Chapter 30

2032 Words
Shira’s POV Pare-pareho naman kaming napatingin kay South nang tumayo na ito. Hindi naman ako sumunod sa kanya. Ano naman ako? Buntot? Nilingon niya ako nang makitang hindi pa ako tumatayo. “I’ll buy you some yogu. Anything you want?” tanong niya. Sus, ano ‘yan bumabawi dahil sa pakikipaglandian niya kay Clara? Binigyan ko naman siya nang matamis na ngiti para lang ipakita rito sa Clara na ‘to na hindi lang siya ang marunong lumandi. “Hmm, alaws na, thanks,” sabi ko at ngumiti pa nang malapad kahit na iritado ako maski sa kanya. Sino bang hindi maiirita gayong inaayahan niya lang ‘tong linta na si Clara na gumawa ng kung ano. “Let’s buy together,” sabi pa ni South na hindi pa rin umaalis. Mukhang hinihintay akong tumayo. “Hindi na, I’ll stay here muna,” sabi ko na lang at hindi na siya pinansin pa. Alam kong magtatalo lang kami.  “I have something to buy din pala,” sabi naman no’ng Clara at dali-daling tumayo sa pagkakaupo niya. Napatingin lang ako sa paglabas nilang dalawa. “Oh, I think I know what will happenned na," natatawang saad no’ng isang kaibigan ni South na mukhang may galit sa akin. Kanina pa kasi ito masama makatingin sa akin and I think Clara’s friend with them. “Mukha ngang alam ko na. Ganyan ‘yang style ni South kapag may little quickie’ng ganap,” sabi naman no’ng isa pang babae at humahagalpak ng tawa. Napakunot naman ako sa mga pinagsasabi ng mga ito. “Stop it, Gina,” pagbabawal ni Aldrin sa mga ito. “Why? I’m just saying lang naman dahil mukhang she wanted to know South,” sabi ng babae. “And I think their relationship is not that serious din naman. Wala namang sineseryosong babae si South,” sabi pa nito. That was actually true. Wala nga naman talaga sineseryosonh babae si South. “I remember pa nga na he was always playing around. Halos lahat ng magagandang babae’y talaga namang naghahabol sa kanya. Baka ikaw din, isa ka rin sa maghabol kapag nagsawa na siya sa ’yo,” natatawa pang saad nito. “Tumigil ka na, Gina. Hindi gugustuhin ni South na malaman kung ano ‘yang mga pinagsasabi mo ngayon,” iritadong saad no’ng isang babaeng kaibigan ni South. Siya ‘yong kausap ko patungkol sa gamit kong products. “It’s fine.,” sabi ko at binigyan pa sila ng ngiti. “You can tell me everything you know about him. Don’t worry I won’t even tell him. And your friends will probably keep their mouths shut naman,” sabi ko pa. Ang galing mo talagang makipagplastikan, Dolo. Wow. “Really? You won’t even get mad? Why? Don’t tell me you don’t like him, or you’re just acting like you don’t actually care,” sambit niya pa at ngumisi. Bakit ganito ang mga kaibigan ni South? He really has a bunch of friends but most of them are really annoying. Talagang nagparinig na nang nagparinig tungkol sa past ni South and Clara.  Iniba na lang ng ilang kaibigan niya ang usapan at may ilang nagbawal sa babaeng nagngangalang Gina. Pangiti-ngiti lang ako sa mga kwento nila but the truth is I really want to go home. Gustong-gusto ko ng umalis dito. “They are running late na, huh? They’re probably doing something na,” natatawang saad pa no’ng Gina. I tried to keep myself calm. Pinigilan ko rin ang sariling mapairap dahil sa pinagsasabi nito. "Stop it, Gina. I know you can't still get over South but stop yourself in saying nonsense," anang magandang babaeng kausap ko kanina.  So Gina likes South, huh? Wala siyang dapat na ikabahala dahil maski ako, alam sa sariling he won’t probably get serious. Nasabi niya na noon pa, hindi niya rin ako tipo. Nang dumating si South at si Clara ay malapad ang ngiti ni Clara habang ang mukha naman ni South ay normal lang. When he tried to look at me ay nag-iwas lang ako ng tingin at nagkunwari lang na abalang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Inabot niya sa akin ang Yogu. “Thanks,” sambit ko at nilapag lang ‘yon sa gilid ng lamesa. If it was a normal day, I’ll probably enjoy my Yogu. Mabuti na lang din some of her girl friends, ‘yong medyo genuine sa pagtanggap sa akin, keeps on entertaining me. Nag-aya pa silang magtungo sa billiaran nang matapos kaming kumain. I was just smiling the whole time kahit na gustong-gusto ko na talagang umuwi. Mas lalo ko lang ding napagtanto na kahit sabihin nating I’m now on my legal age, I was still young. I was still young for him.  “Hey, do you want me to teach you?” tanong sa akin ng isang niyang kaibigang lalaki. “No, I actually know how to do it,” sabi ko at ngumiti. Napasulyap naman ako kay South at Clara. Hanggang ngayon ay nakalingkis pa rin si Clara sa kanya and he’s not even doing anything about that. Who I am nga naman para magreklamo? I’m just his fiancée in front of her Mom and grandma. Nothing more, nothing much. “I remember when we you teach me how to play billiards, South. We ended up kissing here.” Narinig kong sambit ni Clara. Nalukot ang mukha ko ngunit mas pinili kong lumayo para hindi marinig ang usapan ng mga ito. It was really annoying at maski sa sarili ko ay talagang naiirita na rin ako. “Hey, are you okay?” tanong sa akin no’ng isang babae. “Yeah, I’m fine,” natatawa kong saad. “Sa lahat ng naging jowa ni South, ikaw lang ata ‘tong hindi aggressive. And If I were you wala na sigurong buhok ‘yang si Clara ngayon,” natatawang saad niya sa akin. He’s not mine to begin with and I won’t ever do that, siguro’y maiisip lang.  “Hmm, it’s a no for me,” natatawa kong saad. For a friend siguro, kayang-kaya ko ‘yon gawin sa kahit na sinong babae ng mga boyfriend ng kaibigan ko. But for me? I won’t ever do that. “If the guy really likes you, he won’t make you feel like s**t. He won’t make you stoop down to some bitches out there. If he does that he probably doesn’t like me,” natatawa kong saad. I know South doesn’t actually like me. Alam na alam ko ‘yon. The girl just look at me, kalaunan ay nginitian ako nito. “I need to go! Thank you,” sabi niya at kumaway pa habang nakangiti sa akin. Being with them the whole day, may mga bagay na hindi ko naiintindihan habang kasama ko sila at may mga bagay na hindi ko gusto habang ginagawa nila. Perks of being an adult siguro. Masiyado pa akong bata para sa kanya and I know, I was slowly drowning or maybe I’m already drown. I was scared sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon. It was all foreign to me. Hindi ko pa naramdaman kahit kailan ito. Nang makasakay ako sa kotse ni South ay tahimik lang ako, mukhang inis din naman ‘to sa akin kaya napakibit na lang ako ng balikat at hinayaan siya. Maski tuloy nang patungo kami sa bahay nila, wala siyang salitang narinig mula sa akin. Ganoon din naman siya sa akin. He doesn’t really want me around his friend, so maybe he doesn’t actually want me to be part of his world or what? I don’t actually know. Ramdam ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko ‘yon pinansin, pinanatili ko lang ang aking mga mata mula sa labas ng kotse. I don’t know but I’m actually on the verge of crying. I don’t really feel good. Siguro nga ay immature pa talaga ako. Parang ganoon lang ay iniiyakan ko na, ‘di ba? “Did you enjoy talking to his friend, Nak?” tanong ng Mommy niya nang makauwi kami. I tried to sound normal and happy. “Yes po. They were actually fun to be with, Tita,” nakangiti kong saad but the truth? I just realize so many things. Nag-dinner kami sa bahay nila na wala man lang akong kagana-gana. He’s now talking to me but I was just nodding or smiling at him. I know I shouldn’t treat him like this because it’s my fault to begin with. Ang sabi ko’y sasabay lang ako sa agos ng buhay. It’s not his fault that I was already falling lalo na’t ako pa ang nagsabi na hindi naman kami hanggang dulo. It’s not like he promise me of something. The next day, it’s her Mommy’s celebration. I was just helping them decorating and cooking some foods when in fact, her Mom told me to sit down or mamasiyal na lang daw kami ni South but I just don’t want to do that. Saka inaabala ko lang din ang sarili ko para hindi mag-isip ng kung ano. I was still in denial. “Ako na,” sabi ko at plastik pa siyang nginitian habang kinukuha ang mga decoration na ilalagay rito. He was just looking at me. Sobrang tagal no’n bago niya ibigay sa akin para bang tinatansa nito ang itsura ko. “Hija, nako, ako na riyan. Bisita ka rin dito.,” sabi ni Tita sa akin. “It’s fine po, Tita. I was actually enjoying to do this,” nakangiti ko pang saad sa kanya. Mayroon din naman akong katulong na siyang tinawagan ni Tita para mag-design ng bahay nila. Kinagabihan ay nagdagsaan ang mga kaibigan ni Tita maski ang ilang kaibigan ni East. Nandito na rin ang mga kaibigan ni South. Umakyat naman na ako sa taas para mag-ayos sandali dahil masiyado akong naging abala sa pagde-design. It was fun naman kasi. I was just wearing an off shoulder dress bago ako lumabas, nagblush on na rin ako at naglagay ng kaunting make up sa mukha. Napalingon naman ako nang makitang nasa tapat ng pinto niya si South. Nginitian ko naman ‘to. “Hey, bakit nandito ka pa? You should go na sa baba. Your friends are there na ata,” sabi ko sa kanya habang may ngiti pa sa mga labi na hindi naman talaga totoo. “Why are you pretending like we were fine? What’s really wrong with you, Kiddo?” Tumaas naman ang kilay nito habang nakatingin sa akin. “What do you mean? Why? Are you mad pa rin ba na I met your friends? Ayaw mo ba akong bumaba? I can stay here naman,” sabi ko pa at ngumiti. Ang hirap magpanggap as if everything is really fine talaga. “Tsk. It’s not like that—” Pinutol ko na agad ang sasabihin nito. Then what it is? “Then let’s go downstair na kung ganoon,” sabi ko na lang at ngumiti pa sa kanya bago na unang bumaba. Ramdam ko namang nakasunod siya sa akin. Pakiramdam ko’y nakatingin din ito sa akin. “Good evening, Shi!” bati nang ilang kaibigan ni South sa akin. Binati ko rin naman ang mga ito. I was just smiling the whole time. Ngalay na ngalay na ang bibig ko kakangiti. Binati rin nila si South na siyang nasa likod ko na. Tinatantiya naman nila kaming dalawa kaya binigyan ko na lang ulit sila ng ngiti. Napalingon naman ako sa isang babaeng lumapit kay South, panibago na naman ito. Just like Clara, she’s also sexy, may malaking boobs, malaking booty. Mga tipo ni South. “Omg! I miss you, South!” nakangisi niyang saad at yumakap din kay South. Ilang beses ba akong dapat makakita ng babae ni South ngayong linggo? Pinagmasdan ko lang sila sandali bago ako tumalikod dahil ramdam ko na ang paninikip ng dibdib na hindi ko naman nararamdaman no’n. I was always been cool sa mga babaeng nakakasalamuha nito. Ni hindi ko nga pinagselosan ‘yong tourism student na nakalaplapan niya noon but now that I think of it, mas lalo lang akong nakaramdam ng iritasiyon. Iritadong-iritado na ako sa sarili ko dahil alam kong bago ko pa mapigilan, hulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD