Chapter 22

2134 Words
Shira’s POV  Everyday was just the same but extra special. Mas lalo lang kaming napalapit sa isa’t isa ni South sa mga nagdaang buwan. Minsan ay nagkakapikunan talaga kami dahil ang lakas niyang man-trip at ganoon din naman ako sa kanya. Hindi naman pwedeng siya lang ‘tong mamimikon araw-araw, hindi ba?  “Nak, nandiyan na sina Senyora sa baba,” sabi ni Mama sa akin.  “Yes po, Ma,” sabi ko at tumango. Kakadating lang namin nina Mama galing sa graduation ko. Sobrang aga naman nina Senyora. Pagkakaalam ko’y gabi pa ang dinner.  Habang pababa’y nagulat ako nang makita si South na nakangiti sa akin.  “Congrats, Dolo,” nakangising saad niya nang makababa ako. Napaawang naman ang labi ko nang makita ang ilang box ng yogu at isang bouquet ng bulaklak.  “Ang dami! Mamaya’y masira lang ‘yan!” natatawa kong saad sa kanya habang papalapit.  “Sus, ikaw pa ba hahayaang masira ‘yan?” natatawa niyang saad sa akin.  “Thank you,” hindi ko mapigilang sambitin habang pinagmamasdan ang mga ‘yon.  “Sorry, hindi ako nakapunta ng graduation mo, naubusan ng stock dito sa atin.” Inilahad niya pa ang bulaklak na binigay. Nakangiti ko naman ‘yong tinanggap.  “Thank you...” saad ko at niyakap siya sa tuwa.  Natawa na lang akong napahiwalay sa kanya nang tumikhim sina Mama. Ang mga ngiti nila’y tila aabot na sa langit. Napailing na lang ako at sumunod sa kanila para magtungo sa dinner table.  “Congrats, Hija, job well done,” nakangiting saad sa akin ni Senyora at niyakap pa ako.  “Thank you po, Senyora,” nakangiti kong saad. Wala naman akong honors o kahit anong medalyang nauwi. Tuwang-tuwa pa rin ang mga ito na naka-graduate ako in time. Sapat na ‘yon para sa akin.  Nang nakaupo na kami sa may hapag ay nagdasal lang sandali bago magsimulang kumain. Nag-uusap sila habang kami ni South ay nagkukwentuhan lang din tungkol sa kung ano.  “What’s your plan, Anak, next school year?” tanong ni Mama. Ito talagang si Mama. Kakatapos ko lang mag-isip at kakagraduate ko lang, nagtatanong na agad ng kung ano.  “I’ll be an interior designer, Ma, I’m sure na,” saad ko dahil pinagbibigyan pa nila ako noon.  “That's a good choice, Hija. Para ikaw na rin ang nagdisenyo kung sakali ng magiging bahay niyo ni South inside,” sabi ni Senyora. Para naman akong nabulunan sa sinabi nito. That’s when I realize that it’s really serious.  “Kailan niyo nga ba balak ikasal?” tanong ni Senyora. Tuluyan naman na akong nasamid doon. Wala man lang preno-preno itong si Senyora. Hindi man lang ako pinagpahinga kahit isang segundo lang.  “You’re in legal age naman na, Hija. Pupuwede na,” natatawang saad nito. Napatango naman sina Mama dahil sa sinabi nito. Napalingon naman ako kay South at sinenyasan siyang magsalita. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.  “Hindi naman po kailangang madaliin ‘yon, Senyora,” sabi ko at alanganing tumawa. Tumaas naman ang kilay nito sa akin.  “Nagkakasundo naman po kami ni South ngayon—“ sabi ko na agad pinutol ni Senyora.  “’Yon na nga, Hija. Nagkakasundo kayo ni South. Pupwede na kayo kung sakali!” tuwang-tuwa na saad nito.  “Yeah, Lola’s right,” sabi ni South kaya pinandilatan ko siya ng tingin. Alanganin naman akong tumawa.  “Gusto ko po muna sanang grumaduate at maging interior designer, Senyora,” saad ko. Hindi ko pa kasi talaga nakikita ang sariling kinakasal sa isang tao. Bata pa ako at nakasisiguro ko rin namang ganoon din si South.  “Ganoon ba? You can still do that naman, Anak,” sabi ni Mama. Napatikhim naman ako roon.  “Yes, Ma. But I want to start from my own po sana muna. Gusto kong may mapatunayan muna bago ang lahat.”sabi ko pa.  “After graduation it is. 4 years,” sabi ni South kaya nilingon siya nina Senyora at Mama.  “I can wait, La,” sabi ni South.  Sus! Kung alam ko lang ayaw lang din nitong magpasakal pa. As if naman sasakalin ko siya sa marriage namin, 'no? Wow, Dolo, ikaw ‘tong may ayaw no’ng una tapos ikaw pa ang galit ngayon.  “Alright then. When you reach 21,” sabi ni Senyora sa akin at ngumiti. Napaawang naman ang labi ko. Talagang tumawad pa ito.  Napatango naman ako roon. Ayos na ‘yon kaysa biglaan. Mabuti’t hindi rin nila agad pinilit na ikasal kami ni South.  “And ilang beses ko bang uuliting tawagin mo na rin akong Lola, Hija?” Alanganin naman tuloy akong ngumiti sa kanya.  Nilubayan naman na nila ako pagkatapos ng mga tanong nila. Pinagtaasan ko naman ng kilay si South na siyang nakatingin sa akin.  “Medyo ligtas,” natatawa kong saad sa kanya.  “Tsk,” sambit niya at binaling na lang ang tingin sa pagkain. Ganyan ‘yan. Minsan hindi mo alam kung bakit bigla-bigla na lang nababadtrip. Nakakalerkey.  Akala ko roon na matatapos ang pag-uusap namin ngunit binalingan ulit ako ng tingin ni Senyora.  “By the way, may graduation party ba kayo ng mga kaibigan mo?” tanong niya sa akin.  “Mayroon po, Senyora, ngunit baka hindi na rin naman po ako dadalo,” sambit ko dahil wala naman sina Ley doon.  Paniguradong abala nanaman si Ley lalo na’t bakasiyon. She was the one providing for herself. Paniguradong madugong labanan na naman ang tatahakin nito para lang makapag-aral. Papagurin naman ang sarili buong araw at gabi.  And Rest, she’s probably in vacation with her parents now. Hinintay lang kasi ng mga ito na grumaduate siya bago siya isama sa mga business trip nila. Gusto naman ‘yon ni Rest dahil mahilig talaga siyang mag-travel at lalong-lalo na ang magshopping.  “Kung ganoon, pupuwede mo pa lang samahan si South, Nak,” sabi ni Mama. Napakunot naman ang noo ko roon.  “He was always working at his uncle’s shop kapag vacation. Samahan mo,” sabi naman ni Papa sa akin. Napaawang naman ang labi ko roon dahil hindi ko alam na nagtatrabaho pala ‘to.  “Puwedeng-puwede! Wala naman siyang gagawin dito sa bahay,” sabi naman ni Mama sa akin. Napailing na lang ako dahil halatang pinagtutulakan lang talaga ako nilang dalawa.  “Yeah, sure, why not po?” sabi ko at napakibit ng balikat. Napapalakpak naman sa tuwa si Senyora kaya napatawa na lang ako nang mahina at napailing.  “That’s a good idea!” nakangiti nitong saad.  Week passed by, nandito na kami sa lugar kung saan nakatira ang uncle ni South.  “Pamangkin ni Lola,” sabi niya kaya napatango naman ako.  “Mabuti’t dito ka tumutuloy kapag bakasiyon? Bakit hindi sa Mommy mo?” tanong ko sa kanya.  “May kasunduan kasi kami ni Lola, kapag nakagraduate ako ng college, I can go back to our house but not until that time. I’ll do whatever she wants,” sambit niya.  “What about marriage? Kapag ba naka-graduate ka na, void na ang pagpapakasal natin?” tanong ko.  “Nah. Sobrang simple kung ganoon,” natatawa niyang saad.  “Gawain ba talaga ng Lola niyo ang ipakasal kayong mga apo niya?” tanong ko pa sa kanya. Nagkibit naman siya ng balikat. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay bumukas na ang pinto ng hindi ganoon kalakihang bahay.  Malapit lang sa bayan ang bahay na ito, maganda rin ngunit maririnig nga lang ang ingay mula sa paligid.  “Oh, South, nandito na pala kayo,” sabi ng medyo may katandaang lalaki.  “Good noon po!” sabi ko at ngumiti.  “Good noon din, Hija. Inayos ko na ang pagtutuluyan niyong dalawa. You can call me if you need anything else,” sabi niya.  “Us lang dalawa riyan?” pabulong na tanong ko kay South. Tumango naman siya.  “Uncle is sleeping in his resto,” sagot niya kaya napatingin ako sa matanda. Ngumiti lang ito at pinapasok na kami sa loob.  Simple lang ang ayos ng bahay ngunit mapapansin ang kalinisan mula sa loob. Nagmamasid lang ako sa paligid habang nag-uusap ang magtito. Hinayaan ko naman sila roon.  Mayamaya lang ay naiwan naman na kami ni South dito dahil aalis na raw ang uncle niya at tutungo na sa resto nila. Sinamahan naman ako ni South sa kwartong pagtutuluyan ko. Hindi naman ito creepy kaya ayos lang sa akin. Nagpaalam na rin siya naaayusin niya ang gamit niya tumango lang ako.  Inayos ko lang ang mga gamit na dala ko at nilagay sa aparador na nandito. I was thinking if I’ll enjoy it. Ang sabi ay sa kusina ako magtatrabaho at hindi naman kami araw-araw magtatrabaho ni South, may mga araw pa rin na pupuwede naming gamitin para sa pamamasiyal sa lugar.  Hindi naman kami magtutungo roon ngayon kaya ayos lang din. Buong maghapon lang ata akong nagpahinga sa aking kwarto at kinabukasan saka lang ako lumabas dahil ‘yon na rin ang araw na magsisimula kami.  Nagtungo na ako sa kwarto ni South. Nakita ko naman natutulog pa ito kaya agad dumapo ang ngisi sa aking mga labi at nakaisip ng kalokohan. Mahimbing ang tulog nito. Nakasuot ng pajama habang wala namang pang-itaas na damit. Hindi ko maiwasang mapangisi at nagtungo muna sa kwarto.  Bumalik naman ako sa kwarto niya na may dala-dala ng pentel pen. Tuwang-tuwa ko namang sinusulatan ang mukha nito. Madalas kasing tulog mantika ang mokong, ang hirap kayang gisingin nito. Napatawa naman ako habang kinukuhanan ng litrato ang mukha niyang punong-puno ng sulat.  Aba’t hindi naman pupwedeng siya lang ‘tong tuwang-tuwa kapag iniinis ako. Kumuha pa ako ng litrato kasama ako at pinigilan ang matawa ng malakas. Inayos ko naman ang mukha ko, tila walang ginawang kalokohan bago ko siya ginising.  “Daddy, it’s time to wakey wakey na! We have work pa po!” sabi ko na bahagya itong niyugyog. Iniwasan ko naman ang mata at iniwas ko pa ang tingin sa kanyang mukha dahil paniguradong mapapahagalpak ako ng tawa.  Nakailang beses pa akong yugyog at tawag dito bago ito nagmulat ng mata. Papikit-pikit pa siyang napakamot sa kanyang ulo.  “Anong oras pa lang, Dolo,” sabi niya at napanguso.  “Just wake up! Anong oras na kaya!” sabi ko at napailing pa sa kanya. Nag-iwas pa ako ng tingin dahil napatawa ako ng mahina.  “Yeah, yeah,” sambit niya at napatango. Nilingon niya naman ako at pinagkunutan ng noo. Tinignan ko naman siya ng normal na tingin na para bang walang ginawang masama ngunit hindi ko talaga maiwasang matawa kaya agad akong nag-iwas.  “What’s wrong with you, Dolo?” tanong niya na pinagkukunutan na ako ng noo. Pinakapal ko pa ang kilay niya kanina kaya hindi ko maiwasang matawa ngayon lalo na’t ng magsalubong ang mga ‘yon.  “What the heck? Kay ginawa ka na naman, 'no?” nakasimangot na tanong niya.  “Wala, ah! You’re so binatangero. You have some panis na laway kaya! Tabi nga! I’ll my breakfast na,” sabi ko at tinulak siya na talagang todo ang pagsimangot. Sinubukan kong hindi matawa hanggang sa makatalikod ako sa kanya. Binangga ko pa ‘to bago lumabas.  Napatakbo naman ako ng makalabas ng kwarto niya. Tuluyan na akong humagalpak ng tawa dahil do’n, kasabay naman ng malakas niyang pagsigaw.  “What the heck?!” Narinig kong sigaw niya. Mas lalo lang akong natawa habang pababa ng hagdan. Hindi ko mapigilan ang ngisi habang nagluluto ng breakfast. Sigurado akong pikon na naman ‘yon pagbaba kaya dapat lang na bigyan ko siya ng panulsol.  Hinintay ko lang ‘tong makababa. Medyo napatagal pa ‘yon dahil marami akong pinagsusulat sa mukha niya. Kasalanan niya, bakit kasi hindi siya nagising? Napangisi naman ako sa naiisip ko.  Nang makababa ito. Nakaligo na siya’t fresh na fresh na ito. Katulad din ng inaasahan ko, kitang-kita ko ang simangot mula sa mukha nito.  “Good morning, Daddy!” nakangisi kong saad sa kanya. Mas lalo pa ‘tong sumimangot kaya lumapit ako sa kanya at kinawit ko pa ang kamay dito.  “Not in the good mood, Daddy?” natatawa kong saad.  “Shut up, Dolores. Sinong magiging good mood sa pinaggagawa mo?” tanong niya na sinamaan ako ng tingin. Pinigilan ko naman ang matawa dahil inis na inis na talaga ito.  “Luh, sayang pinagluto pa naman kita pero kung galit ayos lang naman na ako na lang ang kakain,” sabi ko at ngumisi. Alam ko kasing hindi niya matitiis kapag luto ko na ang pinag-uusapan.  “Sino bang nagsabing galit ako? Halika na’t kumain,” sabi niya kaya akin pa rin ang huling halakhak. Binigyan ko pa ito ng matamis na ngiti ngunit agad niya lang inirapan kaya napatawa na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD