Chapter 28

2150 Words
Shira’s POV “OMG! Hindi mo naman sinabing may kapatid ka pa lang gwapings,” sabi ko kay South habang katabi ko siya rito sa sala. Sinamaan niya naman ako ng tingin. “What? I’m saying lang naman na may handsome kang brother, ha?” natatawa kong saad habang tinitignan ang isang lalaking kababa lang mula sa hagdan. Kumpara kay South mas mukha ‘tong seryoso sa bubay. Kung si South pinaghalong mukha ng Mommy’t Daddy niya, mas kamukha naman ng lalaki ang Daddy nila. “Hey! Magandang buhay, Fafa,” natatawa kong bati rito kaya agad akong sinamaan ng tingin ni South at agad na hinapit papalapit sa kanya. “Oh, you’re South’s fiancé?” nakangiti niyang tanong or more on ngisi? He was also looking at his brother tila ba gusto itong asarin. “East,” sabi niya at naglahad ng kamay na siyang tinanggap ko rin naman. “Shira!” masiglang saad ko. Halos hindi pa kami nakakapaghawak ng kamay nang agad inalis ‘yon ni South. Salubong na salubong din ang kilay nito habang si East ay may mapaglarong ngisi mula sa kanyang mga labi. “Stop it, Kuya,” iritadong saad ni South sa kanya. “What? I’m not even doing anything,” natatawang saad ng Kuya niya ngunit mas lalo lang sumimangot si South. Napatawa na lang din ako nang mahina at napailing sa kanya. Nagtungo na rin naman kami sa hapag ng matapos kong makilala ito. Ang Mommy at Kuya niya lang ang nandito ngayon dahil si Tito ay nasa barko raw ngayon. Hindi pa makakauwi. “So how about Mich, Nak? Hindi ba siya uuwi?” tanong ni Tita kay South. “No, My. Baka kapag kagraduate na siya umuwi,” sabi ni South. Hindi ko naman maiwasang mapanguso sa ideyang ga-graduate na sila. Sa Manila na kasi ang tungo nito dahil do’n naman talaga ang main company ni Senyora. Nandoon karamihan ang business nito. “Mabuti po’t kilala niyo si Mich?” tanong ko sa kanya. “Ah, oo. Lagi ang mga ‘yon dito sa bahay no’n. They were always playing or fooling around here,” natatawang saad ni Tita. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin si South at Mich. I enjoy talking with Tita habang ang anak niyang panganay ay tahimik lang sa isang tabi. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang kakwentuhan ko si Tita dahil ang dami niyang kwento patungkol kay South. Natatawa na lang ako kapag nakikitang namumula ito sa mga sinasabi ng Mommy niya. “My, stop it. Hindi naman po, huh?” sabi pa niya at napanguso. “Anong hindi? Ang sabi pa nga nina Mich ay nagcutting ka!” sabi ng Mommy niya at napailing pa sa kanya. Napatawa naman ako roon at pinaningkitan pa ng mata si South. “’Yan, cuttingero ka naman pala,” natatawa kong sambit sa kanya. “Isang beses lang ‘yon,” sabi niya pa kaya mas lalo akong natawa. Ang dami-dami rin pala nilang kabalbalan noong high school. Minsan ay hindi ko ‘yon nahahalata dahil kung titignan siya ngayon, parang ang seryoso niya na sa buhay. “Hay nako, hija, kung alam mo lang. Noon nga’y uuwi pa ‘yan na may mga pasa sa mukh—“ Natigilan naman si Tita na tila ba may naalala. Napatahimik naman silang lahat kaya hindi ko maiwasang magtaka. Iniba na lang ni Tita ang usapan kalaunan, naging ayos din naman ang usapan namin pagkatapos no’n. Kinahapunan ay natulog lang ako sa kwartong pagtutulugan ko dahil hinihila na rin ako ng antok. Akala ko’y sapat na ang tulog ko sa kotse kanina. Nagising ako na may sapat ng tulog. Medyo nahiya rin nang makitang ala sais na at wala man lang akong ginawa kung hindi ang matulog. Lumabas naman na rin ako sa kwarto na pinagtutulugan. Nang makababa’y mukhang nalilibang si South habang tinutulungan ang Mommy niya sa pagbe-bake habang si East naman ay nakaupo lang sa isang tabi, abala sa kanyang laptop. Agad din naman nilang napansin ang presensiya ko. “Pasensiya na po, Tita. I felt asleep po,” sabi ko at nahihiyang ngumiti. Wow, mayroon ka ng hiya ngayon, Shira? “Walang problema, Nak,” sabi niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Sa susunod na pa naman gaganapin ang birthday ni Tita kaya wala pa rin siyang mga bisita ngayon. Lumapit naman ako sa kanila para tumulong sa pagbe-bake. Nagkukwentuhan lang kami habang ginagawa ‘yon. Mayamaya ay nagpaalam ‘tong tatawagan lang ang Daddy nila sandali. Naiwan naman tuloy kaming tatlo nina South at East dito. “What about your ex, South? Did you invite her? Mom’s want her here,” nakangising saad ni East sa kanyang kapatid.  Napatingin naman ako kay South na siyang nakasimangot naman na sa kapatid. Hindi ko naman maiwasang magtaka kung sino ang ex nitong tinutukoy? So he introduce someone to her Mom, huh? Nagkunwari naman akong walang naririnig at abala lang sa pagtingin kung kailangan na bang kunin ang binebake. “Shut up, Kuya. Why don’t you bring your own ex,” pikon na saad ni South sa kanya. Agad naman akong napatingin kay East na sumimangot din ngunit agad din ‘tong ngumisi sa kapatid kalaunan. “First time seeing you looking piss, Brother,” natatawa nitong saad. Mas lalo namang sumimangot ang kapatid niya sa kanya. Mayamaya lang ay iniwanan na rin kami ng Kuya niya dahil may gagawin pa raw ito. Nang makita ko ang tingin ni South sa akin ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay. “That’s—“ Mukhang balak pa nitong magpaliwanag ngunit agad ko na siyang pinutol. Iniba ko na lang ang usapan namin dahil ayaw kong malaman kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman. Dumating na rin naman agad si Tita. Nalilibang lang ako habang pinag-aaralan ang bine-bake namin. Nang matapos kami’y nagdinner na rin naman. Nagkaroon lang kami ng maliit na celebration for his mom. Ang ngiti naman sa mga labi ng Mommy niya’y walang katumbas. Pakaway-kaway pa ‘to sa Daddy ni South. “Sige na, Hon. I’m really busy right now. Happy Birthday. I love you!” sabi ng Daddy ni South. “I love you!” nakangiting sambit ni Tita at nagpaalam na kay Tito. After that, nagtungo na ako sa kwarto para maghalf bath. Bumaba rin naman ako kalaunan dahil wala pa naman akong balak matulog. Nakita ko rin kasi si South na nakaupo sa may garden nila. “Hey,” nakangiti kong bati sa kanya. “Not sleepy yet?” tanong niya sa akin. Napairap naman ako roon. “Inaantok? Ang aga-aga pa!” sabi ko at napairap. Natawa naman siya. Naupo lang naman ako sa tabi niya. He was busy looking at the sky. Tahimik lang din naman ako habang nakasandal sa kanya at nakatingala sa kalangitan. “You know what?” pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa “Hmm?” Dinadama ko lang ang malamig na simoy ng hangin na siyang tumatama sa aking balat. “Naikwento na ni Mommy, ‘di ba? Bata pa lang ako, ako na ‘tong pinakapasaway sa aming dalawa ni Kuya,” natatawa niyang saad. “Aba’t proud ka pa, huh?” sabi ko na nilingon siya. “Why would I?” Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresiyon mula sa mukha nito. “I was always embarrassed when they compare me to my brother. Si Kuya kasi ‘yong tipong presensiya niya lang magiging proud ka na,” sambit niya at nag-iwas ng tingin. I was just listening while looking at him. “Mom never let me feel unwanted. They never let me feel na bobo ako, na wala akong mapapala sa buhay, na  hanggang doon na lang ako. They were just letting me do what I want. They never tell me na gayahin ko si Kuya, ganito, ganyan,” turan niya habang nakatingin lang sa kalangitan. “But everyone around me makes me feel like s**t. I was just 7 when I heard my teacher saying that I was nothing compare to my brother. Lagi ko ‘yong naririnig na hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin,” saad niya. “Why would they tell a kid something like that?! Duh! Everyone had different capacity of learning. Hindi porket magaling ang kung sino sa isang bagay, eh, dapat magaling ka na rin do’n! Hindi no’n masusukat ang kakayahan mo bilang isang tao.” Hindi ko na napigilan pa ang magsalita kaya napatingin siya sa akin at kusa na lang napangiti. “Easy lang, Kiddo. ‘Yang puso mo,” natatawa niyang saad ngunit napairap na lang ako sa kanya. Tinuloy din naman niya ang kwento niya kalaunan. “When I enter senior high, wala pa rin akong pangarap. Ni hindi ko alam kung saan nga ba ako pupulutin. But you know what’s funny? I heard one of my friend saying na mabuti pa raw ang Kuya ko malapit nang kunin upang maging manlalaro sa ibang bansa at kung ano-ano pa. They said na I should be like my brother. But the thing is I was just really happy for him. I’ve never even been jealous to him dahil hindi ko naman gusto kung ano ang mga gusto niya. But I'm jealous because he knows what he likes,” natatawang turan niya. “Hanggang sa magcollege ako, bulakbol pa rin. Hindi pa rin nagseseryoso sa pag-aaral. Lola just suggested to take business management kaya ‘yon ang kinuha ko. I was just enjoying my life.  Minsan ay uuwi pang may bangas ang mukha dahil laging napapaaway o ‘di naman kaya ay dahil sa racing,” sabi niya kaya agad ko siyang nilingon. “Why? Nagra-race ka?” tanong ko na medyo nagulat pa. “Dahil sa iba’t ibang dahilan. Ramdam ko rin ‘yong hiya at guilt dahil pagkauwi ko maririnig ko ‘yong iyak ni Mama. Until one day...” Parang hindi niya pa matuloy ang sasabihin. “Until one day, I got into an accident. I almost died. Na-comatose ng mahigit isang buwan,” sabi niya at nag-iwas ng tingin. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya. “You what?” naguguluhang sambit ko. “I got into an accident...” turan niya at nginitian pa ako na parang wala lang ‘yon. “Gago ka ba? You almost die! What the f**k? That’s why dinala ka sa Isla Soledad?” hindi ko napaniwalang tanong sa kanya. “Yeah. Lola and Mommy force me to go there. Mommy just can’t afford to lose me,” sabi niya na nangingilid na ang luha. “Natural!” sambit ko sa kanya dahi hanggang ngayon ay sumisikip ang dibdib ko sa nalaman tungkol sa kanya. “Tapos na ‘yon, I’m fine now. Akala ko sa racing ko matatagpuan ang tunay na kasiyahan,” natatawa niyang saad. Hindi ko mapigilang mapairap dahil parang wala na lang ‘yon sa kanya. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay bigla na lang tumawag ang Daddy niya. “Hello po, Dy?” panimula niya. “Wait. What? Why didn’t you tell us earlier? Yeah, alright. Okay, see you, Dad.” Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Binaba na rin naman niya ang cellphone. “Dad is here. He was planning to surprise Mom. Sunduin daw natin sa labas ng village,” sabi nito. “Hala! Kanina lang ay kausap pa siya ng Mommy mo, huh? I thought he was busy?” hindi ko naman maiwasang mataranta roon. Agad niya namang tinakpan ang bibig ko. “Lower your voice, Kiddo,” pabulong na saad niya. Mukhang natataranta na rin ito. Mayamaya lang ay patago kaming lumabas ng bahay para magtungo sa labas ng villagae. “Dad!” sabi ni South nang makita ang Daddy niya. Ang dami-dami nitong pinaglalabas mula sa van na sinasakyan niya. “Bakit hindi mo sinabing uuwi ka?” tanong ni South. “It’s a surprise, Son,” natatawang saad ni Tito sa kanya. “Good evening, Hija,” binati ko lang din naman ‘to pabalik. “You can tell—“ Hindi pa natutuloy ni South ang sasabihin. Pinutol na agad siya ni Tito. “Of course. If I’ll tell you guys, paniguradong ako ‘tong lugi, paniguradong hindi niyo na naman matitiis ang Mommy niyo,” sabi ni Tito kaya kusa na lang akong napangiti habang si South ay napanguso na lang dahil totoo rin naman ang sinasabi ng Daddy niya. “How does it feel kaya, 'no? To love someone eternally. I mean ‘yong pagmamahal na hindi lang sa una masaya, ‘yong tipong consistent,” sabi ko habang nakatingin sa Daddy niya na buhat buhat ang cake. “Why don’t we try?” tanong niya naman kaya agad akong napalingon sa kanya. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD