=Via's POV=
Pinihit ko yung door knob ko at pumasok.
"Where have you been, young lady?" Narinig kong sabi saakin
Kaya napa tingin agad ako. Wow! Just wow, the old lady is BACK!
"GRANDMA! What's bring you here in the Philippines?" Sabi ko at lumapit sakanya para makipag beso sakanya
"I'm here to watch over you, Olivia" sabi niya
"No need to watch over me, I'm already grown up Grandma. I can handle myself" sabi ko at nilapag yung bag ko sa kama ko
"But you are making trouble at your school, Olivia" sabi niya ulit
"Ahhh--well--" kinakabahang sabi ko
"Starting Tomorrow you will have 2 body guards, nag-aaral din silang dalawa sa school mo, so no worry about it" sabi niya
"WHAT?! You can't do that Grandma" sabi ko sakanya
"Yes, I can do that, because I am your grandma and I had permission to your parents" sabi niya.
"Rest Well, darling" sabi niya tapos lumabas ng kuwarto ko.
Ang weird ni lola ngayon, may nakain ba siya o ganun lang talaga siya. Tas biglang tumunog yung cellphone ko galing sa bag ko, at agad ko yun kinuha at binuksan
new number: 09*********
Meet us in the auditorium tomorrow after class
-Lenard
Nabasa ko sa messages ko.
---------------
"Manong halika n--" sasabihin ko sana nang biglang humarap saakin si manong pero... iba yung mukha niya.
"Mam Olivia, Tara na po, ihahatid ko na po kayo" sabi niya
"Olivia, meet your new driver, Brandon" singit na sabi ni Lola
Tumango ako habang nakatingin ng seryoso sa bago kong driver.
"Nasaan po si Mang Larry? Grandma?" tanong ko kay lola
"Pinag bakasyon ko muna, babalik siya kapag nandito na yung Mama mo at Papa mo" sabi niya
"What?! Pero si Mang Larry lang nakakaalam ng mga pinupuntahan ko at kabisado niya diin yung mga pasikot na daan dito kapag traffic, pero yan? mukhang hindi eh, he dont know what my coding is" sabi ko
"Whether you like it or not, Darling, siya at siya parin magiging driver mo, now go, baka malate ka pa" sabi niya at tinulak niya ako papunta sa loob ng kotse
"See you later~" sabi niya kaya napairap nalang ako
---------------
Pagkaba na pagkababa ko sa sasakyan, may sumalunong agad saakin dalawang tao, isang babae at isang lalake
"Mam Olivia, kami nga po pala yung magiging body guard niyo po" sabi ng babae at tska sila nagbow sa harap ko (I Feel Like a Queen. Wahahaha)
Napataas nalang yung kilay
"Anna Rose Pineda nga po pala at ito po si Harold Gabriel Pachecco po, Mam Olivia" sabi niya
"Anong section niyo?" tanog ko sakanila
"3-C po Mam Olivia pero p--" sabi niya habang naka ngiti
"So One section apart lang ang layo natin, I think thats good atleast para naman may konting freedom ako" sabi ko at tska naglakad
"Pero Mam, Lilipat po kasi kaming dalawa sa section niyo po, For 2 months lang naman po tapos po babalik narin po kami sa section namin" sabi ni Harold ata yun, kaya napatigil ako
"What?" sabi ko "UGH! Loko talaga yung matandang yun!" sabi ko ulit at pumasok na sa loob
"Huy! Bad Mood ka ata ngayon?!" biglang sulpot ni Lenard sa harap ko
"Kung ako sayo, Umalis ka diyan o baka masapak kita ng bongahan" sabi ko habang nakatingin sa mata niya
"Woah easy there, girl. Relax ka lang" sabi niya kaya kinuwelyohan ko agad siya
"Pagsinabi kong umalis ka sa harap ko, UMALIS KA" sabi ko
"Mam Olivia, kapag may ginawa po kayong kalokohan hindi po kami magdadalawang isip na tawagan na po yung Lola niyo po" sabi ni Anna
Napabuntong hininga nalang ako at binitawan si Lenard "May babysitter ka pala, Via" sabi niya
"Hindi ko sila babysitter, Lenard" sabi ko
"Okay, Lika sabay na tayo pumuntang classroom" sabi niya at umakbay saakin pero tinanggal ko din yun
=Jeffrey's POV=
"So Before we Leave Jeffrey, last reminder ko toh sayo--" sabi ni Tito
"Bantayan mo si Olivia, at wag na wag kang gagawa ng ikakapahamak o kalokohan kay Olivia" sabi ko agad
"Then good, makakasama mo si Lola Ella mo sa mansion, alam niya din na doon ka titira. Paano ba yan, mauna na kami" sabi ni Tito
"Ingat po kayo doon tito" sabi ko at nagbow ng konti, tska silang umalis at sumakay ng eroplano
----------------
"Jeffrey! Good to see you, lumaki ka ng sobra ah" sabi ni Lola Ella at nakipagbeso ako sakanya
"Nasaan po si Olivia? Lola" tanong ko sakanya
"Ewan ko. Hindi pa daw dumadating si Olivia sabi ng mga kasambahay ganyan daw si Olivia gabi gabi daw lagi umuuwi at minsn daw kinabukasan na" sabi niya at umupo sa sofa
"Ah ganun po ba, sige po, punta nalang po ako sa guest room po" sabi ko
"Ay hindi ka sa guest room matutulog, duon ka sa taas yung sa sa tapat ng kuwarto ni Olivia" sabi niya
"Diba ba po kayo po ang matutulog duon? Bakit po ko matutulog duon" sabi ko sakanya
"Matanda na ako Jeffrey, medyo mahirap na saakin tumaas. At isa pa, ikaw ang magbabantay sakanya talaga" sabi niya at tumayo.
"Samahan na kita tumaas habang hindi pa sumasakit ang balakang ko" sabi niya ulit at na una pumunta sa hagdanan.
Inalalayan ko si Lola Ella paakyat ng hagdan habang dala dala ko maleta ko, nang makarating kami sa taas, pinauna na niya ako sa dapat niyang kuwarto.
Binuksan ko yung pintuan, halos walang nagbago sa kuwarto na toh
"Wag ka kasing magalaw" naiinis na sabi niya
"Ang init kaya, bakit pa kasi kailangan natin mag tago?"
"Basta"
"Olivia, Jeff, lumabas na kayoo" rinig kong sabi ni ate Karielle gling labas
"shhhh. Nandiyan na siya" bulong niya at lalong sumiksik saakin dahil nasa sulok ako
"WHAT?! You can't do that Grandma" narinig ko sa labas, boses ni Olivia yun ah, mukhang ayaw niya yung mangyayari sakanya for whole two months.
Gustong gusto kong lumabas at pumasok sa loob ng kuwarto ni Olivia para makita yung nangyayari doon, pero ayoko sumusulpot nalang bigla sa isang usapan. Kaya inayos ko nalang yung gamit ko at humiga sa kama.
---------------
Nagising ako dahil may kumatok sa pintuan ko.
"Sir? Gising na po, handa na po yung breakfast po" sabi ni Manang Lora.
"Sige po, bababa nalang po ako, salamat" sabi ko at pumunta sa cr para magtoothbrush at maligo.
Pagkababa ko nakita ko si Olivia lalabas na ng bahay. Dumiretso nalang ako sa dining area, para kumain.
"What?! Pero si Mang Larry lang nakakaalam ng mga pinupuntahan ko at kabisado niya diin yung mga pasikot na daan dito kapag traffic, pero yan? mukhang hindi eh, he dont know what my coding is" narinig kong sabi ni Olivia.
Halatang nairitado dahil may pagkatinis na yung boses niya. Namimis ko tuloy yung mga panahong naglalaro kami dito sa mansion nila, nagtataguan, naghahabulan, nagbabahay bahayan, nagsleep over, mga kabaliwan naming ginawa dito sa mansion nila.
Kung hindi sana ako umalis, edi sana nandito parin yung Olivia na nakilala ko at nung minahal ko. Sana bumalik nalang ulit sa dati, yung dating siya at yung dating ako.
=Via's POV=
"Class, we have new students, galing sila sa class 3-C, dito muna sila panandalian" sabi ni Mam Lamirez
"Doon kayo sa likod ni Olivia, Olivia taas mo kamay mo" sabi niya kaya tinaas ko kamay ko
Nakalimutan ko pala meron sampung bakanteng upuan sa likod namin ni JB na katabi ko.
"And hindi sila Kasama sa project niyo. So, the lesson for the day is..." sabi ni Mam Lamirez
Uggggh!
---------------
Tumayo ako at niligpit gamit ko
"Via, halika na" sabi ni Zyrae, pero bigla akong hinawakan ni Harold
"Olivia, may dala kaming lunch para sainyo" sabi ni Anna sabay pakita ng pagkain
Tumingin ako kay Zyrae
"Zy, mamaya ko nalang sayo i-explain" sabi ko "mauna ka na" sabi ko ulit sakanya
Tumango nalang siya at tiningnan ng masama sila Harold at Anna tas nung pagkatingin ko sa kanilang dalawa, ang laki ng mata nila para bang nakakita ng multo o para bang papatayin sila.
"Huy!" Gulat ko sakanila tapos sabay sila napatingin saakin
"Ano? Okay lang ba kayo? Parang nakakita kayo ng multo diyan" sabi ko at umupo sa upuan ko at kinuha yung pagkain na hawak hawak ni Anna
Binuksan ko yun at nakita kong ang daming pagkain
"Satin tatlo toh? Bat ang dami naman" sabi ko tapos umupu sila sa harapan ko
"Ganun talaga, gutom na gutom na kami eh" sabi ni Anna sabay labas ng mga kutsara at tinidor.
[End of Chapter 9]