JOHN WAYNE SANTIAGO
"Saan ka galing kagabi?"
Napahinto ako sa paghakbang pababa ng hagdanan ng marinig ko ang boses ni Dad.
"Sa opisina--"
"Na amoy alak?"
"Napasabit lang po sa bahay ng mga kaibigan ko on the way--"
"Bahay ng mga kaibigan mo or sa Club?"
Wala sa mood ko siyang nilingon. Lalong nagdugtungan ang kanyang mga kilay ng makita ang mukha ko.
Tinuro niya ako. "Tingnan mo nga yang itsura mo--"
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Malalaking hakbang akong bumalik sa kwarto ko.
"'Wag mo akong tatalikuran--John Wayne!! Kinakausap pa kita!" narinig kong sigaw pa ni Dad sa labas.
Mabilis akong naligo at nagbihis saka nagmamadaling lumabas. Nagulat pa siya ng lampasan ko.
"Oh--saan ka na naman pupunta?"
"Sa opisina--"
"Sa opisina na nangtumawag ako dun--"
"I instructed them not to tell anyone where am I."
"Including me--"
"Including you."
"You--John Wayne!"
"Dad--look..." muli ko siyang hinarap. "I'm exhausted running the company alone. I need some time to unwind--"
"E--sino ba may sabi sayong patayin mo 'yang sarili mo sa trabaho?" inis na sabad niya. "Niyayaya ka namin ng Mommy mo magbakasyon sa San Andres ayaw mo. Kahit doon sa Hacienda ng Tito Fernan mo ayaw mo rin. Ano bang klaseng unwind ang gusto? Yung pagpunta ng club gabi-gabi? Sa opisina lasing ka, dito sa bahay uuwi ka ding lasing. Ano bang nangyayari sayo?"
Umiling ako. "Nothing, Dad--"
"Nothing--e--you look wasted!" sigaw niya. "Kung may problema ka magsabi ka hindi yung nagpapakalango ka sa alak!"
"Jherwin!" sabad na boses ni Mom. Napatingin ako sa ibaba ng hagdanan. "Ba't ang ingay niyong dalawa--bumaba nga kayo dito! Kaaga-aga nagtatalo kayo."
Nilampasan ako ni Dad pababa ng hagdanan. Sumunod ako sa kanya. Huminto sa harap ni mom sa gitna ng sala.
"Pagsabihan mo 'yang anak mo." turo sa'kin ni Dad. "Umuwi na namang lasing. Kapag naaksidente 'yan--"
"Jherwin--"
"Sorry, Dad," sabad ko. "Last na po yun." humakbang ako palabas ng bahay. "Papasok na po ako--"
"Hindi ka ba muna kakain ng almusal bago umalis?"
"Doon na lang po Mom sa opisina."
"Tumawag pala ang Tita Isme mo kahapon. Next week pinapapunta tayo doon sa Hacienda."
"Bakit daw po?"
"Ikakasal daw yung bunso niya--"
"Bunso niya---si Migz?" gulat na bulalas ko. "Ikakasal next week si Migz? With whom?"
"Sa anak ng kaibigan niyang si Philip. Remember him?"
"Yeah, pero... ba't wala namang nabanggit sa'kin yung mga kaibigan ko? Tsaka nasa US si Migz--"
"It's arranged marriage." sabad ni Dad. "Malalaman niya pag-uwi niya next week kaya nga pinapapunta tayo."
"Tsaka dalawa daw yung anak na dalaga ni Philip. Parehong maganda." excited pang boses ni Mom. "Baka magustuhan mo din yung isa--"
Bigla akong napaubo sa sinabi nito sabay talikod.
"John Wayne--"
"Ayoko po sa niririto!"
"'Wag mong mababanggit yun sa mga kaibigan mo lalo na kay Miguel! Malilintikan ka sa'kin!"
Narinig ko pang sigaw ni Mom. Tinungo ko ang kinapaparadahan ng kotse. Sumakay doon saka umalis. Dumeritso ako sa opisina. Doon na din ako nagpalipas ng gabi.
NEXT DAY...
I tasted the last drop of my whiskey when the door swung open. Nagulat ako ng pumasok ang luko-luko kong kaibigan. I smirked with his sudden visit.
"Sino na naman ang luhaang babaing iyon na dinispatsa mo?"
"Ang ganda ng pasalubong mo sa akin, ah."
"Di nga? Sino na naman ba yun? Wala na kayo ni Jelyn?"
"Ba't ka napadpad dito?" tanong ko saka nilagok ang whiskey sa baso. "Akala ko ba next week pa ang uwi mo?"
"Sus! Umiiwas ka lang. Sino nga 'yung babaeng pinaluha mo na nakasalubong ko?"
"Pinaluha ka diyan. Wala akong ginagawa sa kanya, ah."
"I bet, meron. Luhaan eh."
"Hindi nga! Kulit din nito. Anong atin at napadpad ka dito? Lagot ka kay Tito pag nalaman nun na inagahan mo ang uwi para maghasik na naman ng lagim dito sa Manila. Tiyak itatapon ka na naman nun pabalik ng States."
"Naku! Style! 'Wag mong ibahin ang usapan at may nakita ako ng papasok ako dito. Tiyak na pinaiyak mo 'yon."
"Sobra ka naman sa'kin Bro. Anong palagay mo sa akin? Malinaw naman ang usapan namin sa simula pa lang na no string attach. Iwan ko ba sa babaing yun at ang hirap umintindi ng salitang walang kami."
"Berdugo talaga ng mga babae."
"Ang sama mong kaibigan. Sinisira mo ang pagkatao ko!"
Napahalakhak ito ng malakas sa sinabi ko. Sabay upo na naka de kwatro habang ang dalawang braso nakapatong pa sa sandalan ng malaking sofa sa loob ng opisina ko.
"May sisirain pa ba Bro? Hindi ba at matagal ng malaki ang sira?"
"Siraulo ka talaga kahit kailan! Baka may makarinig sayo at maniwala sa mga pinagsasabi mo."
"Honestly speaking Bro, what makes you stop to get serious and commit with a girl? It's been a long time since you have been in a relationship with Jelyn. You're not getting any younger. You are already thirty years old, bro."
"Wow! Coming from your mouth? Am I the only one here who doesn't like commitment?"
Napahalakhak itong muli sa sinabi ko at ngiting asong nakatingin sa akin.
"So bakit nga? I want to know why. Maybe my mind will change too, IF magustuhan ko ang reason mo, ano?"
Napabuntong-hininga ako habang iniikot-ikot ang swivel chair. Dahan-dahang tumayo at umupo sa edge ng mesa.
"It's simply because, I can't still find any girl that will surpass my standard."
Napabangon sa sofa bigla si Migz sa sinabi ko at nakakunot noong hinarap ako.
"At ano na namang standard na yan ang tinutukoy mo, aber?"
"I should be the first man in a womans' life. It's a big factor for me."
Nakakunot noo'ng tinitigan ako lalo. "Mayroon pa bang virgin sa ngayon?"
I shrugged my shoulder. "Aba malay ko. Kaya nga pa'no ko naman tototohanin ang relasyon ko sa mga babaeng nakakasiping ko kung alam ko naman na hindi ako ang una? Tsaka Bro sa panahon ngayon ang hirap makahanap ng babaeng kahit iwan mo sa bahay pagbalik mo buo pa din."
"Ano na naman bang ibig mong sabihin?"
"In short 'yong matino. 'Yong ayaw ng broken family. Pinapahalagahan 'yong commitment. 'Yong 'pag nagtrabaho ka sa malayo 'pag balik mo nandiyan pa rin s'ya sa bahay. Nag-aantay sayong pagbabalik."
"E, matino naman si Jelyn mo ah. Ba't mo naman bigla dinispatsa?"
I scoffed. Napailing ako sa sinabi nito. Muli akong tumayo at nagtungo ng counter. Nagsalin ng panibago. Kinuhanan ko na rin ito.
Bitbit ang dalawang basong may laman ng alak lumapit ako kay Migz. Inabot ko ang isa sa kanya.
Naglakad ako patungo sa salamin na bintana ng opisina. Tahimik akong pumwesto doon. Sumisimsim ng whiskey habang nakatingin sa labas.
"You seems too concern for her. Did you like her?"
"Fùck..!" naibuga nito ang nasa loob ng bibig na alak.
I chuckled.
"TheHeck. Seriously Bro..!?" asik nito sa akin habang pinupunasan ang medyo nabasang pantalon sa bandang tuhod. "Ako pa talaga pag-iisipan mo ng ganyan?"
Napakamot ako sa batok sa itsura ng reaksyon nito habang pilit na pinipigilan ang pagtaas ng gilid ng aking labi.
"Well, you're really a good friend of mine but--"
"Tado! Six Bud Brothers tayo. Childhood bestfriend. Boang ka ba?"
I laughed. "Yeah right. You're my partner in crime. My buddy. My brother--"
"Umayos ka nga, John Wayne--"
"Relax..." nakangising wika ko sa kanya. "I'm just teasing you, bro."
Nakakunot noo'ng nakatitig lang ito sa akin.
I smirked. "Oh--ba't natahimik ka bigla?"
Muli akong nagtungo sa loob ng mini bar. Ramdam kong nakasunod ang mga mata nito sa bawat galaw ko. Nagsalin akong muli.
"Tsk." napapailing na kaagad nitong tinungga ang laman ng baso. "Seryoso wala na nga kayo ni Jelyn?"
"I saw her having a wild make out with another man inside her Condo two weeks ago."
"The fùck??"
"You heard me."
Binitbit ko na palabas ng counter ang bote ng whiskey. Glenmorangie Signet. Lumapit ako kay Miguel. Muli kong sinalinan ang basong hawak nito.
Naglakad akong muli papunta sa aking mesa at doon na lang nilagay ang bote. Umupo ako sa edge nito.
"Did she saw you?"
"Yeah."
"What did you do to them?"
"Nothing."
"Damn man... And what does she said?"
"I saw what I saw. "tiningnan ko ito habang sumisimsim ng hawak kong whiskey. "Do I need any explanations?"
"WhatTheFùck!"
"Yeah. The fùck all I care! I need to get rid of her. The sooner, the better." I angrily gritted my teeth. "But she's giving me a hard time--Fùck!"
I gripped my hands on the glass sa biglang umusbong na galit sa aking dibdib. Tinitigan ko ang laman nito. Pilit kong kinakalimutan ang problema ko pero pilit naman pinapaalala nitong kaharap ko. T'ngna. Tinatamaan na ako ng alak. But I want more! Gusto kong magpakalunod. Nangangalit ang mga pangang mabilis kong tinungga ang laman ng baso. Nang masaid ko nanggigigil naman na banalibag ko ito. Buti na lang 'di ito nabasag. Carpeted ang sahig ng buong opisina.
Nagulat naman si Migz sa inakto ko. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa basong binalibag ko.
"Nagagalit ako sa sarili ko. At kay Jelyn. At sa iba pang mga babaing napaugnay sa buhay ko. Ginugulo pa nila lalo ang magulo ko ng buhay. Akala ko nagkakaintindihan kami sa simula pa lang. Hindi pala. Hindi ko matanggap ang katotohanan na ang isang John Wayne Santiago, a CEO of VS Mega Corporation nagawang muling paikutin ng isang babae. I have been fooled once before. And It happened again. They have a hidden agenda which is to trap me. Hanggang kailan ba ako magpapauto sa lintik na pag-ibig na yan? Hindi na ako nadala." wala sa sariling naikuyom ko ang aking kamao. "Tapos kanina may niririto na naman si Mom--damn! This is insane!"
Sinundan ko ito ng tingin ng umiiling itong tumayo habang nakangising nakatingin pa sa akin. Pinulot ang binalibag kong baso.
"Tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk." umiiling-iling pa ring lumapit sa kinaroroonan ko. Kinuha ang bote ng alak sa mesa. Binalik sa loob ng mini bar saka nakapamulsang naglakad pabalik sa sofa. Naupo sa ibabaw ng sandalan nito. "Ang sama naman ng tingin mo sa'kin, Bro."
"'Wag mo akong simulan, Migz. Parang nagdidilim na ang paningin ko. Teka, ilang baso na ba ang nainom kong whiskey? Five? Seven?"
"Aba malay ko sayo." nakatawang wika nito.
"Sumasakit na naman ang ulo ko." I massage my temple. Ipinikit ang mga mata. "Binabaon ko nga sa limot yung problema ko tapos ngayon para kang kabuteng bilga na lang sumulpot dito para ulit-ulitin pang ipaalala sa'kin ang mga yun." pagmulat ko sinalubong muli ako ng nakakaluko niton ngisi. "Yang ngisi mo nakakapika. Baka dumapo d'yan ang kamao ko."
"Whoa... Chill lang..." nakatawa pa ding wika nito. Nakataas na winawasiwas ang dalawang kamay sa harapan ko na para bang sumusuko. "Hindi ako ang kalaban."
I murderously glared at him.
He cleared his throat. "Ok. Seryoso na..." umayos ito ng upo. "Now I know why you don't like commitment. I never thought Jelyn would do that to you."
"I never thought either or expect that she is capable of doing it."
"But honestly, I thought Jelyn is the one for you. I mean... she's your long time girlfriend since college."
"On and off--"
"Matagal pa din na naging jowa mo--"
Sinamaan ko ito ng tingin.
"I mean.... the way you look at each other and you two is... inseparable. How come?"
I released a pissed groaned. "Yeah, how come.... But she two timed me! And will you please stop mentioning her name? I don't want to hear her name ever again!"
He laughed. "Chill ka lang Bro... ang init naman ng ulo mo." napapakamot pa sa ulong reklamo nito.
I murderously glared at him again and turn around to look for my glass. "Where's my glass?" tumayo na ako saka hinanap. "Nasaan na ba yun?"
Lumakas pa lalo ang tawa nito. "You throw it away nakalimutan mo na agad? Sign of aging bro."
Nakakunot noo'ng nilingon ko ito.
Tinuro nito ang mini bar. Napasunod naman agad ng tingin ko doon.
"I brought it back to your counter. Tara. Punta tayo ng club." anyaya nito sa akin. Sabay tayo sa kinauupuan at naglakad na papunta sa pintuan ng aking opisina. "Sakto lang pala ang dating ko at ng may kasama ako uminom."
"Kanina pala ikaw yung topic namin sa bahay--"
Napatigil ito sa paghakbang saka nilingon ako. "Ano?"
"Ah--ano---sabi ko, I'm not in a mood to go out. Tsaka ang aga pa. Sarado ang club."
"Ba't topic niyo ako--"
"Hindi pala ikaw--"
"Lasing ka na ba?"
Umiling ako.
"Tara na, inom tayo sa labas ng club. Matagal-tagal na ring 'di ako nakakapunta do'n. Billiard tayo."
"Ayoko. Ikaw na lang."
"Oh come on man!" pangungulit pa nito sa akin. "Uso pa din yung kasabihan na kung babae ang dahilan ng sakit, babae din ang gamot. Tara na."
"No thanks." mahina kong sabi sa kanya.
Yumuko ako at hinimas ang batok.
"Don't tell me you're really in love with her?"
"What..?" kaagad akong nag-angat ng ulo sa kanya. "Hell---No..!"
Muli itong napahagalpak ng tawa sa bilis kong sagot sa kanyang tanong.
"Fùck--pinagtitripan mo 'kong ogag ka... Baka masipa kita palabas ng opisina ko."
"Siguro kung nakakamatay lang ang tingin mo kanina pa ako bumulagta."
"Well I'm not in love with her anymore."
"Really?"
"Really. What we have now is just a mutual understanding in bed. No string attached. I just can't accept the fact that she two timed me. Maybe my ego hurts. Yes. That's it!"
"OK. Sinabi mo e. So, why not come with me? Come on."
I sighed deeply. "Are you not tired? Why don't you just go home and get some rest or call JM, Ryan, James or Keith instead?"
"They're busy with their escapades and you're not. That's why I'm here. Come on man. Kararating ko lang tinataboy mo na ako pauwi.. I'm here trying to help you to forget about her. You--"
Napatigil ito sa pagsasalita ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad iyon dinukot sa bulsa. Matagal tinitigan ang screen saka sinagot ang tawag.
"Yes, bro?"
Tinatamad akong tumayo sa edge ng mesang kinauupuan ko habang nakikinig lang ito sa kausap. Naglakad ako patungo sa mini bar. I need one more shot before I go home. Wala lang akong matatapos na trabaho ngayon dito sa opisina dahil sa magulo kong utak na ginulo pa lalo ng lalaking 'to.
Ngunit kaagad din akong napabalik sa kinauupuan ko ng pagalit na sunod-sunod itong nagsalita.
"TheFùck--!" malutong pang mura nito bago naiinis na pinatay ang tawag. Hinagis ang cellphone sa malaking sofa. "I can't believe it!"
"Oh-oh... I think we need to celebrate our problems. I'll go get a bottle of hard drink--"
"No--Wait..."
"What now?"
"I need a loud music Bro. To distract my mind about this damn up coming arranged marriage!" he said while gritting his teeth. Sunod-sunod sinalaysay sa akin ang balitang nasagap ng kaibigan naming si James. "Can you imagine that?"
Napahagalpak naman ako ng tawa.
"T'ngna--Santiago!!"
"Maybe Tito Fernan is right. It's time for you to settle down." kantyaw ko pa sa kanya.
"TheFùck! Are you serious man?"
"Kaysa naman kung sino-sinong babae sa club ang pinapaiyak mo."
"Look who's talking."
"At least I have a plan to settle down one day. E ikaw? Na-e-stress lang sayo sina Tito Fernan and Tita Isme Bro. Kaya gumawa na sila ng paraan."
"As if naman 'di sayo na-e -stress si Tita Vangie. 'Di ka nga makauwi ng maaga sainyo dahil bukambibig lagi na mag-asawa ka na."
I laughed hard. "I never found the right girl for me yet. If ever she arrive, will marry her right away."
"How can you found your right girl kung puro mga babaeng bayaran naman ang mga tinatabihan mo? Paano ka naman makaka-virgin n'yan?"
"Bakit pwede ka bang tumabi sa virgin? Hindi diba? Syempre puro hindi na mga virgin ang babaeng papayag na bayaran for one night stand."
"Just be careful d'yan sa mga pambababae mo Bro. Baka magka-aids ka n'yan."
"The heck..? Anong akala mo sa'kin manyak? Laging horny? You know me naman diba. Hindi ako basta-basta pumapatol. Tsaka may mga babae pa naman na pwede mong pagkatiwalaan pagdating sa bagay na 'yan."
"Kung nag-asawa ka na sana e 'di hindi mo na kailangan pang magbayad sa tuwing gusto mo ng ka-sex."
"Sino ba sa ating dalawa ang nagyayayang pumunta ng club ngayon? Tsaka hindi ganoong kadali ang pag-aasawa. Ikaw nga ayaw mo sa nalalapit mong arranged marriage. Kung tutuusin big favor na 'yon na ginawa sayo nina Tito Fernan para tigilan ka na ng mga praning mong babae."
"Ako lang ba ang may mga praning na babae? Mas malala nga sayo e. Tsaka Bro magkaiba 'yong ginusto mong magpakasal sa taong pinili ng puso mo kaysa sa kasal na pilit lang."
"Ngayon naman makata ka na." napailing ako. Hindi ako makahinga sa takbo ng usapan namin. I sighed. "It's a lifetime commitment. At hindi pa ako handa sa isang lifetime commitment. Ang dami ko pang gustong marating at ma-accomplish sa buhay ko."
Nakakunot noo'ng tinitigan ako nito. "Gaya nang?"
"To make everything in my life in a right places and stable. Before I'm going to raise my own family."
"Goodness man! Do you think you're not stable yet? Are you kidding me? You owned a business in States and here in Manila with a million profit every month. You have your own Condo Unit and House and Lot in a first class subdivision. What else accomplishments you desire to have?"
I chuckled. "Before you push me to get married, pwede ba ikaw muna? Baka nakakalimutan mong you are three years older than me."
"Damn--matagal na akong kasal--"
"What?" bulalas ko. "Matagal ka ng--?"
"WALA!" ngumisi ito. "Magkita tayo mamayang gabi sa Club ni Madam Baby." sabay layas.
"Teka wait--" naguguluhang nasundan ko na lamang ito ng tingin. "What does he mean by that he's married? With whom?"