Shira’s POV
I groaned when I heard South’s voice outside my room. Hinayaan ko lang siyang kumatok ng kumatok mula sa labas. It’s our rest day today. Masiyado pa akong inaantok para makipagsabayan sa ingay nito. Kahit ilang araw na’y hindi ko pa rin magawang masanay sa trabaho namin, masiyado pa lang nakakapagod. Siguradong ganoon din siya kaya hindi ko malaman kung bakit ba gustong-gusto pa nitong mag-ingay imbis na magpahinga na lang.
“Shut the f**k up, South! Let me sleep!” sigaw ko sa kanya. Hindi pa rin ito tumigil sa kakakatok kahit kailan ay hindi talaga nito hahayaang mapayapa kang makatulog.
Pagkabukas na pagkabukas ko’y hinagis ko sa kanya ang unan na makita at agad na bumalik sa kama para matulog.
“It’s already 8 na po, Kiddo. We have plan today!” sabi niya na nakasunod pa sa akin. Niyugyog ang balikat ko.
“You’re so epal. Get out. I want to sleep pa,” sabi ko sa kanya.
“Fine," sambit niya na dumampi pa ang labi sa aking noo bago lumabas ng kwarto.
Nakatulog naman na ako nang payapa after that. Nagising na lang ako sa sariling kagustuhan. Naglakad naman na ako palabas. Nag-uunat-unat pa.
“Good morning,” bati ko sa kanya.
“It’s good noon na, Kiddo,” sabi niya’t inirapan ako. Napangisi naman ako nang makita siyang nakaapron at mukhang magsisimula ng magluto ng tanghalian.
“I cooked some pancake but it’s fine if you won’t eat it. Malamig na. Tagal mo,” sabi niya. Hinanap ko naman ang pancake saka ako umupo sa may high chair. Isa lang ang perfect doon and dalawa’y mukhang nasunog. Tinignan ko naman siya at kusa na lang dumapo ang mga ngiti sa aking labi. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
“Huwag na nga,” sabi niya at hinila ang pancake. Namumula pa ang mukha nito dahil do’n. Natawa naman ako nang mahina at kinuha ko ang pancake sa kanya. May stawberry syrup din ‘yon.
“Wews, you have hiya pala?” nakangisi kong tanong sa kanya.
“Hindi, ah. Bakit naman ako mahihiya sa ’yo, sus!” nakanguso niyang sagot kaya napatawa ako nang mahina. Nagpatuloy naman na siya sa ginagawa habang ako naman ay kumain na rin.
“Kumain ka na?” tanong ko. Hindi naman siya sumagot at nagco-concentrate lang sa pagluluto. Adobo ang sinusubukan niyang iluto ngayon.
“Baka nakakalimutan mong may usapan tayong dalawa but you choose to sleep,” sabi niya na inirapan ako. Napatikhim naman ako roon dahil ganoon na nga.
“I’m sorry, nakalimutan ko!” natataranta kong saad. May plano pala kasi kaming magliwaliw ngayong araw rito sa lugar. Hindi ko nga talaga naalala. I felt guilty tuloy.
“It’s fine, mayroon pa naman tayong oras ngayong hapon,” sabi niya at natawa pa sa akin.
Nang matapos akong kumain ay nagtungo na rin agad ako sa kwarto para maligo. Ganoon din naman siya. Nag-lunch lang kami sandali dito sa bahay bago kami lumabas.
Sumakay naman na ako sa kotse nito. Nagpatugtog lang kami habang abala naman ako sa paniningin sa paligid. Ang ganda rin kasi talaga ng view dito. Napangisi naman ako nang makarating kami sa pupuntahan.
“Wow.” Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang isang hanging bridge na patungo sa kabilang bundok. Ang bundok ay talaga namang kulay berde.
“Let’s go!” excited kong saad kay South.
“Teka lang, Kiddo. I’ll park my car first,” natatawa niyang saad sa akin.
“Tsk. Dalian mo,” utos ko pa sa kanya. Natawa na lang siya sa akin at sinunod din naman ang gusto ko.
Mayamaya ay bumaba na kami. Excited naman akong bumaba at nagtungo sa bridge. Wala naman akong katakot-takot habang naglalakad sa bridge. Tuwang-tuwa pa ako habang tumatawid do’n.
“Oh, huwag kang masiyadong magulo. Baka maputol, magaya ka roon sa namatay dito sa bridge,” sabi niya habang naglalakad ako.
“Ogag, true ba? As in nesfruta?” natataranta kong saad at medyo kinabahan na. Nandito na kami sa gitna. Napakapit tuloy ako sa may hawakan. Natawa naman siya sa naging reaksiyon ko.
“No, I’m just kidding,” natatawa niyang saad kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Tumalon-talon pa ako kaya siya ang napakapit.
“Hoy, stop it! Baka maputol!” medyo kinabahan na saad niya. Napatawa naman tuloy ako dahil halatang natatakot na siya.
“Ano nga ulit? May namatay sa bridge?” natatawa kong tanong.
“Baka tayo na una,” sabi ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Stop it, Dolores! Magpapakasal pa tayo. Hindi pa puwede,” turan niya kaya napatigil ako sa pagtalon-talon.
“Mama mo kasal,” sabi ko at naunang naglakad dahil pinamulahan ng mukha. Ang gagong ‘to. Paasa. Baka mamaya ay mahulog ako sa kanya.
Ako panigurado ang lugi, ni hindi nga ‘yan marunong magseryoso. Sweet talker pa. Anong alam ko kung maski sa ibang babae ay bini-bring up niya ‘yang kasal. Napanguso naman ako habang naglalakad.
“Why doon din naman tayo pupunta, huh?” tanong niya sa likod ko. Tinignan ko lang siya nang masama. Nairita lang ako sa ideyang sinasabi niya rin ‘yon sa iba.
“Nye nye. Tabi nga,” sabi ko kaya napasimangot na lang din siya.
“Still can’t see me as your husband?” tanong niya na hindi ko pinansin. Iniba ko na lang din ang usapan naming dalawa. Nawala na rin naman ‘yon kalaunan.
Nilibang na rin kasi namin ang sarili sa pagkuha ng litrato.
“Gusto ko rito!” sambit ko at tinuro ang isang bato. Doon naman ako pumwesto. Siya lang ang kumukuha sa akin ng litrato. Nakailang kuha pa kami bago nagpatuloy sa paglalakad. Mayamaya ay nakarating kami sa may pinakamataas na parte. Nanahimik naman ako habang nakatingin lang sa paligid.
Nagtagal din kami ng ilang oras doon hanggang sa napagpasiyahan na rin naming umalis. Ang lugar kasi na ito’y talagang kabundukan. Nagmaneho naman siya patungo sa isang kilalang restaurant dito. Kusa na lang akong napangiti nang makita kung gaano kataas ang lugar.
Pumasok kami sa isang resto na siyang makikita mo talaga ang view sa labas. Um-order naman na kami ng makakain. Malapit na rin kasing lumubog ang araw kaya maganda talaga ang lugar na ‘to. Napangiti na lang ako habang kinukuhanan ng litrato ang paligid.
“Ang ganda!” hindi ko mapigilang sambitin.
“Kiddo,” tawag ni South kaya napalingon ako sa kanya. Nakatapat ang camera sa akin kaya agad akong napakunot ng noo.
“Patingin nga! Kapag pangit lang ‘yan!” sabi ko ngunit agad niya ng binulsa ang cellphone niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
“May tinatago ka siguro, 'no?” tanong ko na pinaningkitan pa siya ng mata. Natatawa naman siyang napailing sa akin.
“Kumain ka na nga lang,” sambit niya at nilagyan lang ang pinggan ko ng pagkain. Hinayaan ko na lang ito.
Sabay lang naming pinanood ang paglubog ng araw na siyang hudyat ng pag-usbong ng dilim.