Shira’s POV
“Omg! I can’t believe I really woke up late! I’m so late na with my first subject,” sabi ni Rest. Napatawa naman ako nang mahina.
“That’s why you didn’t attend your class na. Style mo bulok!” natatawa kong saad sa kanya.
“Yeah, why pa ba ako papasok when they’re done na?” sabi niya naman habang sumisimsim sa kanyang inumin. Napatawa naman kami ni Ley.
“How about you, Ley. Are you done with your class na?” tanong ni Rest kay Ley na nagbabasa pa rin ng kanyang libro ngayon.
“So busy naman, Sissy,” sabi ni Rest sa kanya ngunit hindi niya ‘yon pinansin dahil masiyado na siyang naging abala sa libro. Hindi na naman siguro nakapag-aral kagabi dahil paniguradong nagtrabaho na naman ‘to. Biniyayaan naman ng angking talino kaya paniguradong mayamaya lang ay tapos na ‘yan.
“May long quiz kami, shutabels,” sabi niya kaya hindi na lang namin siya pinansin at hinayaan na lang namin ‘tong mag-aral diyan.
Mayamaya lang ay nagtungo na ang mga ito sa klase nila. It’s been a month na rin simula no’ng mag-start kaming tumapak sa kolehiyo. Minsan ay hindi na talaga kami nagkikitang tatlo kahit pare-pareho lang naman kami ng school. Abala na rin kasi sila at iba-iba pa kami ng schedule.
Nasasanay naman na ako at mas lalo ko lang nagugustuhan ang course na kinuha ko. It’s actually fun din kasi kahit na minsan ay nahihirapan din. Wala naman kasi talagang kursong madali.
Tumayo naman na ako habang dala-dala ang paperbag para magtungo sa department nina South. Nagluto kasi ako ng lunch at dinamay ko na rin siya.
“Hi, nandiyan si South?” tanong ko at ngumiti pa. Alam naman ng lahat na fiancé ko siya kaya wala akong dapat na ikahiya.
“South! Fiancé mo nandito!” pagtatawag nila kay South. Agad namang tumayo si South na siyang nakikipagkwentuhan kanina kina Mich.
“Hey? What are you doing here, Kiddo?” tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.
“Your lunch for today,” sabi ko kaya agad lumapad ang ngisi niya.
“Sana all!"
“Sana me rin!”
“Baka naman, Shi!”
Natatawa na lang akong napailing sa ilang kaklase niya.
“Mga ulol. Hanap kayo Shira niyo, akin ‘to,” sabi ni South na sinamaan pa sila ng tingin. Napailing na lang ako sa kanya.
“I’ll get going now, may class pa ako,” sabi ko at lumayo na sa kanya.
“Yeah, I’ll wait for you later,” sabi niya dahil sabay kaming umuuwi. Napatango naman ako at bumalik na sa classroom namin. Hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya nagtitingin lang ako ng mga post.
Napangisi naman ako ng makita ang post ni Mich na siyang nakagat sa kanyang t-shirt, nakita ko rin kasi ang comment ng ex niya na parang sinasabing mag-usap daw sila. He already broke up with her na kasi simula noong araw na nagtungo kami roon. He’s still in healing process but I know he can do it.
ShiraFajardo: Pasilip naman po ng abs hejjehejejsshhehe
Napatawa naman ako nang makakita ng reply mula kay South imbis na kay Mich.
SouthArceo: Abs ko ayaw mo?
Hindi ko ‘yon nireply-an at napailing na lang. Kahit kailan ay ang feeling talaga nito. Every day, mas lalo lang kaming nagiging close na dalawa. Mas lalo ko lang siyang nakikilala sa araw-araw naming pagsasama. Sa totoo lang hindi siya nakakasawang kasama.
Napailing na lang ako nang makakita ng dm galing sa kanya.
South: Hoy, gusto mo si Mich?
South: Panget nito, mas gwapo pa ako.
South: Send-an din kitang abs.
Napatawa na lang ako nang mahina at napailing sa kanya.
Shira: Amfee! Wala ka niyon! SKSSKJSKAAKSKA
South: Luh, anong tawa ‘yan? Parang nagmumumog lang, huh? SSKSJSKAKAJSKS
Napahagalpak naman ako ng tawa dahil do’n. Gagayahin din naman pala, dami pang sinasabi. Natatawa na lang akong napailing.
“Ms. Fajardo, anong tinatawa-tawa mo riyan?” kunot noong tanong sa akin ng guro. Agad naman akong napakagat sa aking labi. Hindi ko namalayan na nandito na ito. Ang ending tuloy ay masermonan din ako nito nang wala sa oras. Napakamot na lang ako sa aking ulo at napailing.
Nang matapos na ang klase namin buong maghapon, lumabas na rin naman ako ng room. Agad kong nakita si South sa kotse niya. Kinuha niya naman ang mga gamit na dala ko. Masama na agad ang tingin nito sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Pasilip ng abs, huh?” nakasimangot niyang saad. Napatawa naman ako ng mahina roon. Hanggang ngayon ba naman ay ito pa rin ang iniisip niya?
“May abs din ako, pakita ko pa sa ’yo,” sabi niya at itataas pa sana ang damit nang makapasok kami sa kotse kaya agad ko siyang hinampas.
“Tigil-tigilan mo nga ako, South. Oo na!” natatawa at naiiling ko na lang na saad. Iniba ko na lang din ang usapan pagkatapos niyon kaya lang ay paminsan-minsan ay bini-bring up niya ang pagco-comment ko sa picture ni Mich. Ni hindi ko nga raw ma-like ang picture niya etc. Ang daming say ng kolokoy na ‘to.
“You’ll come with me, right?” tanong niya sa akin nang mawala na ang usapan tungkol doon.
“Ilang beses mo na bang tinatanong ‘yan, South? Oo nga po,” natatawa na lang akong napailing sa kanya. It’s her Mom’s birthday na rin kasi at iniimbita ako ng Mommy niya para magtungo sa kanila. Pumayag naman na sina Mommy at Daddy. Basta connected kay South, mabilis lang mapapayag ang mga ‘yon.
When the night come, I was actually doing my skin care routine nang makita kong may dm si South. Hindi ko alam kung pamumulahan ba ako ng mukha o matatawa na lang dahil nag-send nga talaga siya ng picture niya na topless. Mukhang kakakuha niya lang ‘yon ngayon.
Natatawa na lang akong napailing at hindi siya nireply-an. Ano naman kasing irereply ko? “Wow, you have a yummy body, Daddy?”. Napailing na lang ako sa isip ko.
Hindi na rin naman niya ako chinat pagkatapos no’n. Hindi ko alam kung nahiya ba o ano. Ipagpapalagay ko na lang na ganoon na nga kahit na wala naman talaga ‘yong hiya. Saka para namang ‘di ko alam na may abs siya gayong madalas ko ‘yon makita kapag nagswi-swimming kami.
“Dolo, wake up, nandito na si South,” tawag ni Mama nang dumating ang araw na patungo na kami sa bahay nila ng Mommy niya.
“Yes, Mom, I’m awake na po,” sabi ko dahil kanina pa ako gising. Ni hindi nga ako nakatulog dahil nae-excite din akong magtungo sa bahay nila ngayon. Hindi naman na ako nag-abalang maglagay pa ng make up dahil ilang oras din kasi ang byahe patungo sa kanila. Mamaya na lang siguro kapag nasa sasakyan na ako.
Lumabas naman na ako ng kwarto ngunit agad akong napanguso nang makitang wala pa namang South dito. Agad naman na nag-iwas ng tingin si Mama sa akin. Napailing na lang ako, gusto lang naman pala akong gisingin.
“Hindi mo dapat pinaghihintay ang fiancé mo,” sabi niya lang at napakibit ng balikat. Nailing na lang ako sa kanya. Binaba ko na rin naman ang ilang gamit na dala ko.
Mayamaya lang naman ay dumating na rin si South.
“Good morning, Tita,” bati niya kay Mama, si Mama lang kasi ang nandito ngayon sa bahay. Si Papa ay nag-overtime na naman siguro.
“Good morning din, Hijo. Text me kapag nakarating na kayo. Ingat kayo,” sabi ni Mama.
“Ako na ang magte-text sa ’yo, Ma,” sabi ko naman.
“Sus, hindi mo rin ako ite-text kalaunan, Dolo,” sabi niya na napailing pa. Napanguso naman ako dahil minsan nga’y nakakalimutan ko talagang itext ito kapag nalilibang na which is wrong.
May driver naman kaming kasama dahil long ride ‘yon. Pumasok naman na kami ni South dito sa may backseat. Hindi ko na rin naman nalamayan ang sariling nakatulog. Nagising na lang ako na yakap-yakap ko na si South. May kumot pa na nandito.
Maski siya ay tulog na tulog din. Nang magising ‘to’y kumain lang kami sandali kasama si Manong. Kwentuhan, tulog, music o ‘di naman kaya’y nakatingin lang kami sa bintana habang nagbabyahe.
Nakarating na rin naman kami sa bahay nila kalaunan. Medyo gulat naman ako na hindi ganoon kalakihan ang bahay nila tito kung ikukumpara sa bahay nila ni Art at lalong-lalo na sa bahay ni Senyora. Hindi ko naman sinasabing maliit ang bahay nila dahil malaki talaga ito.
“Tara?” nakangiti niyang tanong sa akin kaya napatango naman ako at sumunod papasok sa loob.
Agad kaming sinalubong ni Tita na siyang mukhang kanina pa rin naman naghihintay.
“Shira!” nakangiti niyang sambit at agad akong dinaluhan.
“Magandang buhay, Tita! Happy bornday!” nakangiti kong saad at nilabas ang birthday gift na galing sa akin saka ang galing kay Mama.
“Happy birthday din daw po sabi ni Mama,” sabi ko at ngumiti.
“Nako! Hindi ka na sana nag-abala pa, Hija. Maraming salamat!” nakangiti niyang saad sa akin.
“Wala pong anuman, Tita,” nakangiti kong saad sa kanya. Nginitian lang naman niya ako pabalik.
“My, you won’t even greet me?” tanong ni South at mapanguso. Napatawa naman ako nang mahina roon kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay.
“Sus! Ang baby ko gusto ng lambing,” natatawang saad ni Tita sa kanya at pinanggigilan ‘to.
“I’m not bab—“ Hindi pa niya natutuloy ang sasabihin nang tinawanan na siya ng Mommy niya. Kusa na lang dumapo ang ngiti mula sa mga labi ko.
Pinapasok na rin naman kami ng Mommy niya sa loob ng bahay nila. Hindi ko naman maipagkakaila na maganda ang disenyo ng bahay nila. Nalibang naman ako sa pagtingin dito.
We’ll stay here for a week dahil sembreak din naman. I was really looking forward to it dahil excited akong makita ang mga kinalakihan ni South.
“Do you want to rest muna, hija?” tanong sa akin ni Tita.
“Dehins na po. I have enough sleep naman po kanina sa car. Ayos lang po,” sabi ko at nginitian siya.
“Ganoon ba? Gusto mo ba akong samahang magluto sa kitchen. I miss cooking with you!” nakangiti niyang saad.
“Why not, Tita? Oks lang po,” sabi ko at nagokay sign pa. Napatawa naman siya sa akin habang si South ay naiiling na lang.
“Hatid ko muna ang mga gamit mo,” pagpapaalam niya. Tumango lang ako sa kanya. Nagtungo na rin naman kami sa kusina ni Tita.
Habang nagluluto’y kinukwentuhan ako nito ng kung ano. Interesado naman akong nakikinig sa kanya lalo na ng kinuwento niya ang patungkol sa love story nila ng Daddy ni South.
“Why naman po? Mukha namang mabait si Tito,” hindi ko mapigilang sambitin ng sabihin niyang kontra si Senyora sa pagmamahalan nilang dalawa.
“Mabait nga kaya lang wala naman daw money,” natatawa at napailing na lang si Tita roon. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n. Hindi ko lang lubos na maisip na ganoon ang gusto ni Senyora. Kung titignan kasi ‘to ay parang hindi naman siya matapobre o dahil may kaya kami? I don’t know.
“Dalawa lang kasi kaming magkapatid ni Kuya kaya talagang protective at gusto niya na maging maganda ang kinabukasan namin. Sinubukan niya rin akong ipakasal sa ibang lalaki kaya lang ay mahal ko talaga ‘yang Daddy ni South. Kaya 'yon, pinalayas ako ni Mama,” natatawa niyang saad ngunit hindi naman ako makapaniwala roon.
“Ang layo rin ng napuntahan namin ng asawa ko,” sabi niya pa at ngumiti habang nilalagyan ng gulay ang niluluto. Nakikinig lang naman ako sa kwento nito.
“Everything we have now, galing ‘yon sa aming dalawa ng Daddy ni South. Walang kahit na anong galing kay Mama. Lahat pinaghirapan namin,” sabi niya kaya napatango ako. Hindi rin talaga alam ang sasabihin. Ang layo na rin ng narating ng pagmamahalan nilang dalawa.
“Paano po kayo nagkaayos ni Senyora?” tanong ko.
“Hinanap niya rin kami bandang huli,” sabi niya at ngumiti pa sa akin.
“Lahat ng nangyari wala akong pinagsisihan. Tignan mo nga naman ang pamilya ko ngayon,” turan niya pa.
I actually want to have a taste of that kind of love. ‘Yong tipong pangmatagalan. Subukin man ng maraming bagay, kayo pa rin hanggang sa huli.