Unexpected Marriage 9

3344 Words
SAMANTHA FAYE RAMOS "Four Thirty," anas ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga saka inabot ang maluwang na dilaw na t-shirt at denim short sa drawer. Mabilis akong nagbihis. Sinuksok sa likod na bulsa ng short ko ang cellphone saka lumabas ng kwarto. Dumeritso ako sa likod ng bahay. Sinundan ang malakas na tawanan nina Inay at Itay. Naabutan kong busy mag-ihaw ang dalawa. I smiled with the view. "Ang ganda po ninyong tingnan kapag ganyan po kayo lagi ni Itay, Nay." sabay napabaling sa'kin ang dalawa. "Para kayong bumabata lalo." "Nakow nambola ka pa. Mas masaya lalo dito kung maraming batang nagtatakbuhan. Aba't ang tahimik na masyado ng bahay simula ng lumuwas ng Maynila ang Ate Shienna mo. Mabuti naman at pumapayag ka ng magpakasal kay Miguel, anak. Tiyak mga gwapings ang magiging mga apo natin nito, Phil. Ano sa tingin mo?" "Naku sigurado yun!"masayang sagot naman ni Itay. "Excited na nga ako e." At pinagpatuloy muli ng mga ito ang pag-iihaw habang nagkukwentuhan tungkol sa nalalapit kong kasal. Hindi na ako pinansin. Bigla akong napakamot sa ulo. 'Yong masayang ngiti ko biglang nauwi sa ngiwi. Tinalikuran ko sila. "Tay Ising..!" sigaw ko ng matanaw ko itong naglalakad 'di kalayuan bitbit ang isang bote ng alak. Nakangiting nilingon ako nito saka naglakad palapit sa akin. Patakbong sinalubong ko ito. "Saan po kayo galing..!?" "Galing akong Mansyon. Pinatawag ako ni Señorito JM." wika nito ng makalapit sa akin sabay pakita sa hawak na bote ng alak kagaya nung kay Itay. "Akala ko kung ano ang sasabihin sa akin bibigyan lang pala ako nitong dala niyang imported na alak." "Mukhang ang sarap po n'yan." "Hindi ko alam. Perstaym akong iinom ng ganito. Sabi niya nakakatulong daw yung pag-inom ng alak na'to paminsan- minsan. Ano na nga ba yung pangalan nito? Rid--" sabi nito habang nakatingin pa sa itaas. "Rid--" "Red wine po Tay." "Ah--Red wine. Yun! Yung ang sabi niya. Nakalimutan ko naman agad." nakatawang napakamot pa ito sa ulo. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya hindi ako masyadong pamilyar." "Never ka po ba binigyan man lang ni Kuya Jonard--" "Nakow--pinagbawalan yun ng Ate Lea mo. Alam mo na." sabay kami nitong natawa. "Oyy--Paring Ising halika dito!" sabay kaming napalingon sa lakas ng boses ni Itay. "Tamang tama at nandito ka na hindi ko na kailangan pumunta pa sa bahay mo para ihatid 'tong inihaw naming mga manok." "Nakow itong si Philip talaga. Ang dami na ngang pinadala ninyo kanina dun sa tubohan--" "E, marami talaga yung minarinade nitong si Cora para ipamahagi din sa iba." nakangiting sabad ng Itay habang binabalot sa metalic foil ang tatlong malaking inihaw na manok bago nilagay sa plastic at inabot kay Tay Ising. "Galing kasi dito sa bahay kaninang tanghali ang mag-asawang Del Carpio. Pakibigay na lang din nitong isa kay Pareng Nestor. Magkalapit lang naman ang bahay ninyo. Ako na lang nitong iba maghahatid din doon kina Pareng Lito." "Ay--oo nga pala.!" nakangiting biglang baling nito sa akin. "Best wishes sayo Sam. Ikakasal ka na kay Señorito Miguel. Nakow, tuwang tuwa ang Ate Lea mo ng ibalita ko kahapon na ikakasal ka na. Panay daw siya tawag sayo kaso 'di ka naman daw makontak. Hindi ka rin daw sumasagot sa mga text n'ya. Pinapasabi niya pala best wishes. Asahan mong darating siya sa araw ng inyong kasal." I froze. Nagtatakang napatingin ako bigla sa mga magulang ko sabay ngiti ng makita kong nakatingin rin ang mga ito sa akin. "Naku salamat po Tay Ising. Grabe, hindi ko po in-expect na kakalat kaagad yung balita. Sige po akyat muna ako sa taas, titingnan ko po yung cellphone ko. Baka po na lowbat kaya 'di ako macontact ni Ate Lea." sabay takbo paalis. Ngunit... "Ayy anak! Sam sandali lang!" tawag sa'kin ni Itay. I suddenly halted then turn back at him. "Bakit po?" "Pakihatid nga muna nitong inihaw na manok kay Señorito JM." wika ni Itay habang nilalagay iyon sa baunan saka isinilid sa paper bag. "Sasabay na lang ako dito kay Pareng Ising para ihatid pa itong tirang inihaw sa iba." Napabilis ang hakbang ko pabalik ng marinig ko ang pangalan ni JM. "Nasaan po ba siya?" "Nasa mansyon--" "Akin na po yan." sabay layas. Malalaking hakbang na tinungo ang mansyon. I turn off my phone ng makita kong tadtad na naman ng missed calls at text messages ang inbox ko. Mula pa yun kahapon. Puro kantyaw at pagbati ang nabasa ko galing sa mga kaibigan ko. Binilisan ko lalo ang paghakbang papasok sa loob ng Mansyon ng mga Del Carpio. Bahagya ko pang nabangga ang nagmamadali ding taong lumabas ng Mansyon. "Sorry." hinging paumanhin ko pero hindi ko na nilingon pa kung sino 'yon. Naabutan kong nakatayo sa labas ng Library si Tito Fernan ng pumasok ako. "O Iha, napasyal ka?" gulat na taong nito. I smiled. "Magandang hapon po Tito Fernan. Si Señorito JM po?" nagpalinga-linga ako. Ngunit ni anino nito 'di ko makita. "Ibibigay ko lang po sana itong inihaw na manok na pinahatid sa akin dito ni Itay." "Ah--hindi mo ba siya nakasalubong sa labas?" "Ha..?" kaagad akong napalingon sa labas na pinanggalingan ko. "Kalalabas n'ya lang ng makita kitang papasok dito." "Kalalabas... Hindi kaya siya yung--sige po Tito Fernan!" sabay karipas ng takbo palabas. Hinabol ito. Ngunit wala na akong naabutan pa na tao sa labas. "Wala... saan na ba 'yon nagpunta--T'ngna." Patakbo akong nagtungo sa gilid ng Mansyon kung saan naka-park ang kotse nito. Naabutan kong nakasakay na si JM at ini-start na ang makina. "Kuya J---M..!" humahangos na malakas na sigaw ko. Hindi ako sigurado kung narinig nito. Humihingal na napayuko ako. Pinatong ang dalawang kamay sa mga tuhod. Nanghina ako bigla. I parted my lips a bit to gasp for air. Maya-maya nakita kong binuksan nito ang pinto sa driver seat. Bumaba ng kotse. Nagulat pa ng malingunan ako. "Oh--Sam. Where have you been at hingal na hingal ka yata?" nagtatakang tanong nito sabay tanaw sa likuran ko. "May humahabol ba sayo?" Itinaas ko ang isang kamay sa kanyang harapan habang hinahabol ko ang putol-putol kong hininga na ikinatawa nito. Nahirapan akong huminga. Parang may mga naghahabulan na kabayo sa loob ng dibdib ko. "Did Mom and Dad bully you again?" Umiling ako. "No.... A-a..dren..al..ine..." huminga akong malalim. "Adrenaline rush." Napahagalpak ito ng tawa sa sinabi ko. I stared at him murderously. Kaagad nitong tinakpan ang bibig ng kanyang isang malaking kamay. Kunwari pinipigilan tumawa pero nakikita ko pa ring yumuyugyog ng bahagya ang mga balikat. "Sarap mong batuhin nitong inihaw na manok." "You were in a hurry lately and even bumped at me. Nagde-dreaming ka pa yata kanina about sa nalalapit niyong kasal ni Migz habang naglalakad--" "Anong nagde-dreaming--ito oh!" sabay abot dito ng paper bag. "Malalagot ako kay Itay kung bitbit ko pa din 'to pauwi at sakaling hindi nga kita naabutan. Kaya ako nagmamadali." "Oh that--I forgot." wika nito habang nakatingin sa hawak kong paper bag saka nagpalinga-linga. Nilingon pa ang kanyang kotse. "Can you please just put it inside the car? To the chair next to the driver seat. Then after that go back home papagabi na. Babalik lang ako sandali sa loob. I forgot something important." malalaking hakbang akong tinalikuran. Natitigilang napasunod ang tingin ko sa kanya. Nang lumiko ito at mawala sa paningin ko, kaagad akong nahimasmasan. Nagmamadali akong pumasok ng kanyang kotse. Kaagad kong nilagay ang paper bag na may lamang inihaw na manok sa katabing upuan. Sumilip pa akong muli sa labas. Nang makitang wala pa ito, nagmamadali akong lumipat sa back seat. Aw! Nasapo ko ang bunbunan ko. Makailang ulit pa akong nauntog. Tsenek ko kung naka-lock ang pinto ng kotse sa likuran. Nang masigurong hindi iyon naka-lock umupo ako sa lapag sa likurang upuan ng driver seat. Sumiksik doon. Pilit humahanap ng tamang posisyon para magkasya. Nang pakiramdam kong komportable na ako sa aking kinatataguan, saka ko naman narinig ang nagmamadaling mga yabag ng taong papalapit sa kotse. Tinubuan ako ng takot. Pinagpawisan pa ako ng malapot. Bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Tahimik pang napausal ng dasal. Halos pigilan ko na ang paghinga sabay takip ng mga kamay sa bibig para 'di makalikha ng kahit ano mang ingay. "Yes. I'm leaving now." narinig kong boses ni JM at naupo sa driver seat. "Will be there tomorrow afternoon, I guess. Just prepare all the files I asked you and send it to my email, Ok? Bye." saka malakas na isinara ang pinto ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag pero nanatili pa rin nakatakip ang kamay sa bibig ng magsimulang umusad na ang sasakyan. Isinandal ko ang ulo sa upuan. Ipinikit ang mga mata habang nag-iisip ng susunod kong hakbang pagdating ng Manila. Hanggang sa nakatulugan ko na iyon. PAGGISING KO... "Good morning my runaway lil' sis." Kaagad akong napatigil sa paghikab. "What are you doing here inside my room!?" He make an O shape using his lips without a sound. "I should be the one asking you that Lil' sis. What are you doing here behind my car?" "Car?" bigla akong napalinga sa paligid sabay tayo. "Aw!" daing ko sabay himas sa bumbunan kong nauntog. Sinamaan ko ito ng tingin ng pagtawanan ako. "So why are you here?" Hindi ko ito pinansin. Naupo ako sa upuan. "Mom just called. They're looking for you. Your parents are worried sick about you." Hindi pa rin ako umimik. Yumuko ako, sinuklay-suklay ng mga daliri ng kamay ang magulo kong buhok. "What? You have nothing to say?" Hindi pa rin ako sumagot. Parang binging inayos ko naman ang nagusot na damit saka inunat ang mga binti at marahang hinilot-hilot. "Oh--you're ignoring me now? Ok wait, will call them and I--" "Don't...!" nagulat ito ng bigla akong sumigaw. Natatarantang napalapit ako sa kanya. Hinatak ang kanyang brasong may hawak na cellphone. "Please don't, Kuya JM. Please...." nagsusumamong pakiusap ko sa kanya habang umiiling. "Please don't tell them where am I." He sighed. "So answer me. Why did you runaway and hid here behind my car? Pinapalagay ko lang naman sayo yung manok sa loob ng kotse ko. Hindi ko sinabing pati ikaw kasama." Malumanay na tanong nito sa akin pero hindi pa rin ako sumagot. "Samantha..." "Isa." bilang pa nito ng tahimik lang akong yumuko. "Dalawa--Samantha!" He released a pissed groaned. "Nauubos na ang pasensya ko't antok na antok na ako. Nananakit na din ang buong katawan ko sa magdamag na byahe. Gusto ko ng magpahinga. Ano? Hindi ka pa rin magsasalita!?" napipikang sigaw nito sa akin. "I don't want to get married with your brother!" He was taken aback when he saw my tears rolled down on my cheeks. "I never like him you know that. Everybody knows that but then..." sunod-sunod ako umiling sabay hagulhol. "Dammit--Hey... Sam, I'm Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses." pag-aalo nito saakin pero lalo lang akong napahagulhol. "Fùck--Stop crying please!" "I-I... d-don't... I don't want to... to get mar-ried to y-your brother. T-That's why I r-runaway." gumagaralgal ang boses na paliwanag ko habang sumisinghot-singkot pa. May dinukot itong panyo sa bulsa. Kaagad ko iyon kinuha ng iabot sa akin. Pinunas sa mukha sabay singa. He chuckled. "Hindi mo naman kailangang tumakas dahil do'n." "What do you mean?" "I mean--" "You mean kailangan kong manatili doon na parang nag-aantay ako ng nalalapit kong kamatayan ganun?" "Hell No--! What I mean is.. mali ang ginawa mong pagtakas. Look, Sam. Nag-aalala ang mga magulang mo pati ang mga parents ko sayo ngayon. Umuwi ka na." "Hindi sila nag-aalala sa akin at hindi ako uuwi! Nag-aalala sila dahil hindi matutuloy ang kasal. Tsaka isa ka pa!" dinuro ko ito. "Kumakampi ka pa sa kanila!" "Ako?" turo pa nito sa sarili. "Ba't ako nadamay dito? Ako na nga itong dinamay mo sa pagtakas na ginawa mo tapos kasalanan ko pa tuloy?" "Kasalanan mo dahil ginatungan mo pa silang ipakasal kami ni Miguel!" "Gatungan ko man o hindi buo na ang pasya nila na ipakasal kayong dalawa." "Kahit na! Imbes na tulungan mo akong pigilan sila ng malaman mong pinagkasundo lang kaming dalawa ng kapatid mo mas lalo mo pa silang ginatungan! Inisip tuloy nila tama yung planong ginawa nila!" "Look, hindi ko na kasalanan yun, Sam. Problema na ninyong dalawa yun ni Miguel. Tsaka hindi ako nakikialam sa mga pasya ng Parents ko. Not unless I'm involve with it." "Ah... ganun? Problema na namin yun? Pwes, ngayon bahala ka sa buhay mong mamroblema sa mga magulang ko pati d'yan sa mga magulang mo. Dahil hindi ko na din problema 'yun!" Mabilis kong binuksan ang kabilang pinto ng kotse at lumabas doon. Pabalibag na isinara. Malalaking hakbang na naglakad palayo. "Fùck--Samantha! Come back here!" Malayo-layo na ang nilakad ko ng marinig ko ang pagtawag nito sa akin pero hindi ko ito pinansin. Deritso lang ang lakad ko. Pagdating ko sa kanto lumiko ako. Nagulat pa ako ng may biglang humablot sa braso ko. "And where do you think you're going?" madilim na mukha ni JM ang sumalubong sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. "Get off your hands on me." "Look Sam, pagod ako. May meeting pa ako mamayang alas kwatro. I have no time with this drama. Will you just go back home? I already called Mom and--" "You told them!?" galit na bulalas ko. Malakas kong piniksi ang brasong mahigpit na hawak nito. Kaagad naman ako nitong nabitawan. "Diba nakiusap akong 'wag mong sabihin sa kanila?" Napahilamos ito ng kamay sa kanyang mukha. "What can I do? They are worried sick about you and--" "No! I'm not going home and I don't want to hear your damn excuses!" Gulat itong napatulala sa lakas ng boses ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad na akong tumalikod. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. "Damn--SAMANTHAAA!!" "Go to hell!" Malayo-layo na ang tinakbo ko ng lingunin ko ito. Padaskol itong pumasok ng kotse saka pinaandar. Nataranta ako sabay takbo ulit palayo ng tahakin nito ang kinaroroonan ko. "T'ngna mo, JM!" Pagdating ko sa sumunod na kanto kaagad akong lumiko. May nakita akong ginagawang building. Maraming mga truck na nakapark. Nagpalinga-linga ako, naghahanap ng pwedeng mapagtataguan. Nagpalipat-lipat sa mga truck sabay takbo pabalik ng may makita akong mga trabahador na naglalakad papunta sa gawi ko. Lumiko ako sa kabila. Ngunit... Aw! Muntik pa akong matumba ng may makabangga akong isang malaking lalaki. "Putangina--" "SORRY," hinging paumanhin ko habang mabilis na tumatakbo palayo. Pagdating ko sa unahan lumiko ako ulit. Nang tingnan ko ang truck at bumukas agad ang sa unahang pintuan nito, kaagad akong pumasok doon at nagtago. Ilang minuto ang lumipas ng may marinig akong humintong sasakyan malapit sa truck na pinagtataguan ko. Sumasal ang t***k ng puso ko. "Excuse me, may nakita po ba kayong babaeng dumaan dito ngayon lang? Mga 5'4" ang taas, mahaba ang buhok, balingkinitan ang pangangatawan na maputi. She wore a yellow shirt and white short." Dumoble pa lalo ang lakas ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba ng makilala ko ang boses ni JM. Kaagad akong napatakip ng kamay sa bibig para 'di makalikha ng ano mang ingay. "Naku Sir, hindi ko po masyadong napansin e. Marami po kasing dumadaan dito kaya hindi ko matandaan kung may dumaan ngang babaeng kagaya ng sinasabi n'yo po." "Ay...! Meron po akong nakita kanina Sir na babaeng kagaya ng hinahanap ninyo! Tumatakbo pa nga po yun e!" Naistatwa ako ng may isa pang boses na bigla na lang sumabad. "Sigurado ka ba d'yan?" boses ni JM. "Opo Sir. Nakabangga n'ya pa nga po ako kanina e, pagbaba ko ng truck. Parang may tinatakasan. Girlfriend ninyo po ba Sir?" "No. She's my little sister. Saan na ba siya pumunta?" "Ay... yun lang. Hindi po ako sigurado kung saan na po e. Bigla na lang po kasi nawala. Baka po dumiretso na doon." "Sige.. Thank you." "Sige po Sir. Walang ano man." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong nagpaalam na ito at umandar na ang sasakyan palayo. "Naniniwala ka bang magkapatid sila?" narinig kong tanong ng lalaki sa kasama nito pagkaalis ng sasakyan ni JM. "Hindi. Nakita ko 'yong babae. 'Di naman halatang magkapatid." "Baka LQ yung dalawa. Tingin mo?" "Baka nga." "Ang gara no'ng kotse. Ang pogi pa no'ng Tisoy. Mukhang bigatin." "Halata nga. Ang ganda din naman nung chicks. Bakit kaya tinatakbuhan no'n si Tisoy? "Aba malay ko. Ba't 'di mo tinanong?" "E... kinabahan ako e. Mukhang galit. Mamaya ako pa mapagbuntunan ng init ng ulo no'n e." "O e bahala ka mag-overthink diyan." sabi nito. Narinig kong naglakad na ito palayo sa kinaroroonan ko. "Anong overthink....!?" sigaw na tanong naman no'ng isa sa umalis ng kasama. Narinig kong parang humabol ito doon. "Search mo sa google...! Puro ka lang porma. 'Di mo pala alam yung overthink..!" pasigaw din nitong sagot. Maya-maya wala na akong narinig pang mga boses ng mga ito. Pinalipas ko pa ng ilang minuto bago ako dahan-dahang nag-angat ng ulo. Sumilip ako ng bahagya sa bintana. Nagpalinga-linga sa paligid. Nang masigurong wala ng tao, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng truck at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko alam kung ilang oras or gaano kalayo ang nilakad at tinakbo ko ng walang deriksyon. Nang makakita akong bakanteng upuan sa parke saka lang ako nakaramdam ng pagod at pangangalay ng mga binti. Nahahapo ang katawan na kaagad akong umupo doon. Sinandal ang likod sa upuan. Pumikit ako at malalim na nagpakawala ng buntong-hininga. Nag-iisip kung saan na ako pupunta. Ilang minuto ang lumipas na nanatili akong nakapikit nang maalala ko ang cellphone ko. Kaagad akong napadilat. Umayos ng upo. Nanginginig pa ang mga daliri sa kamay ko ng hinugot iyon sa bulsa. I turned it on. Sunod-sunod na text messages at mga missed call ang pumasok pagkabukas na pagkabukas ko. Tapos bigla. . . ATE LEA CALLING... Matagal ko iyon tinitigan. Nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi. Tumanaw ako sa malayo para lang matigilan sa aking nakita. Nataranta ako sabay takbo. Nagtago sa mga halaman habang tinatanaw si JM na nakaupo din sa upuan 'di kalayuan. "Pero bakit... pink yung damit niya kanina tapos... bakit blue na ngayon?" nagtatakang tinitigan ko ito ng tumayo. Nagpalinga-linga sa paligid habang may kausap sa cellphone saka nakangiting kumaway. Sinundan ko iyon ng tingin. Nagdugtungan ang mga kilay ko ng makita ko ang lalaking naka-business suit. "Akala ko ba mamaya pang alas kwatro yung ka-meeting niya?" Wala sa sariling sinundan ko ang mga iyon ng maglakad palayo sa parke. "Bakit..." lalong nag-isang linya ang mga kilay ko sa aking nakita. "...iba na din yung kulay ng kotse niya?" Napatutok ang mga mata ko sa attache case na kinuha nito sa loob ng pulang kotse saka ibinigay sa lalaki. Muli kong sinundan ang mga ito ng maglakad palayo. Ilang building ang dinaanan. Tapos tumawid ng kalsada. "La-Shangri Royale?" basa ko sa building na pinasukan ng mga ito. Akma akong tatawid ng kalsada ng may biglang pumarada na tatlong motorsiklo. Nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko ang mga sakay niyon. Yung tatlong lalaking umaali-aligid doon sa probinsya! May babaeng lumabas sa building na iyon. Lumapit sa mga ito. May inabot na attache case. Lalo akong linukuban ng takot ng matitigan ko ang mukha nito na walang iba kundi yung babaeng tumawag dun sa hinayupak na John Wayne na nagnakaw ng halik saakin sa Mall! Napaatras ako ng magpalinga-linga sa paligid ang lalaking may hawak na attache case habang kausap yung babae. Abot langit ang ngiti nito na bigla ding naglaho ng makita ako. Muli akong umatras. Napalinga sa paligid para lang matigilan sa lalaking gulat na nakatanaw sa akin na walang iba kundi ang animal na si Miguel! Nakasakay sa motorsiklo. Dahan-dahan na binababa ang hawak na helmet. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa lalaking may hawak na attache case at kay Miguel na parehong kinukusot na ng kamay ang mga mata na para bang sinisiguro kung totoo ang nakikita nila. Mabilis akong humalo sa grupo ng mga tao na dumaan. Lumiko sa sumunod na kanto sabay karipas ng takbo palayo sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD