Shira’s POV “Happy birthday na lang, pakisabi,” sabi ni Mama na parang wala lang ngunit alam ko na agad ang nararamdaman nito. Hindi ko alam kung ngingisi ba ako o ano. Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy pa sa paglalakad. “Yes, Ma. Wala ka bang pa-flying kiss man lang kay Papa?” pagbibiro ko ngunit agad na naging drakula ang mukha nito at sinamaan ako ng tingin at halos mapahagalpak ako ng tawa. “Tigil-tigilan mo ako, Dolores, ganitong good mood ako ngayon, ah,” sabi niya kaya napatawa na lang ako. “Eww naman, Ma!” reklamo ko at umirap din sa kanya habang sinusuot ang pumps ko. “Mag-ingat ka pag-uwi, siguraduhin mong ihahatid ka ng Papa mo, ah,” sambit niya. “Opo, Ma, paulit-ulit mo na ‘yang pinapaalala,” hindi ko maiwasang sambitin. “Alright, nga pala, hanggang n

