SAMANTHA FAYE RAMOS
"Sam...?" naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok ni Itay sa labas ng pinto. "Gising ka na ba?" inabot ko ang cellphone. Napatirik ang mata ko sabay talukbong ng kumot ng makita kong mag-aalas-sais pa lang ng umaga. "Samantha..."
Maya-maya narinig ko ang mga yabag nito paalis. Muli akong natulog.
Tinanghali na ako ng gising. Ang sakit ng ulo at buong katawan ko. Pagbaba ko dumiretso ako ng kusina. Naabutan kong halos patapos na ang Inay sa pagluluto.
"Gising ka na pala, Nak." nakangiting wika ni Inay pagkakita sa'kin. "Mag-almusal ka na d'yan--"
"Anong oras po kayo nagsimula magluto?"
"Magbubukang liwayway pa lang hindi na ako magkandaugaga sa paghahanda ng pagkain dito. Nagpasabi kasing alas onse pupunta dito sina Isme kaya maaga akong nagising. Pinakatok nga kita sa Itay mo kaso tulog ka pa daw." tinuro nito sa akin ang nakasalang na kaldero. "Lutuin mo pagkatapos 'yong kare-kareng Baka, ah. 'Yon na lang ang hindi ko niluto. Mas masarap 'yong luto mo kaysa sa'kin, kaya naisip kong ikaw na lang magluto no'n."
"Ikaw na lang po, Nay." tinatamad na hinatak ko ang upuan. Pasalampak akong naupo at nangalumbaba. "Wala po ako sa mood ngayon para magluto. Mapait ang kalabasan ng lasa n'yan."
"Naku, talagang batang ito. Mag-almusal ka na nga d'yan at ng maligo ka do'n ng mawala yang tamlay mo. Tanghali na. Malapit na 'yon dumating sina Fernan at Isme. Nakakahiya kung ganyang itsura mo ang maabutan nila."
I sighed. Tumayo ako. Kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape. "Asan po ang Itay, Nay?"
"Nando'n sa labas. Nag-iihaw ng karneng manok at baboy."
Bitbit ang tasang may tinimplang kape, bumalik ako ng mesa at muling naupo doon. Hinipan ko muna ito saka humigop.
"Ang dami naman pong niluluto n'yo, Nay. Parang may fiestahan, e, hindi naman malakas kumain sina Tito Fernan at Tita Isme."
Nakangiting nilingon n'ya ako. "Baka sumama din si JM. At tsaka 'yong ibang niluto ko ipapadala ko din do'n kina Ising sa tubuhan para 'di na sila magluto ng tanghalian kaya dinamihan ko na."
"What--wait, kasama po si Señorito JM, Nay?"
Nakakunot noong tiningnan ako nito. Matagal akong tinitigan.
Bigla akong natawa.
"Sabi ko baka. BA--KA lang naman. 'Di ako sigurado. Busy 'yon at nasa kabilang Isla. Pero baka sumama ngayon dito pagpunta nina Isme. Dinig ko mamayang gabi luluwas 'yon ng Maynila. Nag request pa nga 'yon sa Itay mo ng inihaw na manok kaya hindi magkandaugaga ang Itay mo sa labas. Kaya baka sumama nga 'yon papunta dito."
Nabuhay bigla ang katawang lupa ko sa sinabi nito. Natatawang inubos ko agad ang laman ng iniinom kong kape. Nagmamadaling tumayo at hinugasan ang basong ininuman sa lababo. Sinilip ko pa ang pinapalambot na karneng baka para sa gagawin nitong kare-kare.
"Ok na po itong karneng Baka. Mukhang masarap kalalabasan ng kare-kare natin, Nay. Sige po maliligo na ako."
Nakangiti pa ring sabi ko habang pakending-kending at kumakanta-kanta pang lumabas ng kusina.
"Kanina sambakol ang mukha. Ngayon pakending-kending at pakanta-kanta pa ang batang 'to. Dapat siguro lagi 'tong magkape ng good mood lagi." narinig ko pang wika ni Inay saka patakbo akong umakyat sa kwarto ko at naligo.
****
"Knock, knock--! Corz..?"
Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses ni Tita Isme sa labas ng main door.
"Isme, Fernan!" nagmamadaling sinalubong ito nina Inay at Itay. "Hali kayo--pasok kayo."
"Phil--"
"Tara doon na tayo sa kusina--"
"Agad-agad?" nakatawang sabad ni Tita Isme kay Itay. "Parang pagkain lang talaga yun sadya namin dito ah."
Tumawa si Inay. "Hindi--doon na lang tayo magkwentuhan. Nakahanda na din naman yung mga pagkain sa mesa."
Mag-aalas onse na ng dumating sila. Nasa sala lang ako nanatili sa kinauupuan ko, nakatutok ang mga mata sa TV habang nakikiramdam.
"SAM!" maya-maya narining kong pagtawag sa'kin ng Itay. "Hali ka dito sa kusina."
I sighed heavily. Kaagad kong pinatay ang TV. Tinatamad na tumayo at tinungo ang kusina.
Naabutan ko silang nagtatawanan. Pagbungad ko pa lang sa kusina napatutok kaagad sa akin ang mga mata ng mag-asawang Del Carpio. Nag-alangan tuloy ako kung papasok ba ako o hindi. Pinili ko ang huli. T'yak masesermunan ako ng Itay mamaya 'pag hindi ko pinakiharapan ang mga bisita nito.
Nahihiyang tipid kong nginitian ang mag-asawang Del Carpio.
"Hello po."
Naaasiwa ako sa mga titig nila. Sinusundan ang bawat galaw ko hanggang sa makalapit ako ng mesa. Dahan-dahan kong hinatak ang upuan malapit kay Inay. Tahimik akong naupo.
Kumuha akong kanin at ulam at nagsimula ng kumain. Kada subo ko ng pagkain napapayuko ako dahil sa mga titig ng mag-asawa sa akin na nakaupo sa harapan ko. Pakiramdam ko nangangamatis na ang mukha ko sa hiya. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Kahit nahuhuli ko silang nakatingin sa akin parang wala lang sa kanila. Nginingitian pa ako ng matamis.
"Mas gumanda pa lalo itong dalaga mo Phil. Tiyak na magugustuhan ito ng bunso ko."
Bigla akong nasamid sa sinabi ni Tito Fernan. Inabot ko kaagad ang baso. Uminom akong tubig. Pahapyaw ko itong sinulyapan na kaagad ding napapaso akong nagbawi ng tingin. Pinagpatuloy ko ang pagkain.
"Oo nga Balae. Manang-mana kay Corz. Tiyak magkakaroon tayo nitong magaganda at poging apo."
Lalo tuloy akong nabulunan ng chicken barbecue na kasalukuyan kong nginunguya ng marining kong Balae na ang tawag nito sa Itay.
Sunod-sunod akong napaubo. Nag-aalalang sabay naman akong dinaluhan ng Inay at Tita Isme. Binigyan akong tubig ng Inay habang hinihimas-himas naman ako sa likod ni Tita Isme.
"Ok ka lang ba iha?"
"Dahan-dahan lang kasi sa pagsubo anak. Lagi ka na lang nabubulunan."
"Nay naman. Parang sinasabi n'yong masiba ako."
Sabay naman napahagalpak ng tawa ang mga ito. Pati ang Itay at si Tito Fernan narinig kong tumawa din.
Uminit ang mukha ko sa hiya. Kaagad kong tinakpan ang mukha ko ng aking mga kamay na nagpalakas pa lalo ng tawanan ng mga ito.
"Did I miss the good news?"
Sabay-sabay kaming napalingon ng may biglang magsalita sa likuran namin. Nakita ko ang bagong dating na si Señorito JM. Ngiting-ngiti ito na nakasandal sa hamba ng kusina. May bitbit itong imported na alak sa kaliwang kamay. Nakasuksok naman sa bulsa ng pantalon nito ang kanang kamay.
"Looks like you're all having fun here." wika nito. "Anong meron?"
Napatitig ako sa kanya.
He smirked at me.
Dahan-dahan itong naglakad palapit kay Tita Isme at hinagkan sa pisngi. At sa Inay ko para magmano. Sunod naman nitong nilapitan ang Itay at nagmano rin sabay abot ng bitbit na alak dito.
"Naku--salamat iho. Nag-abala ka pa."
"Tsk--maliit na bagay. Basta po kayo." nakangiting wika nito saka nilapitan si Tito Fernan para hagkan sa pisngi.
"Kanina ka pa ba anak?" tanong ni Tita Isme dito. "Akala ko'y dederitso ka na ng Manila?"
Naglakad ito pabalik sa upuan sa kabilang ibayo ng mesa. Kumuha naman ang Inay Cora ng isa pang pinggan, kutsara't tinidor para rito.
"Kararating ko lang po, Mom." wika nito saka naupo sa tabi ng Ina. "I changed my mind. I decided to stop over and give that special wine and of course to taste that inihaw na manok of Tay Philip."
Kaagad naman kumuha ng inihaw na manok ang Itay at nilagay sa plato nito. "Ito tikman mo, masarap yan."
"Thanks po." sabi nito habang dahan-dahang nilapit ang mukha sa manok, animo'y inaamoy nito. Nakapikit pa ang mga mata. "Hmmmm, smell good. Amoy pa lang ang sarap na po, Tay Philip."
"Nakow! Ito talagang bata na 'to binola pa ako. Kumain ka na lang diyan."
He laughed.
Bigla natahimik ang paligid ng magsimulang kumain na ito. Tanging tunog ng mga kubyertos lamang ang naririnig na ingay.
Pailalim akong napasulyap-sulyap sa gawi nito ng sunod-sunod na malalaking subo itong kumain.
Marunong din pala s'yang ngumiti at magbiro. Akala ko dati masungit s'ya. Ni minsan 'di ko s'ya makitang ngumiti man lang. Laging seryoso ang mukha. Nakakunot ang noo. Nakaka-intimidate ang presensya. Pero ngayon, parang ibang Señorito JM ang nakikita ko. Hindi maarte. Masiba din pala kagaya ko.
I silently giggle with the thought.
"What's funny, Sam?"
Narinig kong mahinang sita nito sa akin habang patuloy pa ring kumakain.
Muntik pa akong mahulog sa upuan sa gulat ng marinig ko ang kanyang baritong boses.
"May third eye ka ba?" biglang tanong ko na kaagad ko din naman tinakpan ang bibig ng kamay.
Paglingon ko, apat na pares na mga mata ang nakatutok sa akin. Hindi ko alam bakit iyon ang bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Third eye?" nakakunot noo'ng tiningnan ako nito. "What's the connect of that with your giggles?"
"What giggles you were saying?" patay-malisya kong sabi. "Busy ako sa plato ko."
"I saw you giggling while staring at me eating. And staring is rude."
"Rude? Ako? You really have a third eye."
He smirked. "Is it your first time seeing a man eating like a hungry wolf?"
Inabot nito ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Nakatitig pa rin ang mga mata nito sa'kin habang umiinom.
Inirapan ko ito.
He smirked back at me. Dahan-dahan nitong ibinaba ang baso. "I told you Tay Philip, amoy pa lang ang sarap na." wika nito kay Itay pero sa akin nakatutok ang mga mata. "It's really taste good."
"Marami pang tirang naka marinade na iihawing manok at baboy. Kung gusto mo magbaon ka pagluwas mo ng Maynila mamaya."
"Hindi ko po tatanggihan 'yan."
"Sige mamaya, mag-iihaw ako ulit bago ka bumyahe para mainit pang baunin mo."
Nilingon nito ang Itay at nginitian.
"Hindi mo na ba hihintahin umuwi dito ang kapatid mo, JM?" wika ni Tita Isme.
"No, Mom. My schedule is full. I have a conference to attend. But will do my best to come back here again to visit you two."
"Make sure son you're here next month for the wedding." sabad naman ni Tito Fernan.
Bigla kong nabitawan ang hawak na kubyertos. Kaagad naman napabaling ang mga tingin nilang lahat sa akin. Napangiwi ako sabay yuko.
"SORRY--"
"Wedding? What wedding and who's getting married?" narinig kong sunod-sunod na tanong ni JM sa kanyang mga magulang.
"Your brother Miguel's wedding."
"Miguel is getting married? With whom?"
"With Sam."
I froze when I heard my name.
"Sam? Samantha?" gulat na gulat ang boses nito. "With her?"
Naramdaman ko ang mga mata nilang napatutok lahat sa akin pero ayoko pa rin mag-angat ng tingin. Pinagpawisan ako ng malapot bigla.
Halos lumubo na ang ulo ko sa pinag-uusapan nila sa nalalapit kong kasal. Simula pa kagabi hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa pasabog ng Itay.
Kating-kati na ako kanina pa para lumabas ng kusina. Kaso nakakahiya sa mag-asawang Del Carpio. Baka isipin napaka walang modo kong anak 'pag nag walk-out ako. T'yak malilintikan ako sa Itay mamaya 'pag umalis na ang mga bisita namin.
"Why I don't know that you and Migz had a relationship?" tanong nito sa akin. "All I know you were fighting each other like cats and dogs."
Nabuhayan ako ng loob. Kaagad akong napaangat ng tingin sa kanya. Akala ko pwede ko irong kakampi para pigilan ang kasal. Ngunit nagkamali ako ng masalubong ko ang nakakabwesit na ngisi nito habang pailalim akong tinititigan.
"Nakakairita ka..." I stared at him murderously. "We never had any relationship! And will never like him! I am against with this marriage!" napipikang bigla kong nasabi.
Sabay pang napaubo ang Inay at si Tita Isme sa sinabi ko.
"SAMANTHA--!" saway naman agad sa'kin ng Itay.
"Pasensya na po at pasmado talaga ang bunganga ko."
Napalis naman bigla ang ngiti ni JM. Nagtatanong na nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa'ming lahat. Inaarok nito kung totoo ang sinasabi ko at ng mga magulang nito. Tila may dumaang anghel at natahimik ang hapag.
Ilang segundo ang lumipas bago binasag ni Tito Fernan ang katahimikan.
He cleared his throat. "It's an arranged marriage, son. May kasunduan kami noong mga bata pa kami nitong si Phil na ipapakasal namin ang magiging anak namin kung sakaling magkaanak akong babae at lalaki naman 'yong kanya. And now, we arranged Miguel and Sam to get married. We're not getting any younger and we're both eager to see our grandchildren. And we believed na mapapatino nitong si Sam ang kapatid mo nang tumigil na din ang pagsulpot ng kung sino-sino na lang na babae sa mansyon."
Napahagalpak ito ng tawa sa paliwanag ng ama. "Is Migz know about this arrangement Mom, Dad?"
"Not yet. He will know once he arrived here next weekend. And I think he will like the idea so those random girls will stop pestering him."
"I bet, not." nakangising sabi nito habang nakatingin sa akin. "It's going to have a big war once this two see each other again."
"JM..." saway sa kanya ni Tita Isme.
He just ignored his Mom at nakakalukong ngumisi sa akin.
"Yang ngisi mo sarap tusukin ng tinidor." nakairap kong sita dito.
Tumawa ito. Inabot muli ang kanyang baso at uminom. Pagkatapos marahan ng tumayo.
Nakasimangot ko itong sinusundan ng tingin habang nakapamulsang naglakad palapit sa kinauupuan ko. Bigla akong napatayo para sana umiwas. Ngunit bigla na lang 'di ko maigalaw ang aking mga paa ng magsalita ulit ito habang nakangiting nakatingin sa akin.
"I'm sure Migz will freak out once he found out about his up coming wedding."
Napatitig ako sa gwapo nitong mukha. Eh? Nainis ako sa aking naisip. Well gwapo naman talaga s'ya. Pero 'di ko type.
"Mas ok nang si Samantha ang pakasalan ni Miguel kaysa kung sino-sinong pakawalang babae." nayayamot na sabad ng ama nito.
He stared at me intently with mischief smile in his pinkish lips. "Migz wants someone else but definitely not Sam."
Pinanliitan ko ito ng mga mata. "Anong akala mo, gusto ko ang Miguel na 'yon?" asik ko dito. "I don't like him either! And never like this wedding!"
Biglang napasinghap ng malakas si Tita Isme sa sinabi ko. Sabay pang sinaway ako ng mga magulang ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking noo. Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Naramdaman kong hinatak ng Inay ang isang kamay ko para umupo. Pero 'di ko s'ya pinansin. Marahan kong winagwag ang kanyang kamay.
JM grinned. "I can see that in your face. But... welcome to the family Sam." nakangiting sabi nito sa akin. Nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin. Naitulos ako sa kinatatayuan ko.
"Aw--" daing ko ng pisilin pa nito ang ilong ko at ginulo-gulo ng kamay ang buhok ko. Animo'y para akong isang bata. Nagpumiglas ako pero 'di ako nito pinakawalan. "Ano ba!"
"I've been dreaming to have a little cute sister like you."
"Kahit kami din, Iha." sabad ni Tita Isme. "Sabik din kami nitong si Fernan magka-anak na babae. I'm sure your Parents is eager to have a son too. Right Balae?"
Narinig kong tila excited pang pahayag ni Tita Isme sa mga magulang ko. Hindi na ako makahinga pa sa mga pinagsasasabi nila.
Naiiritang pinagkakalas ko ang nakayakap na braso nito sa akin at gumugulong kamay sa buhok ko but he just laughed.
"Ano ba, Señorito JM!"
"It's kuya JM, Sam. You're soon to be my sister-in-law"
"What?" tinitigan ko ito ng makawala ako. "Pati ba naman ikaw gusto din akong maikasal sa damuhong Miguel na 'yon?" bulalas ko. "Hindi sa ganitong klaseng pagkakataon gusto kong magkaasawa. Hindi 'yong sapilitan. Hindi 'yong sa lalaking ayaw ko. At mas lalong hindi kay Miguel!"
"Ayaw mo kay Migz?"
Bigla akong natauhan sa mga pinagsasasabi ko sabay linga sa apat na natitigilang nakatitig sa akin.
"H--hindi ba obvious na ayoko sa kanya? Lagi ako nun inaaway e pero... kung... kung gusto niyo ako para sa kanya may magagawa pa ba ako, K-Kuya JM?"
"Everything is settled I guess, so, malamang wala na. Tiyak magkakaroon ako nitong pogi at cute na cute na pamangkin." wika nito habang tumataas baba pa ang makakapal nitong kilay na nakatitig pa sa akin habang nagsasalita. "What can you say Mom, Dad?"
Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa inis. I am very pissed the way he wiggle his eyebrows. Sa uri ng mga titig at pangisi-ngisi pa lang nito asar na asar na ako. Dinagdagan pa ng kung ano-anong pinagsasabing kalokohan.
"Naku, excited na kami nitong Mama mo magkaroon ng mga makukulit na batang nagtatakbuhan at naghahagikhikan sa loob ng mansyon." narinig kong masayang wika ni Tito Fernan.
He widened his grin. "You heard that Sam? Kaya bilisan n'yong dalawa ni Migz. Gumawa kayo agad. Puro kayo away. Sa simbahan din pala ang bagsak n'yong dalawa. Tsk Tsk..." nakangising asar pa nito sa'kin.
Sa inis ko bigla kong hinablot ang buhok nito para sabunutan sana kaso dumulas lang ang kamay ko sa kanyang malambot na buhok.
"Kuya J----M..!"
Napapadyak na sigaw ko ng tangkain kong suntukin na ito ng 'di ko masabunutan. Ngunit 'di ko naman matamaan dahil nakailag ito. Kaagad naglakad palabas ng kusina habang humahalakhak pa pagkatapos na mabilis itong magpaalam na uuwi muna ng Mansyon.
Naghagalpakan pa ng tawa ang mga magulang namin. Sa subrang hiya, malalaking hakbang na nag martsa ako palabas ng kusina. Umakyat ako ng k'warto. Nilock ko ang pinto. Nagpupuyos ang loob ko sa inis. Hinanap ko ang cellphone saka tinawagan si Ate ngunit....
"Bakit hindi ko pa rin siya makontak?" frustrated kong naibato ang cellphone sa ibabaw ng kama . "Wala bang signal sa probinsya ng San Carlos? Naku naman," hindi mapakaling nagpabalik-balik ako ng lakad. "Kahit siguro maglupasay pa ako sa harapan nila para lang 'wag ituloy ang pagpapakasal wala ding mangyayari. Kung papalag pa ako, baka lalong mahirapan akong makatakas. Kung sakaling magmatigas pa ako ngayon, posibleng higpitan nila ako at hindi na makakalabas pa ng bahay. Naku--hindi pwede. Darating na sa susunod na linggo si Miguel. Ayokong abutan n'ya ako dito. Kailangan kong maging maingat sa mga kilos at pakikitungo sa kanila para makagawa ako ng tamang hakbang, at ng hindi sila magtagumpay sa binabalak sa akin--bwesit!"