Shira’s POV
It’s 12 am but I can’t still sleep kaya naman tumayo ako sa pagkakahiga para uminom ng gatas.
Nagtungo naman ako sa kusina ngunit agad akong nagulat nang makita ko si South. Napangiti naman ako nang makitang suot-suot niya ang polar bear pajama na binili namin noong last last week.
“Gaya-gaya!” sabi ko sa kanya at napatawa nang mahina. I’m wearing the panda pajamas that we both bought.
Nagulat naman siya sa presensiya ko at halos mabuga ang tubig na iniinom. Napatawa ako sa naging reaksiyon niya.
“What are you doing? Bakit parang gulat na gulat ka?” natatawa kong tanong sa kanya at naglakad papalapit.
“May ginagawa ka sigurong kabalbalan, 'no?” tanong ko at pinaningkitan siya ng mata.
“Wala, 'no,” masungit niyang saad kaya napatawa na lang ako at nagkibit ng balikat. Talagang magugulatin lang ‘to.
“Why are you still awake?” tanong niya sa akin. Natapos na rin namang makainom ng tubig. Nagpaalam na kasi ako sa kanya 8 pa lang dahil pagod talaga ako, ang daming customer sa loob but I ended up not sleeping pa.
“I can’t sleep, I need some milk,” sabi ko at naghanap ng gatas.
“What about you?” tanong ko at pinagkunutan siya ng noo.
“Kakatapos ng tawag with my Mom,” sabi niya kaya napatango naman ako. He doesn’t normally sleep late naman.
Napakunot naman ang noo ko nang walang makitang kahit na anong gatas mula sa ref maski sa lalagyanan. Agad akong napanguso dahil maski yogu ay wala na.
“Wala ng milk,” reklamo ko.
“Hmm, wala ng milk?” he mocked. I just rolled my eyes at him.
“Let’s grab some. Mayroon naman siguro riyan sa convenience store,” sabi ko sa kanya.
“Edi mas lalong hindi ka nakatulog. Itulog mo na lang ‘yan,” sabi niya sa akin at napatawa pa.
“Please,” sabi ko pa kaya natatawa na lang siyang napatango.
Lumabas naman na kaming dalawa, still wearing our pajama. Dahil malapit lang naman kami sa bayan, naglakad na lang kaming dalawa. Marami pa namang tao sa paligid kahit madaling araw na. Marami pa kasing mga bukas na shop, mga fastfood chain at kung ano pa.
Nang makarating kami sa convenience store ay agad akong dumeretso kung saan nakalagay ang yogu.
“’Yan, akala ko ba ang gatas?” tanong ni South at pinagtaasan ako ng kilay.
“Gatas naman ‘to, duh,” natatawa kong saad. Ilan pang yogu ang binili ko. Naubos na kasi ang dinala ko noong pumunta kami rito. Nailing na lang siya at hinayaan na rin naman ako kalaunan.
May ilang taong napapatingin pa sa amin or should I say kay South. Hindi ko naman maipagkakaila na talagang cute ‘tong si South lalo na ngayon sa suot niyang polar bear pajama.
“Let’s grab something to eat tutal ay nandito na rin naman tayo sa labas,” nakangiti kong saad sa kanya.
“’Yan tayo,” sabi niya sa akin at napailing pa. Natawa naman ako nang mahina roon. Nagrereklamo pa ito gayong isa rin naman siya sa mahilig kumain.
Katulad nga ng gusto kong mangyari, nagtungo muna kami sa isang malapit na fast food chain para bumili ng pagkain. Um-order lang ako ng cheese burger habang si South naman ay bumili lang ng burger with fries.
“Matutulog na’t lahat-lahat pero gusto pang kumain. Scammer ka talaga kahit kailan. Gatas lang ang gusto mo kanina, huh?” tanong niya kaya natatawa naman akong napanguso.
“Ang dami mo namang say! Babayaran mo rin!” natatawa kong saad kaya natatawa na lang din siyang napailing.
Mayroon kaming nakitang iilang kumukuha ng litrato kaya napakunot na lang ako ng noo roon. Gusto ko pa sanang punahin kaya lang ay ibinigay na ang order namin. Lumabas na rin naman kami pagkatapos.
That ended our night din naman na parehas kaming may ngiti sa labing natulog. The next next day, lumabas ako ng kwarto ko na pahikab-hikab pa.
“Good morning, Daddy,” nakangisi kong saad kay South.
“Shut up, Kiddo.” Inirapan niya ako kaya tinawanan na lang.
Naglakad naman kami patungo sa resto. Agad ko namang binati si Crisel at Selda. Nang pumasok kami sa kitchen ay bumati rin naman ako.
“Good morning sa lahat! Except sa mga pinaglihi sa sama ng loob,” sambit ko. Napatawa naman ang ilan, ang ilan naman ay binati ako pabalik na may ngiti sa mga labi habang si Tasha naman ay napairap na lang sa akin.
“Ano namang good sa morning?” pabulong na tanong niya ngunit narinig ko pa rin. Natawa na lang akong napailing dito. Kahit kailan ay pinaglihi talaga sa sama ng loob. Retohan ko kaya nang magtigil ang araw-araw na buwanan nito.
“Ang hilig mo talagang asarin si Tasha,” pabulong na saad sa akin ni Selda.
“Luh, hindi, ah. Nag-good morning lang naman,” natatawa kong saad habang sinusuot ang apron. Mas lalo pa akong nalibang dito sa kitchen dahil natututo na ako ng ilang putahe na niluluto nila. Mababait naman din kasi ang tao rito sa kitchen kaya kung minsan ay hinahayaan lang nila kaming makinood kapag wala ng gaanong ginagawa.
Noong nakaraan ay nakakatulong na ako sa pagluluto at hindi na nasa sink na naghuhugas. It was fun working din naman pala kahit paano.
“’Te!” Sinamaan ko ng tingin si Crisel nang nagulat ako sa pagtawag niya.
“Bakit?” kunot noong tanong ko sa kanya.
“Remember ‘yong design na pinakita mo sa amin? Pinakita ko ‘yon sa Tito kong designer,” sabi niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko roon. Kinuhanan niya kasi ‘yon ng litrato para sabihin sa akin kung ano pa ang magagawa ko para ma-enhance ang drawings ko.
“Tapos?” Medyo kinabahan naman ako dahil kahit kailan ay hindi ko pa nagagawang ipakita sa kahit na sino ang gawa ko.
“Maganda raw!” nakangiti niyang saad sa akin.
“And nagbigay siya ng ilang comments, you can go to our house kung gusto mo,” sabi niya pa.
“Sure me makakatulong siya sa ’yo!” turan niya sa akin.
“I’ll ask South if he’s busy or not but I think we can go naman,” sabi ko kaya agad siyang napatango at ngumiti.
“Sunday then?” nakangiti niyang tanong kaya napatango na lang ako sa kanya.
Sunday came, inaayos ko na ang mukha ko nang kumatok si South.
“It’s open naman,” sambit ko nang hindi siya binabalingan ng tingin. Naglagay lang akong kaunting blush on.
“What?” tanong ko nang mapansin ang tingin niya sa akin.
“Pretty ko? I know,” sabi ko at napatawa ng mahina.
“Lagi naman,” sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Pinigil ko naman ang ngiti ko at nagkunwaring abala lang sa ginagawa.
Lumapit naman siya at nagturo ng lipstick na bagay sa akin.
“’Yan, kabisadong-kabisado, huh? Sanay na sanay,” sabi ko at inirapan siya. Napaawang naman ang labi niya sa akin at kumunot ang noo.
“Sanay na? Napakabintangera mo,” naiiling niyang saad at pinunasan ang pawis sa mukha ko.
“Let’s go na,” sabi nang matapos ako sa pag-aayos. Kinuha ko naman na ang mga gamit. Inagaw niya lang ‘yon sa akin at siya na mismo ang nagbitbit.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa lugar nina Crisel.
“’Te, dito na us.” Bungad ko nang sagutin ni Crisel ang tawag.
“Wow, wala man lang good morning diyan?” natatawa niyang tanong. Napatawa naman ako nang mahina bago ko ito binati.
“Sige, teka lang, Sismars, labas muna ako,” sabi niya. Mayamaya lang ay nakita na namin ito.
“Good morning!” maligalig na bati niya. Nginitian at binati rin naman siya ni South.
“Ayy, grabe siya, nakakalaglag panty talaga ‘yang ngiti ng boyfriend mo, Sis,” sabi niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata at sinamaan ng tingin. Napatawa naman siya nang mahina dahil do’n.
Naglakad naman na kami patungo sa kanila. Simple lang ang bahay nila, tama lang para sa mga ito. Ang alam ko’y si Selda at Crisel lang ang nagtatrabaho, parehas na nag-iipon para maipagawa ang kanilang bahay. Kusa na lang akong napangiti nang lumabas si Selda na mukhang kagigising lang.
“Sis! Pasensiya na! Hindi ko na sagot ang tawag mo!” sabi nito.
“Paano mo masasagot? Naglalaway ka pa nga sa kama,” turan ni Crisel sa kanya. Inirapan niya naman ang kapatid.
“Magandang buhay po,” bati ko sa Mama nina Crisel. Bumati rin naman ang katabi kong si South.
“Good morning din, Hija. Tuloy kayo, almusal muna,” nakangiti nitong saad.
“Ay, ano po bang almusal niy—“ Bago pa matuloy ang sasabihin ay hinapit na ni South ang baywang ko.
“What? Why?” tanong ko at napanguso.
“Magkaroon naman ng kaunting hiya, Kiddo,” pabulong na saad niya.
“What? I’m just asking lang naman, huh?” tanong ko at napanguso. Hindi niya ako pinansin at hinarap ang matanda.
“Hindi na po, kumain na po kami kanina,” sabi ni South at ngumiti pa. Napakibit na lang ako ng balikat at binalik ang ngiti sa matanda na siyang nakatingin sa kamay ni South sa baywang ko.
“Hay nako, kabataan nga naman ngayon,” sabi ng isang kapitbahay nina Selda. Sinamaan ko naman ng tingin si South kaya pinagtaasan niya ako ng kilay bago niya inalis ang kamay sa baywang ko.
“Pasensiya na kayo, medyo konserbatibo lang kasi ang mga tao rito sa amin,” medyo nahihiyang saad ni Crisel at nag-aalinlangan pang ngumiti. Natawa naman ako roon.
“Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? It’s fine,” natatawa kong sambit.
Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kami sa bahay ng Tito niya, triple ang laki ng bahay nito kumpara sa bahay nina Selda.
“Tito! Nandito na po sila,” sabi ni Selda.
“Oh, Selda, nandito na pala kayo,” sabi ng may kaedaran na rin namang matanda. Napaawang naman ang labi ko nang makita ko si Tasha na siyang nagdidilig sa may bakuran.
“Katulong siya ni Tito,” sabi ni Crisel sa akin. Napatango naman ako roon. Nang lingunin ko si Tasha ay inirapan lang ako nito. Inirapan ko rin siya pabalik. Aba’t hindi naman pwedeng siya lang ang attitude dito.
“Good morning, Hija!” nakangiting saad ng matanda sa akin. Binati ko rin ito pabalik.
“Lagi kang pinagmamayabang nitong mga pamangkin ko sa akin na magaling ka raw talagang mag-drawing at mag-disenyo. When I see your sketch, I think you really have potential,” nakangiti niyang saad sa akin. Hindi ko naman ineexpect na makakatanggap ako ng pamumuri galing dito.
Si South naman na siyang kasama ko’y hinayaan lang akong nakikipag-usap at nililibang na lang ang sarili sa kung ano.
Ganoon ang naging routine namin ni South. Every Sunday ay sinasamahan niya akong magtungo sa bahay nina Crisel. Hindi ko nga alam kung naiinip ba ‘to dahil pinapanood niya lang akong nagdadrawing at paminsan-minsan ay kumukuha lang ng litrato.
For the past few weeks, talaga namang mas lalo pang nahasa ang cooking and drawing skill ko. Nakakatuwang mas marami pa akong natutunan ngayon dito.
“Good morning, Daddy!” nakangiting saad ko nang maabutan si South na siyang umiinom ng kape. Agad naman siyang napatayo dahil sa akin.
“Tara na?” tanong ko sa kanya.
“Do you want to go to church today?” tanong niya at malapad na ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya at sunod-sunod ang naging pagtango.
“Why? You think masusunog ka ba?” natatawa niyang pang-aasar sa akin.
“Baka ikaw,” natatawa kong saad sa kanya kaya natatawa siyang napairap.
“Let’s go na, dami pang sinasabi.”sabi ko sa kanya. Well, I really wanted to go to church din naman talaga. Ilang weeks na rin akong hindi nakakapunta.
Nang makarating kami do’n. Agad napakunot ang noo ko kay South when he intertwined our hands together.
“Aba, tiyansing ka—“ Hindi ko pa nasasabi ang gustong sabihin nang bumulong siya.
“Shh, nasa simbahan,” sabi nito kaya napasimangot ako. Natatawa na lang siyang napailing sa akin. Ang mokong na ‘to! Pasalamat siya gusto ko rin— I mean pasalamat siya nasa simbahan kami kung hindi lagot talaga ito sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa habang nagmimisa. Nang matapos ay hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa kamay naking magkasaklop pa rin hanggang ngayon. Napanguso ako nang maalalang isa sa pinapangarap ko noong kabataan ko ang church date. Well, hanggang ngayon.
“Ano? Hindi ka pa rin ba bibitaw, tiyansing ka na, huh?” natatawa kong saad kaya napatawa rin siya ngunit hindi naman inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Palihim na lang din akong napangiti.