Shira’s POV
“Nako, akala ko’y tuluyan na akong mababagot dito. Panay usapang business ang kwentuhan,” bulong ng Mommy ni South sa akin. Napatawa naman ako roon.
“Hindi pa naman kaya ng brain ko ‘yang mga pinagsasabi nila.”
“Hay nako, Madame. Same po. Parang gusto ko na lang mag-sleep kapag nagchichikahan sila about sa mga business na ‘yan. Hindi keribels ng braincell ko ang mga pinag-uusapan nila,” sambit ko habang sumusubo sa pagkain dito sa table namin. Halos si Tita lang ang kausap ko rito sa table. Ni hindi ko na nga napapansin pa si South.
“My, hindi mo ba ako miss?” tanong ni South na mukhang nagpapalambing na sa Mommy niya.
“Na-miss pero kasama na kita kanina. Huwag kang OA diyan, Nak,” sabi nito kaya napatawa ako.
“And ikaw naman, Hija, instead of calling me Madame, call me Tita or Mommy tutal do’n din naman ang bagsak niyo ng anak ko,” sabi nito. Ngumiti lang ako roon, hindi naman ako sigurado kung si South na nga ba talaga ang makakatuluyan ko.
“By the way, I heard from your Mom that you love cooking? Baka gusto mong dumalaw sa bahay nina Mama. Let’s cook! I’ll stay there for a week,” nakangiti niyang saad sa akin.
“Sure po, Tita,” sambit ko at nakaramdam ng tuwa sa ideyang magluluto ako kasama ‘to.
Masayang kausap ang Mommy ni South, natatawa na lang ako kapag may mga salita itong binabanggit na nakuha niya sa social media. Nang kausapin na siya ni Senyora ay nagpaalam muna ako sa kanilang lalapitan ang ilang kaibigan.
“Hey, what’s up, Birthday Girl?” nakangising saad ng isa kong kaibigan.
“Duh, tapos na po ang birthday ko," sabi ko at napairap sa kanila. Natawa naman sila sa akin.
“Are you guys enjoying the party? Tell me na lang if you want something else, Okay?” nginitian ko ang mga ito.
“We’re fine. Some are just wasted because their crush is getting married na pala,” natatawang saad ng isa habang tinuturo ang ilang kaibigan naming babae na may gusto rin kay South.
“Oh...” sambit ko at napatango.
“But don’t worry about them! Maglalasing lang tapos okay na ulit,” sabi nito. My friend are mostly in legal age, feeling ko nga ako ang pinakabata sa amin.
Nilapitan ko pa ang ilan kong schoolmate at kinamusta. Well, I want them to be entertain din naman kasi.
“Congrats! Ikakasal ka pala!” sabi ng isang kaibigang lalaki.
“Yeah, parang hindi alam, ah,” natatawa kong saad dahil kalat na kalat naman na talaga ‘yon nitong linggo.
“I didn’t know that your Mom was setting you up. Kung alam ko lang edi sana pinilit ko ang Mommy ko na ipakasal ako sa ’yo,” natatawang saad ng isang lalaking kausap.
Bago pa ako nakapagsalita ay may kumabig na ng aking baywang. Agad ko namang nakita si South na nasa tabi ko. May mapaglarong ngisi mula sa kanyang mga labi ngunit katulad ng dati, ang mata’y mapanganib.
“Sorry to hear that but I’m now her fiancé. Inagahan mo sana,” mayabang na saad ni South. Napairap na lang ako sa kanya. Nang iwanan ko kasi siya kanina roon, kausap niya si Papa. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot gayong laging maraming sinasabi ang Papa ko.
“Alam mo, epal ka talaga,” sabi ko na siniko pa siya para lang alisin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit tinawanan lang ako ng mokong na ‘to. Mas lalo niya pang hinapit ang baywang ko.
Para kaming tangang nag-aaway nang palihim. Para kasing sira 'to.
Marami akong kilalang nakita, mayroon din siyang mga kaibigan na nandito.
“You won’t even introduce me to your friends?” tanong ko sa kanya. Kita ko agad ang pagsimangot niya roon.
“Fine, it’s fine kung ayaw mo, hindi naman ako namimilit,” natatawa kong saad.
“Tsk.” Nainig kong bumulong-bulong pa ito.
“May lahi ka bang albularyo? Ang hilig mong bumulong,” sambit ko sa kanya. Sinimangutan ako nito kaya mas lalo pa akong natawa. Naglakad naman kami patungo sa table ng ilang kaibigan niya.
“Hi! What’s up madlang people!” nakangisi kong bati roon. Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni South sa may baywang ko kaya kusa na lang umikot ang aking mga mata. Napatawa naman ang ilan sa kanila.
“Talagang binabakuran na, ha?” natatawang saad ni Mich habang nakatingin kay South.
“Isa kang malaking traydor, Arceo!” sabi ni Neon na siyang palihim pang tinaas ang middle finger niya. Napatawa naman ako roon kaya tumikhim si South.
“By the way, this is Shira, my fiancée,” sambit ni South. Napailing na lang ako ng maghiyawan ang mga ito. Nakakaagaw atensiyon pa naman ang ingay nila.
“Hindi ata namin knows ‘yon, Par,” pang-aasar nila kay South. Natawa lang naman siya roon.
“Dito ka na. I’ll go to my friends,” sambit ko dahil ‘yon naman talaga ang plano. Ang walain ito para makapunta ako sa mga kaibigan ko. Akala ko’y malilibang siya sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan ngunit kung makalingkis ito’y parang isang tuko.
“What about you? ‘Di mo ako pakikilala sa mga friends mo?” tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay.
“Why would I? Kilala ka naman na ng mga ‘yon,” sabi ko at inalis ang kamay niya.
“Napaka-unfair mo! Ipakilala mo ako!” nakasimangot niyang saad kaya napatawa naman ako at hinayaan na siya na sumunod sa akin.
“Eherm.” Pamemeke na ubo ni Ley at natawa pa nang makita ako. Agad itong kumaway kay South na nasa gilid ko. Kahit paano’y nagkakausap naman kasi talaga sila.
“Si South, Mga sismars. Fiancé ko,” saad ko.
“Eherm, hehe, congrats,” natatawang saad ni Ley na siyang walang hiya-hiyang nakatitig sa kamay ni South na nasa may baywang ko na naman. He seems like he already found where his hands would rest.
“Oh, Hi, South! Enjoy the party!” nakangiting saad ni Rest sa kanya. Nilingon ko naman ang katabi nitong si Dani. Nakangisi ito at binibigyan ako ng makahulugang tingin.
“Yummy!” he murmured. Napahagikhik naman ako sa turan nito.
“Gwapings, Sissy, pakilala mo ako,” sambit niya pa ulit.
Hindi naman nakikita ni South ang pag-uusap namin dahil kausap niya si Ley na siyang madali lang makakwentuhan. Pinagkunutan ko naman siya ng noo nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
“Introduce me to your ex,” pabulong na saad niya. Pinagkunutan ko naman siya ng noo dahil wala pa nga akong naging ex. Madalas ay landian lang talaga.
“Wala akong ex,” sambit ko at siniko siya.
“Come on. To your Dani.” he said with an annoyed expression on his face.
“Bahala ka, ikaw rin,” natatawa kong saad at lumapit kami kay Dani.
“Dani, South my fiancé,” sabi ko at pinandilatan siya ng mga mata dahil alam na alam ko na ang tingin nito. Napatawa naman ako ng mahina nang makita lumapit siya kay South at naglahad pa ng kamay.
“Dani, Par, magkaibigan na tayo no’n e. Hindi ko alam kung tanda mo pa ako,” nakangiting saad ni Dani. Nginiwian ko naman ito dahil may kaharutan pa sa tinig nito. Natawa naman ako at sinamaan siya ng tingin. Napakunot naman ako ng noo nang halos mamilipit sa sakit si Dani habang nakikipagkamay kay South. Nawala naman ‘yon nang alisin na ni South ang kamay niya. Nang lingunin ko ‘to’y may mapaglarong ngisi mula sa kanyang mga labi.
“You should go back to your friends, I’ll stay here for a while," saad ko sa kanya.
“Dito muna ako,” makulit na saad niya. Inirapan ko na lang siya. Ayaw humiwalay. Bahala siyang maburyo kahihintay matapos ang usapan namin.
Naupo ako sa tabi ni Dani habang naupo naman siya sa katabing pwesto ko. Napairap na lang ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.
“Pukeng ina, Sismars. May galit ata ‘yang fiancé mo sa akin. Halos pilipitin ang kamay ko,” pabulong na saad ni Dani dito sa tabi ko. Napatawa naman ako ng mahina.
“Baka nadedetect ang gay radar mo, Sis.” Humahagalpak pa ako ng tawa.
“Pero atleast, Sismars. Nahawakan ko ang na palad nito.” Nginiwian ko siya at sinamaan ng tingin.
“You’re brain is full of—“ Napailing na lang ako sa kaniya.
“Hanggang ngayon ba naman kasi’y hindi ka pa rin humanap ng jowa."
“Kengemers, Sissy. Tiggnan mo nga naman ‘yang boylalu mo parang gusto na akong lapain sa inis. Hay nako, ayos lang. Willing naman ako magpalapa,” sabi niya kaya napatawa ako at kinurot siya sa tagiliran.
Nilingon ko naman si South na sobrang sama ng tingin sa akin. Aba’t parang kasalanan ko pang sumama siya rito, ha?
“I told you, you can go to your friends. Hindi naman mapapansin ng Lola at nina Mama kung magkahiwalay man tayo,” pabulong na saad ko sa kanya.
“Tsk,” sabi niya na hindi umalis. Hinayaan ko siyang magbugnot. Bahala siya.
Natapos ang party na ‘yon na wala namang gaanong nangyari. Naging maayos naman ang lahat. Bagsak agad ako sa kama nang matapos.
Papikit-pikit pa ako nang bumangon mula sa kama ko ngunit agad akong napakunot ng noo nang makarinig ng katok mula sa labas. Palakas nang palakas ‘yon.
“Ma! It’s just 11 in the morning! Antok pa ako!” malakas kong sigaw at tinakpan pa ang tainga ngunit mas lalo lang lumakas ‘yon.
Iritado ko naman ‘yon na binuksan ngunit mas lalo pang nainis nang makita ko kung sino ang kumakatok.
“Good morning!” hyper na saad ni South. Mas lalo naman nalukot ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.
“Ang aga-aga, Daddy!” sambit ko kaya siya naman ang sumimangot sa akin.
“Your mom asked me to wake you up,” sambit niya.
“Ang aga pa! I haven't even brushed my teeth yet!” saad ko.
“Oh that’s why I smell something—“ Hindi niya pa natutuloy ang sasabihin ay nasipa ko na siya sa tuhod. Mahina lang 'yon pero sobrang oa niya. Napahagalpak pa siya ng tawa.
“Awwe... mabuti at hindi sa junior kung hindi, nako. Ikaw ang kawawa. Paano na magiging anak natin?!” patawa-tawa niyang saad habang hinihimas ang tuhod niyang sinipa ko. Napairap na lang ako sa kanya.
"You still have some saliva in your face. Mukhang sarap na sarap sa pagtulog, huh?" nakangisi niyang sambit sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil do'n. Agad ko ring tinakpan ang bibig ngunit natatawa niya lang akong tinignan.
Rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“I’ll just take a bath!” malakas kong sambit at napatakbo pabalik sa kwarto. I
Matagal-tagal din ako sa banyo bago ko napagpasiyahang lumabas. Nagbihis lang ako sandali at nag-ayos bago nagtungo sa baba. Agad kong nakita sina Senyora na nagkakape lang sa may garden. Mukhang nagpapapresko, sina Mama naman ay patungo na rin doon.
“Good morning, hija,” bati sa akin ng Daddy ni South na siyang kausap ni Papa ngayon.
“Good morning din po,” sabi ko. Lumapit naman ako kay papa para halikan ‘to sa pisngi.
“You should eat breakfast na, Nak,” sabi niya kaya tumango ako. Napakunot naman ako ng noo nang makita si South na siya palapit sa akin, may mga dala ‘tong pagkain. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“Huwag mo nga akong mangiti-ngitian diyan!” manggigil ko kang saad. Napanguso naman siya dahil do’n at hindi nagsalita. Napairap na lang ako at kinuha ang tray, binuhat ko ‘yon patungo sa tapat ni Senyora. Agad akong binati ng mga ito. Binati ko lang din pabalik.
Nagkukwentuhan lang sila ng kung ano, hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sobrang lively ng bahay ngayon. Madalas kasi ay kaming tatlo lang nina Mama, business pa rin naman ang mga pinag-uusapan ng mga ito pero atleast medyo maingay kahit paano.
“Thanks,” sambit ko kay South na siyang pinagbukas ako ng yogu na dala. Napuno naman ng tuksuhan dahil sa mga matatanda. Napailing na lang ako dahil sa kanila. Tuwang-tuwa kasi ang mga ito habang tinitignan kami. Habang ‘tong South naman na ‘to, napakagaling umarte. Sus. Ganito rin siguro ‘to sa mga babae niya.