Nang niyaya ako ng pinsan ko na pumunta sa covered court kung san May ganap na sayawan.
ang totoo niyaya lang ako ng pinsan ko kasi wala siyang kasama pag uwi. magkikita sila ng mga kaybigan niya.. classmate ko din pinsan ko kaya lang siya kasi my solid na kaybigan. mga ka close ko din naman mga kaybigan niya kaya hindi ako magiging OP sa kanila.
Sa harap ng school namin ang covered court kaya don nila naisipan na magkita.
Nong ma completo na sila. nagyayaan na sila papunta sa bahay ng isa sa mga kaklase namin. gulat pa nga Yong iba kong baket andun din ako e. sabit lang ako ni Mabel, kasi nga hindi din siya papayagan ni tita Liza kong hindi ako kasama. kaya ayon napainom na din.
Nong nakainom na lahat ay nayaya na sila na pumunta na sa covered court para sumayaw.
kaso itong pinsan kong leenzy ay may iba pang gagawin. ewan ko sa kanya pero nahihilo nako nong oras na yon.
"oi zy naiihi ako. " sabi ko kanya.
"ako nga din ei. wait lang naten si Mariz tsaka si Chelsea May pag usapan lang kami."sabi niya saken
Habang papunta kami dun sa gilid ng school sa May small gate na para lang sa mga highschool ang pweding maka pasok don. sakto naman nag bukas yon at nagtaka naman kami kong baket bukas.
Yong May hawak kasi ng susi non ay ang bagong working student na 2nd year na si zuni
"hoy baket bukas yan." sita ng pinsan ko. sakto naman na dumating na si mariz.
"hah baket.?" halatang nakinom na ang boses niya.
" anong baket.? May ginagawa kayo dito noh. baket parang lasing ka.?"
pagbubuking ng pinsan ko.
"sino yan.?" tanong ni Jin na kaklase din namin magkapitbahay sila ni zuni kaya hindi na kami nagtaka dun.
"oh si Jin pala yan ei."sabi ni Mariz.
dumungaw naman si Jin sa gate.
"oi kayo pala. sinu hinihintay nyo dyan.?" tanong ni Jin.
"si Chelsea malapit na daw siya hinintay niya lang Yong papa niya makatulog bago daw siya umalis." paliwanag ni leenzy.
"papasukin mo na muna sila Jun baka May makakita pagalitan ako ni mam pag nalaman niya na bukas tong gate ganitong oras." sabi ni zuni.
"ay sige pasok muna kayo. tumatagay kami ei kaso ubos na isang bote ng Tanduay lang naman." sabi ni Jin habang papasok kami ay ramdam ko pa din ang pagkahilo. at naiihi na talaga ako.
"sino kasama nyo dito?" tanong ni mariz.
hindi naman ako kumikibo kasi nga nahihilo ako. konti lang naman nainom ko. mix kasi ininom nila kaya ramdam ko. hindi naman ako sanay sa alak.
"mga kaklase din ni zuni kaso umalis na din. sumilip nga si Neo dito kanina ei tinatanong kung andito ba ibang kaklase naten."
papunta kami sa waiting area at naupo kaming lahat dun. nang mapansin namin na my ibang studyante din pala ang nandito mga kaklase ni zuni mga lovers na nakaupo sa madilim.
nag tinginan kaming tatlo ni leenzy at Mariz ng May ngiting alam Mona..
"sino kasama nga pala kasama niyo.? tanong ni Jin na tinutukoy ay ako.
"si rich yan. omg hindi mo nakilala.? lasing Kana siguro. " tawanan kami.
"ganun naba ako maitim para hindi ma ma mukaan? " natatawa kong tanong.
"haha hindi ahh nagulat lang ako na kasama ka nila. nakalimutan ko pinsan ka pala ni leenzy." paliwanag ni Jin.
ngumiti lang ako. kilala kasi tong grupo ng pinsan ko na mabilis umusbong. ibig sabihin sila Yong mga lumabas agad ang hulma sa katawan. siguro kaya nagtaka sila na kasama ako.. hahaha may hulma nadin ako kaso un nga kinapos lang ako sa taas. matangkad kasi pinsan ko kesa saken ei.
"ay wait malapit na daw si Chelsea sa gate. jin bukas ba Yong CR.?"
"thanks zy buti natanong mo." napangiti ng inirapan ko siya.
"ou nga ako din " sabat ni Mariz.
"wait tanungin ko si zuni cya May hawak ng susi ei." tumayo siya at nag lakad papunta sa pwesto ni zuni na nakaupo kasama mga kaklase nito.
saktong dumating si Neo at Chester na halatang nakainom din.
"andito pala babe ko ei" sabi ni Neo at lumapit sa kinauupuan ko.
" babe your face." nakita kong nagtawan si zy at Mariz kaya natawa na din ako.
nalabiro kasi si Neo at hindi mo makikita na nagsiseryo Yan sa lahat ng bagay. pag nakita ng ibang mga kaklase namin na natatahimik yan inaasar agad yan na May saket.
hindi sila sanay na tahimik si neo. kaya nong binara ko siya ay nagtawanan kaming nandun.
Nong dumating si Jin ay nag apiran na sila ni Neo at chester. ganun sila pag nag kita kita halos buong batch magkakasundo kahit hindi same section..
"hindi open ang CR pero sa likod non pwde kayo umihi secure naman dun. kami na bahala dito sa bungad.
tumayo kaming tatlo ni leenzy at mariz. naglakad kami sa bandang likod kung san madadaanan namin Yong sinasabi nilang classroom na tinitirhan dati ng teacher at doon din namatay.
well hindi mawawala sa highschool life ang ganyang kwento.
nagmadali na kaming umiihi isa isa. nauna si leenzy sumunod si Mariz at ako ang huli..
pagtayo ko nagtaka ako nauna na sa paglalakad Yong dalawa. kausap na pala ni leenzy si Chester at si Maria naman ay May kausap sa cellphone na kasunod lang din ni leenzy. wala si Neo dahil bumili daw ng yosi.
naglakad na ako sumunod sa kanila ng my sumabay sa paglakad ko. si Jin.
"hi tot." tsk Asik ko hindi na kasi mawawala sa mga kaklase ko Yong tawag na yan saken. short for potot.
"baket.?" tanong ko na medyo nag sungit.
"hehe nakalimutan ko kasing pinsan ka pala leenzy sorry kanina" nakangiti niya sabi habang nagkakamot nag batok.
"hah ok lang hindi naman kami magkamukha ni leenzy kaya hindi talaga halata na mag pinsan kami."
paliwanag ko na nahiya.
totoo naman kasi kung hindi sa middle name namin hindi mo mahahala na mag pinsan kami.
maganda kasi si leenzy matangkad sexy maputi kissable lips pa. samantalang ako eto cute lang morena. payat hindi ko din alam kong sexy ako. haha
mabagal ang hakbang namin ni Jin non at naramdaman kong kumilos ang kamay niya sa kamay ko. nabigla ako nang hinawakan niya kamay ko. huminto ako ata tinignan siya.
"wala namanng May magagalit kong hahawakan ko kamay mo." Naka ngiti niya sabi.
"h-hah.?" napa nganga at na statwa ako sa sinabi niya. "wala." sabi ko tiningnan ko si leenzy at Chester na nag usap sa madilim. ngumiti ako dahil alam na this.
habang si Maria naman ay Naka abang sa gate tinitignan kung anjan naba si Chelsea.
pero laking gulat ko nang bigla akong isinandal ni Jin sa room at hinalikan.
namilit ang mata ko dahil hindi ko inaasahan yon. hawak niya parin isang kamay ko habang hinahalikan ako pero pinalo ko dibdib niya at itutulak na sana kaso bigla niya sinalo ng isang kamay niya ang kamay ko at dinala sa leeg niya habang pinag bubutihan niya ang halik sa mga labi ko. hanggang sa nadala na ako at sumabay nako sa mga halik niya. binitiwan niya isang kamay ko at dinala din ito sa leeg niya.
shit first kiss ko. parang nakakalasing lalo
hinawakan niya ang bewang ko at nilapit sa katawan niya. nakakulong ako sa mga bisig niya habang hindi pinuputol ang halikan namin. akmang lalayo na ako dahil hindi na ako makahinga pero bigla niya hinawakan ang batok ko para hindi lumayo. napapa sabunot ako sa buhok niya sa klasi ng halik niya.
"pssst hoy rich.! " tawag ni mariz.
nabigla ako at tinukod ko ang kamay ko sa dibdib ni Jin para itulak siya pero labi lang namin ang naghiwalay. magkayakap pa din kami na magkadikit ang noo.
tinignan ko siya mata sa mata pero parang kinikilig ako nong nakita kong nakangiti siya habang nakatingin din saken.
nilingon ko ang gawi ni Mariz at nakita kong Nadin na pala din ang pinsan ko.
"bilisan niyo na dyan, andito na si Chelsea." tawag ulit ni Mariz.
binitiwan na ako ni Jun sa pagkakayakap niya at hinawakan ako sa kamay. sabay kaming naglakad papunta sa mga kasama ko.
Naka ngiti lang silang Naka tingin samin..
"alis naba kayo?" tanong ni chester.
"ou, may pag uusapan lang kami ni Chelsea tap uwi na din." sagot ni leenzy.
"ahh.. sige." maiksing sagot din ni Chester.
" tara pre yosi muna tayo." baling niya kay Jin. "andito na si Neo kaso lumabas lang ulit naghanap ng pangsindi ng yosi."
"sige doon nalang tayo sa waiting shed baka May maka kita saten dito yari tayo." natatawa pang sagot ni Jun.
binitawan na ni Jun ang kamay ko at ngumiti lang sabay talikod na para masabayan niya si Chester sa pag lakad.
"grabe mag pinsan nga kayo." pAng aasar ni Mariz samin ni leenzy.
"hahaa kiss lang yon tsaka asa pa yang Chester na yan kala niya saken." natatawang sabi niya at nabaling saken ang tingin.
" oi rich ahh marunong ka din pala." pang aasar niya saken habang nagtatawanan kami.
"nabigla ako noh.! but I'm not serious about the kiss duh.!" natatawa akong inirapan sila. pero palihim akong napangiti feeling ko kinikilig ako.
"nothing ka dyan. hindi kiss yon.! laplapan yon.!!" pang-aasar ni Maria at nag tawanan naman ang tatlo.
"Yong kiss katulad ng ginawa ko chest. "pag tatama ni leenzy saken..
bahala kayo dyan basta nahihilo ako.
"asan si chest." tanong ni Neo na hindi namin namalayan na papalapit na samin.
"andun kasama ni Jin sa waiting shed." turo ni leenzy.
tumingin lang si Neo saken at dumiretso na sa pwesto nila Chester. nakita kong nag iwas siya ng tingin saken ng ngumiti ako. salubong kilay ko na nagtataka kong baket siya naging seryoso at parang hangin na dumaan sa harap ko.
napansin naman ni Mariz yon kaya lumapit siya saken.
"alam mo matagal siyang nakatayo at nakatingin lang kaya yon kanina sa inyo ni Jin habang naghahalikan." seryosong sabi ni Mariz na umabot naman sa pandinig ni leenzy.
"talaga.?? " Takang tanong niya. "naks.! May gumaganun sayo?" pang-aasar neto sabay batok.
"aray.!! tigilan nyo nga ako."
"wow tot May umiibig sayo? " pang aasar naman ni Evelyn na hindi ko alam na nakikinig din pala samin. kasama siya ni Chelsea.
nagtawanan lang kami ng suminyas na si Chelsea na lumabas na ng gate.
"tara na nga.." sabi ni leenzy sabay akbay saken.
"pero marunong ba si Jin magaling ba.?" pang aasar niya saken..
"heh.. bilisan mo na nang maka uwi na tayo nahihilo nako ei." pag iiwas ko sa kanya.
pero ang totoo ramdam ko padin sa mga labi ko.
Ganun siguro pag first kiss mo. kahit patulog Kana ramdam mo pa din..
napangiti nalang ako sa nangyari. hindi ko alam kong anong mangyayari bukas.