SAMANTHA FAYE RAMOS
"Window shopping naman tayo." nakangiting hatak sa'kin ni Ate paglabas namin ng sinehan.
Pumasok kami ng Department Store. Pansamantala kong nakalimutan ang estrangherong gumugulo sa isip ko.
Ang dami kong nakikitang magaganda pero ni isa wala akong kinuha. Hanggang hawak at tingin lang ako. Wala naman akong pera para do'n. Nagtitipid ako lalo't wala pa naman akong trabaho. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.
"Tara... doon naman tayo."
"Ano ba 'yan... akala ko window shopping lang tapos kung ano-anong pinagbibili mo--"
"Para sayo lahat ng mga 'yan."
Gulat ko siyang tinitigan ng nagtatanong kong mga mata sa sinabi niya.
"Oh--ano?"
"Seryoso ka?"
She chuckled then nodded. "Yan yung suhol na sinasabi ko."
"Weee?"
"Oo nga! Pambawi ko sa ilang araw na pag-iwan ko sayo sa apartment."
Halos mapatili pa ako sa subrang tuwa. Hindi ko na napigilan pa ang sariling yakapin s'ya.
"Kung alam ko lang na ganito ka na bumawi ngayon, kahit araw-arawin mo na akong iwan ng apartment. Okey lang sa akin."
"Siraulo--ngayon lang yan oyy. 'Wag abusado."
I grinned.
"Tara. Bilhan din natin sina Inay at Itay. Pasalubong sa kanila pag-uwi mo ng probinsya."
"Parang atat ka ng pauwiin ako ah. Yung totoo?"
Tinawanan nya lang ako saka muli akong hinatak.
Ang ingay namin sa loob. 'Yong ibang namimili napapatingin pa sa gawi namin. Samantala, tuwang-tuwa naman ang Sales Lady na nag-asist sa amin. Nakikisakay pa sa kalukuhan naming dalawa. Ang saya!
Pati 'yong bestfriend n'yang si Ate Lea hindi n'ya rin nakalimutang bilhan ng pasalubong pati ang mga magulang nito. Nang nasa counter section na kami para magbayad, nalula pa ako sa halaga ng binayaran n'ya ng makita kong umabot ng limang numero ang pinamili namin.
"Grabe ka gumastos Te." bulalas ko. "Baka nakakalimutan mo yung utang na pinababayaran sayo ni Miguel."
"Minsan ko lang naman 'to magawa para sainyo at para din sa ikakasaya ng mga magulang natin. Hindi 'yon panggagasta kundi appreciation."
"May gano'n? Pasasalamat?"
"Ah-huh."
"OK. Tutal pera mo naman 'yan at ikaw ang magbabayad."
Naglibot-libot pa kami sa loob ng mall. Dumikit na ako sa kanya. Hindi na ako humihiwalay pa. Mahirap na.
Pinagtatawanan naman n'ya ako sa itsura ko pero wala na akong pakialam pa. Hindi ko maamin sa kanya na may luko-lukong basta na lang nanghalik sa akin. Nahihiya ako. Baka kung ano pa isipin n'ya. Kukulitin n'ya lang ako lalo. Wala pa naman ako sa mood. At hindi ko rin alam kung ano o pa'no ko sasabihin sa kanya.
"Gutom ka na ba?"
"Medyo--"
"Tara kain muna tayo bago umuwi." kaagad akong hinatak papasok ng Korean Restaurant.
Pagod na pagod ako sa maghapon naming lakwatsa kaya pagdating sa apartment n'ya kaagad akong nakatulog.
MADALING ARAW na ng maalimpungatan ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Nakapikit pa ang aking mga mata ng abutin ko ito sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Bahagya ko lang sinilip ito. Nang makita kong si Ate Lea lang naman ang nambubulabog ng tulog ko, kaagad ko itong pinatay at binalik sa ibabaw ng drawer. I went back to sleep.
Tanghali na akong nagising muli. Pagtingin ko sa katabi ko wala na s'ya. Maayos ng nakatupi ang kumot na ginamit n'ya sa ibabaw ng malaking unan sa tabi ko.
Tumihaya ako ng higa. Ilang minuto pa akong nanatili sa aking higaan. Nakipagtitigan ako sa puting kisame. Parang nakikita ko doon 'yong nangyari kahapon sa loob ng grocery store ng SM.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. Hindi mapagkit sa aking utak ang estrangherong lalaking 'yon. Dampi lang naman ang ginawa nitong paghalik sa akin pero bakit pakiramdam ko nag-iwan iyon ng malaking marka? Hindi ko makalimutan. Dapat nagagalit ako. Pero bakit ngayon naghahangad na akong makilala s'ya? Normal lang ba 'yon? Gusto ko na ba ang lalaking 'yon?
John Wayne...
Umalingawngaw sa aking utak ang pangalan nito. Kaagad akong napabalikwas. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa ibabaw ng drawer. Mabibilis na mga kamay na sinulat ko ang pangalan nito.
Search.
Baka may f*******: account s'ya. Bigla akong naexcite. Makikita ko na ang mukha n'ya!
Loading...
Shìt--bakit biglang bumagal ang internet ni Ate?
Ilang segundo akong nag-antay ng maraming mukhang nagsipaglabasan na kapareha ng pangalan nito. I scrolled down.
"Ang dami naman."
'Yong iba may mga anak at family photo ang profile. 'Yong iba babae. Iilan lang ang lalaki.
"Alin kaya s'ya dito?"
Nag-iisip pa ako kung sino s'ya sa mga 'yon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Shìt! Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko.
Ate Lea calling....
I rolled my eyes.
Tinatamad akong tumayo. Kahit kailan talaga ang kulit nito. Di na nagsawa sa akin. I pressed the answer button at naglakad na ako palabas ng k'warto. Bitbit ang cellphone sa kanang kamay. Hindi ko nilagay sa'king tainga ang phone. Hinayaan ko lang s'ya magsalita sa kabilang linya.
Dumeritso ako ng kusina. Naabutan ko si Ate'ng nagluluto. May hinimay nang dahon ng kangkong akong nakita na nakalagay sa maliit na stainless na palanggana. May mga Okra, sitaw, siling green, kamatis na nasa ibabaw ng mesa at labanos na nasa tadtaran pa.
Maingay kong hinatak ang upuan. "Magsisinigang ka?"
Napalingon s'ya sa akin. "Yep. Bangus na may hipon."
"Wow--sarap..."
Kaagad akong umupo. Tiningnan ko ang hawak na cellphone. Nasa kabilang linya pa rin si Ate Lea. Pinindot ko ang loudspeaker button.
"May balak ka pa bang magsalita!? Aba't kanina pa ako dito ngumangawa 'di ka naman pala nakikinig! Samantha ka talaga..!"
Napahagalpak ako ng tawa ng marinig ko ang pagalit na sigaw nito sa kabilang linya. She cursed me at kaagad akong binabaan.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate.
"Kaninang madaling araw pa ako n'on binubulabog." pagtatanggol ko pa sa sarili. "Kaya napuyat ako."
"Bakit mo sinagot 'yong tawag kung ayaw mo naman pala kausapin? 'Di sana hinayaan mo na lang. Ginalit mo pa 'yong tao."
"Malabong magalit 'yon sa'kin. Love na love ako no'n." nakangiting sabi ko kay Ate sabay pakita rito ng screen ng cellphone ko.
Ate Lea calling....
Umiling-iling s'ya sa'kin.
I smiled. I pressed the answer button at kaagad kong nilagay sa loudspeaker.
Narinig ko agad ang malakas nitong buntong-hininga sa kabilang linya.
"Anong drama mo sa buhay Samantha at ayaw mo akong kausapin? Kahit sa mga text messages ko 'di ka nagrereply."
"Hindi ka ba nagsasawa sa boses ko, Ate Lea? Lagi tayong dalawa magkasa d'yan sa probinsya. Malapit na nga tayong magkapalitan ng mukha."
"So ngayon nagsasawa ka na sa akin, ganun? Na'san ba ang Ate mo at isa din 'yon. Tatamaan kayong dalawa sa akin kapag hindi kayo sumipot ng kasal ko."
Pareho kaming dalawa ni Ate Shienna natigilan.
"Kasal? Ikaw, ikakasal? Kanino?" sabay naming bulalas ni Ate.
Nagkatinginan kami. Pareho pa yata kami ng iniisip. Kaagad n'yang hininaan ang stove at mabilis na lumapit sa akin. Tumayo s'ya sa tabi ko.
Gulat na gulat kaming dalawang nakinig sa sunod-sunod na salita ni Ate Lea sa kabilang linya.
"Seryoso ka ba?"
"Ikakasal ka na kay Kuya Jonard?"
"Akala ko ba ayaw mo sa kanya?"
"Kailan pa naging kayo?"
Sunod-sunod naming tanong ni Ate. Hindi ito sumagot sa kabilang linya. Bigla iyon natahimik.
"Kasakasama ko siya lagi sa probinsya simula ng lumipat ka dito." mahinang baling ko kay Ate. "Tsaka ni minsan 'di ko nakitang kasama niya si Kuya Jonard. Sabi niya ayaw niya ng Manila Boy kahit certified engineer pa yun. Pero simula ng makailang ulit mabasted yun sa panliligaw niya kay Ate Lea hindi ko na nakita pa ang anino nun sa Hacienda."
"Ganun? Pa'nong nangyari yun na ikakasal na siya ngayon sa lalaking yun?"
"Aba malay ko. Pero baka may ganun talaga. 'Yong hate na hate mong lalaki sa huli s'ya rin ang makakatuluyan mo." napatango-tango ako sa naisip. "Now I know bakit laging bukambibig niya ang lalaking 'yon. Nagagalit pero love niya pala." bigla akong napahagikhik. "Aw!"
Kaagad kong nahimas ang tagiliran ko sa masakit na pinong kurot ni Ate. Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Problema mo at bigla ka na lang nangungurot?"
"Bibig mo," anas niya saka binalingan ang cellphone ko. "Bess... nandiyan ka pa?" untag ni Ate dito.
Malalim itong nagpakawala ng buntonghininga sa kabilang linya. "
"Matagal ng naging kami. Ayaw ko lang sabihin sainyo. Nahiya na ako. Alam n'yo naman na hate na hate ko 'yon."
"Pero Bes, ako, hindi talaga makakauwi. Itong si Sam na lang. Magpapadala na lang akong regalo." malungkot na wika ni Ate. "May Medical Mission kasi ako sa San Carlos kasama ang iba pang mga katrabaho kong Nurse at si Doc. Ramos. Napasama ako sa grupo na ipapadala ng Chairman ng Hospital na pinapasukan ko sa liblib na probinsya na 'yon kaya hindi talaga ako makakasama pag-uwi ni Sam."
"Kasi naman e! Ang tagal ko ng sinasabing abay kayo 'pag kinasal ako tapos 'di nyo man lang ako binigyan ng importansya!"
"E, Ate Lea, malay po ba namin ni Ate na magpapakasal ka bigla kay Kuya Jonard, e, kakasabi mo nga lang na hate na hate mo nga 'yon!" nakatawang sabad ko.
Napaubo ito bigla sa kabilang linya sa sinabi ko. "E, tinamaan ng lintik may magagawa pa ba ako?"
Napahagalpak kami ng tawa ni Ate sa sinabi nito. Narinig kong nakitawa na rin ito sa kabilang linya.
"Sa binyag na lang ng anak mo Bess ako aattend."
"Anong binyag ang pinagsasabi mo d'yan Shienna? Hindi pa nga ako nagbubuntis, ikakasal pa lang tapos ikaw nasa binyag na."
"Advance na ako para ready, hindi 'yong pabigla-bigla ka na lang tatawag na may pasabog. Kaluka ka!"
"Iniiba n'yo ang usapan. Nakakainis kayong dalawa. 'Pag talagang ito si Sam 'di umuwi. Naku, magkalimutan na tayo!"
"Sige. Salamat na lang sa lahat!" sabad ko naman na ikinatawa naming tatlo.
"Basta ah, kahit isa man lang sainyo makarating ng kasal ko. Magtatampo talaga ako 'pag wala ni isa."
Nagkatinginan kami ni Ate pagkatapos ng mahabang usapan.
"Ayaw ko pang umuwi. 'Di pa nga ako nagdadalawang linggo rito uuwi na ako agad. Kulang pa 'yong bakasyon ko. Gusto ko pang gumala muna--"
"Kaso siguradong magtatampo ang isang 'yon pag walang sumipot sa'ting dalawa sa kasal non." sabad ni Ate. "Pa'no 'yan?"
"Tsssk--Ok lang. Dito na lang ako mag-enrol ngayong pasukan, para pwede ako maka pag part time job at matulungan kitang bayaran ang pagpapaaral sa'yo ng unggoy na Miguel na yun. Akala ko ba libreng tulong 'yon at scholarship nila? Bakit ngayon ang hambog na 'yon sinisingil ka at ikaw lang 'yong sinisingil pero 'yong ibang mga pinag-aral do'n sa'tin 'di naman? Tsaka 'yong physiotherapists ni Inay akala ko ba sagot nila? Bat 'di mo isumbong kay Tito Fernan at Tita Isme na sinisingil ka ng anak nila? Di naman no'n malalaman na sinumbong mo kasi nasa Amerika naman ang kumag na 'yon."
"Tapos pagbibintangan naman tayong sumbungera no'n. Imposibleng 'di makarating 'yon do'n pag nagsumbong tayo sa magulang no'n. Baka tutuhanin pa no'n na palayasin tayo. Pa'no na ang Inay at Itay? Wala na 'yong lumang bahay natin. Gulo lang ang kahihinatnan n'yang naiisip mo."
"E, tatandang dalaga ka n'yan kakatrabaho para makabayad d'yan sa Miguel na 'yan Ate. Tapos may nalalaman pa s'yang interest. Kada araw lumalaki ang babayaran mo sa kanya. Sumusobra na s'ya. Matagal na akong nagtitimpi sa unggoy na 'yon. 'Pag hindi ako makapagpigil isusumbong ko talaga s'ya. Pasmado pa naman bunganga ko kaya humanda s'ya."
Pinagtawanan naman ako ni Ate.
"Akala mo nagbibiro lang ako?" sinamaan ko s'ya ng tingin kaya tumigil din s'ya sa pagtawa.
Bigla s'yang sumeryoso. "Hayaan mo na Sam. Di naman na tayo pinababayad pa sa malaking utang natin sa Pamilya nila no'ng naaksidente si Inay. Ang importante nakapagtapos ako. May matinong trabaho. Si Itay 'di na masyadong nahihirapan sa trabaho. At ikaw makakapag-aral din dito sa Maynila. Kaya hayaan mo na si Miguel sa kakasingil n'ya. Di ko naman alam na s'ya talaga gumastos sa pag-aaral ko. T'saka, maniwala ka naman do'n kay Señorito JM. Isa din 'yong sinungaling. Hayaan mo sila."
"Nakakairita lang kasi. Bakit bukod tangi kang sinisingil? T'saka Ate napapansin ko noon si Señorito JM 'yong cellphone n'ya laging nakatutok sa'yo. Hindi kaya.... may gusto sa'yo 'yon at kinukuhanan ka ng mga stolen shots?"
"Ha? Kailan 'yon nangyari? Ba't ngayon mo lang sinabi?"
Umalis s'ya sa tabi ko. Dumiretso ng ref. at kinuha ang isang pitsel na puno ng malamig na tubig. Uminom s'ya do'n. Nilagay sa ibabaw ng lababo at tiningnan ang niluluto.
"E, hindi naman kasi ako sure na kinukuhanan ka talaga kasi malayo ako. Natatanaw ko lang 'yon na nasa tabi ng bintana paharap do'n sa kahoy na pinagtatambayan mo lagi."
"Kahit na. Dapat sinabi mo pa din para alam ko."
Nakakunot noo'ng napatitig ako sa kanya sa biglang inakto. Parang may... iba?
"Teka, 'wag mong sabihin may gusto ka sa kanya?"
"Sira. Bat naman ako magkakagusto do'n?" nakasimangot na sagot n'ya sa akin habang kinukurot-kurot ang mga daliri n'ya. "Hindi ako interesado kahit kaninong lalaki."
"E, bakit ang haba na ng nguso mo d'yan?" tinitigan ko pa lalo siya. Lalo tuloy siya 'di mapakali sa kinatatayuan. Parang gusto ko ng humagalpak ng tawa sa itsura niya.
Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Parang may something talaga na hindi ko mawari or baka naga-overthink lang ako.
"Bakit ba ganyan ka makatingin?" inis na sita niya na sa akin. "Nakakabwisit 'to. Wala nga akong gusto kay JM."
"J... M? Close na kayo? Wala ng Señorito? Gano'n kayo kaclose ha, Ate?"
"Pwede ba Samantha!" muli niyang binalingan ang niluluto. "Mag-impake ka na at bukas lumayas ka na! Ang dami mong sinasabi d'yan. Sinabi ng wala akong gusto do'n. Paulit-ulit."
"So, s'ya pala ang dahilan kaya lagi kang pumupunta ng mansyon?"
"Aw--na hinayupak ka--!" mahinang daing niya ng mapaso sa tinitimplang niluluto. Kaagad naibaba ang sandok. Nang mahimasmasan bigla iyon tinutok sa akin. "Diba sinabi ko na sayong mag-impake ka na? Ibato ko kaya 'tong sandok sayo."
Nakangising aso akong sumandal ng upuan. Pinagkrus ko sa harapan ng dibdib ko ang mga braso.
"Nakakatense ba ang pangalan ni Señorito JM, Ate?"
"Hindi ako natetense sa pangalan n'ya Samantha. At ang kulit mo ngayon. Nakakairita."
"Masyado ka kasing affected kay JM e. Tapos nilaklak mo pa 'yong tubig gamit ang pitsel, 'di ka na gumamit ng baso."
"E, sa nauuhaw ako, bakit ba? At nabubwisit ako sa pambubully mo ngayon sa akin. Wala nga akong gusto do'n. Ba't ba ayaw mong maniwala?"
"Defensive ka kasi masyado, Ate. T'saka 'yang reaksyon mo parang may TI-NA-TA-GO..."
Napatigil siya sa sinabi ko. Hindi na siya umimik pa. Nakatitig na lang sa akin. Napaisip tuloy ako na baka...
"So... may tinatago ka ngang sekreto?"
"Anong sekreto? Wala!"
Nakasimangot na sagot n'ya sa akin. Nilagay sa ibabaw ng mangkok ang sandok. Pinatay ang stove at binalingan ang pitsel na ininuman n'ya. Nilagyan ng panibagong tubig bago binalik sa loob ng refrigerator.
Lumapit siya ng dish rack at kumuha ng isang plato, platito at mangkok. Nilagyan n'ya ng ulam ang mangkok saka tinakpan ng plato. Nilagay n'ya ito sa ibabaw ng platito. Saka muli akong hinarap habang nagpupunas ng mga kamay.
"Wala akong gusto kay JM. At wala tayo sa mansyon para tawagin ko s'yang Señorito at mas lalong wala akong sekreto dahil lahat ng sekreto ko alam mo. At tsaka, ayaw ko silang pag-usapan at sumasakit ang ulo ko sa kanila. Umakyat ka na doon sa taas at mag-impake na. Lalabas lang ako saglit." sabay labas bitbit ang mangkok na may lamang ulam at iniwan ako sa kusina.
Natitigilan akong nasundan na lamang s'ya ng tingin. Napapaisip pa din ako bakit gano'n siya magreact ng banggitin ko na parang kinukuhanan lagi s'ya ng stolen shot ni Señorito JM? Lagi ko kasi itong nahuhuli noon na nakatutok ang cellphone sa gawi ni Ate sa tuwing hinahatiran ko ng tanghalian ang Itay.
"Hindi kaya.... sila? May something ba sa kanila? Pero, mukhang kapatid lang naman ang tingin no'n sa'min. Pwede ko pang pag-isipan ng masama si Miguel dahil kung makatitig talaga 'yon kay Ate wagas. Hmmmm... something fishy..."
Nagkibit-balikat na lamang ako at dumeritso ng kwarto para mag-impake.