Shira’s POV
“Daddy, I’m outside your house na. Open your door or should I just punch it na lang?” Voice message ko kay South dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Napairap na lang ako bago ko binaba ang cellphone at sinubukang tumawag. Nag-doorbell pa ulit. Naka-schedule ngayong araw na tuturuan ko siyang magluto. Hindi siya umuwi sa lola niya kaya nandito ako ngayon.
Napailing na lang ako sa ideyang tulog pa ito. Siya na nga ang namerwisyo siya pa ‘tong napakabagal kumilos. Hindi ko naman tinigilan ang pagdo-doorbell habang sumisimsim sa yogu ko.
Nang bumakas ang gate ay laking pasasalamat ko. Sobrang init kaya rito sa labas.
Kunot ang noo ni South, salubong ang kilay habang g**o g**o ang buhok. Mukhang kagigising nga lang nito base sa kanyang itsura. Hindi ko pa maiwasang tignan ang kanyang katawan dahil wala ‘yong saplot ngayon.
“Iww, you didn’t even take a bath. Take a shower na,” sabi ko at nagtuloy-tuloy papasok sa bahay niya. Mukha namang nagising ang diwa nito.
“s**t!” natataranta niyang saad.
“I’m sorry!” sabi nito at napanguso pa habang papasok sa loob ng bahay. Napairap na lang ako sa kanya at hinayaan siya.
“You can sit here,” sambit niya at sinenyas ang upuan na malayo sa mga kalat.
“Tsk. What a mess, Arceo?” naiiling kong saad dahil may mga alak pa rito.
“Don’t tell me your friends are still here?”tanong ko.
“Pinauwi ko kagabi. Sorry,” sabi niya na napakamot sa ulo. Tinaboy ko na lang siya ngunit nanatili pa rin siya dito. Mukha ngang lasing talaga sila dahil ilang bote ba naman ng alak ang nakita ko rito. Sinubukan niya namang linisin ang mga ‘yon.
“Lasing?” tanong ko.
“I didn’t drink,” mabilis siyang umiling.
“We? It’s fine lang naman kung sinabi mong matutulog ka na pero ‘yon naman pala’y nag-iinuman na kayo,” saad ko at nginitian pa siya. Napatikhim naman siya roon at ilang beses pang binuka ang bibig ngunit sinasarado rin naman agad.
“I’m sorry. I was sleeping na but they came. I don’t want to wake you up,” sambit niya na lang. Napangiwi naman ako at napairap. Ano nga bang kinaiinis mo rin, Dolo? It’s completely fine if he won’t update you about his life.
“Have you eaten?” tanong ko. Dahan-dahan naman siyang umiling.
Napabuntonghininga ako at nagtungo na lang sa kusina para ipagluto siya ng makakain. Nakailang beses na rin naman akong pumunta rito dahil ilang beses ko na rin naman kasi siyang tinuruan.
Nakikita ko namang nagliligpit siya. Mukhang nahihiya rin na sobrang kalat ng bahay ngayong dinatnan ko. Dapat lang talaga na mahiya ito, aba. Kahit kanino’y dapat siyang mahiya sa mess na ginawa nila.
Nang matapos akong magluto ay siya rin namang tapos niya sa paglilinis. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin nang pagtaasan ko siya ng kilay.
“I’ll take a shower,” sabi niya kaya tinanguan ko siya.
“Dapat lang. So smelly,” sabi ko kahit hindi ko naman talaga siya naamoy. Gusto ko lang itong asarin. Ang bango kaya lagi ng taong 'yan.
Napanguso naman siya at sinindi ang tv bago siya umakyat sa taas para maligo. Tahimik ko naman siyang hinintay at nilibang ang sarili sa pag-scroll sa socmed ko.
Medyo matagal ko rin siyang hinintay, ang dami pa atang ritwal na pinaggagawa. Mayamaya lang ay bumaba na ito. Fresh na fresh na ang itsura niya nang lapitan ako.
“Sorry for making you wait,” sabi niya at lumapit sa akin. Amoy na amoy ko naman ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kanya.
“Sus, it’s fine. Ayos lang naman na nagtungo ako rito nang napakaaga tapos manonood lang pala ako ng tv. It’s really okay,” sambit ko kaya agad siyang napanguso. Medyo guilty din ang mukha, hindi naman talaga ako galit but I just want him to feel guilty.
“You should lafang na, alam ko namang gutom ka,” sabi ko at sinenyasan siyang magtungo na sa kusina.
“Ikaw?” tanong niya.
“I already chibog na in our house earlier,” turan ko. May gusto naman siyang sabihin ngunit mas pinili na lang niyang itikom ang kanyang bibig.
“But there’s space pa naman in my stomach so I’ll join you,” sabi ko kaya agad umusbong ang ngiti mula sa mga labi niya. Napairap na lang ako at sumunod sa kanya. I know how it feels na kumain mag-isa, nakakawalang gana. Kaya nga mas gusto ko ang kumain ng may kasama.
Nagsimula naman na kaming kumain dalawa.
“Why did you drink ba?” tanong ko.
“May celebration ba?” tanong ko pa. Genuine ang tanong na ‘yon dahil hindi naman kasi talaga ako galit. It’s fine dahil fiancé niya lang ako sa harap ng ibang tao but we know naman to ourselves na we’re not in love with each other.
“Mich is broken hearted. Her girlfriend cheated on him,” sambit niya. Napaawang naman ang labi ko roon. Kung kanina’y wala naman talaga akong pakialam kung bakit sila nag-inuman, gusto ko lang talagang mag-open ng topic para sa aming dalawa, ngayon ay nagkaroon ako ng kuryoso kung bakit.
Ang pagkakaalam ko kasi’y magkaibigan na sina Mich at South noong bata pa lang. ‘Yon kasi ang kwento ng Mommy niya saka nasambit na rin niya ‘yon noong nakaraan. Ang sabi’y sasama lang talaga dapat si Mich dito para magbakasiyon but he saw a girl whose name Tiffany. They fell in love.
Kaya pala mas naunang nag-aral si South dito. Hindi namin alam na kaya pala nagtungo si Mich dahil sa babae, akala ko’y dahil sa pagkakaibigan nila. Inlove na inlove pa naman din ‘yon sa girlfriend niya kaya medyo nagulat lang ako na nag-cheat ang girlfriend nito sa kanya.
“'What happened?” tanong ko. Medyo kumunot pa ang noo.
“I don’t know. Tikom pa rin ang bibig niyang si Mich kahit lasing,” sambit nito. Napatango naman ako at napakibit ng balikat.
Cheating is not right. No matter what your reason is, hindi no’n ma-ju-justify na nag-cheat ka, na pinaramdam mo sa isang tao na may kulang sa kanya, na hindi siya sapat. If it faded? Then might as well break up with them. Mahirap, oo, pero ‘yon lang ‘yong magagawa mo para hindi mo masaktan ang partner mo, maski ang sarili mo.
Kung makikipagrelasiyon ka man after that? Atleast your conscience is clear. Hindi ko lang lubos na maisip kung paano nila nagagawa ‘yon. Hindi ba sila ginugulo ng konsensiya nila? May peace of mind kaya ang mga ito? O baka sanay na?
Maharot lang ako ngunit I know my limitation, never akong humarot sa alam kong may jowa na. I didn’t even want to be middle of someone’s relationship dahil sigurado akong sakit lang ng katawan at puso ang abot ko.
“What are you thinking?” tanong niya sa akin ngunit umiling lang ako bago sumubo.
Kumuha pa ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi nito. Nakatingin lang naman siya sa akin. Normal na sa aming dalawa ‘yon lalo na’t ilang beses na rin naman kaming sabay kumakain. Nag-usap lang kami hanggang sa matapos na rin naman kaming kumain.
“Ikaw na ang maghugas,” utos ko sa kanya. Tinignan niya lang ako sandali bago napanguso.
Inayos na rin naman niya ang lamesa at siya na rin ang naghuhas. Nakasandal lang naman ako sa may gilid ng sink habang pinapanood ko siyang naghuhugas.
“Ilan kayong uminom?” tanong ko.
“Sila lang. I didn’t drink po,” sambit niya at sinulyapan ako sandali.
“I don’t care kahit matodas ka kakainom ng alak, Arceo. Saka ‘di naman ‘yon ang tanong,” sabi ko pa sa kanya. Sinimangutan niya naman ako at sinabi lang din kung ilan silang nag-inuman dito kagabi.
Nananatili lang kami sandali roon. Mayamaya lang ay lumabas na rin naman kami ng bahay nila dahil ang plano naman kasi talaga bibili kami ng mga stock nito sa ref. Ang lapit-lapit na lang sa palengke at supermarket, hindi pa magawang bumili.
Naglakad lang naman kaming dalawa habang patungo roon. Nagpunta muna kami sa palengke. I’m not maarte naman when it comes to pamamalengke dahil sinanay ako ni Mama. Saka ayaw na ayaw kong nababagot. Paminasan-minsan kapag bored na bored ako sa bahay, sinasamahan ko si Manang dahil gusto ko ring bumili ng malalaking turon.
Mabilis lang din naman kaming nakabili sa palengke dahil hindi siya gaanong nags-stock lalo na ngayon na lagi na lang siyang nag-aalmusal sa amin, pa minsan-minsan pa’y roon din siya kumakain ng dinner. Sa school naman siya nagla-lunch kaya madalas talagang mga groceries ang stock niya.
Si Art naman kasi, madalas umuwi kay Senyora. Pakiramdam ko si Art itong Lola’s boy sa kanilang magpipinsan, halos lagi kasing kasama ni Senyora ang apo niyang ‘yon. Mabuti nga’t hindi nagsasawa.
“Baka gusto mong magbuhat, Kiddo?” tanong ni South sa akin. Nilingon ko naman siya at pinagtaasan ng kilay. Binalik niya rin sa akin ‘yon. Natatawa ko na lang kinuha ang ilang bitbit nito dahil nga punong-puno na ang hawak niya.
Napalingon naman ako sa isang dalagang tinderang babae. Agad itong kumaway kay South nang makita siya.
“South, kumusta na? Ngayon na lang ulit kita nakitang namamalengke,” nakangiti nitong saad ngunit nawala ang ngiti nang makita akong nasa likod ni South. Imbes na lingunin ako’y binalingan na lang si South habang nakangiti.
“Ayos lang naman. Ikaw kumusta ka? Mukhang blooming ka ngayon,” pamumuri ni South sa kanya. Friendly naman talaga ito sa kahit na sino.
Minsan nga hindi ko alam kung friendly ba ito o talagang malandi lang talaga.
“By the way, Kae. This is Shira, may fiancée,” nakangiting saad ni South at sinubukan pa akong ilapit sa kanya.
“You’re half engot talaga, malansa ‘yang isda!” mariin kong bulong sa kanya. Sinamaan ko pa ito ng tingin kaya napanguso siya at nilayo ‘yon.
Nang tignan ko ang babaeng nagngangalang Kae. Nakangiwi na ito ngunit inayos ang ekspresiyon nang lingunin ako. Nginitian ko naman siya ng pagkatamis-tamis.
“Shira,” sabi ko. Alam ko na ang mga ganyang tingin. Ilang babae na ba ang sama kung makatingin sa akin nitong mga nakaraang buwan. Mabuti nga’t wala naman ng kahit na sinong sumubok na sumugod.
Umalis na rin naman kami pagkatapos no’n. Buhat-buhat naman namin ang mga pinamili patungong grocery’s store. Pinatabi lang muna sandali ang mga binili bago kumuha ng cart para mamili sa store.
“Where’s your list?” tanong ko. Agad siyang umiling. Well, mapera naman kaya kahit anong damputin ay ayos lang. Hindi pa kami nagsisimula nang pinahinto na niya ako. Agad kumunot ang noo ko sa kanya.
“Ano nanaman ang problema mo ngayon, South?” tanong ko.
“Tulak mo ako,” natatawang saad niya bago naupo sa cart. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
“Stupid! Bahala ka riyan!” sambit ko sa kanya.
“Dali na,” sambit niya pa. Literal na tinulak ko siya kaya agad akong nilingon nito at sinamaan ng tingin. Napahagalpak naman ako ng tawa.
“Tulak kita sabi mo,” natatawa kong saad.
“Push the cart. Itutulak din kita mamaya. Dali,” pang-uuto niya at ako naman ‘tong si tanga na nagpauto sa kanya. Well, ‘di ko rin kasi maiwasang maexcite doon.
Napapatawa at nalilibang na lang ako habang tinutulak ko ito. Parehas kaming tuwang-tuwa sa kabalbalan na ginagawa. Nagpalit din naman kami kalaunan.
“Subukan mo akong literal na itulak, I’ll give you a flying punch,” banta ko sa kanya na medyo natatawa rin. Naiiling na lang niyang tinulak ang cart at sobrang bilis pa. Mabuti na lang talaga’y walang gaanong tao sa supermarket.
Patawa-tawa pa ako at pataas-taas ng kamay. Libang na libang doon hanggang sa may pumito ng guard. Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam kung paano bababa. Mas lalo pa akong nataranta nang iwanan ako ni South at siyang tumakbo paalis. Ang gagong ‘yon! Iniwan akong mag-isa rito! Ni hindi man lang ako tinakbo palabas!