Shira’s POV “Uuwi po,” sabi ko nang natatawa dahil ang kulit ng mga kaibigan ni Mama. “Sus, baka mamaya ay nakalimutan mo na kami at masiyado ka ng nage-extend diyan. Last month ka pa dapat uuwi, ah?” natatawang tanong ni Aling Fe. “Hindi po, uuwi rin po ako riyan sa susunod na linggo,” sabi ko at ngumiti. Hindi ko naman napigilan ang malapad na pagngiti ko nang makita kung sino ang paparating sa likod ni Mama. He’s wearing a casual na pormahan habang may dala-dalang mga kahoy. Nagsitikhiman naman ang mga kapitbahay namin kaya lalo akong napangisi. Kita ko naman ang iritasiyon ni Mama ngunit halata rin ang pamumula mula rito. “Saan ito ilalagay?” tanong ni Papa sa kanya. “Ilagay mo na lang diyan,” masungit na saad ni Mama. Pigil na pigil naman ang ngiti ko dahi baka ako ang pag

