Shira’s POV
“Pasensiya na po talaga,” sambit ko. Siniko ko naman si South na siyang nagpipigil ng tawa.
“Pasensiya na po. Hindi na po mauulit,” sabi naman ni South. Todo pigil sa pagtawa.
Pagkatapos niya akong iwan ay bumalik din naman agad para tulungan akong makababa. Humahagalpak pa siya ng tawa tila talagang gusto niya lang akong asarin.
“If you’ve seen your face. You’re probably laughing so hard right now. Sayang vinideo ko sana,” tawang-tawa na saad niya nang makaalis ang guard.
“You’re so epal! Todas ka sa akin ngayon,” sambit ko na kinurot siya sa tagiliran. Namimilipit naman na siya sa sakit at sa tuwa. Tawang-tawa pa rin kasi ito hanggang ngayon. Napailing na lang ako at inirapan siya.
“Bobo ka. Wala kang kwenta!” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. Tawang-tawa pa rin siya ngunit pinipigilan na niya dahil sa inis ko.
Habang kumukuha tuloy kami ng stocks ay sinesermonan ko ito. Inis na inis ako sa kanya. Nagpipigil naman na siya ng tawa habang iniiwas ang tingin sa akin.
“Sorry na po,” natatawa niyang saad ngunit masamang tingin lang ang binaling ko sa kanya.
“Hindi na ulit ako makikipaglaro sa ’yo,” sabi ko kaya mas lalo naman siyang natawa.
“May nakakatawa ba, South? You left me there! Nakakahiya! Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa,” turan ko habang pinag-iinitan pa rin ng pisngi lalo na’t nang maalala ko na naman ang pangyayari.
“Cute,” natatawa niyang saad.
“Sorry na,” sabi niya na pinanggigilan pa ang pisngi ko kaya agad kong hinampas. Sinamaan ko pa siya ng tingin kaya kusa na lang siyang napanguso para pigilan ang tawa niya.
“Bilhan na lang kitang yogu,” sabi niya at nilagyan ng sobrang daming yogu ang cart.
“Dapat lang,” sambit ko naman kaya napatawa siya nang mahina.
Hanggang sa magbayad kami ay inaasar pa rin ako nito. Iniirapan ko na lang. Nakakabadtrip kasi ang mokong na ‘yan. Nang mabili na lahat ay nag-tric na kami dahil masiyadong mabigat ang dadalhin kung sakaling na lalakarin namin ang bahay niya.
“Do’n ka na kaya sa likod. Ang sikip na rito,” pagpapalayas ko sa kanya pero hindi siya nakinig at makipagsiksikan pa talaga. Napairap na lang ako sa kawalan.
“Thank you, Manong,” saad namin nang makarating kami sa bahay nila. Tumulong naman si Manong sa pagbubuhat ng ilang dala namin. Nang makapasok ay tinulungan ko na rin siyang mag-ayos ng stocks nila ngunit bago ‘yon ay kumuha muna akonng yogu na siyang masa ref.
“Mabuti’t may yogu ka na?” tanong ko dahil unang punta ko dito’y wala man lang kastock stock ang ref nila maliban sa alak. Nagkibit lang naman siya ng balikat.
Nag-uusap lang kami habang inaayos ang mga stocks niya. Paminsan-minsan ay tinatawanan niya ako at bini-bring up na naman ang tungkol sa nangyari kanina kaya sinasamaan ko na lang siya ng tingin.
“Tigilan mo na kasi! I’ll punch your face na, you’ll see,” sabi ko kaya mas lalo lang siyang natawa, para bang nagjojoke ako. Ngunit nang makita niya ang mukhang papatay ng tingin ay pinigilan na niya ang pagtawa.
Nang matapos kaming mag-ayos, nilabas ko naman na ang ilang lulutuin.
“Ikaw ang maghiwa,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Naupo lang naman ako sa tapat ng countertop at pinanood na lang siya.
“Luh, ang tanga!” sabi ko at medyo nataranta pa na ang bagal na nga lang niyang maghiwa, nahiwa niya pa ang sariling daliri.
“Wala, maliit lang. Malayo sa bituka,” natatawa niyang saad at kalmadong tinapak sa tubig. Nilagyan niya lang ng band aid bago siya nagsimula ulit. Tinulungan ko na rin naman siya.
Nilagyan niya naman na ako ng apron kaya nagsimula na kaming magluto.
“You’re not still sure about the course you’ll take in college?” tanong niya sa akin. Napatango naman ako at nagkibit na lang ng balikat.
“Bakit hindi na lang chef? Mukha namang passion mo ang pagluluto,” sambit niya.
“You’re lowkey telling me na magaling ako, ‘no? Alam ko namang masarap akong magluto,” natatawa kong biro sa kanya. Napailing na lang siya sa akin ngunit hindi rin naman kumontra.
“But yeah, it’s my hobby, oo, but I can’t just see myself being a chef,” sabi ko at napakibit ng balikat. Sa totoo lang ay hindi ko rin talaga sigurado. Para sa akin kasi hobby ko lang ang pagluluto. Ginagawa ko lang kapag bored ako o kapag gutom. I’m enjoying it, oo, but the thing is I’m slowly finding what I really want. Sa ngayon nalilibang ako sa pagdedesenyo ng mga kwarto, pakiramdam ko ‘yon na talaga ang gusto ko.
“What about you? Business is really your first choice when you started in college?” tanong ko. Napangisi naman siya roon.
“No, I’m not the one who choose that, just like you, hindi pa ako sigurado sa kukuning kurso. I don’t really have a dream,” natatawa niyang saad. Mabilis naman akong napalingon sa kanya dahil do’n.
“Ang sabi nila ako ‘yong tipo ng tao na walang mararating dahil panay pasarap lang sa buhay. Wala naman akong pakialam doon dahil I just want to live my life in the fullest,” sabi niya at ngumiti. Napatango naman ako roon. I kind of get it.
“Wala rin naman akong gustong patunayan dahil kung ano si South, ‘yon ako. When Lola said na kunin ko ang business, ‘yon na ang kinuha ko,” sambit niya. Same with me.
“But now, I learned to love my course kasabay ng pagkamahal ko sa lugar na ‘to,” sabi niya at ngumiti. Magsasalita pa sana ako nang may magdoorbell mula sa labas.
“Ako na,” sabi ko dahil siya ang sumusubok magluto ngayon. Lumabas naman na ako at napakunot ng noo nang makita si Mich at Renzo. Gulat naman silang napatingin sa akin.
“Oh s**t, kaya naman pala!” natatawang saad ni Renzo. Napakunot naman lalo ang noo ko dahil sa sinabi nito.
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko at pinagtaasan sila ng kilay.
“Bibisitahin lang namin si South, Ssob,” sabi nila.
“Ganoon ba? Tuloy kayo,” saad ko at pinagbuksan sila ng pinto. Tinignan muna nila ako bago nagtuloy-tuloy sa pagpasok.
Sinarado ko muna ang gate bago ako pumasok sa loob.
“What are you doing here again?” Narinig kong tanong ni South habang papasok ako sa kusina.
“Aba, kami na nga ‘tong may dalang pagkain para sa ’yo. Sungit naman, Ssob,” natatawa nilang saad kay South. Napailing na lang ako at nagtuloy tuloy sa pagpasok.
“Kaya naman pala gustong-gusto mo na kaming pauwiin kagabi. May bisita ka pala ngayon,” sambit ni Renzo at humagalpak ng tawa.
“Gago, sinabi kong may bisita ako. ‘Di kayo nakikinig, Mga hinayupak,” sabi ni South kaya natawa nang mahina ang dalawa.
“Hey, Mich, everything will be alright,” sambit ko kay Mich na mukhang hanggang ngayon ay naalala pa rin ang girlfriend niya. Tulala lang kasi ito sa isang gilid. Si Renzo lang ‘tong sobrang ingay ngayon.
“Gagong South,” bulong-bulong niya.
“Thanks, Shi,” sabi niya at nginitian ako ng tipid.
“Huwag ka ngang magmukmok, Ssob. Retuhan na lang kita ng chix,” sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.
“Hay nako, Shira, kahit sinong ireto mo riyan, ‘di niyan tatanggapin,” natatawang saad Renzo sa akin at inakbayan pa ako ngunit agad ‘yong tinapik ni South. Para namang napaso si Renzo sa pagkakahawak sa akin lalo na’t ang sama ng tingin ni South.
“Ano bang ginagawa niyo rito?” suplado nitong tanong sa kanila.
“Sungit naman, Boss!” natatawang saad ni Renzo at kumuha pa ng kutsara para tumikim ng luto ni South.
“Gusto ka lang naman naming bisitahin—“ sabi nito.
“Huwag niyong sabihing magyaya na naman kayong uminom?” tanong ko.
“Hindi po. Hehe.” Napailing na lang ako kay Renzo.
“Kaya naman pala hindi ka uminom maski isang lagok lang ng alak dahil darating ang chix mo rito,” sabi ni Renzo at naupo pa sa upuan.
“I’m not manok,” sabi ko kaya natawa si Renzo sa akin. Medyo nagulat naman ako nang malamang hindi talaga ito uminom. Tinignan ko si South dahil do’n. Nilingon niya naman ako at pinagtaasan ng kilay.
“Sana all,” natatawang saad ni Mich ngunit ramdam ko ang bitterness sa kanyang tinig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o maaawa sa kanya.
“So ikaw ba ang naghatid sa amin isa-isa kagabi?” tanong ni Renzo na may pinggan na na hawak. Hindi ko naman maiwasang matawa nang magsimula na itong kumain do’n.
“Sino pa ba?” sabi naman ni South na napailing na lang din sa kaibigan.
“Let’s lafang na,” sabi ko dahil luto naman na ‘yon.
“Ngayon lang kayo magyayaya kung kailan kumakain na ako,” sabi ni Renzo at napanguso.
“Kapal kasi ng mukha mo,” sabi naman ni South at tinulungan akong dalhin ang ilang ulam.
Dinala rin naman ni Renzo ang pinggan niya sa may dinner table. Sumunod na rin naman si Mich doon.
“Sakto talaga kami!” natatawang saad ni Renzo.
“Sakto niyo mukha niyo. Ang sabihin mo talagang makakain kayo ng lunch dito,” sambit ko at napailing sa kanya. Natawa naman siya dahil tama naman talaga ako roon.
Umupo na rin naman ako. Mayamaya lang ay nagsimula na rin naman kaming kumain, katabi ko si South. Nagkukwentuhan lang kami habang nilalagyan niya ang pinggan ko.
Napakunot na lang kami ng noo nang makita si Mich na umiiyak habang nakatingin sa pagkain niya. Tahimik lang kasing tumutulo ang luha niya at hindi pa mapapansin kung hindi pa mapapatingin dito. Tapos na kaming kumain nang makita ko ito.
“Luh, potek ka, Mich. Why are you crying ba?” tanong ko sa kanya. Napatikhim naman siya at pinigilan ang umiyak ngunit mas lalo lang ‘yon nagtuloy-tuloy. Hindi ko naman tuloy alam kung paano ko ‘to icocomfort. Maski sina South at Renzo ay nakatingin lang sa kanya.
“How did you break up ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi pa kami nagbreak, I just can’t lose her,” sabi niya at napaiwas sa akin ng tingin. Napanguso naman ako habang nakatingin sa kanya.
“She cheated on me pero ako ‘tong si bobo na mahal pa rin siya. I don’t actually know what to do,” natatawa niyang saad. Hindi naman ‘to lasing ngunit tahimik lang siyang umiiyak.
“Tangina, Par, huwag kang umiyak. Janapan na lang kita,” sabi ni South kahit alam naman niya na hindi talaga tatanggap ang kaibigan. Tinignan ko naman soua ay pinaningkitan ng mata bago nilingon ulit si Mich
“Gago,” sabi nito nang natatawa ngunit nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak dahil sa isang babae. The girl probably lost a gem.
“Did you confirm it? Paano mo nalaman?” tanong ko.
“I saw him kissing another guy in my own f*****g eyes,” sabi niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko roon.
“Anong ginawa mo?” tanong ko. Kunot ang noo.
“Wala, tumalikod at lumayo. Patuloy na nagbubulagbulagan hanggang ngayon,” sabi naman ni Renzo.
“Aba’t ikaw na ata ang pinakabobong taong nakilala ko,” sabi ko.
“Tayo! Let’s go to your ex house. You should break up with her now. Self love ang kailangan mo! Know your worth, Boi,” sambit ko at tumayo pa sa lamesa. Napaawang naman ang labi niya dahil sa reaksiyon ko..
“Don’t waste your time to a girl like that. Huwag kang magdalawang isip na makipaghiwalay dahil ikaw lang ‘tong lugi. Lagi mong maiisip kung bakit ka niloko, mawawala ‘yang peace of mind na iniingatan mo,” seryoso kong saad.
“Tara! Ano pang hinihintay mo? South, tsekot,” utos ko kay South. Napanguso naman siya habang nagpipigil ng ngisi. Akala ko’y kailangan pa naming bitbitin si Mich ngunit tumayo siya. Parang robot na nagtungo sa kotse niya. Kasama naman namin si Renzo na parang tangang nagbitbit pa ng saging, panghimagas daw. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.
Nagtungo nga talaga kami sa bahay ng girlfriend ni Mich. Mag-isa lang daw nito sa bahay niya. Nang makababa ay ako na mismo ang tumawag doon. Naghagis ng bato mula sa bahay nito.
“Hoy! Ex ni Mich lumabas ka riyan!”
“What the heck is wrong with you?” galit na tanong ng babaeng kakalabas lang mula sa bahay niya. Ang sama na ng tingin nito.
“Ikaw na bahala, Mich, know your worth,” pag-uulit ko pa sa kanya bago ko siya tinapik at tumalikod na sa babaeng galit na galit sa akin kanina.
“Nakakatakot naman pa lang magloko rito sa fiancée mo, South,” natatawang bulong ni Renzo nang pabalik na kami sa kotse.
“Wala siyang dapat ikatakot. We’re not even together,” natatawa kong saad dahil ‘yon naman talaga ang totoo.