=Via's POV=
"Via, let's talk" seryosong sabi ni Zyrae saakin
"Okay?" Sabi ko tapos bigla bigla akong hinila ni Zyrae palabas ng room namin.
"Sino sila?" Tanong agad saakin ni Zyrae pagkalabas namin.
"Si Anna at si Harold?" Sabi ko
"Bakit mo sila kasama? Kaninang umaga tapos kaninang Lunch?" Tanong niya ulit
"Okay, relax ka lang ha. Ganto kase yon, kahapon nung umuwi ako nasa bahay si Lola, sinabi niya saakin na magkakaroon ako ng dalawang body guard at bagong driver for two months. Kapag may ginawa akong kalokohan dito sa school o sa labas ng bahay tatawagan nila si Lola. You know my Grandma, right? Sobrang strict non" sabi ko tapos sumandal sa pader
Tapos tumawa siya
"Hahaha! OMG! Tama nga si Len, may Baby Sitter ka!" Asar niya saakin
"Hindi ko sila Baby Sitter" sabi ko
Tapos pumasok sa loob
"Anna, Harold. Pwede bang mamaya na lang tayo umuwi, may gagawin kasi kami ng grupo namin, pero don't worry dito lang naman sa school" sabi ko habang naglalakad papunta sakanila
Nagtinginan silang dalawa
"Okay"
"Okay" sabay nilang sabi
"Okay then, punta tayong Auditorium" sabi ko tapos kinuha yung bag ko at lumabas ng room
Sabay sabay kami nina Zyrae, Anna, Harold at Ako pumuntang Auditorium.
---------------
"Ayun na sila" narinig naming apat yung boses ni Ara galing banda sa harapan which is malapit siya sa stage
"Buti dumating na kayo" sabi ni Justine pero instead na nakatingin siya samin ni Zyrae, nakatingin siya kela Harold at Anna.
"Bakit sila nandito?" Tanong ni Justin
"Dahil sa kanya" sabi ni Lenard sabay turo saakin
"Bat ako?!" Sabi ko sakanya
"Kasi ikaw yung bine-baby sit nila" sabi niya ulit
"Ang kulit mo ah noh, sabi nga hindi ko sila baby sitters at hindi din nila ako bine-baby sit noh, kung gusto niyo malaman kung bakit sila nandito, edi tanong niyo sakanila" sabi ko napasigaw sabay punta sa unahan at umupo.
"Sabi niya yun ah, bakit ba kayo nandito" tanong ni Marcus
"Nandito kami para bantayan si Olivia, inutusan kami ng lola niya na bantayan siya habang nasa ibang bansa ang magulang niya para sa business" sabi ni Harold
"Okay" simpleng sagot ni Lenard
"Ano ba gagawin natin" singit ko
"syempre magpaplano na agad" sabi ni Ara
"Okay, on Friday, which is tomorrow. Magkita kita tayo sa labas ng school after ng school natin" sabi ni Justine
"Tapos?" -Lenard
"Tapos sabay-sabay tayo pupunta sa studio na alam ni Marcus, and mag aasign na tayo kung ano yung gagawin natin" sabi ni Justine
"And Anna, Harold, since narinig niyo naman yung plano para bukas, dapat alam niyo na automatik bukas baka medyo gabihin tayo" sabi ni Jade tapos tumango lang silang dalawa ni Anna at Harold
"Okay, settled na tayo sa lahat" sabi ni Ara
"Uwi na tayo" sabi ni Marcus tapos tumango kami sa kanya
---------------
"Nasan na daw yung driver?" Tanong ko at umupo sa bench malapit saamin
"Parating na daw po, Mam Olivia" sabi ni Anna
"Aishh, kanina pa tayo nandito oh, at anong oras na" naiinip kong sabi tapos tumayo lumayo sa kanila ng konti.
Madilim na yung paligid pero wala parin yung sasakyan namin, alam mo kung bakit? Edi hinatid pa yung gamit ng dalawa sa mansion namin eh ang layo ng bahay nung dalawang yon kaya kanina lang nakaalis yung sasakyan namin sa mansion.
"Mam, naflatan daw yung dalawang gulong, isa lang daw yung dala niyang extra" sabi ni Anna
"Ugggh, maglakad na nga lang tayo" sabi ko at kinuha yung gamit ko sa bench na kanina kong inupuan.
"Alam mo po ba kung saan yung daan po?" Tanong ni Anna saakin
"Malamang, tagal tagal ko na dito" sabi ko at naglakad na.
Dumiretso kami ng lakad at lumiko ako sa eskinita
"Mam teka lang, bat kayo dadaan diyan?" Tanong ni Anna saakin
"Basta sumunod nalang kayo" naiinis kong sabi at dumaan na sa eskinita
Madilim dito pero may nakikita parin ako, mga ginagawa bahay palang toh pero hindi natapos dahil namatay yung nagpapagawa ng mga bahay, wala panamang kamag anak yung nagpapagawa.
Nakalabas na kami ng eskinita at tumawid ako sa kalsada at naglakad ulit. Mga ilang sigundo na paglalakad nakita nanamin yung entrance ng village namin. Pumasok ako at pumunta sa bahay namin.
And... I saw again the guy!
Yung nakikisibat sa usapan namin nila mommy at siya yung laging tawag ng tawag sa peste kong nickname na 'ANN'
UGHHHH!
"Olivia, darling" Sabi ni Lola saakin tapos nakipag beso saakin.
Yung tipong gusto ko na talaga umirap at mag walk-out. Pero nuh-ah! Di puwede kasi nandito si Lola
"Grandma, hows your day?" Amg plastik ko noh?
"It's wonderful, hija" sabi niya
"That's great" sabi ko
"By the way Olivia, meet Jeffrey, ka-business ng Dad mo and inaanak ng Mom and Dad mo" sabi niya habang ini-introduce ako sakanya
I put a BIG FAKE SMILE
"Nice to meet you" sabi ko at inilahad yung kamay ko para makipag Shake hands, tinanggap niya yung shake hands ko
Pero.... oo may pero
Hindi normal na shake hands ang ginawa ko kasi sobrang higpit ng hawak ko sa kamay niya, yung tipong ilang sandali mababali yung buto niya
Halata sa mukha niya na sasaktan na siya kaya binitawan ko na
"Bakit siya nandito, Lola?" Tanong ko
"Oh, hindi ba sinabi ng Dad mo na magsta-stay siya rito?" Sabi niya kaya napa nga nga ako
"What? Una binago mo yung driver ko, pangalawa binigyan mo ako ng Bodyguard at di lang yon, papatirahin mo pa dito tapos ngayon ayang lalaking yan magsta-stay dito?! Oh mayh ghad" sabi ko at tuluyan nang umakyat sa kuwarto ko
Sa totoo lang gusto ko na talaga lumayas eh pero hindi pwede. HAHAHA
---------------
*knock knock*
"Mam Olivia, gising na po"
"Mhmm" ungol ko
"Mam?" Ulit uli ng maid
"Okay, saglit lang" sabi ko at kinusot yung mata ko
Nakatulog pala ako. Kinuha ko yung salamin ko at sinuot yun. Parang akong naiiyak.
Tumingin ako sa salamin at nakita ko namumula yung mata, siguro dahil nasarapan lang ako sa tulog. Dumiretso ako sa Cr at naligo at nagbihis
Pagkatapos kong magbihis kinuha ko yung bag ko sa bandang vanity table ko at lumabas na ng kuwarto Pagkalabas ko ng kuwarto ko, nakasalubong ko yung lalaki kagabi, Jeffery or Jeffrey? Basta may Jeff yun na yun
"Good Morning Olivia!" Bati niya saakin
"Good Morning Mr.Who-ever-you-are" sabi ko na nakangiti sabay taray at nauna nang bumaba
"Buti gising ka na Olivia, sabay ka na saamin" sabi ni lola matapos kong makipag beso sakanya at punta sa tabi nila Anna at Harold
Tapos nasa harap namin si Mr.Who-ever-he-is
"By the way, how school with Olivia, Anna and Harold?" Tanong ni Lola sakilang dalawa kaya napatingin sila saakin kaya tinaasan ko sila ng kilay
"Its Fine po, Lola Ella. By the way po Lola, may pupuntahan po kami nila Mam Olivia, para daw po sa project nila" sabi ni Anna.
"Okay, dapat nandito na kayo bago mag nine ng gabi. And Olivia, anong gusto regalo for your 18th birthday?" Sabi niya
Kailan nga pla birthday ko? Shack parang nakalimutan ko na, hahaha joke. Next 4 months pa naman yon. Pero ano ba pwedeng regalo. Oo December na yun, August pa lang naman eh kaya wala akong pakialam kasi 4 months pa
Gusto ko sana condo unit, pati narin kotse, pati isang malaking library hahaha. Kaso isa lang pwede dun. Kaya naman nila yun eh, isa pa, isa kami sa pinakamayabang pamilya sa buong mundo.
"Uhmm, my own car? Or condo unit nalang po" sabi ko
"Okay, kaso parang di ko gusto yung gusto mong regalo, kasi kapag ng karoon ka ng sarili mong sasakyan, pwede ka na pumunta kung saan saan, kapag sarili mong unit naman baka marami kang kalokohan gawin don" sabi niya kaya napa-pout nalang ako
Ang daya naman
"Kung sarili kong Library? Kasi sobrang dami ko nang book, yung iba di na nakalagay sa bookselve ko kaya na box na, mabubulok na yung mga books ko" sabi ko
"Pwede din, basta pagiisipan ko ng mabuti yung mga hiling mo hija" sabi niya kaya napangiti ako ng todo.
---------------
"Okay, I'll call it a day. Fast learner pala kayo"
"Kami pa!" Sabi ni Zyrae
"Len and Via, bukas na kayo kaya magready na kayo" sabi ni Marcus kaya patango tango nalang kami
Nilabas ko phone ko kasi may nagtext saakin
From Grammy:
Olivia, Im going to visit your aunt in Davao, nandoon ko for 1 month, so behave ka, wag kang gagawa ng kalokohan, and I cut you card for now kasi baka anong gawin mong kalokohan, if you need money hingi ka nalang kay Jeffrey, at sa pangkain mo sa school, sila Anna at Harold na ang bahala, bye darling
"What!?" Sigaw ko, kaya napatingin sila saakin
"Whats wrong Via?" Tanong ni Zyrae saakin
"Pinutulan ba naman ako ng credit cards! Kakainis naman!" Sabi ko.
"Hahaha, buti nga sayo!" Sabi ni Lenard kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Nakakatawa yon ha? Hindi naman ako gastusin eh!, tini-triple kill ako ni lola!" Sabi ko
"Anna, Harold uwi na tayo" sabi ko sakanilang dalawa at kinuha ko bag ko at dumiretso labas na ng studio
Nang makarating kami sa baba kumuha agad kami ng Taxi. Ilang minuto naka uwi na kami, pagdating namin dumiretso ako sa kuwarto ko at natulog.
[End of Chapter 10]