Shira’s POV Palabas na ako ng building nang makasalubong ko si South, hindi ko siya nilingon at alam kong ganoon din siya. Hindi naman na kami nagkausap pa patungkol cheating incident. He also become distant. Mukhang guilty din naman pala. “Psst...” Pinagtaasan ko naman si Tito nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng building habang dala-dala niya ang kotse niya. Aba’t akala mo’y bati na kami, huh? “Ano? Close ba tayo?” tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay. “Sorry na nga kasi... ito naman hindi pa rin ba tayo bati?” tanong niya at napanguso pa. “Bati na tayo, oh, libre na lang kita ng breakfast,” sabi niya at ngumiti pa sa akin na parang nagpapaawa. Naiiling na lang akong napatango kaya tuwang-tuwa naman ‘to. “Sabi ko na nga ba hindi mo rin ako matitiis,” sabi niya nang ma

