Chapter 25

1030 Words
Shira’s POV Nagtagal pa kami roon dahil ang tagal kong kumain. “Baka gusto mo pang um-order,” sabi niya sa akin. “Oh? Libre mo?” natatawa kong tanong kahit gusto ko lang naman siyang asarin. “Gutom ka pa?” nagtatakang tanong niya. Medyo namamangha pa sa akin. “No, I’m done na. Let’s go,” sambit ko at nagpunas lang ng bibig. Nagtungo na rin naman agad kami sa sasakyan. Nalilibang lang ako habang pinagmamasdan ang daan kasabay ng musika mula sa kanyang sasakyan. “Hey, daan muna tayo sa mall bago umuwi!” sambit ko ng maalalang wala na akong stock ng pang skin care na ginagamit. Nilingon niya lang ako sandali bago tumango. Mayamaya lang ay nakarating naman na kami sa mall. Hindi ko naman maiwasang mamangha dahil ang ganda rin ng paligid dito, makikita kasi ang city lights mula sa baba. “Let’s take a picture,” sabi ko at hinila si South. Nagpeace sign pa ako roon, ganoon din naman ang ginawa niya. Pumasok na rin naman kami sa mall nang matapos. “What will you buy ba?” tanong niya sa akin. “My skin care products!” nakangisi kong saad. Nakasunod lang naman siya sa akin habang papasok ako sa watsons. Siya ang may hawak ng basket at nakasunod lang sa akin. “Ang dami naman. Ang tagal,” reklamo niya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko binalik ang mga mata sa binibili. “Tigilan mo nga ako, South, huwag ka ng sasama sa akin sa susunod,” sabi ko sa kanyang habang namimili. Napatawa naman siya roon. Minsan ay pinupuna niya pa ang mga binibili ko. Pakialamero. “Paano kapag mas nasira pa balat mo riyan?” tanong niya. “Paano kung hindi? Duh!” sabi ko at inirapan siya. Hindi ko alam kung talagang gusto niyang punahin ‘yon o gusto niya lang talagang malibang para lang maasar ako. “Kiddo, ito bagay sa lips mo,” sabi niya na nag-suggest ng lipstick. “Hmm, alright,” sabi ko at napatangong kinuha ‘yon. Kung kanina’y nang-iinis siya, kalaunan ay nagsusuggest na rin ito ng mga bagay sa skin ko at sa akin. “Akala ko ba ang kailangan mo lang ay skin care product bakit pati make up ay meron na?” natatawang saad niya habang nilalagay sa cashier ang mga pinamili ko. “Huwag ka na ngang maraming say,” sabi ko sa kanya habang nagbibilang ng pera ngunit agad na niyang nabayaran ‘yon. Inirapan ko lang siya. “Let’s eat dinner, treat ko na,” sabi ko. “Luh, ‘di pa dinner ‘yon?” tanong niya nang makalabas kami ng watsons, bitbit niya naman ang mga binili ko. “Duh! Paanong naging dinner ‘yon, hapon pa lang,” sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Imbis na kumain ay tumingin tingin muna kami ng mga gamit. “Hey, I like this!” nakangiti kong saad nang makita ang isang panda pajama na siyang nandito. Naalala ko lang bigla si South kaya gusto kong bilhin ‘yon. Ang cute kasi! “Ano bang ‘di mo gusto?” tanong niya at kinuha sa kamay ko ang panda pajama. Kinuha rin niya ang polar bear na pajama. “Mali naman ‘yang tanong mo! Hindi ano kung hindi sino,” natatawa kong saad. Mukhang alam naman na niya ang sasabihin ko kaya napairap na lang siya sa akin. Kung ano-ano pang pinamili naman habang buhat ko naman ang mga ‘yon. “Lods, wala na tayong money,” natatawa kong saad. “Yeah, pinamili mo na lahat. Kainin mo ‘yan, wala na rin tayong stock,” sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko. “True ba?” tanong ko. Hindi ko kasi alam kung totoo ba ang sinasabi nito o ano. Halos pinamili ko na rin kasi ang perang binigay ni Mama, hindi ko lang sure kung mayroon pang laman ang card. “’Yan, ang gastos kasi,” natatawa niyang saad na pinanggigilan ang pisngi ko. “Amfee! Kaunti lang naman ang binili ko,” saad ko’y napanguso. “Kaunti,” sambit niya at tumango tango pa para lang asarin ako. Natawa pa siya nang mahina nang makita ang mukha ko. “Let’s go na. Let’s buy some pizza before we go home,” sabi ko sa kanya nang mailagay namin ang nga pinamili sa kotse. “Mukhang mawawaldas pera ko sa isang date lang natin, huh?” turan niya na inirapan ko lang. “As if pera mo ‘yan, it’s your parents money kaya!” sabi ko na napairap pa sa kanya. “It’s my money kaya,” panggagaya at pang-aasar niya sa akin. Nag-make face na lang ako sa kanya. Katulad nga ng plano, bumili lang kami ng pizza bago umuwi sa bahay. “Sayang medyo bitin,” sabi ko kahit na anong oras na rin kaming nakauwi. “Tulog pa,” natatawa niyang saad habang pinapasok ang mga gamit na pinamili naming dalawa. It was actually a very tiring but actually a fun day. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagha-half bath na. Bago pa ako tuluyang makatulog ay nagtungo ako sa kwarto ni South. Hindi pa naman ito natutulog. “Because you’re the one who buy this skin care product. I’ll let you use some,” sabi ko at malambing na nguniti sa kanya. “Hindi ko kailangan ‘yan, Kiddo,” sabi niya kaya napairap ako at tinulak siya para makapasok sa loob ng kwarto niya. “Ang arte. Dali na,” sabi ko at naupo pa sa sahig. Malinis din naman kasi ang carpet kahit paano. Nag-aalinlangan naman siyang naupo sa tapat ko. Natatawa na lang ako habang nilaglagyan ko ang mukha niya. Siya naman ang naglagay sa akin. Tuwang-tuwa naman ako habang kumukuha ng litrato. Ngumuso pa ako sa isang litrato at siya naman ay nakatawa lang. It was fun to be with him actually, nasasabayan niya ang mga trip ko sa buhay. I posted our picture in my i********: account. Hindi naman siguro nila mamumukhan kung sino lalo na’t nakaside view din naman. And who care naman, ‘di ba? He’s my fiancé.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD