Shira’s POV
“Sungit mo naman, Daddy,” natatawa kong pang-aasar kay South habang patungo kami sa resto ng Tito niya. Naglalakad lang kami dahil medyo malapit lang ‘yon sa bayan. Inirapan niya lang ako. Kinukulit ko lang ‘to hanggang sa makarating na kami sa resto ng uncle niya.
“Good morning, South, Hija,” sambit nito sa amin nang makabapasok kami.
“Good morning din po,” bati ko at malapad na ngumiti.
“South, alam mo na ang dapat gawin,” saad sa kanya ng uncle niya.
“Ikaw naman, Hija, you can start in our kitchen. Crisel, you should help her,” sambit nito sa akin.
“”Oks po,” sabi ko at nag-okay sign pa rito. Pinagkunutan naman ako nito ng noo as if hindi natutuwa sa pinaggagawa ko. Ang sungit naman ng Tito nitong si South. Inalis ko na lang ‘yon sa isipan bago ako nagtungo sa kitchen. Hindi ko alam kung ano bang trabaho ni South ngunit mukhang magiging waiter ito.
Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod dito sa tinawag na Crisel ng uncle ni South.
“Te, pwede bang chumibog sa kitchen?” hindi ko mapigilang itanong. Nilingon naman ako ni Crisel at pinagkunutan ng noo. Mayamaya lang ay napatawa na lang siya.
“Gaga, hindi. Lugi us niyon. Paniguradong majojombag tayo ni Boss,” natatawa niyang saad. Napangisi naman ako.
“By the way highway, ang ganda mo, Sis. Mukhang yayamanin ‘yang kutis mo,” sabi niya sa akin.
“Oh, hehe. Ako lang 'to.” Napatawa naman siya sa sagot ko. Mukhang makakasundo ko naman ‘tong si Crisel. Atleast hindi ako mababagot sa kitchen.
“Syota mo ba ‘yong pamangkin ni Boss?” tanong niya pa.
“Dehins, he’s my fiancé,” sabi ko.
“Ayy, taray, iba talaga kayong mayayaman, may pafiance fiancé.” Napatawa at napailing na lang naman ako sa sinasabi nito.
Nang makapasok kami sa kitchen, agad niya akong pinakilala sa chef nilang nag-uumpisa nang magluto.
“Chef, si Shira po, bago raw po rito. Tulungan daw po natin siya sabi ni Boss,” sabi ni Crisel. Nang lingunin niya ako’y ngumiti lang siya ng tipid.
“Magandang buhay, Chef!” masigla kong saad kaya napatawa si Crisel sa tabi ko. Agad namang napairap ang katabi nitong babae. Napataas naman tuloy ako ng kilay doon ngunit nagkibit na lang ako ng balikat. Baka insecure sa maganda. But she's pretty too. She doesn't have to be insecure.
We started working na rin naman. Tinutulungan lang ako ni Crisel sa ilang pinapaggawa sa akin. Kaya lang ay dumating sa puntong kinailangan niya ng umalis sa tabi ko dahil sobrang dami na ng order mula sa labas. Naiwan tuloy ako na nandito sa may lababo at naghuhugas ng pinggan. Sobrang daming hugasin. Mabuti na lang ay nagagawa ko naman ‘yon nang maayos dahil may kachikahan din ako. Si Selda na siyang kapatid ni Crisel.
Siya ‘tong nagpupunas ng mga pinggang nahugasan ko na. Pareho rin silang kwela ni Crisel kaya hindi mahirap pakisamahan.
“Bilis-bilisan niyo naman!” galit na saad no’ng babaeng assistant ata ni Chef.
“Hehe, Yes, Sismars. Huwag kang masiyadong atat. Ma-stress ka lalo lang masisira ‘yang beautykels mo,” natatawa kong saad sa kanya. Mas lalo naman siyang nainis sa akin at lalapitan na sana ako para sugurin kaya lang ay tinawag na siya ni Chef. Wala siyang nagawa kung hindi ang magtungo roon.
Napatingin naman ako sa katabi kong si Selda na namamalipit na sa kakapigil ng tawa habang si Crisel naman na siyang nakikinig din pala’y tumatawa na rin sa gilid.
“What’s wrong with you two? Para kayang mga binudburan ng asin,” naiiling kong saad.
“Walang hiya. Ikaw lang pala ang makakapagpatigil sa bunganga niyang Tasha na ‘yan,” natatawang saad ni Selda.
“Hindi naman tumigil, huh?” tanong ko dahil nakakapagsalita naman ‘yong babae.
“Pasensiya ka na, ganyan lang talaga ‘yang si Tasha. Laging pinagsasakluban ng langit at lupa. Kahit kanino galit,” sabi ng mga ito. Napakibit na lang ako ng balikat, sanay na ako sa mga mean girls na bigla-bigla na lang na-hhb sa amin at sa mga taong galit agad kahit wala pa naman akong ginagawang kahit na ano.
Dumating naman ang break time kaya lumabas muna ako sa kitchen. Napakunot naman ako ng noo nang hindi ko makita si South mula sa labas. Baka bumiling pagkain?
Naglakad na lang ako palabas ng café. Papahangin sana ako sandali ng may makitang naka-panda costume na siyang nagbibigay ng mga flyers sa iilang dumadaan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin doon.
“Cute!” nakangiti kong saad bago tumungga sa aking bottled water ngunit laking gulat ko nang makitang nasa tapat ko na ang naka-panda costume at hinablot na lang nito ang bottled water sa akin.
Sa sobrang gulat ko’y napatayo ako at kukunin na sana ang tubig doon ngunit bahagyang nataranta nang ma-out of balance ako dahil sa batong hindi ko napansin kaya pati ito nakapanda costune ay ganoon din dahil siguro sa bigat ng costume nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha nito. Pawis na pawis na si South at mukhang pagod na pagod.
“Baka gusto mong umalis sa pagkakadagan, Dolo? Init!” natatawang saad ni South sa akin.
“We? Gaan ko nga,” natatawa kong saad at tinagalan pa bago ako tumayo para lang asarin siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napatawa na lang nang mahina.
Nang tuluyan ng makaalis sa pagkakadagan sa kanya’y inalalayan ko ‘tong tumayo dahil sobrang bigat ng costume niya.
“Stay here. I’ll buy some water,” sabi ko at pinaupo siya sa lilim. Ngumiti naman siya at tumango. ‘Yon nga ang ginawa ko kalaunan. Binilhan ko lang ‘to ng tubig bago ko siya binalikan. Naubos niya na rin kasi ang bottled water na inagaw niya sa akin.
“I didn’t know na pangarap mo pa lang maging mascot,” natatawa kong saad bago naupo sa tabi niya.
“Pakagat,” sambit niya na sinenyas ang hawak kong sandwich na binubuksan pa lang. Binantaan ko naman siya sa pamamagitan ng mga mata ko kaya napatawa ito ng mahina.
“Opo,” natatawa niyang saad kaya napailing na lang ako at hinayaan siyang sumubo kaya lang ay agad kong pinagsisihan dahil isang kagatan niya lang ‘yon.
“Nakakabadtrip ka,” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. Imbis na matakot sa tingin ko ay natawa lang siya at pinanggigilan ang pisngi ko.
“Hindi ka makakaulit. Bobo,” masama ang loob na saad ko dahil kanina pa ako natatakam sa sandwich na ‘yon.
“We? Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan?” natatawa niyang tanong bago nagtungo sa bag niya. May kinuha muna ito at agad akong napanguso ng makitang may sandwich din pala siyang dala. Napangiwi ako dahil nang-iinis lang talaga ito.
“Mainit ba masiyado?” tanong ko habang naglalabas ng panyo.
“Medyo,” natatawa niyang saad at nagkibit ng balikat. Inabot ko sa kanya ang panyo, tinanggap din naman niya ‘yon.
“Thanks,” sambit niya at nginitian ako.
Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa kung ano. Nakikita ko pa ang mata ng ilang dumadaan na babae, agad silang napapahagikhik kapag nakikita si South.
“Gagi, ang gwapo pala ng panda na ‘yon,” tuwang-tuwa na saad ng isang babae.
“Alam na natin ngayon, free hugs,” humahagikhik pang saad no’ng isa. Napakunot naman ang noo ko roon. Paano kung hindi pala si South ang nagsusuot? Tsk.
“Bakit ba ‘yan kasi ang ginagawa mo? Hindi ba pwedeng mag-waiter ka na lang?” Medyo kunot na ang noo dahil sa ideyang yayakapin ito ng kung sino. Saka ang init kaya ng suot nito.
“The first time I tried to be a waiter, napaaway agad ako ng dalawang beses,” naiinis niyang saad tila ba naalala ang nangyari.
“Bakit ka galit?” tanong ko naman at pinagtaasan siya kilay.
“I’m not,” sabi niya at napanguso.
“Why ba? Siguro you make harot na naman,” saad ko at napailing pa sa kanya.
“I didn’t! They were the one who flirt with me, ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko,” turan niya pa kaya mas lalo namang tumaas ang kilay ko.
“They won’t flirt with you if you don't make a move with them. Sus, akala mo ba hindi ko alam ‘yang gawain mo? Nakita pa nga kitang nakikipaglaplapan sa likod ng scho—“ Hindi ko pa natutuloy ang sinasabi ng takpa niya ang bibig ko.
“Ano ba, South?! Kainis ka!” iritado kong saad at inalis ang kamay niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
“I told you, hindi nga! I didn’t even look at them. Propesyonal ako,” sabi niya kaya napatawa ako.
“Propesyonal mo mukha mo,” natatawa kong saad sa kanya ngunit sinamaan lang ako ng tingin.
“Totoo nga! Kasalanan ko bang gwapo ako? Hindi naman, ‘di ba?” sabi niya kaya natatawa na lang akong napailing.
“Gwapo my a*s,” turan ko at napailing na lang sa kanya. Natawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko.
“Crush mo nga ako,” mayabang pang saad niya binigyan ko siya ng malambing na ngiti.
“Lul, asa ka,” natatawang saad ko bago siya tinulak at tumayo na dahil tinatawag na ako ni Crisel. Nagtungo naman ako roon. Nakapagpahinga naman ako kahit paano sa pakikipagkwentuhan kay South.
“Grabe, Sis. Tiba-tiba ka talaga sa boyfriend mo. Yummy, Mami,” natatawa niyang saad kaya napailing ako sa kanya.
“Ikaw na ang babaeng pinagpala,” sabi niya pa at tila sinusukat ang buhok ko. Napahagalpak naman ako ng tawa sa kanya.
“Ano pang tinutunganga niyo riyan? Tuwang-tuwa! Magtrabaho na kayo,” galit na saad ni Tasha.
“Luh, hindi naman ako nasabihin na required pa lang maging malungkot sa resto’ng ‘to,” naiiling kong saad bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Kita-kita ko naman ang inis mula sa mukha ni Tasha ngunit hinila na agad ako ni Crisel patungo sa loob ng kitchen.
“Baka biglang sumabog do’n. Mahirap na,” sambit niya.
“Pinaglihi ata sa sama ng loob ‘yang kaibigan mo,” sabi ko’t napailing.
“True, but let’s understand her na lang. Maraming pinagdadaanan sa buhay ‘yon,” sabi niya.
“Wow, english 'yon! Englisher na ako, Selda!” tuwang-tuwa pa na saad niya sa kapatid. Naiiling na lang akong natawa sa kaniya.
Nagpatuloy lang naman ang araw namin na ganoon. Madalas ay sinusungitan kaming lahat ni Tasha, ganoon pala talaga ang ugali nito. Pinipigilan na lang akong magsalita nina Selda kapag nagsasalita ito. Mukhang sanay na sanay na silang iniinsulto nito.
Kabaliktaran naman siya nina Crisel. Parang ang tagal na naming magkakakilala nina Selda dahil walang ilangan na nagaganap, halos lahat sila’y talagang mabait sa akin. Talagang makakasundo mo ang mga ito. Madali lang kasing pakisamahan at dahil kwela talagang hindi mo gaanong maiisip ang pagod.
Mayamaya lang ay natapos na rin ang trabaho namin sa kitchen. Lumabas naman na ako ng resto para silipin si South at dalhan na rin ito ng tubig. Kusa na lang umusbong ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang isang batang lalaki na siya humihila sa tela ng suot niya.
“Panda!” nakangiti nitong saad. Tuwang-tuwa habang tinitignan si South. Mas lalo namang lumapad ang ngiti sa mga labi ko roon. Ang cute!
“Ma! Picture! Panda!” sabi nito at tumalon talon pa. Hindi ko man nakikita ang mukha ni South, nakikita ko na agad ang ngiti mula sa labi nito. Agad niyang binuhat ang bata.
Kinuhanan naman sila ng litrato ng Mama nito. Nakatingin lang naman ako sa kanila at hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko. Nang ibaba niya ang bata’y agad niyang ginulo ang buhok no’n, humagikhik lang ang bata sa tuwa.
Mayamaya ay napalingon na ito sa gawi ko at agad na lumapit. Umakto naman ako na yayakap sa kanya dahil mukhang pagod na pagod ‘to, mula umaga hanggang gabi ba naman niya suot ‘yan. Inalis niya ang ulo ng panda at natatawang yumakap sa akin.
“Oh, tama na. Masiyado ka namang namihasa,” natatawa kong saad ng magtagal ‘yon. Natawa naman siyang lumayo.
“Ang cute no'ng batang lalaki na,” sabi ko at napangiti. Napatango naman siya at napangiti na lang din.
“If you were given a chance to have a child, ilan ang gusto mo?” tanong ko sa kanya.
“Para namang pang miss universe ‘yang tanong mo,” natatawa niyang saad.
“Ikaw? Kung ilan gusto mo,” sambit nito.