambit kay South at sinamaan siya ng tingin. Mas lalo ko lang na sigurado na isa nga sa mga babae niya ‘to nang lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso.
“Babe... that’s why you didn’t call me that night?” tanong nito. Napangiwi naman ako roon habang si South ay iritadong inalis ang kamay ng babae sa kanya. Tinignan ko sila na may pagkadisgusto sa mukha.
Naalala ko tuloy ang unang beses ko siyang nakitang may kahalikan, agad akong mapangiwi.
“I think we didn’t have a thing, Miss,” sambit niya at inalis ang kamay nito na nasa braso niya. Miss miss pa siyang nalalaman ngayon, ha! If I know panigiradong siya na naman ang nangharot kaya umaasa na naman sa kaniya!
“Excuse me. Can you please give me back my yogu before you’ll make landian in front of us?” tanong ko sa kanya.
“Huwag ka ngang sumabat sa usapan ng mas nakakatanda sa ’yo!” galit na saad no’ng babae. Napatawa naman ako nang mahina roon.
"Ay, sumasapaw," natatawa kong sambit dahil hindi naman siya ang kausap.
“Mukha mo lang matanda, Manang but not really your brain,” sambit ko sa kanya at malambing pa siyang nginitian.
“Anong sabi mo?!” galit nitong tanong at hihilain pa sana ang buhok ko ngunit agad akong nakalayo. Agad din naman kasing humarang si South. Dapat lang!
“Stop it, Miss,” naiinis na na saad ni South.
“Ano ba kasing problema sa akin, South? Ayaw mo ba ng masyadong clingy? Ng masyadong selosa? Hindi ko ‘yon maalis but I’ll try to change! Bumalik ka lang sa akin, please,” naiiyak na saad nito. Napailing na lang ako at tumalikod.
Sus, arte naman ng South na ‘to, maganda naman si Manang kaya lang sadyang may sira sa utak.
Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad nang hindi sila pinapansin. Naririnig ko pa ang sigaw no’ng babae at pinababalik pa ako.
Bakit ako babalik kung alam kong sasaktan lang ako nito? Duh! Mahal pang skin care na ginagamit ko para lang masira sa asal kalyeng babaeng tulad niya.
Habang naglalakad tuloy ay inis na inis na ako. May iilan pang bumabati sa akin ngunit wala na ako sa mood para batiin sila pabalik. Gusto ko lang naman uminom ng yogu.
Sinubukan kong maghanap sa cafeteria ngunit walang yogu roon. Nakasimangot na lang akong naupo sa lamesang madalas naming pag-upuan nina Ley.
“Luh, busangot na busangot naman ang mukha mo, Sissy,” sabi ni Ley na siyang kararating lang. Kasunod niya naman si Rest na siyang may dala-dalang mga pagkain.
“Spill the tea, Sissy,” sambit pa ni Rest sa akin. Mas lalo lang akong napasimangot. Kinuwento ko lang naman ang mga pangyayari kanina.
“Kaya naman pala inis na inis, kasama ang yogu sa usapan,” natatawang saad ni Ley ngunit agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“But we already expected na South’s ex flings will really come to you,” patango-tangong saad ni Rest habang inaabot sa akin ang burger. Kinagatan ko lang ‘yon ngunit ramdam ko pa rin ang inis.
“Why naman?” tanong ko, kunot ang noo.
“He posted you kaya in his ig! He never do that to his girls,” natatawang saad ni Rest habang kumakain sa pagkain ni Ley.
“Anong ig? Bakit hindi ko alam?” tanong ko.
“You look fine naman though so don’t worry,” sabi ni Rest. Kinalikot niya pa ang phone niya para ipakita sa akin ang litrato. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang natutulog ako sa may duyan. I look okay naman pero kainis pa rin!
“Happy birthday, Kiddo.”
‘Yon ang caption na nakalagay pero katulad nga ng sabi ni Rest walang kahit na sinong pinopost ang kupal sa ig niya.
“Speaking of the devil,” sambit ni Ley.
“Let’s go na, Ley. We have something to do pa, right?” tanong ni Rest sa kanya ngunit alam kong wala naman talaga. They just want me to talk with this guy.
Sinulyapan ko naman si South na siyang agaw atensiyon. Kusa na lang akong napairap nang makita siya. Baka mamaya’y ilang babae pa ang sumugod sa akin dito.
Hindi naman siya nagsalita at tahimik niya lang nilapag ang tray sa harap ko, maski ang bag na pink ay hawak-hawak niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa guilty’ng itsura nito o mas lalo lang mainis.
“Sorry na kung nagalit ka~” pakantang saad niya habang inaayos ang ilang pagkain. Pinipigilan ko naman ang matawa dahil sa biglaang pagkanta nito. Sintundo pa ito.
Wala talagang perpektong tao but I just felt my self smiling. Delikado na 'to.