Aminin ko sa inyo. napaka pasaway ko nong nag high school ako. pina patawag lagi si kuya Rick dahil napakaingay ko daw sa school, lagi nalang ako sinasaway ng mga teacher. pero okay naman daw grades ko. "Pasang awa".
2nd year tumino ako konti. naging class officer P.R.O ewan ko kong ano meaning nyan. alam ko kasi na pinag tripan lang ako ng mga kaklase ko. sabi nila taga sita daw ng maiingay o gulo sa classroom. hahahaha natawa tuloy ako
at yon na nga..
sabi ng teacher namin non papuntahin daw mga parents or guardians para sa bigayan ng card. at ipapakilala daw sa kanila ang mga officers ng section namin.
"kuya Rick pinapatawad ka sa school. " sabi ko,
"baket May ginawa ka na naman ba?" tanong niya. medyo May pagka strikto kasi si kuya Rick. siguro dahil sa nag matured na siya. " ikaw sabi ko sayo mag aral ka ng mabuti para kina mama." sermon niya.
ang totoo gusto ko siyang mabigla na May nagawa naman akong matino sa school diba.. hahaha
"basta punta ka nalang dun. bigayan daw ng card." sabi ko. pero palihim akong ngumiti.
"try ko lang, maraming gagawin dito."sabi niya.
nagtatahi siya ng lambat. yon kasi negosyo ng tito namin.
Sila nagtatahi ng malalaking lambat para sa malakihang sasakyang pandagat.
"May tatlo daw akong bagsak." sabi ko sabay ngiti tapos takbo,
nakita ko pa mukha niyang galit sa sinabi ko.
Samin kasi ako talaga ang joker. lagi ko silang pinapatawa.
pag dating sa school nangangamba ako kasi baka hindi dumating si kuya. hapon kasi bigayan ng cards pagkatapos ng klase.
sabi ng teacher namin punta daw mga class officers sa room kung san sila mag me-meeting ng mga parents.
pag punta ko sa room hinanap ko agad si kuya Rick. nalungkot ako kasi hindi siya dumating. hanggang sa pinakilala na kaming mga officers.
Okay lang naman saken nahindi siya dumating dahil naiintindihan ko trabaho niya. tsaka makikita niya din yon sa mga room dahil working student din siya sa school.
mga ilang oras pa siguro kami nag kwentuhan ng mga classmate ko bago ako nag pasya ng umuwi.
Pag uwi ko, wala si kuya Rick dun sa bahay ni tita. pag tingin ko sa labas napansin kong kakauwi lang din ni kuya rick naka sakay sa bike niya. binili niya yon no'ng nagka sweldo siya ky tito. service niya daw.
pagbaba niya sa bike. lumapit ako sa kanya. tatanungin ko sana kong san siya galing kaso naunahan niya ko.
"galing akong school nakausap ko teacher mo. P.R.O ka daw." taas noo niya tanong saken.
"ou haha surprise sana yon ei kaso hindi ka dumating." natatawa kong sabi sa kanya.
"hmm.. " Kita Kong namumula mata niya. parang pinipigilan umiyak.
"mag aral kang mabuti. tandaan mo yan lagi, sige na umalis Kana baka maiwan kapa ng jeep papunta kina mama." every Friday kasi ako umuuwi kila mama tapos every Monday na ulit balik ko para mag aral ulit.
Pag uwi samin kinuwento ko kina mama nagyari. natawa sila sa ginawa ko.
hanggang sa sunod sunod na magandang nangyari sa school. naging side leader ako sa cheering squad. ayaw pa nga ni kuya Rick non. kasi wala daw siyang pang-suporta sa gagastosin. kaya okay lang saken na member nlang habol ko lang naman doon ang dagdag sa grades.
kaso makulit Yong mentor namin. sabi niya kakausapin niya daw kuya ko total kilala niya naman si kuya Rick.
"ako bahala sa kuya mo, si Rick kapatid mo diba?"sabi ng mentor naming bakla. si dudoy roberto.
"wag na masungit yon bahala ka dyan." natatawa kong sabi sa kanya.
"wala na kaming makuhang maliit na ipaparis doon sa isang maliit. ikaw lang nakakasabay sa kanila" pagpupumilit niya.
"susunduin ka ba niya tawagin Moko pag andyan na siya." dugtong niya.
sinusundo na ako ni kuya Rick ng bike niya para daw tipid na din sa pamasahe.
Dumating si kuya Rick habang nag pa-praktis pa kami. agad naman siyang nakita ng mentor namin. lumapit siya para makausap kinausap niya agad si kuya.
nakita kong umalis na si kuya Rick, nagtaka ako kasi kala ko sabay kami uuwi.
"oi potot.! " tawag niya saken. bansag nila saken. hindi naman ako bansot pero maliit lang akong tao mga nasa 5'2 ang taas. sabi nila pag potot daw cute.
"okay na sa kuya mo ahh. sabi sayo ako bahala ei." sabi ni dudoy robert.
natuwa naman ako sa sinabi niya. pati mga ka batch ko natuwa din. samin kasi ako lang ang nasa low section na nakapasok sa side leader. nakakatuwa talaga dahil Yong mga kasama ko matatalino, parang nakaka proud dahil napapabilang ako sa kanila sa pagsasayaw. pati mga teacher namin natuwa din dahil hindi nila inaasahan na May makukuha sa low section.
simula 2nd year hanggang graduating na ako nanatili akong nasa cheering squad.
doon din na subukan ang mga bagay na hindi dapat. nasa college na kasi si kuya non kaya wala nang tumitingin saken. May kumuha sa kanya para maka pag aral siya sa college.
Nasubukan kong mag cutting classes, gumala sa mga lugar ng mga classmate ko. natutong uminom ng alak, yosi. kahit sabihin naten try lang. pakisama ganun.
pag may mga event malapit sa school nagkikita kita mga ka batch ko. sila sila lang mga circle of friends nila. wala akong loyal friends o circle of friends noon dahil lahat ata ng mga ka batch ko ay kasundo ko. mapatalino man o hindi. mayaman o mahirap. nakasundo ko sila sinasabayan ko mga trip nila noon.
crush hindi marami pero silent lang ako hahaha. peto Hindi ako maganda para gustuhin din. cute lang ako. kaya Yong ibang ka batch ko natutuwa saken kasi patawa ako minsan. May nagkakagusto din kaso wala ayokong maging seryoso tungkol dyan, ayoko kasing sirain pangako ko sa mga magulang ko. bukod don ayokong maranasang masaktan. okay na saken Yong ma try ko Yong mga ganyang kilig kilig.
first kiss meron.
ang dami kong crush nakaka tawa. baket.? kasi bawal mag boyfriend noon kaya hanggang sa mag ipon nalang ng crush crush na ganyan. hahaha.
si Dennis, Jhon, Chris, si Jay, si fafa trick. hahaha landi. hanggang dyan lang ako.. hindi naman ako kasing ganda ng pinsan kong si Leenzy para gustuhin din.
si leenzy din isa sa dahilan kung baket din ako napapansin. pansinin kasi yon masyado. bukod kasi sa maganda na sexy pa. kaya ibang ka batch naming babae hinahamon yan. palaban din kasi yan, duhh! nasa dugo naming mga waray yan.
ako napansin lang dahil sa talent. yeah.. talent lang meron ako at pakikisama.
simula nang nababalitaan ni tita na nasasangkot nga sa gulo yang pinsan kong si Leenzy. hindi na yan pinapayagang umalis ng hindi ako kasama. charrot.! hahaha paalam namin lagi, May bibilhin lang, May kukuning notebook sa kaklase. pabor din naman saken dahil para maka gala na din kahit saglit lang hehehe. dyan kami naging magkasundo ni leenzy.