Shira’s POV “It’s fine,” sabi ko na lang kay Papa at tipid na ngumiti. I should expect that, hindi na dapat ako nagtaka. Ngayon niya lang nalaman na nagpunta ako sa birthday niya no’ng nakaraan. He’s too busy with his family na hindi na niya ako napansin pa. Saka lang din ata nasabi nina Tita. “I’m really sorry...” guilty niyang saad habang nakatingin sa akin. “It’s okay, Papa, hindi mo naman kasalanan na abala ka,” sabi ko at ngumiti na lang ulit ng tipid. Hindi naman niya alam kung anong gagawin niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako. Dapat hindi na ako nasasaktan pa, dapat alam ko na lahat ng ‘yon. “I should get going, may trabaho pa po ako,” sabi ko at nginitian siya. Napatango naman siya na may lungkot pa rin sa mata. Ramdam ko rin ang lungkot ng talikuran siya. N

