Unexpected Marriage 6

3404 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS "SAAAAM!!! OMG!!" tumitiling sigaw ng mga kaibigan ko sabay takbo palapit sa'kin kahit mga nakatakong. Mahigpit akong niyakap. "Bakit gumanda ka lalo bruha--bwesit ka!" ARAW NG KASAL. Nagsilbing reunion ang kasalan nina Ate Lea at Kuya Jonard dahil dumating rin ang mga kaibigan naming nakapangasawa sa malalayong lugar na sina; Ysa, Aika, Erica, Vilma at Belen. Kasama ang mga asawa na sina; Rico, Jonathan, Carlo, Anton, Tony at ang mga na tsikiting nila. "Bitawan niyo nga ako ang OA niyo!" nagpumiglas ako pero 'di nila ako pinakawalan. Para na akong sinasakal. "Hindi na ako makahinga--nu ba!" Tawanan sila sa naging reaksyon ko sabay bitaw sa'kin. "Ito... na miss ka lang namin--" "Na miss kaya sinakal, ganun?" Muli silang natawa sa'kin. Hinampas pa ako sa balikat ko. "Nasaan pala bf mo?" biglang tanong ni Ysa saka nagpapalinga-linga sa paligid. Gumaya din yung iba. "Oo nga pala--" "Pakilala mo kami." "Yes--! Nang makaliskisan namin--" "Anong bf?" nakatangang tanong ko sa kanila. "Duh--boyfriend malamang." nakatirik ang mga matang chorus nila. "I know na boyfriend yun pero... sinong mosang may sabing may boyfriend ako?" Gulat silang nagkatinginan. "Hindi kayo nagkatuluyan nung secret admirer--" "Jusko... ng mawala kayo nawala na din yung naglalagay ng bulaklak sa locker ko." sabad ko sa kanila. "In short, isa sainyo yung timang na nang-Go-Good time sa akin." "HALA..." hindi makapaniwalang muli silang nagkatinginan saka tinitigan ako. "Oh--ano? Wala pa ring aamin?" "Hala--wala nga--" "Hindi nga kami--" "Wala kaming alam diyan--" "Sus! Aminin niyo na!" "Hindi nga kami--ayaw nitong maniwala." "Oh, eh--di sino, aber?" "Ngeee--torpe... Hindi ba sayo nagpakilala?" "Ba't naman yun magpapakilala aber? Tsaka yung last na natanggap ko may kasama pang kalokohan na card." "Anong nakasulat?" chorus ulit nila. "TO MY SWEET AMAZONA FROM KKA." "KKA?" muling chorus nila saka muli ring nagkatinginan. "Sino merong initial na ganun?" "Malamang wala! Imbento." sabad ko. "Baka namali pa nga e, KKK dapat yun." "Ah alam ko na kung sino yun!" Napatutok naman ang mga mata naming lahat kay Aika. "Sino?" chorus namin. "E di sino pa ba? Si Andres Bonifacio--" "Hoy--bayani yun!" napahagalpak kami ng tawa sabay tulak kay Aika na halos maluha-luha rin kakatawa. "Timang 'to--" "Sabi kasi KKK. E Di may pa revolution si supremo!" hirit pa nito. "Baka may dugong Spanish yung secret admirer--" "Tss--seryoso nga!" "Hindi nga kami--ano ba!" "Teka--si Veronica ba yun?" turo ko sa bagong dating. Napasunod naman ang mga mata ng mga ito dito. "Sino yung poging kasama niya?" Walang umimik kaya tiningnan ko ang mga ito. Lahat nakangangang nakatanaw kay Veron na ngiting-ngiti pakakita saamin saka kumaway. "So siya pala yung may bf hindi si Sam." chorus nila sabay batok kay Ysa. "Aray--nu ba--" "Mali yung nasagap mong balita!" sita ni Aika. "Literal na tsismosa fake news--" sabay tawanan. "Mga bruha--kumusta!" patiling wika ni Veron pagkalapit sa'min saka kami niyakap ng mahigpit. "Namiss ko kayo ng sobra." "Sino siya?" pabulong naming tanong. Nakangiti nitong nilingon ang lalaki saka umabresyete dito. "Siyanga pala boyfriend ko." nag-angat ito ng tingin sa lalaki. Niyuko naman ito ng lalaki saka matamis na nginitian. "Sila yung mga kababata kong kwenikwento ko sayo." "Hi, I'm Mark Sarmiento." Lahat kami kinamayan nito. Pagkatapos tinadtad namin ng tanong ang dalawa. Natigil lang ang question and answer portion ng dumating yung iba pa namin na mga kaibigan na sina; Rita, Vika, at Ella bitbit ang mga tsikiting ng limang kaibigan namin. Nalipat sa mga bata ang buong atensyon namin. Tuwang-tuwa akong pinagkukurot at pinupupog ng halik ang mga pisngi isa-isa pero pinupunasan din ng mga bata ang nadikitan ng labi ko. "Jusko ang aarte ng mga bubwit na'to!" bulalas ko na ikinatawa ng mga kaibigan ko. "Kiss proof lipstick naman ang gamit ko may pabura-bura pa kayong nalalaman. Wala kayong paayuda kay Ninang!" "Oh--mga Madam, mag-start na po tayo!" sigaw ng wedding coordinator. "Magsipila na po!" UMABOT hanggang hapon ang naging selebrasyon ng kasalang iyon. May mga nag-iinuman pa sa labas ng bahay ni Ate Lea ng magpaalam akong uuwi na. Sigurado akong hanggang bukas pa matatapos ang inuman at kantahan sa labas ng bahay nito kaya malabong makatulog ako sa ingay doon. KINABUKASAN nagkatipon-tipon kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami. May malaking puno doon malapit sa kubo na hanggang ngayon naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman magluto ang mga asawa ng mga kaibigan ko. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan. "Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron." kantiyaw ko dito. "Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. "Shhh--narinig ka yata," bulong ng mga kaibigan ko. Pagtingin namin kay Veron namumula na ang pisngi nito. "Hala siya namula--Aw--!" daing ko sabay himas sa tagiliran kong tinamaan ng siko nito. "Noon 'yon Sam." pinandilatan ako nito saka nakangiting tinanaw si Mark na panay lingon na gawi namin. "Ngayon, iba na ang nagmamay-ari ng puso ko." "Mukhang possessive ang nadali mo Bess." bulong ni Rita habang nakatingin kay Mark. "Oo nga." sigunda ni Ysa. "Ang lakas pa ng radar." "Mukhang seloso pa." sabi naman ni Vilma. "Nasapol yata ng pana ni Kupido." sabi naman ni Aika "Korek! Tinamaan ng lintik." "Mga siraulo!" wika ni Veron. "Ang lakas niyong mang-asar." Tawanan kami. "Mukhang nangangamoy kasalan ulit." "Kung ganyan lang din ka yummy, gora na ako!" "Me too! Kung ganyan kapogi at macho ang dyowa ko na makalaglag panty?" kinikilig na wika ni Ate Lea habang nakatingin kay Mark. Papikit-pikit pa ito ng mga mata. "Naku Veron, ok lang sa'kin maging possessive. Feeling ko ang ganda-ganda ko no'n!" "Hoy!" Sabay-sabay namin sigaw dito habang pinagbabato ito ng chips na pinapapak namin na nasa harapan ng mesang kawayan. Nakatanggap naman ito ng sabunot kay Vilma at Veronica. "Kakakasal mo lang kahapon naglalandi ka na agad!" "Grabe naman sa landi." inirapan kami nito habang inaayos ang nagulong buhok. "Ang sarap kaya ng feeling 'pag 'yong mahal mo may pagkapossessive. Ibig sabihin no'n mahal na mahal ka. Ayaw maagaw ng iba kagaya ng my loves Jonard ko." Kinikilig na sabi pa nito sabay nakangiting lumingon sa kanyang asawa na nag-iihaw 'di kalayuan sa pwesto namin. At ngayon nakangiti na ding nakatanaw sa kanya. "Isa ding malakas ang radar." Nakita namin na kumindat pa ang asawa nito sa kanya habang matamis na nakangiti dito. Pinagbabato ulit namin ito ng Chips na ngayon halos maglupasay na sa kilig. "Dati parang aso't puso kayo." nakatawang wika namin. "Sa simbahan lang din pala ang ending." "Kung alam ko lang na s'ya lang din ang kaforever ko, 'di sana noon ko pa yan pinikot. May tsikiting na din sana ako ngayon na kasing-cute ng mga 'yon o." Sabi nito habang nakanguso sa gawi ng mga batang tahimik ng kumakain habang nakaupo sa banig na nakalatag sa damuhan. "Dapat kasi pinapasok mo na ng umakyat 'yan si Jonard sa puno malapit sa bintana ng kwarto mo." Sabay-sabay kaming napahagalpak ng tawa ng maalala ang ginawang kalokohan ni Kuya Jonard noong isang beses na malasing ito. "Nakakatawa yung nakatulog sa labas ng bahay niyo tapos naghanap ng kumot." "Kawawa kamo nung mahulog matapos akyatin ang puno malapit sa bintana ng kwarto mo." "E lasing e, tapos mag-aakyat ng ligaw." Kung saan-saan pa nauwi ang kwentuhan namin bago kami tawagin ng mga asawa nito para kumain na. Kaagad naman namin dinaluhan ang mga batang puno na ng catsup ang mga mukha at damit. "Kailan ba ang luwas n'yo ng Maynila n'yan?" maya-maya tanong saamin ni Ate Lea. Nakapalibot kami sa banig na nakalatag sa damuhan. Nasa gitna namin ang mga pagkain na niluto ng mga asawa ng mga ito na nakalatag sa dahon ng saging. "Bukas uuwi na kami." sagot ni Ysa. "May pasok kasi 'tong asawa ko sa trabaho." "Pati ba kayo?" baling nito sa'min. "Aalis na kami mamayang gabi, Bess." sabi naman ni Veron. "Pati rin kami." sigunda pa ng iba. "Ikaw, Sam?" "Hindi pa ako makapagdesisyon kung bukas o mamayang gabi rin ako luluwas ng Manila. Magpapaalam pa ulit ako kina Itay at Inay mamaya." "Magpalipas pa kayo ng isang araw. Ipapasyal ko kayo do'n sa kabilang Isla. Malapit lang dito ang lugar ni my loves. Ipapatikim ko sainyo 'yong special bulalo do'n sa lugar n'ya." "Kung pwede nga lang na 'wag muna kaming umalis. Pero kailangan na naming lumuwas mamayang gabi, Bess Puno kasi ang schedule ng asawa namin. Buti nga naisingit namin 'tong pagpunta namin dito, at mabuti na din 'yon at nang nakapagbakasyon din kami at nagkaroon tuloy tayo ng reunion." paliwanag ni Vilma. "Gano'n ba? Ano ba yan. Nakakalungkot naman. Matagal na panahon na naman tayo nito 'di magkikita-kita." "Hayaan mo Bes, 'pag ito kinasal si Veron tatagalan namin ang bakasyon dito. Tsaka siguraduhin n'yong dalawa na igagala n'yo kami ah. Ipasyal mo din kami d'yan sa Resort ng dyowa mo Veron. 'Wag masyadong kuripot." "Korek! Tsaka sabihan mo 'yang dyowa mo magpropose na kaagad at nasa huling byahe na." Parinig namin sa boyfriend nitong tahimik lang na kumakain sa tabi ni Veron. Bigla itong nag-angat ng ulo at nakangiting inakbayan si Veron. "No worry guys, lahat kayo imbitado din sa kasal namin nitong babe ko. Right babe?" Pinagkakantyawan namin ito. Nangamatis bigla ang mukha nito sa sinabi ng kanyang boyfriend. "Tsk. Ako na naman ang nakita n'yo." napapakamot sa ulong reklamo nito sabay siko kay Mark sa tagiliran na ikinatawa lalo naming lahat. "Nakakainis talaga kayo!" "Basta ha, aasahan ko 'yan. Tsaka ang pasalubong ko at sa anak ko. 'Wag n'yong kalilimutan." "Budol din 'to. Wala ka pa namang anak may pasalubong na agad?" "E, gagawa kami kaagad nitong si Jonard. Kaya pag balik n'yo siguradong meron na. Diba, my loves?" nakangiting baling nito sa kanyang asawa na biglang nabulunan ng kinakain na barbecue. "Tubig oh--inom ka." hinimas-himas nito ang likod ng asawa. "Para yun lang sinabi ko nabilaukan ka naman agad." "Masyado ka kasing bulgar!" Muling napuno ng tawanan ang paligid. **** PAG-UWI ko ng bahay kaagad akong nag-impake ng mga gamit na dadalhin ko pabalik ng Manila. "Hindi ka luluwas ng Maynila." seryosong wika ni Itay. "Hindi ka pweding sumama sa kanila sa pagluwas, Samantha Faye." Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ng magpaalam ako sa mga magulang ko na sasabay na sana ako sa mga kaibigan ko paluwas ng Manila mamaya para sa alas otso ng gabing byahe. "Itay, hindi po pweding hindi kami luluwas ngayong gabi. Bukas po ng umaga may mga pasok ang asawa ng mga kaibigan ko. Sasabay na lang po ako sa kanila para may kasama ako sa byahe lalo't gabi din naman po 'yong byahe ko na para sana bukas, e, ngayon na lang ako luluwas para may mga kasabay po ako." paliwanag ko kay Itay. Sinulyapan ko ang Inay Cora na tahimik lang na kumakain. "Kapag sinabi kong hindi ka aalis, hindi ka aalis." sabi n'ya pa ulit sa'kin at pinagpatuloy na ang pagkain. "Pero po Itay--" "Huwag ng matigas ang ulo, Samantha." Tumahimik ako bigla. Walang ganang tinusok-tusok ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko bago ito sinubo. "Bago ako umuwi pumayag naman kayo nung kinausap namin kayo ni Ate tapos ngayon..." inabot ko ang baso saka uminom. "Nakapagpasya na ako. Sa susunod na buwan ikakasal ka sa bunsong anak ni Fernan. Darating sa susunod na linggo si Miguel galing Amerika." Bigla kong naibuga ang tubig na nasa loob ng bibig ko. Buti sa gilid ko at hindi sa mukha nito. Sigurado masasapak ako bigla. 'Yong iba dumaan pa sa ilong ko. Muntik ko pang mabitawan ang basong hawak ko. Buti na lang at naagapan ng isa ko pang kamay bago pa ito mahulog. Kaagad ko itong ibinaba sa mesa. Sunod-sunod akong napaubo saka tinuro ko pa ang sarili ko. "A--Ako po? Ikakasal? Bakit... Pa'no? Ba't ako ikakasal sa lalaking 'yon?" "Narinig mo ang sinabi ko, Sam. 'Di ka naman siguro bingi, ano?" "Seryoso po kayo sa sinasabi mo, Itay?" Naguguluhan at nagtatanong na mga mata na napamaang ako sa kanya. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Pero... bakit naman po pabigla-bigla Itay? Tsaka isa pa ayaw ko po sa bunsong anak ni Tito Fernan! Naiisip ko pa lang na makita ang mukha ng lalaking 'yon kumukulo na ang dugo ko, ang ikasal pa kaya?" "No'ng mga bata pa kami ni Fernan napagkasunduan na namin na ipapakasal ang anak namin pagdating ng panahon. Kung sakaling magkaanak siya ng babae at sa'kin naman ay lalaki. No'ng nakaraang linggo, nang dumating sila dito, napag-usapan ulit namin 'yong tungkol doon ng magkita kami." Ngumiwi ako. "E, hindi naman po lalaki ang anak n'yo Itay. Tsaka bakit n'yo po ipipilit na ipakasal kami, e, hindi naman namin gusto ang isa't-isa? Tsaka isa pa po bunso ako. Dapat si Ate muna ikasal bago ako." "Lalaki 'yong mga anak n'ya, babae naman 'yong akin. Tsaka walang anak na babae si Fernan at Isme. Gusto nila isa sa anak ko maging manugang nila. Total nandito ka naman na at gusto ka nila para sa anak nila, kaya napagpasyahan ko na ikaw na lang ipakasal. At isa pa naniniwala sila na mapapatino mo ang barumbado nilang bunsong anak. Nakita nila dati na kaya mong makipagsagutan kay Miguel. Sumasakit ang ulo ng mag-asawang 'yong do'n. Kung sino-sinong babae ang bigla na lang sumusulpot sa mansyon." "So ayon po ang dahilan. Kung sino-sinong babaing sumusulpot sa mansyon. 'Di yata't gusto po nila ako ang sumalo ng sakit ng ulo nila at konsumisyon? Itay naman." hopeless na binalingan ko si Inay na hanggang ngayon di pa rin umiimik. "Nay. Ayoko sa lalaking yun--" "Mas mapapabuti ang buhay mo kay Miguel, Sam, kaysa kung kaninong lalaki ka lang magpapakasal. Mas mainam nang sa anak ni Fernan. Mabubuti silang tao at kilala ko sila. Magtatapos ka pa din naman ng pag-aaral kahit ikasal kayo. Napag-usapan na namin 'yon nina Fernan at Isme. Pati nitong Inay mo." "Nay?" gulat na tinitigan ko s'ya. "Pati ba naman po kayo pumapayag na ipakasal ako? Akala ko po ba hindi n'yo papakialaman ni Itay kung sino ang gusto naming pakasalan ni Ate? Bakit po ngayon ipinagkasundo n'yo pa akong ipakasal sa lalaking ayaw ko?" Parang gusto kong umiyak sa frustrations na bigla kong naramdaman. "Ano bang kinakaayawan mo kay Miguel ha, Samantha? Gwapo naman s'ya. May matinong trabaho. Kaibigan at kumpare ko pa 'yong mga magulang. Kung sa kanila ka mapupunta, hindi kami mag-aalala pa nitong Inay mo." "Itay naman? Mismong sa bibig n'yo na po nanggaling na kung sino-sinong babae ang naghahabol dito kay Miguel. Sa tingin n'yo po matino ba s'ya? Sasakit lang ang ulo ko sa kanya at baka matigok ako agad sa konsumisyon. At tsaka po ayaw ko sa kanya. Hindi ko s'ya mahal at napakasama ng ugali n'ya. Pinapabayad n'ya ng utang ang Ate Shienna sa pagpapaaral nila. Pati 'yong bayad do'n sa physiotherapist ni Inay. Ang laki pa ng interest. Kaya po gusto ko do'n na lang sa Manila mag-enrol para makapagpart time job ako 'pag walang pasok at matulungan ko si Ate sa pagbabayad ng utang." Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng ibagsak ng Itay ang kubyertos na hawak nito sa mesa. Tiningnan n'ya ako ng masama. Nakita kong gumalaw ang panga nito. Napalunok ako ng wala sa oras. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko papunta ng lalamunan ko. Nahigit ko ang aking paghinga. Ngayon ko lang nakitang magalit si Itay. Parang gusto akong lamunin ng buo. "Kung sinasabi mo 'yan para hindi ko ituloy ang pasya kong pagpapakasal mo sa anak ni Fernan, nagkakamali ka." halos hindi bumuka yung bibig na wika nito. "Libreng pagpapaaral at pagamutan ang programang binigay ni Fernan para sa atin na nasasakupan n'ya. Itikom mo 'yang bibig mo. Baka may makarinig pang iba sa mga sinasabi mo at makarating pa ng mansyon." "Pero po Itay, totoo po ang--" "Tumigil ka, Samantha Faye! 'Wag mo ng ipilit 'yang gusto mo. Nakapagpasya na ako. Mamamanhikan sila dito sa susunod na linggo pagdating ng anak nila. At bukas bibisita dito ang mag-asawa. Hindi ka luluwas at walang aalis!" sabi nito at agad na lumabas ng kusina. "Nay." hingi kong saklolo kay Inay. "Kanina pa po kayo 'di umiimik. 'Di mo man lang ako pinagtanggol kay Itay." I heard her deep sighed. Dahan-dahan itong tumayo at linapitan ako. Nakasunod lang dito ang maluha-luha kong mga mata. Naiiyak ako na nagagalit na iwan. Parang gusto kong sumigaw. Hinawakan n'ya ang kaliwang kamay ko at marahan na pinisil. "Magiging mabuti din ang lahat anak. Sundin mo na ang Itay mo. Matututunan mo din s'yang mahalin at mas mapapabuti ka sa kanya." My jaw dropped. Binawi ko ang kamay kong hawak n'ya. "Pero Nay? Hindi po natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin! Hindi nga ako nagpapaligaw. Binabasted ko agad kahit na sinong lalaking magtangkang lumapit sa akin at pumasyal dito sa bahay noon dahil sabi niyo magtapos muna ng pag-aaral. Kung magpapaligaw lang din naman kami ni Ate, tumigil na mag-aral at mag-asawa na lang. Kaya pinili namin ang pag-aaral. Sabi niyo 'pag nakapagtapos na kami ng pag-aaral, may matinong trabaho na, pwede na naming gawin kung ano man gustuhin naming gawin dahil nasa tamang gulang na kami no'n. Kaya nang buhayin ang sisimulang pamilya kung sakaling matagpuan na namin ni Ate ang lalaking magmamahal sa amin. Pero ngayon? 'Bat nagbago ang lahat, Nay? Bakit kailangan niyo akong e-Arrange marriage? Bakit?" "Pweding magbago ang nararamdaman mo sa kanya anak. Tingnan mo ang Ate Lea mo. Diba, ayaw na ayaw n'ya din dati kay Jonard? Kahit ako. Ayaw ko din no'n sa Itay Philip mo. Pero dahil malinis ang kanyang hangarin at busilak ang kanyang puso, natutunan ko din siyang mahalin." Nasapo ko ang aking noo. "Nakupo--NAY! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi mo! Magkaiba po sainyo nina Ate Lea at sa'min ni Miguel. Ni ayaw ko nga makita ang pagmumukha no'n, ang makasama pa kaya habambuhay? Nay naman." "'Wag ka ng magreklamo. Pag-isipan mo munang mabuti bago ka umayaw. Kilala ko si Miguel. Kahit gano'n 'yon, alam kung may mabuti s'yang puso. Nabubulagan ka lang dahil lagi kayong nag-aaway. Subukan mong kaibiganin s'ya. Baka bigla magbago ang nararamdaman mo sa kanya ha, Anak?" sabi pa n'ya sa'kin habang hinahaplos-haplos ang aking buhok. Gusto ko pa sanang sumagot sa Inay kaso mukhang malabo ng makumbinse ko pa ito na kausapin ang Itay na 'wag akong ipakasal kay Miguel. I sighed deeply. "Sige na. Umakyat ka na doon sa taas. Ililigpit ko lang 'tong mga pinagkainan." Pinigilan ko ang kamay n'ya ng akmang liligpitin na n'ya ang mga pinagkainan. "Ako na lang po magliligpit nito, Nay. Magpahinga na po kayo." Nakakunot noo'ng tiningnan n'ya ako. Pinanliitan pa ako ng mga mata. Animo'y binabasa ang isip ko. I rolled my eyes. "Sige na po Nay, magpahinga na po kayo. Ako ng bahala dito sa mga hugasin. Hindi po ako tatakas kung 'yan ang iniisip n'yo." "Iyang mata mo--may sinabi ba akong tatakas ka?" I grinned. "'Yon kasi ang basa ko sa klase po ng tingin n'yo sakin, Nay." Pinagkukurot n'ya ako sa aking tagiliran na nagpalakas lalo ng tawa ko. "'Yan. Dapat ganyan. Makuha ka sa tingin." Tinawanan ko lamang s'ya habang sinisimulan ng ligpitin ang mga pinagkainan. Hindi n'ya pa rin ako iniiwan. Mataman akong tinititigan at sinusundan ang bawat galaw ko. Nilagay ko ang mga pinggan sa lababo. Kumuha ako ng basahan. Bumalik muli ako ng mesa at pinunasan ito. "Ang sama ng tingin mo sa'kin, Nay." "Kilala kita, Samantha Faye. 'Wag mo ng ituloy 'yang binabalak mo at baka ikapahamak mo pa 'yan." Tumigil ako sa pagpupunas ng mesa ng marinig ko ang sinabi n'ya sa'kin. I sighed. Laglag ang mga balikat na tiningnan ko s'ya. "Kilala n'yo naman po si Itay, Nay. Sa tingin n'yo po ba makakatakas ako sa kanya?" himig tampong wika ko sa kanya. "Kung ano pa naman sinabi no'n 'yon ang masusunod. May magagawa pa po ba ako?" "Sige na, magpapahinga na ako. Bilisan mo na din d'yan at umakyat na sa taas." "Opo Nay. Goodnight." Isa pang nagbabantang tingin ang binigay n'ya sa'kin bago s'ya tuluyang lumabas ng kusina. Dismayadong naibalibag ko ang sponge sa lababo ng sumakit ang ulo ko kakaisip kung pano ako makakatakas. T'ngna. Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD