Shira’s POV
“Nandiyan na ang sundo mo, Sissy,” sambit sa akin ni Ley na siyang inakyat ako sa taas. Mukhang si Tita ang nagpapatawag sa akin.
“Ang aga pa!” gulat kong saad. Napakaaga naman ng South na ‘yon.
“Nasa hapag na. Pinapababa ka na rin ng Mommy mo. Kakain na raw kayo,” sabi niya sa akin.
“Pasok na ako! Babush, Sissy!” turan niya at kumaway pa sa akin. Ayaw mag-third wheel.
“Ang aga pa!” sambit ko sa kanya.
“Yeah, may dadaanan pa ako,” sabi niya na ngumiti.
“Aright, ingat ka!” turan ko sa kanya Napatango na lang ito.
Nagsuklay muna ako bago ko napagpasiyahang lumabas. Maayos naman na rin ang itsura ko. Nang makababa ay agad bumungad sa akin si South na siyang nakatayo lang sa tapat ng hagdan.
“Good morning, Daddy!” nakangisi kong saad sa kanya. Sinimangutan niya naman ako. Ayaw marinig ang ganoong tawag pagdating sa kanya. Napatawa na lang ako at kinurot pa ang pisngi niya.
“Napakaaga mo naman!” sambit ko.
“Ang cute naman magloving-loving ng dalawang ‘to. Mamaya na kayo maglampungan diyan at kumain muna kayo,” pagyayaya ni Mommy. Napailing na lang ako sa pinagsasabi nito. Loving-loving my a*s.
Tahimik naman akong kumain habang si Mama at South naman ay nagkakasundo sa pag-uusap tungkol sa akin. Hinayaan ko na lang sila.
“Talagang nakikain ka pa rito, ha?” tanong ko sa kanya nang makasakay na ako sa kotse niya.
“Why? Masarap luto rito sa bahay niyo.”
“Susumbong kita sa Lola mo,” turan ko. Napanguso naman siya roon.
“I mean, hindi naman ako umuuwi roon kapag weekdays kaya mag-isa ko lang sa bahay. Mas gusto rin kasi ni Art na umuwi kahit malayo,” sabi niya. Binigyan ko naman siya ng tingin na hindi naniniwala kaya natatawa na lang siya sa akin. But I actually get it naman. Wala nga kasi talaga itong kasama sa bahay nila dito sa bayan, mukhang siya lang ang nagluluto para sa kanyang sarili.
“I can go to your house next time, turuan kitang magluto nang masarap naman pagkain mo,” sambit ko habang sinisipat pa ang aking mga kuko sa daliri dahil nasira na ang ilan dito.
“Talaga?” tanong niya at nilingon ako. Tuwang-tuwa pa ito habang nakatingin sa akin.
“Tumingin ka nga sa daan. I have so many things I want to do pa. I can’t afford to die yet,” saad ko sa kanya. Napatawa na lang siya nang mahina at sinunod din naman ang sinabi ko. This past few weeks, mas napalapit pa kami sa isa’t isa kahit na madalas na aso’t pusa. Madalas na inis pa ako sa mga chix niya kaya nagagawa niya rin namang pagsabihan ang mga ‘yon.
“So your Mom’s going to be here the next day?” tanong ko sa kanya. Narinig ko kasing nag-uusap si Mommy at si Senyora nitong nakaraan.
Narinig kong uuwi ang Mommy ni South for the engagement party. I was little scared dahil pakiramdam ko’y masungit ito kung ibabase ko sa litrato na nakita ko sa account ni South noon.
“Yeah,” sabi niya habang nakangiting tumango. Hindi ko naman maiwasang mapanguso.
“Why? Are you nervous?” nakangising tanong niya.
“As if naman, ‘no! Ang dami na kayang nagpakilala sa akin sa mga parents nila ngunit hindi man lang ako dinapuan maski kakapiranggot na kaba. Lakas ko lang!” sambit ko kaya napairap na lang siya. Natawa pa ako nang mahina nang makita ko ang pagsimangot niya.
“Parang ikaw hindi, ah? Narinig ko pa nga sa mga jowa mo na talagang paborito ka ng mga magulang nila pero oks lang naman, no hard feelings,” sabi ko at napatawa pa.
“Katulad nga ng sabi ko sa ’yo noon, oks lang naman kahit magjowa ka pa nang madami,” sabi ko pa na hindi naman tinitignan ang ekspresiyon niya.
“Still the same, hmm? Paano mo ako magagawang takasan kung sakaling tuluyan ka ng maitali sa akin, Dolores?” Nang lingunin ko siya’y kitang kita ko ang ngisi sa kanyang mga labi ngunit makikita naman ang panganib mula sa kanyang mga mata. Napatulala naman ako sandali do’n bago ako tumawa.
“As if naman! Sigurado akong hindi rin tayo magtatagal! Nothing last forever kaya!” natatawa kong saad pero hindi rin ako sigurado roon. Paano nga kung tuluyan akong matali rito? Not because of marriage but because I love him? Paano kung matali ako sa pagmamahal ko sa kanya? Kaya ko bang putulin ‘yon kapag alam kong hindi ako ang kanyang gusto? I don’t actually know. Sana kaya ko. I know South. Hindi siya marunong magseryoso.
“For now, let’s just go with the flow,” turan ko, hindi ko alam kung sa kanya ko ba sinasabi o sa aking sarili lang.
Dumating ang araw kung kailan gaganapin ang birthday party and at the same time engagement party namin ni South.
“Sissy, hanggang ngayon ba naman ay tulala ka pa rin diyan. Parang nasa bangin ka na sa sobrang lalim niyang iniisip mo,” natatawang saad sa akin ni Ley.
Nandito siya sa kwarto kung saan ako inaayusan.
“Hey!” nakangiting saad ni Rest na kararating lang. Ito talaga ang pinakamabagal kumilos.
Rest is just wearing at halter top above the knee dress habang si Ley naman ay siyang nakaruffle white bodycon dress.
“Girl, you’re so gorgeous!” sabi sa akin ni Rest.
“Apa ka, Girl?” natatawang tanong ni Ley.
“Apaka plastik!” sabay naming saad at pareho pang napahagikhik. Sinamaan niya naman kami parehas ng tingin.
“Ako lang ‘to, Rest,” saad ko na tinawanan lang ni Rest at pabiro pang umirap.
“So why naman daw sobrang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Rest.
“Wala, ‘no!” sabi ko at umiling-iling.
“Don’t tell me you’re nervous to meet South’s Mom? Lagi mo pa namang binabanggit,” sabi pa ulit ni Rest.
“Natumpak mo, Sissy!” natatawang saad ni Ley at nakipag-up here pa kay Rest. Parehas ko naman silang inirapan dahil dito.
“Magsilayas na nga kayo! Wala talaga kayong dulot sa earth! Ka-stress!” sabi ko na naiiling. Natawa lang sila at tinapik ako.
“Ano ba kasi ang problema mo, Sissy? Si Shira ka kaya. Si Shira na hinahayaan na ang pag-iisip ang mag-isip sa kanya,” natatawang sambit ni Ley.
“Yah. Don’t think to much, Sissy!” sabi naman ni Rest.
“’Yan na ang mag-aayos. Chupi na,” pagtataboy ko sa kanila na siyang tinawanan lang naman ng mga ito. They were the one who likes to boost my confidence. Tama naman din. Huwag na akong mag-isip pa ng kung ano. Katulad nga ng lagi kong sinasabi, I should just go with the flow. Bakit ba sobrang dami ko iniisip ngayon?
“Ang ganda naman ng balat mo, Ghorl,” nakangiting saad sa akin ng beklabush na siyang nag-aayos ngayon.
“Ako lang ‘to, Sis,” natatawa kong saad kaya napatawa siya sa akin.
“Grabe, ang fafa ng mapapangasawa mo, Sismars. Kung ako sa’yo talagang pipikutin ko na ‘yon at talaga susugurin ko ng aking kamandag,” sabi niya kaya napahagalpak ako ng tawa. Kung ano-ano pang tips ang pinagsasabi niya. Hindi ko alam pero parang gusto ko na lang takpan ang tainga ko dahil ang wiwild ng mga ‘yon.
Nalibang naman at nawala kahit paano ang kaba ko sa pakikipag-usap ko sa kanya.
Nang matapos ay lumabas na ako ng kwartong pinag-ayusan ngunit agad akong napanguso nang makita si South na siyang nakatayo lang pala sa gilid.
“O ‘di ba, kabog na kabog ang beauty mo, Ghorl! Ikaw na ang babaeng pinagpala, may magarang pamilya, maganda, at higit sa lahat gwapong boylalet na mapapangasawa mo in the future!” tuwang-tuwa na saad ng binabaeng nag-ayos sa akin. Hindi ko alam kung matatawa o mahihiya ako sa pinagsasabi nito.
“Sabi ko sa ’yo, ‘di ka na lugi,” nakangising saad ni South.
“Kita mo na, Sis? Yabang, ‘di ba?” tanong ko sa nag-ayos sa akin. Natawa naman ito sa tinuran ko.
“May maipagmamayabang naman kasi, Sismars!” sabi nito ngunit napairap ako. Kamping-kampi si bakla.
Nakangisi namang sinenyas ni South ang kanyang braso. Kumapit na ako roon. Bumulong naman siya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
“Aba’t sinisiraan mo ako! Paninirang puri!” sambit niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang matawa. Sinubukan ko namang hindi umirap dahil ang daming kumukuha ng litrato. Maski si Mama ay mayroon, ganoon din kay senyora. Sinubukan ko na lang ngumiti habang pababa kami ni South.
“Plastik naman, Kiddo,” bulong niya. Hirap na hirap naman akong ngumingiti sa lahat dahil nakakainis ‘tong si South.
Nagsimula na rin naman ang program. Nang pakain na kami’y binulungan ako ni South.
“Let’s go to my Mom,” pabulong na saad niya. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway.
“Teka, powder room lang,” sambit ko at agad nilayo ang kamay niya sa akin. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay ngunit nasa labi niya ang mapaglarong ngisi. Kusa na lang akong napairap at nagtungo sa cr. Doble-doble naman ang kaba ko habang naroon. Halos ilang minuto ata akong nakatingin lang sa salamin sa sobrang kaba. Nakita ko kasi ang Mommy niya, mukha itong masungit.
Nakaka-intimate pa ang dating. Elegante talagang pagmasdan, parang hindi uubra ang bibig ko sa kanya. Parang gusto ko na lang i-duck tape ang bibig ko nang walang masabing mga salitang kabalbalan. Hindi talaga ako kahit kailan kinabahan sa kahit na sinong magulang ang na-meet ko.
“Pucha ka!” gulat kong saad nang makita si South pagkabukas ko ng pinto.
“Ang tagal mo, akala ko nahigop ka na ng bowl,” sabi niya at napatawa sa naging reaksiyon ko. Kusa na lang akong napairap sa kanya.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito? Huwag mong sabihing miss mo agad ako? Kakaalis ko lang,” sabi ko sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay.
“Hinahanap ka na ni Lola. Ang tagal mo raw,” sambit niya nang may ngisi sa mga labi. Inirapan ko lang siya bago ako sumunod. Abot langit ang kaba ko habang naglalakad kami patungo sa table nina Senyora, nandoon si Mama at Papa, maski ang Mommy ni South kasama ang Daddy ata nito.
“Are you nervous?” tanong niya.
“Why would I?” tanong ko naman. Bakit ka kinakabahan ngayon, Dolo?
Nagulat naman ako at agad na napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko.
“Don’t be,” sabi niya at nginitian ako.
“Magandang buhay po!” kabado kong saad sa kanilang lahat. Naiiling naman nakatingin sa akin si Mama. Si Senyora ay napatawa na lang sa pagbati ko.
“Ma, future wife ko,” sabi ni South nang nakangisi habang nakahawak sa aking beywang.
“Amfee talaga amp,” hindi ko napigilang sambitin kaya pare-parehas silang napatingin sa akin.
“Amfee?” kunot noong tanong ng Mommy ni South. Sa tinig pa lang nito’y parang gusto ko na lang kainin ng lupa.
“Hehe, wala po,” sabi ko na lang at ngumiti.
“Good evening po, Madame, Sir,” maayos na bati ko dahil pinandidilatan na rin ako ni Mama.
“Good evening din, Hija,” bati nito sa akin. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Ang puso ko pa’y parang gusto nang kumawala sa hawla.
“Kayo po pala ang ermat ni South—“ Napatigil naman ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinasabi. Tumaas naman ang kilay ng Mommy niya sa akin.
“Chikababes niyo po, hot Mama ganern!” sambit ko kaya napatikhim si Mama na para bang kinakahiya na ako ngayon. Si Papa ay napapailing na lang habang si South naman ay natatawa na rito sa tabi ko.
Napaawang ang mga labi ko nang tumawa ang Mommy ni South. Pinagsabihan siya ni Senyora ngunit hindi na nito napigilang pagtawa.
“Hay nako, hija, I like you na agad! Pupuwede mo na agad iuwi ‘yang anak ko, automatic may taga hugas ka ng pinggan,” natatawang saad ng Mommy niya. Hindi ko naman alam kung paano magreact dahil noong una’y para itong mangangain ng tao tapos bigla na lang ang bait.
Napapailing na lang si Senyora sa anak. Habang si South naman ay napanguso na lang sa sinasabi ng Mommy niya.
“My!” reklamo ni South at napanguso.
“Why? I’m just telling the truth, Nak. Nako, baka maging palamunin lang ‘yang mapapangasawa mo,” sabi pa nito kaya napatawa ako ng mahina. Namumula naman na si South dahil sa sinasabi ng Mommy niya.
“Tumigil ka nga riyan. Baka mamaya ay matakot ang anak ni Weng na pakasalan ‘yang anak mo,” sabi ni Senyora sa kanya.
“Ma! Hb ka na naman. Nako, easy ka lang,” natatawang saad nito. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko dahil do’n.
“Saan mo na naman nakuha ‘yang mga salita mong ‘yan, My?” natatawang tanong ni South at napailing.