Prologue
Napabuntong hininga nanaman ako ng malalim ng malalim nang maalalang lunes nanaman bukas. Teka lang pakilala muna ako hehe,,uhhmmm my name is Mia Grace dela Cruz ang bida bida ah este bida sa storyang ito and as I said kanina, kapag kasi Monday na that means meron nanamang pasok sa school and pag may pasok sa school eh magkukrus nanaman ang landas namin ni Heron Naismith ang badboy ng campus namin. Tapos pag magkukrus ang landas namin magaganap na naman ang World War 3.
Haiyyysssttt!!! Buhay nga naman. Ako na nga lang ang nag iisa sa buhay dahil sabay na nawala sila mama at papa dahil sa isang aksidenteng nangyari sa factory na pinagtatrabahuan nila pareho tapos wala pa akong mga kapatid, wala rin akong kamag anak na kakilala. Ang gusto ko lang naman ay makapag tapos sa pag aaral dahil pinangako ko iyon sa mga magulang ko na kahit anong mangyari ay tatapusin ko ang pag aaral ko para maiaohon ko sila sa hirap pero ngayon sarili ko nalang ang makikinabang sa pag tapos ko ng pag aaral dahil wala na sila.
Simple lang ang pamumuhay ko noon ng biglang nagulo ang simple kong buhay nang makatungtung ako sa Naismith University kong saan nakilala at naging kaibigan ko ang pinakasikat na kambal na model sa boung mundo na sina Erza at Eroz Hall at si Heron Naismith na napaka badboy, palagi niya akong binubully pag nagkikita kami at syempre hindi ako papatalo gumaganti rin ako sa kanya no,, palaban yata to (sabay macho sign ng braso)
Gusto ko ngang lumipat ng ibang school kaso ayoko naman ewan yong kambal dahil kapatid na turing ko sa kanila at saka sayang din ang schoolarship ko kong lilipat ako kaya tiis ganda nalang tayo, malapit narin naman ang graduation at saka nako lalayas sa impernong Naismith University nayan.
8:00 pm na pala guys tulog na muna ako dahil bawal malate bukas, please ipagdasal niyo ko na hindi ko makikita ang demonyong si Heron,,,
ZzzzzzZzzzz ZzzzzzZzzzz
______________________________
Please leave a comment if nagustuhan niyo?