Shira’s POV
Nakasunod lang kami ni South habang naglalakad patungo sa bahay nila. Nandito na rin ang Kuya niya na mukhang tinakasan ang Mommy nito para makapunta rito.
Kami ni South ang may hawak ng ilang balloons habang si Tito at si East ang may hawak ng cake pati na rin ang gift nila para sa Mommy ni South. Nagtungo naman na kami papuntang bahay.
Dahan-dahan lang sa pagpasok hanggang sa makita namin si Tita’ng abala sa paggagansilyo kahit gabi na.
“Happy birthday to you~” Sabay-sabay naming pagkanta kaya gulat na gulat si Tita habang nakatingin kay Tito. Kusa na lang akong napangiti habang tinitignan ang paglapit ni Tito kay Tita. Priceless naman ang ngiting pinapakita nito. Napaluha pa si Tita habang papalapit sa Daddy ni South.
“I thought you’re not going home?” tanong ni Tita.
“Pwede ba naman ‘yon?” natatawang saad ni Tito habang yakap-yakap ng mahigpit si Tita. Napatikhim tuloy ang dalawang magkapatid habang pinagmamasdan nila ang Mommy at Daddy nila. Napatawa na lang ako nang mahina.
Tuwang-tuwa naman na nag-usap si Tita at Tito. Sa hindi ko malamang dahilan ay napatingin ako kay South. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya nang pagtaasan ako nito ng kilay dahil napansin ang matagal na pagtitig ko.
The next day, I woke up earlier dahil hindi rin siguro sanay sa lugar kung na saan ako. Isa pa hindi ako nakatulog nang maayos dahil kay South Arceo! Tama ba namang biglain akong ganoon?
“Good morning, Nak. Ang aga mo atang nagising?” tanong ni Tita na siyang nagkakape na. Binati ko lang naman ‘to pabalik.
When South woke up, medyo nagulat pa siya na nasa baba na ako, mukhang he tried to wake me up din. We just ate our breakfast. After that, we already took a bath because we’ll be meeting his friends today.
I just wore my usual outfit. Naglagay lang din ako ng light make up sa mukha bago lumabas. Palabas na sana ako when I heard South’s talking.
“Yeah, Clara. Of course. Yeah, thanks. See you later.” Naririnig ko pa ang natatawa niyang tinig. Clara, huh.
Nang makita niya na ako’y agad niya ring pinatay ang tawag at nginitian ako. Tsk.
“Hey, let’s go na, Daddy?” nakangiti kong tanong at sumunod pa sa kanya. Sinimangutan niya lang ako sandali at tumango na rin sa akin.
“It’s fine if you don’t want to go,” sabi niya pa sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.
“I’m already ready, sinasabi mo pa rin ‘yan? Why ba? May tinatago ka siguro,” natatawa kong saad ngunit ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko.
Si Mich lang naman kasi talaga ang nagsabi sa akin na gusto akong ma-meet ng mga kaibigan ni South. He doesn’t say that to me. Hindi ko alam kung may tinatago ba o may iba pang dahilan.
“Of course not, wala. Baka ayaw mo lang. I’m not forcing yo—“ Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang magsalita na ako.
“If you don't want to let me meet your friend, it’s fine. You’re lowkey telling me not to meet them, right? Why ba? Are you scared that I’ll be jealous of all of your girls or what?” medyo iritado ko ng saad. Naiinis na kasi talaga ako sa inaasta nito.
“Of course I won’t! Kahit ilang babae pa dalhin mo. I don’t actually care.” Inirapan ko pa siya roon. Napasimangot naman na rin siya dahil sa pinagsasabi ko.
“No... I don’t have girls,” inis na niyang saad.
“Yeah, I don’t care,” inis ko ring sambit. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay niya dahil do’n. Iritado na rin siyang naglalakad patungo sa kotse. Nakasimangot na rin ako but I tried to smile pa rin to his parents pero ang mokong ay patuloy lang sa paglalakad habang ang kilay ay salubong pa rin.
“I can stay here if you’re uncomfortable na i-meet ko ang friends mo.” I tried to act nice pero nakasimangot lang niyang binuksan ang pinto ng kotse. Padabog na rin tuloy akong napaupo sa may upuan. Inis na inis na rin sa kanya. Hindi ko na rin siya pinansin pa at pinanatili na lang ang mga mata sa labas ng bintana. Nakakairita.
Nang makarating tuloy kami sa coffee shop ay nakasimangot lang akong bumaba. Maski siya ay iritado pa rin. Nang makapasok kami ay agad siyang sinalubong ng mga kaibigan niya, nakasimangot lang niyang tinignan ang mga ito. Nasa likod lang naman ako, hindi niya pa ako pinapakilala kaya I won’t introduce myself pa.
“South, long time no see, Pare!” nakangiting bati no’ng isa.
“Woy! Pare! Musta na? Gago, mas lalong gumwapo, huh?” nakangising saad naman no’ng may piercing.
Panay lang naman ang tango nito habang paupo kami sa table nila.
“Shira, right?” tanong nila. Mukhang kilala na ako ng iba.
“Hi!” nakangiti kong saad. I’m not rude like South na nakasimangot pa rin hanggang ngayon. I tried to act nice.
“Shira,” sabi ko at naglahad ng kamay habang nakangiti.
“Aldrin,” sabi niya.
“Yeah, I know you. Mich always talking about you, feeling ko nga ay like ka no’n, e,” natatawa kong saad. Napatawa naman siya sa akin dahil dito.
“Really? Sabi ko na nga ba crush ako no’n,” pagbibiro niya naman. Igigiya na sana ako sa upuan kaya lang ay nasa likod na si South na siyang mas lalo lang nagsalubong ang kilay. Nakahawak na ‘to sa may beywang ko. May mga kaibigan silang babae na siyang kay South ang mga mata. Halo ang mga kaibigan nito. Masiyado rin silang marami.
“South!” Napalingon naman ako sa babaeng tumawag kay South. Agad itong dumamba ng yakap dito.
Hindi ko naman alam ang nararamdaman ko ngunit nabigyan ako ng pagkakataon na maalis ang pagkakahawak ni South sa baywang ko. Ngumiti naman ako kay Aldrin at umupo sa upuang pinapapwestuhan niya.
“Clara, hindi halatang miss mo si South,” natatawang saad ng ilan. Napatingin tuloy ulit ako sa babaeng dumamba kay South para yakapin ito. Nakahawak na ito sa kanyang braso ngayon.
Pinagmasdan ko naman ang babae, hindi maipagkakailang maganda ito. May magandang katawan, may malaking boobs, malaking pwet. Lahat ng tipo ni South sa babae ay nandito.
Napaiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring walang pakialam pero ang totoo’y hindi ko na talaga sigurado ang nararamdaman. Nakakaramdam ako ngayon ng matinding inis habang nakikita ko ang babaeng nakahawak sa braso ni South. What the heck, Dolo? I thought you don’t f*****g care sa kahit na sinong babae ni South?
Iniwasan ko naman ang mapatingin sa kanila. Tumabi pa si South sa tabi ko habang katabi niya ang babaeng nagngangalang Clara.
“You look really pretty. Talaga bang taga-probinsiya ka?” nakangiting tanong ng isang babae sa akin. Binalingan ko na lang ng atensiyon ang nga kaibigan ni South na siyang kumakausap sa akin kaysa tignan ko si South at ‘yong Clara na maglampungan baka bigla ko na lang kaladkarin ang babae palabas ng coffe shop na ito.
“Why? Do you want to let me share you my skin care routine?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Talaga? Sige nga!”vnatutuwa niyang saad. Sinabi ko lang naman ang mga ginagamit ko. Patango-tango lang siya sa akin at para bang tine-take notes na rin niya ‘yon sa utak niya.
“That’s why she have nice skin pala. Gumagamit kasi ng skin care, ako kasi hindi ko na kailangan ‘yon, inborn na,” sabi ni Clara. Napangisi naman ako roon. Okay?
“Sinong nagtanong?” hindi ko mapigilang sambitin kaya napaawang ang labi ng ilan sa akin. Hindi ko naman tinignan si South dahil paniguradong nakasimangot at naiinis na naman ‘to sa akin. Sus, paki ko sa babae niya. Talaga lang, Dolo, huh?
“What? I’m just asking I don’t mean to offend anyone,” natatawa kong saad habang ang ilang babae ay namamangha at tuwang-tuwa sa akin ang iba naman ay nakasimangot tila hindi akp gusto. Natatawa na lang ang mga lalaking kaibigan ni South.
“Why? Are you insecure ba? Kasi I don’t need to use skin care product?” tanong niya sa akin. Napatawa naman ako roon at nilingon ito. Malambing ko siyang nginitian.
“Oh, dear, Insecure? I don’t know that,” natatawa kong saad. I’ve never been really insecure in my life. I was just always focusing on myself.
“Why would I be insecure when the thing is my skin is prettier than you?” natatawa ko pa ulit na saad. Hinawakan naman ako ni South na tila pinapatigil na. Inalis ko ang kamay nito sa akin.
“What? I’m just answering her question,” nakasimangot kong saad at inirapan siya.
Hindi ko na sila binalingan pa ng tingin. Inabala ko na lang ang sarili sa pakikipag-usap kina Aldrin.
“Mayroon pa no’n, ‘yong babae ni Mich, naghahabol sa kanya pero pinaiyak ng lang gago,” sabi ng isang lalaki.
“Kaya pala kinarma,” natatawa kong saad nang maalala ng itsura ni Mich.
“Paanong kinarma?” nagtataka nilang tanong.
“Oh, wait, he’s calling,” natatawang saad ni Aldrin.
“Baka kayo talaga ang para sa isa’t isa. “ sambit ko at napapailing pa.
“Oh, hello, Mich!” sabi ni Alrin at kumaway pa sa may camera.
“Shira’s saying something,” natatawang sambit ni Aldrin at hinarap sa akin ang camera. Napatawa naman ako nang mahina roon.
“Hey,” sabi ko ng nakangiti. Pinaningkitan niya naman ako ng mga mata.
“Shi! Don’t say anything naman, oh, please,” pagmamakaawa niya kaya napatawa ako.
“Alright, I’ll keep my mouth shut,” natatawa kong sambit.
“We? True ba ‘yan?” tanong niya kaya natatawa akong tumango.
“Kaunti na lang, iisipin kong kayo ni Mich,” sabi ng isang kaibigan ni South. Agad naman akong napangiwi roon. I can’t even imagine that. Sobrang tropa-tropa lang kami ni Mich. He's fun to hang out with.
“Bobo ka talaga, mamaya lang patay ka na. Hindi makaramdam ang pucha,” sambit ng isa na binubulungan ang kaibigan nito. Napakunot naman ako ng noo roon.
“Patay? Why?” tanong ko.
“Hehe, wala, Sis. By the way, when are you planning to marry each other South?” tanong nito. Nilingon ko naman si South na busangot pa rin ang mukha hanggang ngayon.
He can tell me to go out if he doesn’t want me here. Duh! Hindi ‘yong galit na galit siya riyan.
Kita ko pa ang paghaplos sa kanya ni Clara. Hindi ko maiwasang mapasimangot doon ngunit ngumiti rin ako na parang wala lang.
“When she’s already 21,” sambit ni South.
“Tagal pa pala! Pwede pang maagaw,” natatawang saad no’ng Clara. Ramdam ko naman ang iritasiyon dahil sa sinabi niya ngunit ngumiti lang ako. That's just not so nice to say.
“Yeah, we’re not sure pa naman if we’re going to marry each other. Pupuwede pang lumandi,” sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya bago nag-iwas ng tingin.
Napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa paldang suot. Ramdam ko ang nag-aalab na inis dahil do’n.
“Pupuwede pang lumandi? Are you really sure about that?” mariing tanong ni South sa akin. Kitang-kita ko ang ngisi mula sa kanyang mga labi ngunit nandito na naman ang mapanganib na mga mata.
“Yeah, why not? Wala namang tayo, ‘di ba?” natatawa ngunit halos magkanda utal-utal ako sa pagsasalita. Halos lahat naman sila’y nag-iwas lang ng tingin sa amin. Pabulong lang naman ang usapan namin ni South kaya sigurado akong walang nakakarinig no’n. He's just really annoying!
“Oh...” Naging awkward naman ang atmospera dahil sa aming dalawa. Iniwas ko na ang tingin kay South.
“Remember when you ask me to be your girlfriend when we were in high school? Hanggang ngayon naalala ko pa rin ‘yon,” natatawang tanong ni Clara na siyang dinig ng lahat. Nang tignan nila ako’y nginitian ko lang sila.
“Siguro kung hindi ako nakipagbreak sa ’yo baka tayo pa rin hanggang ngayon. Kasal na rin siguro tayo ngayon,” nakangiti pang saad ni Clara.
“Oh? Why ba kayo nag-break?” nakangiti ko pa ring tanong. Hindi pinapahalata ang iritasiyon na nararamdaman ko. Diyan ka magaling, Dolo. Isang mapagpanggap.
“Well, my parents doesn't want me pa to have a boyfriend,” sabi ni Clara.
“Awwe, sayang naman. You seem bagay pa man din.” Plastik ko pa siyang nginitian. Ang mukha naman nito habang nakatingin sa akin tila na hindi mawari. Akala ata’y magpapatalo ako pagdating sa plastikan.